CHAPTER 13

Chapter 13

"Ate Bia, okay na ba ang light make-up lang?"

Magandang ngiti ang sumilay sa labi niya bago tumango.

Nakareceive na ako ng text kay Chio na nasa labas na siya at hinihintay ako kaya mabilis na akong bumaba.

Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi nang makita siyang kausap si Dalia sa labas. Ang kamay ng babae ay humahaplos sa braso niya habang tumatawa. Chio was slightly smiling at her. Nakita na niya ako kaya mabilis siyang natalima at lumayo sa babae.

"Babe," he smiled at me, kaya ngumiti rin ako.

"Babe?" ngunot noo na tanong ni Dalia. I just smirked inside. Lumapit sa akin si Chio at hinawakan ang kamay ko. "Are you.."

"Yes," he answered with a smile on his lips.

Kita ang gulat na dumaan sa mga mata ni Dalia dahil sa direktang sagot ni Chio.  Sorry for bursting out your bubbles of hope, pero bet na bet ko 'yon. Masyado na niyang kinuha ang atensyon ni Chio nung mga araw na palagi niyang dahilan ang org. I'm not seeking attention of Chio, pero ayaw kong makita na mas binibigyan niya ng atensyon ang iba, lalo na kung kagaya ng babaeng ito.

Palihim na umirap sa akin si Dalia pero hindi ko na pinansin. Hinawakan ko ang braso ni Chio para ayain na siyang umalis. It's just a waste of time kung mananatili kami doon para makipagplastikan sa Dalia na 'yon.

"Are you okay?" tanong niya habang nasa biyahe kami.

"Hindi," napakagat ako sa labi nang napaawang ang labi niya sa akin. "Kiss mo 'ko,"

"Sure," aktong lalapit na ang mukha niya sakin ay natatawa ko iyong ibinalik patingin sa daan.

"Gago, baka mabangga ka!"

"Ayaw mo 'non? till death do as part tayo,"

Pareho kaming natawa. Nagretouch pa ako nang nasa tapat na kami ng bahay nina Jak. Natanaw ko sina Rhian at Kade na kararating lang din kaya bumaba na rin kami sa kotse.

"Nich.." he whispered. "You're my pretty little ehu girl, who made me a fool in love.." pagkanta niya.

Napangiti ako. My cheeks blushed while staring at him. We stared at each other for a minute before we take back our senses.

"Tara na," aya ko bago humawak sa braso niya.

May kataasan ang heels ko dahil sabi ni Ate Bia ay ito daw ang bagay sa dress na suot ko. Halos kasing tangkad ko na tuloy si Chio.

Lumapit kami kina Rhian at Kade na may seryosong usapan pero tumigil nang dumating kami.

"Wow, Nich! Dalagang-dalaga na ang bebe natin!" kinurot ni Kade ang pisngi ko kaya naging alerto si Chio. He pulled me closer to him at inakbay pa ang braso sa balikat ko. "Hanep talagang damot nitong si Chio, jowa ka?"

"Oo,"

Napakurap-kurap ako dahil sa maagap niyang sagot. Ngumiti si Rhian sa amin kaya nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay mapapagsabihan niya pa ako. Pero itong si Kade ang mukhang hindi makapaniwala sa nalaman.

He heaved a sigh. "Sinuway niyo ang batas ko! Mga hangal!"

Umirap lang ako sa kanya bago natawa. Pumasok na kami sa mismong cater at nakita ang ilan pa naming schoolmates noong SHS at ngayong college. May maliit na stage rin malapit sa pool at dito naman sa garden ang food cater na bunggang-bungga. Naka-long sleeve polo ang mga lalaki at ang mga babae ay naka-dress.

"Babe, let's eat?" bulong sa akin ni Chio kaya tumango nalang ako. "Don tayo sa table nina Rhian, upo kana 'don,"

Muli akong tumango sa kanya bago naglakad patungo sa table kung nasaan si Rhian. Hinahanap ng mga mata ko sina Astryl at Serrah pero hindi ko makita. May kanya-kanyang grupo ang mga bisita at medyo marami rin.

"Ang gaga mo girl! Ba't ka pumatol sa kaibigan!" pang-aasar ni Rhian. Tumawa pa siya kaya napanguso ako. "First time 'yan, ingat ka sa pagsugal ha," seryoso ng sambit niya.

"I know," ngumiti ako.

Lumapit na ulit si Kade sa amin at may dalang pagkain para kay Rhian. Tinanong niya pa kung ikukuha ako, kaya umiling nalang ako. Palapit na rin naman si Chio sa amin at may dalang dalawang plato na may lamang pagkain.

He suppress a smile while biting his lower lips as he sat beside me. Parang naninibago rin siya sa bawat tagpo, same here. At mas lalong nakakailang ay ang mga mapanuksong titig ng dalawa naming kasama.

"Rhian, hahanap na 'ko, sana ikaw rin."

"Hahanap ka palang nakahanap na ako, how pitiful you are, Kade Dasian."

Nangunot naman ang noo ko sa narinig. "Who's that not so lucky guy of yours, Rhian?"

Ngumisi si Kade. "Engineering student, wala namang label amputa. Kung makapagmalaki wagas!"

Pino siyang kinurot ni Rhian sa braso kaya napangibit ito. "He's courting me! Duh!" umirap pa ito sa lalaki bago bumalik ng tingin sa akin. "MU lang,"

"Masamang Ugnayan.." pang-aasar ni Kade.

"Bakit hindi mo sagutin?" I asked out of confusion. Ngumiti ito sa akin at nagkibit balikat.

"Family probs," may kung anong lungkot na dumaan sa mga mata at sa paraan niya ng pagngiti. "His family and mine are not in good terms, so...hindi ko alam, bahala na." she chuckled.

Natahimik kami pagkatapos 'non. I know her, ayaw niyang pinag-uusapan ang mga ganung bagay, lalo na at about sa pamilya niya. Kahit pa maraming tanong ang gusto kong masagot niya ay nanahimik nalang ako.

"Hey!"

Sabay-sabay kaming napalingon sa likuran at nakita ang nakangiting si Jak. He looks good on his navy blue long sleeve polo, nakababa ang tatlong butones niyon na mas lalong nagpalakas ng dating sa kanya.

"Thanks for coming, buddies." a smile appeared on his lips.

"Oh, ayan! Kompleto na tayo!" saad ni Astryl habang hila si Serrah. Nasa likod din nila si Alle na ngumiti naman sa amin.

I damn felt guilty. Kung hindi dahil sa nangyari na iyon ay hindi magkakaganito ang pagkakaibigan namin.

"Picture naman tayo na magkakasama," sabi ni Jak bago tinawag ang isang photographer na hire ng Mama niya.

We make a pose, starting with a serious one, ends up with crazy and memes pose. Halos nagulo ang polo na suot ni Jak dahil sa amin. Ayun tuloy, nakanguso siya nang kuhanan ulit kami ng picture.

"Tama na, baka mabasag ang camera sa kagandahan ko." anas ni Serrah.

"Ang kapal naman ng mukha mo," si Astryl.

Natawa nalang kami sa asaran nila. Chio snaked his arms on my waist. Nakatingin parin kami sa mga kaibigan naming nag-aasaran. I want to removed his arms on my waist but he didn't let me.

"Chio.." I muttered. He rest his chin on my shoulder.

"hmm?" I can feel his breathe on my neck.

"Naiilang ako,"

Pagkasabi ko non ay umayos na siya ng tindig at hinawakan nalang ang kamay ko.

I noticed Serrah staring at us. Tipid lang siyang ngumiti sakin bago ulit nakipag-asaran sa mga kaibigan namin.

"May after party ba?" tanong ni Astryl kay Jak.

"Wala. Pero if you want, tayo-tayo nalang."

Magalak naman siyang napayakap kay Jak dahil sa sagot nito.

Nagpaalam na si Jak sa amin at lumapit muna sa iba niyang bisita. Mga classmate niya siguro yung isang grupo na pinuntahan niya. Mga elegante at expensive ang mga suot nilang mga dress, halatang yayamanin.

Si Astryl at Rhian ay lumayo rin sa amin at lumapit sa ibang kilala. Ang naiwan lang ay si Serrah, napangiti ako nang mapansing mukha lang siyang naiilang pero parang kanina pang balak magsalita.

"Se, galit ka pa rin?" mahinang tanong ni Chio dito. He did grab the chance. "Sorry na..hindi na mauulit," he pouted.

Pabiro namang umirap si Serrah sa kanya bago tumabi at kumapit sa braso ko.

"Dapat lang. Pasalamat ka at mabait ako...at namiss kita," napanguso siya kaya pareho kaming natawa ni Chio. "Kalimutan mo na 'yon, magda-dalawang buwan na rin naman 'yon."

"Mas nagalit ka pa kesa sakin, e ako nga dapat ang galit d'yan e,"

Hinampas niya agad ako sa braso habang natatawa. "Marupok ka e,"

"Still, I'm sorry." sabi ni Chio bago kami niyakap.

Nang umakyat si Jak sa maliit na stage ay nagsalita ito sa mic at mayamaya lang ay nagtawag ng ilang bisita para pakantahin. Syempre isa don si Chio. He sing a song entitled 'I'm yours' by Jason Mraz. Nakakaboses niya rin ang kumanta non at dahil sa meaning ng kanta, hindi ko na naman maiwasang mamula. Pakshet ka talaga, Zachiro!.

Kita ko ang pagngisi niya sa akin dahil malamang sa pamumula ko. Siguro next time kailangan ko ng damihan ang powder sa mukha.

Mag-aalas syete na nang umalis ang karamihang bisita, kaya pumasok na kaming barkada sa loob ng bahay nila. Nakasalubong ko naman sa may kusina si Tita Jaicy (Mama ni Jak) kaya nakakwentuhan ko pa ito. She's very kind, siya lang ang parents ng mga kaibigan ko na nakakatawanan namin. Minsan ay siya pa ang nag-gogrocery ng mga pagkain namin twing dito kami sa bahay nila tumatambay.

"Ma, sa labas muna kami." paalam ni Jak bago ako hinila palabas.

Kami nalang ang tao ngayon sa labas at nakita ko ang mga kaibigan namin na nasa tabing pool, kaya doon kami nagtungo.

"Hoy legit ang kahihiyan ko kay kras kahapon. Zero ako sa quiz!" bagsak balikat na anas ni Alle.

Naupo ako sa tabi ni Chio habang natatawang nakatingin kay Alle. Busangot ang mukha niya na parang dismayado talaga sa crush niya, or should I say long time crush.

"Mag-classmate parin kayo?" I asked.

"Oo, destiny kami 'non e."

Biglang pumitik sa hangin si Chio kaya nakuha niya ang atensyon ko.

"Parang tayo, lodibabe." ngisi pa nito. Nagmurahan ang mga kaibigan namin dahil sa kanya.

Kung classmate niya parin si Kylen ngayon ibig sabihin kaklase rin ito ni Serrah. Kaya pala siya ang pinakamalakas na tawa kanina.

"Ayaw mo 'non? Napangiti mo siya!" tawa ulit ni Serrah kaya nilapitan siya ni Alle para pabirong yakapin sa leeg. "TangApple ka, Allenon! Hindi ako makahinga!"

Binitawan naman siya ni Alle pero winisikan naman ng tubig mula sa pool ang mukha. Yun tuloy angal ang babae dahil matatanggal daw ang make-up. Aliw na aliw lang kami na pinapanood ang dalawa. Kung wala lang silang crush pareho, mapapagkamalan rin silang magjowa.

Naglabas ng alak si Jak at ipinatong iyon sa isang mesa kaya lumapit kami doon at pabilog na naupo.

"Babe, it's your first time." paalala sakin ni Chio. "Magtubig kana lang,"

"Ayoko nga, natatakot kalang na matalo ka sa inuman e,"

"Nanghahamon ka? Seriously?" he smirked.

"Natatakot ka? Seriously?" pinaningkitan ko siya ng mata.

Inilapag ni Jak ang dalawang baso ng alak sa harap namin. Amoy palang ay nakakahilo na, pero lemme try. Kinuha ko ang isang baso at nilagok ang alak na laman niyon. Ramdam ko ang paguhit ng init sa lalamunan hanggang tyan ko dahil doon. Inabot ni Serrah ang crackers na pulutan namin kaya kaagad kong isinubo iyon.

Nakailang shot rin ako hanggang maramdaman ko ang pagbaligtad ng sikmura ko. Patakbo na akong pumunta sa cr nila para sumuka. Halos matumba ako sa may lababo kung walang humawak sa braso ko.

"Nich, ang tigas kase ng ulo.." he caressed my back.

"Wala namang malambot na ulo e," mahina akong natawa. Damn, effect of alcohol!

Napapikit ako nang isinandal niya ako sa pader. I can feel his lips on my cheeks, I already lost my balance. Muntik na ulit akong matumba kung hindi niya ako nahawakan ng mahigpit. I hugged my arms on his neck. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita kung gaano kalapit ang mukha niya sa akin.

"Babe..I forgot to say something.." I said in a mellow voice.

He smiled while leaning his forehead on mine. "What is it?"

"Y-You look dashing..."

He kiss my forehead down to my cheeks, till he reached my lips. It's was our second kiss. More passionate and lovable. It's just a soft and gently kiss of him but made me feel in love again, over and over again.

He leaned his forehead on mine while holding my back. I brushed his cheeks and chuckled.

"You are my first love, Chio." I said in a melidious voice.

He smiled. "And your forever love,"

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top