CHAPTER 12
Chapter 12
"Namumula ka," ngumisi ito sa akin at pinagsusundot ang tagiliran ko.
Tumalikod ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi ako makarecover sa halik niya. Fuck! What the fuck?!
Napahawak ako sa pisngi dahil ramdam na ramdam ko ang pag-init ito. He's chuckling when he saw my reaction. He came in front of me to give me a teasing looks. Agad ko siyang nahampas sa tyan.
Natatawa niyang hinula ang mga kamay ko at isinandal ako sa railings bago tinitigan sa mga mata.
"Be good to your boyfriend from now on, Xinichi. You, sadistic baby." ngisi nito.
"B-Boyfriend agad?" nanlaki ang mga mata ko habang napapalunok. He wrapped his arms around me then he kissed my temple.
"Gusto mo bang ligawan pa kita?" he whispered.
Umiling ako. I stared on his eyes, kagaya ng labi niya ay nakangiti rin iyon sa akin. Pinakawalan na ako ng mga bisig niya kaya nagawa kong mag-iwas ng tingin.
"P-Pano si...D-Dalia?" I stuttered. Biglang bumalik sa isip ko ang imahe nilang dalawa na naghahalikan. I unintentionally caressed my neck. Pakiramdam ko ay may nagbabara sa lalamunan ko.
"Nich," he called me in a terrified way. Napatingin ako dito at nakita ang kanyang pagnguso. "Hindi ko gusto ang ginawa niyang iyon...lalo na at alam kong nakita mo." he sighed. "Let's make things clear, Nich. Walang namamagitan samin ni Dalia, kung ano man 'yung nakikita mong namamagitan samin, wala 'yon, hindi yan totoo. You know me, Nich. I don't play girls."
Tumango ako sa kanya at tipid na ngumiti.
"And..between you and Raven?"
Mahina akong natawa dahil sa tanong niya. "W-Wala..He's courting me..We're close, I like him...pero hanggang kaibigan lang. Ikaw ang..." muli akong namula dahilan kaya muli siyang napangisi. "gusto ko.." I damn want to run away!
"Gusto lang?" he pouted. "Ako kase, mahal na kita." napakamot siya sa batok bago tumalikod sa akin. Napangiti ako.
He has an effect on me, I never thought that I has an effect on him too.
"Ah, C-Chio..."
"hmm?"
I gulped. "A-Ano na tayo pagkatapos nito?" hindi parin ako makapaniwala. I need his answer clearly.
"You're mine, I'm yours." he said in a melodious voice. Lumingon ito sa akin at ngumiti. "Wag kang mag-alala, bebe ko. Wala namang mababago sa atin. Magkaibigan parin tayo, naglevel up lang ang nararamdaman natin sa isa't isa."
Napakagat ako sa labi at napatawa nang tumawa rin ito.
He hold my hands while we're walking on the hallway to our room. Pansin ko ang kakaibang tingin ng mga nasa paligid kaya napakagat ako sa babang labi. I know, sanay na ang iba sa kanila na hawakan ni Chio ang kamay ko, pero ewan ko, ako lang ata ang nag-iisip na kinukwestyon nila ang holding hands while walking na scene namin ni Chio.
Nakita ako ni Thea nang makapasok kami sa room at napangisi ito. Inirapan ko lang siya bago naupo sa sariling upuan.
Wala pa naman ang teacher namin kaya naglabas ako ng cellphone para magfb. I just scrolled up and down, hanggang nabasa ko ang post ng katabi ko.
Prince Zachiro Falter
3 days ago
Lodibabe 💖
Iyon lang ang nakalagay pero mabilis na dumagundong ang dibdib ko. Medyo pumihit akong patalikod kay Chio para hindi niya makita na namumula ako. Damn, I don't know why my face is so expressive. Napapaghalata tuloy akong kinikilig.
Nagreact lang ako ng heart doon at nagbasa ng comments. Medyo tinakpan ko pa ng panyo ang gilid ng cellphone para hindi niya masilip.
A lot of his admirers leave a comment. Kesyo, baka daw sila iyon. At ang comment naman ng kamember niya sa org, sinasabing baka daw si Dalia. Our friends also leave a comment.
"Nich! May dalaw ka sa labas!"
Sigaw ng lalaki kong kaklase nang maglunch time na kami.
I intently looked at the man beside me, nakanguso ito sa akin kaya napangisi ako.
"Kakausapin ko lang.." tumayo na ako bago ulit tumingin sa kanya. "Do you want to come with me?"
He shooked his head. "Hindi na...I trust you, babe."
Hindi naman iyon ang unang beses na tinawag niya akong ganun pero hindi ko maiwasang manibago. I always find my heart racing with his presence.
Ngumiti lang ako sa kanya at lumabas na sa room. Nakita ko agad si Raven na nakasandal sa may pader at nang makita ako ay umayos ito ng tindig at nakangiting lumapit sa akin.
"Lunchdate ulit tayo," he cheerfully said.
Nakangiti akong napaiwas ng tingin.
I know at nasabi na rin niya sakin na okay lang sa kanya na patigilin ko siya, pero nagi-guilty parin ako. I don't know how to start.
"Nich?"
"Ha?" napakamot ako sa ilong nang mapatingin ako dito. "Raven...you should stop pursuing me."
Napatitig siya sa akin at marahang tumango. He took out a deep sighed before he smile. "I understand....You love him, right?" he asked.
"Y-Yes, I'm sorry Raven."
"Okay lang. I won't force you to like me back, sapat na sakin na makita kang masaya..sa kanya. Pero,"
Napawi ang kaba na nararamdaman ko nang makita itong ngumisi. "Pero?"
"Bayaran mo ang mga nagastos ko sayong toron at lumpiang shanghai, pati na rin ang milktea na-" mabilis ko siyang hinampas sa braso na tinawanan pa niya. "Oh bakit? Ang laki ng nagastos ko sayo, Nichipot!"
"Gago ka!" naiinis ko siyang sinabunutan at kahit may nakatingin ay wala akong pakialam. "Mayaman ka naman, wag na!"
"Aba," patulak ko siyang binitawan nang marinig ang tawa niya. "Nagbibiro lang ako, ikaw talaga. Let's be friend, Nich." he smiled.
"Matagal naman na tayong magkaibigan ah," I patted his shoulder. Nagkangitian kami bago ako nagpaalam sa kanya.
Mabuti nalang at hindi siya kagaya ng ibang lalaki na mahirap umintindi. Raven is so understanding, simula noong naging magkaklase kami ay hanga na ako sa mind set niya. May pagka-istrikto pero mabait.
Nakita ko si Chio na naglalakad na papasok sa canteen kaya mabilis ko itong sinundan. Sinanggi ko ang braso niya kaya lang nito nalamang nasa tabi na niya ako.
"Nag-usap na ba kayo ni Alle?" I asked. Hindi ko pa ulit nakikitang magkakasama kami ng buo simula noong nangyari sa akin.
He sighed. "Oo, kaso si Serrah...Ang hirap paamuhin kapag babae. But I will try my best, kasalanan ko naman kung bakit sila nagalit e,"
No, it's my fault. Gusto ko mang sabihin iyon sa kanya ay tumahimik nalang ako. Our friendship had cracked because of me, it's not his fault na may nang bastos sa akin.
"Anyway, bakit parang hindi kana sumasama sa org niyo?" napansin kong ilang araw, linggo na siyang hindi tinatawag ng org nila.
"I quit." he sighed. Panandalian kaming tumigil sa mismong pintuan ng canteen dahil doon.
"Why? Akala ko ba gusto mong--"
"I don't want to leave you alone, again. I will turn back everything for us, yung dating palagi tayong magkasama. I won't take odds na alam kong makakasira lang sa atin." he then pinched my cheeks.
"Hindi mo naman kailangang umalis.." napanguso ako at tumalikod na sa kanya. "Naninibago ako sayo, Chio. 'Wag ka ngang magsalita ng ganyan, ampanget mo palang maging matured."
Narinig ko ang tawa niya kaya pumasok na ako sa canteen at pumunta sa line para umorder. I saw my friends on different tables, kasama ang mga ibang kaibigan. Nakakalungkot na unti-unti ng nagbabago ang lahat.
"Nich, ako na ang magdadala niyan." inagaw ni Chio ang tray na hawak ko at dinala sa table namin.
I sat beside him. Napangiti kaagad ako ng makita ang pag-ayos niya ng pagkain sa harap ko.
"Babe, pineapple juice 'to, tama na ang softdrinks." sabi niya at binuksan ang can.
"Babe, baby, bebe ko...ano pa?" anas ko dito bago nagsimulang kumain. He smirked at me.
"Lodibabe," kumindat ito sa akin kaya napangiwi ako.
"Final CS,"
"lodibabe,"
Bigla niyang kinurot ang pisngi ko kaya muntikan ko na ulit siyang mahampas, mabuti nalang at kilala na niya ang galaw ko, mabilis siyang nakaiwas.
Pakiramdam ko ay namumula na naman ang pisngi ko. Taena naman oh, bakit ba kase ang babaw kong kiligin. Hindi ba gusto ng iba ay iyong hard to get? Para daw may thrill. Pero bakit na-easy to get ata ako nitong prinsipe ng Forzeo na ito? He did got me that easy!
"Xinichi! Zachiro!"
Nang mapadaan kami sa gym ng school ay nakita namin si Astryl na panay ang sigaw. May kasama siyang isang babae at dalawang lalaki, siguro ay kaibigan or kaklase niya.
Lumapit kami sa kanya at ngumiti sa mga kasama nito.
"Namiss ko kayo!" bigla niya kaming hinila para mayakap at pinaghahalikan pa kami sa pisngi.
"Astryl, stop it!" saway sa kanya ni Chio na inirapan lang nito. He pouted at me, I couldn't help but to laughed.
"Anyway, birthday ni Jak sa sabado, at may party-party tayo!" magalak na sabi nito. "Wait, 'wag niyong sabihing hindi niya sinabi sa inyo,"
"He texted me," sabay naming sagot ni Chio. Hindi ko matandaan kung kailan pero natatandaan kong about sa party niya yon.
"Formal party daw kaya we need to buy gorgeous dress na!"
"Sasamahan ko na kayo ni Nich mamaya,"
"Sure ka?"
"Yes, lodibabe." he winked.
Napanganga si Astryl sa harap namin kaya natatawa ko itong pinitik sa ilong. Ang mga kasama niya kanina ay lumayo ng kunti sa amin pero pansin ko ang malimit na pagsulyap ng isang lalaki sa kanya. Wew.
"Magjowa na kayo no? Delubyo kayo ng Forzeo," umiling-iling pa ito na parang napakalaki ng nagawa naming kasalanan.
Napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko. He smirked at Astryl's reaction. I don't know what to react. Kinakabahan ako na natatakot, ewan ko. It's my first time na may ipapakilala sa kanilang jowa tapos isa pa sa kaibigan namin.
"I will text you nalang mamaya ah, lemme be your third wheel," nagfinger heart pa ito at kumindat bago ulit lumapit sa mga kasama.
Mabuti nalang at hindi ako na-hot seat kay Astryl, I'm nervous for Rhian and Serrah. Matured ang mga 'yon at alam kong iha-hot seat ako. Damn it, I should be ready.
Maaga ang naging labasan namin kaya ako na ang nagtext kay Astryl dahil hindi pa ito nagti-text. Sabi niya ay pababa palang siya kaya inabangan ko na. A smile on her face huge when she saw me.
"Sa Zilano Mall tayo," sabi niya na tinanguan ko lang.
Hindi naman kalayuan ang mall na ito sa school namin kaya mabilis rin kaming nakarating. Nagtungo kami sa botique na sinasabi ni Astryl na kilala niya daw ang nagtitinda.
Halata sa mukha ni Chio ang pagkabagot pero ngumingiti ito kapag napapansin na nakatingin ako. Hinila ko lang siya sa braso habang nakasunod kay Astryl.
"Jhemel," tawag ni Astryl sa babaeng tinutukoy niya. Ewan ko pero pamilyar ang mukha niya sa akin.
A simply pretty face of Jhemel cheerfully smiled at us. Halata sa unang tingin na may pagka-shy type siya pero marunong makisama.
"Ah, si Jhemel. She's from Forzeo too, taga poblacion 3 siya at kilala niya rin si Jak."
Napatango ako sa sinabi ni Astryl. Kaya pala mukhang pamilyar. Nakita ko na siya before pero hindi ko matandaan kung saan. Maybe, nakita ko lang siya sa barangay nila. Palagi naman kaming gumagala sa poblacion 3 e.
"Kung dresses ang hanap niyo, may bagong dating tayo ngayon." sabi niya bago ipinakita sa amin iyon.
Ewan ko sa Jakoda na yon at gusto pa ay formal.
I bought two, ang isa ay fitted dress na kulay pula at abot lang sa tuhod, at ang isa ay ocean blue na off shoulder at may belt na kulay itim sa may baba ng dibdib, hanggang tuhod lang din iyon. Siguro ay itong ocean blue nalang ang isusuot ko, masyado atang bulgar 'yung red.
"Nich, yellow or baby pink?" tanong ni Astryl habang ipinapakita ang dalawang dress na hawak niya. The yellow one looks elegant, pero halos labas ang likuran niya doon. Ang baby pink naman ay may straps at papalda ang ilalim.
"Mas okay ang baby pink," I suggested. Sinunod naman niya iyon kaya inabot na namin kay Jhemel.
"Ikaw Jhem? Invited ka naman siguro ni Jak, punta?" tanong ni Astryl.
Napakamot sa noo ang babae at nahihiyang ngumiti. "Oo...pero hindi ako pupunta,"
Tumango nalang kami. Pansin ko ang pamumula niya dahil sa tanong ni Astryl. Damn, alam ko na yang pamumula na yan, she's in love! Kay Jak? Ewan ko.
Habang naglalakad na kami palayo sa botique ay pansin ko ang pananahimik ng nasa gilid ko.
"Hey, why so silent?" I pouted. His right arm snaked on my waist. I couln't help but to suppress a smile when he kiss my temple.
"Nakaka-speechless ang ganda mo e,"
Natigil ako sa paglalakad kaya pati siya ay natigil. I looked on him and bit my lower lips when I saw how beautiful his smile is.
"Naniwala ka naman," he then laughed.
Nahampas ko siya ng hawak kong paper bag sa inis.
"Tangina ka! Pasalamat ka at hindi ako pumapatay ng unggoy!" umirap ako sa kanya bago humabol sa paglalakad ni Astryl.
Narinig ko pa ang nakakayamot niyang tawa habang habol sa amin.
Pagkahatid namin kay Astryl ay dumeretso na rin kami sa pag-uwi dahil gabi na. Nagkunwari nalang akong tulog sa biyahe para hindi na maasar ng gago, alam ko namang hindi ko matatalo 'yan. I pretend that I already woke up when he stopped the car.
"Hikab ka rin para the best actress kana," he tsked.
Napamurot ako at inabot na ang paper bag sa likod. Pinanood niya ang galaw ko at nang mapatitig sa mga mata ko ay napangisi. Why do I have this feeling na kahalayan ang nasa isip niya?
"Don't you dare,"
Bigla siyang natawa habang nakatitig parin sa akin. Mukhang alam niya ang ibig kong sabihin, potakte talaga ang Zachiro na 'to.
"Ang galing namang mag-isip ng lodibabe ko...pakiss nga,"
Maagap kong iniharang ang paper bag sa mukha ko. Nang maramdaman kong lumayo na siya ay saka ko lang inalis.
"Baba na ako, baka buntisin mo pa 'ko dito, jusme!" I sneered.
Namula ang mukha niya. "Langya ka, Nich!"
"Mana sayo," ginaya ko ang pagfi-finger heart ni Astryl at pagkindat bago natatawang bumaba ng kotse. I waved my hands on him.
Pero bago ko pa mabuksan ang gate ng bahay namin ay lumitaw ang pangalan niya sa screen ng phone ko.
Zachiro: I love you. 😘
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top