CHAPTER 10


Chapter 10

"Nichipot!" Raven shouted at my back.

T'wing maglalakad ako sa hallway pababa sa canteen ay palagi nalang siyang habol sakin.

Natawa ako nang mabilis itong nakasabay sa paglakad ko.

"Sabay tayong maglunch," he said.

"Libre mo ulit ako ng lumpiang shanghai at toron!" kumindat ako dito na ikinatawa niya.

Hindi na ito ang unang beses na magkasama kaming naglunch. Palagi siyang nand'yan, nanlilibre, nang-aasar. Hindi naman ako manhid para hindi maisip na galawan na niya 'yun, he confess his feelings for me, kaya panay ang pangungulit.

Nakita ko si Chio at ang ilan naming kaibigan sa isang table at nagsisimula ng kumain. Nakita rin ako ni Jak kaya tinawag niya ako at pinalapit sa kanila.

"Ah, kasabay ko si Raven--"

"Okay lang sakin kung dito na rin tayo maupo, Nich. Oh, kung gusto mo bukas nalang ulit tayo magsabay sa lunch."

"Hindi Raven, oks na oks. Dito kana rin!" kumindat pa si Serrah na ikinatawa ng lalaki. Kaibigan ni Raven ang crush niya kaya alam kong magtatanong ito tungkol don.

Naupo ako sa tabi ni Serrah at si Raven naman ay umorder ng pagkain bago naupo sa tabi ko. Palagi naman kaming nakikita ng mga kaibigan ko na magkasama at alam rin ng mga babae na may gusto ang lalaki sa akin, kaya normal lang ang trato nila dito.

Hindi ko maiwasang mapasulyap kay Chio.

Simula noong araw na makita kong hinalikan siya ni Dalia ay hindi na kami gaanong nakakapag-usap, nakakausap ko man siya ay hindi na gaya ng dati. I'm not ignoring him, nagtataray parin ako minsan sa kanya, pero wala ng hampas sa brasong nangyayari.

Masakit para sakin na unti-unti ng nagkakaroon ng lamat ang pagiging magkaibigan namin. I want to make things back but I can't, there's always something different from before. May nagbago samin, sa paraan ng pagtrato namin sa isa't isa, sa pag-uusap, sa lahat.

Hindi na niya binanggit sa akin ang tungkol sa halik na iyon, kahit ang pangungulit sakin ni Raven ay wala akong narinig sa kanya. He's using to be usual, but I know him, alam kong nararamdaman niya rin ang pagbabago.

"Bye na, Nich. Mamiss mo sana ako," parang tanga na sabi ni Raven nang nasa tapat na kami ng room ko.

"You wish!" umirap pa ako sa kanya bago pumasok ng room.

Nakita kong nakaupo na sa sariling upuan si Chio at nang magtama ang paningin namin ay tipid lang akong tumango dito. He still has an effect on me, panay parin ang mabilis na tibok ng puso ko t'wing nasa room ako dahil magkatabi kami.

"Nich.." mahinang tawag niya. Lumingon naman ako kaya muling nagtama ang paningin namin. "Sabay na tayong uuwi mamaya," he sounds like assuring it. Malipit parin ay hindi niya natutupad ang sinasabi niyang sabay kami dahil sa org na 'yon.

Tumango lang ako at umayos na ng upo nang dumating na ang teacher namin.

Nang maglabasan na ay hindi ko inaasahang mangyayari nga ang sinabi niya. Sabay kaming lumabas at sumakay sa kotse niya.

"Daan tayo sa Venda Cafè," he said.

"Why?" tipid na tanong ko sa kanya.

"Wala lang,"

Tipid akong ngumiti sa kanya bago niya pinaandar ang makina ng kotse.

Nagmaneho siya patungo sa isa sa kilalang Coffeeshop dito, may ilang tao rin doon. Pero karamihan ay lalaki. Naupo kami sa table na nasa dulo at hinayaan ko lang siyang umorder ng sa amin.

"Try mo 'to, Nich. Masarap ang chocoberry cake nila." sabi niya at inabot sa akin iyon.

It's a mixture of chocolate and strawberry flavored cake. Kagaya ng sabi ni Chio ay masarap nga. Mahilig din ako sa mga cake lalo na sa icing nito.

Nakangiti ko lang kinain iyon habang siya ay nakangiti rin at nakatitig sa akin. I can feel my heart beating so fast again. Nag-iiwas nalang ako ng tingin para maiwasan ang pamumula ng mukha.

Nagring ang cellphone niya na nasa mesa kaya nakita ko kung sino ang tumatawag. It's Dalia. Kinuha niya iyon at lumayo sa akin bago sagutin.

"Ah, Nich...okay lang ba na umalis ako?...saglit," pagkabalik ay iyon agad ang tanong niya. "M-May kailangan akong kunin kay Jerry, lyrics yon ng kakantahin namin bukas. Kailangan naming masaulo 'yon, kaya okay lang ba sayo na kunin ko muna? Malapit lang daw ang bahay niya dito sabi ni Dalia."

"P-Pwede namang daanan nalang natin mamaya," I suttered. I heard him sighed. "Sige na...mukhang importante e,"

"Mabilis lang ako, ha. Dito kalang."

After saying that he left me alone, again. Ilang beses na akong naiiwan mag-isa dahil sa org na sinalihan niya.

I felt the cold breeze of the night embracing me. Napaikot ang tingin ko sa coffee shop at wala ng tao kundi ang ilang lalaki na nasa iisang table. Dinuluban ako ng kaba nang mapasulyap sa gawi ko ang dalawa.

They smirked at me, and that's giving me goosebump. Ang isa ay lumakad na palapit sa akin kaya halos panawan ako ng hininga. Humigpit ang hawak ko sa bag ko nang maupo ito sa couch na inuupuan ko. Umusod akong palayo pero nakangisi itong lumapit sa akin.

"Hi, iniwan ka ng kasama mo?"

"Wala kang pake!" matapang na sagot ko kahit nababalot na ako ng takot sa mukhang adik niyang mukha.

Nakangisi siyang tumawa at mas lalong lumapit sa akin. "Sumama ka nalang samin, we're not san pedro, but we can show you the heaven." nakakamanyak na sabi niya. Kita ko ang pag-ikot ng tingin niya sa kabuuan ko.

Halos matumba ako sa pilit na pagtayo at tumakbo palabas pero ang dalawa niyang kasama ay mabilis na nahawakan ang magkabilang braso ko. Hindi ako makapanlaban.

How can I fight with these three massive mens?

"W-Wag ako, m-maawa kayo sakin.." nangingiyak nang saad ko. Isinandal nila ako sa poste, sa gawing madilim kaya kahit may dumadaang mga sasakyan ay hindi kami nakikita.

Nanginig ang katawan ko sa takot sa maari nilang gawin. Ang isang lalaking tinakbuhan ko kanina ay hinihimas ang panga habang nakatitig sakin. Lumapit ito sa akin na muling nagpabuhay ng kaba ko. He's maliciously looking at my body. He went closer to me and stared at my body even more.

"Pwede na 'to.." he said. Hinawakan niya ang panga ko at pinasadahan ng daliri ang aking labi kaya pilit kong nagkumawala sa dalawang nakahawak sakin.

"B-Bitawan niya 'ko! Tulong! H-Help! C-Chio, please!" sigaw ko kasabay ng pag-agos ng luha sa aking mga mata. I'm still hoping that Chio will be back.

Yes he will be back, he will be back and save me.

Kasabay ng luhang pumapatak pababa sa leeg ko ay ang pagbaba rin ng kamay niya doon. Pilit kong binabawi ang braso ko sa dalawang nakahawak sakin pero sobrang higpit niyon. He's hands traveled down on my neck, he moved his body closer to me, halos dikit na ang katawan niya sakin. Mas lalo akong naiyak dahil doon.

"Help! H-Help.." hindi na ako makasigaw ng maayos dahil sa takot at pag-iyak.

"Shhh, just enjoy hmm?" nakangising ani niya.

Hindi mawala ang pag-asa sa isip ko na babalik si Chio. Ililigtas niya 'ko.

Napamura ako nang maramdaman ang kamay niyang dahan-dahang naglalakbay patungo sa dibdib ko.

"T-Tama na, maawa kayo..Tulong! S-Someone help me please!" sigaw ko ulit sa pag-asang may makakarinig.

A shadow of a man showed up on the dark behind him.

"Nich, close your eyes.."

Napapikit ako gaya ng sabi niya. Patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko. Takot na takot ako. Hindi ko na iminulat ang mga mata ko kahit rinig ko ang mga malakas na sapakan na nangyayari. Naramdaman ko nalang rin ang pagbitaw ng dalawang nakahawak sakin kaya napaupo sa sarili kong mga paa. I covered my head and cried even harder.

Rinig ko ang malulutong niyang mura at ang pagkawala ng isang matunog na suntok bago nagtahimik ang lahat. Nakapikit pa rin ako at nakatungo habang ang dalawang kamay ay nakapatong sa ulo. Nanginginig parin ang buong katawan ko nang maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa balikat ko. Agad akong naalarma at napaigtad dahil doon.

"Bitawan mo 'ko!" nanatili akong nakayuko at takot sa paligid.

"N-Nich...Nich, wala na sila."

Unti-unti kong iniangat ang ulo ko nang makilala ang boses na iyon. Akala ko ay isa parin sa tatlong manyak. Pero nagkamali ako, siya ang nagligtas sakin.

"R-Raven," napayakap kaagad ako dito at humagulgol sa balikat niya. He embraced me too, nabawasan ang takot na nararamdaman ko.

"Shhh, you're safe now. I'm here," humiwalay na siya sa yakap at hinawakan ang pisngi ko.

Nakita ko sa likuran niya ang tatlong lalaki na nakatumba at may dugo ang mga mukha. Hindi ko akalain na makakaya niyang labanan na mag-isa ang tatlong maskuladong lalaki na iyon.

"I will call the police," inalalayan niya akong matayo at kinuha ang cellphone sa bulsa gamit ang isang kamay. Ang isa niyang kamay ay hindi na binitawan ang kamay ko. He's holding my hands while I'm just listening on him.

Nang makatawag sa pulis ay hinubad na niya ang suot na hoodie jacket at isinuot sakin iyon. We still both wearing our school uniform.

"Gusto mo ng maiinom?" he asked, I shooked my head. "Darating na ang mga pulis para mahuli ang mga 'to. Don't worry, Nich. Ako na ang bahala sa mga 'yan." hinayaan ko siyang muli akong yakapin.

Nang dumating ang mga pulis ay isinakay nila ang tatlong lalaki na ngangayon nagkamalay. Sinabi lang ni Raven sa mga pulis na sila muna ang bahala at ihahatid muna ako nito.

"Where's your address?"

"A-Ayokong umuwi," nanginginig ang boses na sagot ko.

"Kina Serrah nalang kita dadalhin, ha?" He gave me an assuring smile.

Panay ang sulyap niya sa akin habang nasa biyahe kami. At nang makarating kami sa bahay nina Serrah, hindi ko inaasahang nandoon rin ang iba naming kaibigan. They look shocked when they see me. Muling umagos ang mga luha sa aking mga mata.

"What happened?! Raven, anong nangyari?" tanong ni Serrah.

"She need to rest," iyon lang ang naging sagot ni Raven. Naintindihan naman iyon ng mga kaibigan ko kaya kaagad akong sinamahan sa isang kwarto nila.

"Shhh, you're safe na. Hindi na mauulit iyon." nang makahiga ako sa kama ay tumabi sa akin si Raven para hagpusin ang buhok ko.

"Raven, mag-usap tayo sa labas." ani Alle. Lumabas ng kwarto ang mga kaibigan ko at natira lang ay si Rhian. Si Raven ay ngumiti lang sa akin at sumunod na rin sa labas.

Niyakap ko ang sarili ko at naupo sa kama. I can't help but to sobbed in fear again when I remembered what happened an hour ago. Sanay na akong paglapatan ng kamay, pero hindi ang hawak-hawakan ng mga lalaki. What if Raven didn't come? Anong mangyayari sakin?

"Nich, stop crying..." niyakap ako ni Rhian. Hinayaan ko lang siyang damayan ako dahil kailangan ko rin ng kasama ngayon.

Hanggang ngayon ay nadidiri ako dahil ramdam na ramdam ko parin ang kamay na nakahawak sa dibdib ko.

"Where's Xinichi? Nich!"

Nagkatinginan kami ni Rhian nang marinig ang boses ni Chio sa labas. I heard the boys cussed.

"Tangina mo, tol! What the fuck is happening on you?!" sigaw ni Alle.

Napapikit si Rhian dahil alam naming away na naman ang patutunguhan non. Nagpaalam siyang sa labas muna siya kaya tumango nalang ako. I just lay myself on bed, while hearing my friends having quarrel..because of me.

"I'm here for Nich! Where is she? Serrah?"

Narinig ko ang mga kalabog at ingay sa labas, ang mga pagmumura ni Alle at ang matunog na suntok. Tears slowly streaming down on my face..

"Alam mo bang na-sexual harassed si Nich? She almost got impetuous!" sigaw ni Serrah na nakapagpatahimik sa lahat. "Fuck you, Chio! B-Baka ikaw mismo...makalimutan namin kung nagahasa si Nich!"

"Serrah!"

"Bakit Rhian? May kasalanan 'yan! He left Nich alone dis oras ng gabi! Babae si Nich, Chio...Kaya tayo magkakaibigan para tulungan at alagaan ang isa't isa..pero dahil sa'yo Chio, Tangina buwagin niyo nalang 'yan!"

Mas bumilis ang agos ng luha ko dahil sa sinabi ni Serrah. Hindi pwedeng madamay ang pagkakaibigan naman dahil lang dito.

I heard Rhian calling Serrah a lot of times dahil mukhang lumabas ito ng bahay. Pinakinggan ko lang ang bawat salita nila, nagtahimik ng ilang segundo, hanggang magsalita si Alle.

"Sa ating lahat, ikaw ang pinakamalapit sa kanya. We're expecting Nich safety all the time dahil alam naming hindi mo siya hahayaang mapahamak. Pero mali..You are the one who take her on danger. Nilagyan mo na ng lamat ang tiwala namin sayo, Chio."

Those words punched me so hard, ano pa kay Chio?

Nagtahimik ulit ang labas hanggang marinig ko nalang na nag-uusap ay si Rhian at Chio. He's asking for me a lot of times until I heard the door of my room opened. Nakatalikod ako sa gawi niyon pero ramdam ko kung kaninong presensya ang pumasok. He's here. Mas tumindi sa panginginig ang katawan ko at hindi na tumigil sa pagtulo ang luha.

"N-Nich.." his voice cracked. I just felt his arms around me, his kiss on my temple that made me cry even more. Nakayakap siya sakin sa may likuran ko. "Nich, I-I'm sorry..."

Ipinihit ko na ang katawan ko paharap sa kanya dahilan kaya nagtama ang aming paningin. Putok ang labi niya at may dugo sa gilid.

I intently caressed his face. "W-Why did you let them punch your face?"

"Shhh, they have the right. G-Gago ako e," he let out a painful chuckles. "D-Did they touch you?"

I slowly nodded. May sakit at galit na dumaan sa mga mata niya. Mahina akong tumawa kahit patuloy sa pag-agos ang luha ko.

"H-Hinawakan ng isa sa kanila ang labi ko, p-pababa sa leeg..hanggang umabot sa dibdib," I cried. He hold my hands and kiss the back of it. "T-Takot na takot ako, C-Chio."

Pansin ko ang namumuong luha sa mga mata niya. I chuckled even my heart already cracked.

"Akala ko tuluyan na akong m-magagahasa...I called your name expecting you to come and save me.." napapikit siya nang tuluyang umagos ang luha niya. "P-Pero si Raven ang dumating," I smiled.

Siya ang inaasahan kong gagawa ng ginawa ni Raven, pero hindi siya bumalik.

"H-He's always there for me, hindi niya ako iniwan kanina, hindi niya binitawan ang kamay ko. N-Niyakap niya ako kaya nabawasan ang takot ko," naiiyak ko paring saad. Inimulat niya ang mga mata niya kaya nagtama ang aming paningin. "S-Sa school, palagi rin siyang nasa tabi ko..pagsinabi niyang ililibre ako kinabukasan, t-tinutupad niya. Tinutupad niya ang sinasabi niya,"

Ipinatong niya ang kamay ko sa pisngi niyang nababasa na ng luha.

"Nich, tama na.." pagmamakaawa niya.

I bitterly smiled. "Ilang beses kong hinihiling, na sana kaya mong gawin ang ginagawa ni Raven..s-sana kaya mo ring tuparin ang sinasabi mo. Dahil Chio, sa bawat lakad mo papalayo sakin, sa bawat pag-iwan mo sakin mag-isa sa canteen, sa hindi mo pagsabay sakin pag-uwi, sa pag-iwan mo sakin kanina mag-isa, n-nasasaktan ako."

Naguguluhan siyang nakatitig sa akin pero kita ko ang pag-ukit ng sakit at pagsisisi sa mga mata niya.

Lumalayo na ang sinasabi ko sa nangyari kanina but I can't control bursting out words because of too much emotions. Kapwa parin kaming lumuluha habang nakatitig sa isa't isa.

"N-Nich, tama na.." his voice broke.

I smiled as my eyes watered in an instant.

"S-Sana nga kaya kong sabihin sa sarili kong tama na e,..Kaso ang hirap pigilan kapag ikaw ang nand'yan."

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top