CHAPTER 1

Chapter 1


Thankful na magkaklase ulit kami ni Chio!

Senior High students na kami ngayon at pareho rin kaming ABM ang kinuhang strand. Businesswoman ang Mama niya at ako naman, siguro inherited ko kay Mommy dahil negosyante rin siya noon. Basta someday gusto kong magkaroon ng sarili kong business, 'yung ako ang magpapatakbo habang paikot-ikot lang ako na nakaupo sa swivel chair, ganun!

"Nagreview ka? May long test tayo mamaya, one seat apart." paalala ni Chio sakin.

Nasa kahulihan kami at magkatabi kaya kahit one seat apart hindi kami masyadong makikita kahit magtularan hehe.

"Wag kang ngumiti, hindi ako nagreview!" he smirked.

"Walangya ka!" napabuntong hininga nalang ako bago naglabas ng notebook.

Binasa ko lang ang mga acronyms at meanings 'non, at ang mga common na isinasali sa test. Second sem na namin ngayon at malapit na ang exam! Kaya kailangan kong magsipag.

Nang pumasok na sa room namin si Ma'am Joan ay nagbigay agad ito ng test paper at pinaghiwahiwalay ang upuan. Napatingin ako kay Chio na nakatingin rin sa akin. Kahit naman sabihin niyang hindi siya nagreview alam kong nag-aral 'yan or stock knowledge dahil honors student naman kami noong junior at elem hindi lang halata.

Mabilis kong natapos ang test kaya ipinasa ko na iyon at nangalumbaba nalang sa arm rest.

"Psst!" napalingon ako kay Chio at napangiti nang makitang nakapagpasa na rin ito. "Basic," sabay kaming natawa. Sabi na e, hindi daw nagreview. Hangal amputs.

"Ms. Glarileo and Mr. Falter! May nagsasagot pa, please quiet."

Napayuko nalang ako nang sabay-sabay na lumingon sa amin ang aming mga kaklase. Si Chio lang naman ang maingay eh, ba't nadamay ako?!

Ang boring kaya nagpractice nalang ako ng pirma sa papel ko at kung ano-anong quotes nalang ang naisulat ko hanggang maglunch break na.

"Lods, puntahan daw natin sina Rhian.." pag-aya sakin ni Chio kaya mabilis kong inayos ang gamit ko. Antagal ko na ring hindi nakikita ang iba naming kababata. Ngayong second sem lang sila nagtransfer dito sa school na ito.

Dumeritso kami sa court na kinaroroonan nila. Agad na naghiyawan ang mga tanga nang makita kami ni Chio.

"Zachiro! Ang gwapo ko parin!" dinambaan ni Kade ng yakap si Chio na natawa nalang sa kanya. "Teka! Sino ka?" tanong niya na nasa akin ang tingin. I deathly glared on him, na ikinatawa niya. "Nich! We miss the both of you!" pareho niya kaming inakbayan ni Chio bago kami kinaladkad papunta sa iba naming kaibigan.

"Namiss ko kayo!"

Nagyakapan lang kami at halos nagtagal pa dahil sa aming mga babae. Iba talaga ang childhood friend, parang kahit nalayo kami sa isa't isa ng ilang years ay andami parin naming pinanghahawakan na memories.

Kade, Rhian, Serrah, Astryl, Allenon, Jakoda. Ang mga kababata namin na nahiwalay sa amin. Simula noong nag-ten years old na kami ay isa-isa na silang umalis. Si Kade, Serrah, at Rhian ay dahil dinala ng parents nila sa ibang bansa para doon mag-aral. Habang sina Astryl at Allenon naman ay sa ibang lugar na pinag-aral ng mga magulang nila. Tanging kami lang ni Chio ang hindi nagkahiwalay. But good that they are all here! Buo na ang samahan!

"Nich," tumabi sakin si Allenon. "You're very different from before, I mean..ang amos mo pa noon tapos ngayon dalagang dalaga kana," umiling-iling pa siya.

"Para kang tanga, Alle!" nailang ako sa mga sinabi niya.

"Natanga pa," nagtawanan ang mga kaibigan namin dahil sa sinabi niya. "Pero hindi mo pa naman kami nakakalimutan diba?"

"Ofcourse, never ko kayong makakalimutan. Kayo nga ang happy pills ko eh," may pait ang ngiting naigawad ko. Mas kailangan ko ang mga happy pills kong ito ngayon. Lalo na kapag umuuwi ako sa bahay, kailangan ko pa silang isipin para lang maging masaya ako.

Tumabi sa left side ko si Chio at umakbay sa akin. "Walang makakalimot."

"Bakit may paakbay?" nakangiwing tanong ni Jak. "Edi kayo na ang mas close,"

"Oo nga, nawa'y lahat." si Rhian.

Natawa nalang ako dahil sa aktong nagseselos ng mga kaibigan namin. Nagtagal pa ang kamustahan namin at sabay na kaming bumalik sa room ni Chio.

Nang pumasok na si Sir Lopez ay nagsiayos na kami ng upo. Gaya ng ibang subject ay nagpa-long test din ito. Hindi naman mahirap para sakin ang mga tanong dahil halos lahat naman ay nasa lecture, babasahin nalang at nandoon na ang sagot.

Hanggang sa last subject namin ay may pa-long test din. Mabuti nalang at natandaan ko pa ang ibang lesson na pinag-aralan kundi pakshit baka ma-itlog ako.

"Sabay na tayong umuwi, Lods."

"Magta-tricycle ako," may inassign si Daddy na maghahatid sundo samin ni Dalia pero ayokong sumabay doon, mas gusto ko pang magbiyahe.

"Sasamahan na kita,"

"May sundo ka, Chio." pareho kaming napabuntong hininga nang makita ang kotse nila sa labas ng school.

"Sasamahan kita, magpapaalam lang ako." wala na akong nagawa nang tumakbo na siyang papalapit sa driver niya. Nakangiti ito nang bumalik dahil mukhang pinayagan na sa akin sumabay. "Tara na,"

"Siraulo ka, mas gusto mo pa sa tricycle kesa kotse." napairap nalang ako sa kanya.

"Ikaw din naman ah, akala mo di ko alam. May sundo ka pero hindi ka sumasabay. Alam ba 'yan ni Tito Xian?"

Napaiwas ako ng tingin dahil sa tanong niya. Sa totoo ay hindi lang isang beses akong sinaktan ni Tita Haidy pero hindi ako nagsusumbong kay Daddy. I want to, pero kapag umuuwi si Daddy sa bahay at binabalak kong sabihin sa kanya ang masamang trato sakin ng bagong niyang pamilya ay palagi iyong nauudlot dahil sa pagsingit ni Tita Haidy.

Siya na ang pumara ng tricycle na sasakyan namin. Hanggang makasakay kami ay nanatili akong tahimik. Hindi ako makatingin ng deretso sa mga mata niya dahil baka mabasa na naman niya kung ano ang nasa isip ko. Kilala na niya sina Tita Haidy dahil businesswoman din ito kagaya ng Mama niya at si Dalia naman ay schoolmate namin.

Narinig ko ulit ang malalim niyang paglabas ng hininga kaya napalingon na ako. "Nagbago kana, Nich."

My forehead increased. "Huh?"

He slighty tilted his head and a smirk appeared on his lips. "Nagsisikreto kana, hindi ka naman ganyan dati ah.."

Napanguso ako nang marinig ang boses niyang nagtatampo kaya pinilig ko nalang ang aking ulo sa balikat niya. He brushed my hair using his fingers while still letting out a heavy sighed.

"May mga bagay kaseng hindi mo na kailangang malaman. Ayokong problemahin mo pa, ayokong idamay ka pa. Kailangan ko ring tumayo na mag-isa, dahil hindi rin maganda na palagi kitang sandalan kahit kaya ko naman."

Wala na siyang naging sagot hanggang makarating kami sa bahay.

Nakatitig siya sa akin na parang may gusto pang itanong pero tumalikod na nang ako ang tumitig sa kanya. Kaya ako naman itong humabol sa kanya nang papasok na sana siya sa gate ng bahay nila.

"C-Chio.."

He stopped on his track. Humarap siya sa akin na bagsak ang parehong balikat at matamlay ang mga mata.

Hinila ko siyang palapit sa akin at niyakap. Hindi ko alam. Hindi ko matiis na makita ang nagtatampo niyang tingin.

Ginantihan niya ang yakap ko habang hinahagpos ang buhok ko.

"Nich, I won't force you to voice out your problems. Pero 'wag mo sanang solohin, dahil nandito ako, sandalan mo kahit anong mangyari."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Nararamdaman ko na rin ang pagiging matured ng pag-iisip niya. Hindi na nga kami bata.

Humiwalay na ako sa pagkakayakap at ngumiti sa kanya.

"Ang sweet mo. Crush mo 'ko?" nakangising tanong ko na nginiwian lang niya.

"Baka ikaw pa ang magka-crush sakin,"

Binatukan ko pa siya bago tinalikuran. At sa kasamaang palad ay nakasabay ko pa sa labas ng bahay namin si Dalia. Lumingon siya sa likuran ko at hindi na ako magtataka kung si Chio ang tinitingnan niya.

"Ang gwapo ni Zachiro, may girlfriend ba 'yon?" tanong niya sa akin.

"Wala," walang ganang sagot ko at pumasok na sa loob ng bahay. Ramdam ko ang pagsunod niya.

"Well, pag naging close na kami, ako na ang magiging girlfriend niya. Kaya ikaw Nich, pwede bang umagwat ka naman sa kanya? Palagi kang nakabuntot kaya hindi na 'yon makahanap ng bagay sa kanya. 'Yung ka-level ko, hindi kagaya mo na para lang basura na umaaligid sa kanya. Ew," nagawa niya pa akong irapan bago naunang umakyat sa kwarto niya.

Napakuyom ang kamao ko sa inis. Ano naman kung palagi kaming magkasama? We're friends, kailangan ba naming putulin 'yon for the sake na makahanap ng jowa? At kilala ko si Chio, wala pa sa isip 'non ang mga bagay na ganun.

"Manang Precy! Nakita mo ba 'yung kwintas ko? Nawawala!" sigaw ni Tita Haidy kaya hindi na ako nakataas sa kwarto. "Bigay sakin ni Xian 'yon! Hindi pwedeng mawala!"

"Ma'am, wala naman po kaming nakikita--"

"Pwes, hanapin niyo!" sigaw ulit nito kay Manang kaya lahat ng kasambahay namin ay nataranta sa paghahanap.

Nanatili ako sa pwesto ko at hindi na nakialam. Bumaba na rin si Dalia at nakacross arm na tumabi sa ina.

"Bakit hindi mo tanungin si Nich, Ma? Check her room, malay mo nasa kanya."

Nangunot ang noo ko sa suhestyon niya. "Wala akong alam sa kwintas na 'yan--" naputol ang sasabihin ko nang mabilis na umakyat pataas ang mag-ina kaya kaagad kong sinundan. "T-Teka, wala sakin. Ano bang pakialam ko sa kwintas na 'yon?" wala akong nagawa nang halikwatin nila ang gamit ko.

I assure na hindi ko talaga alam ang kwintas na tinutukoy niya. Ni itsura nga 'non ay hindi ko alam eh.

Patuloy sila sa paghahalikwat ng mga gamit ko hanggang pati ang kahon na ipunan ko ng mga birthday letters ni Chio sa akin ay inilatag ni Dalia sa kama ko. At nanlaki ang mga mata ko nang itaas niya ang isang kwintas.

"Ito, Ma?"

Kinuha iyon ni Tita Haidy sa kanya at galit na lumapit sa akin.

"Wala ka talagang kwenta, no?!" isang malakas na sampal ulit ang inabot ko sa kanya. Dahil sa isang kwintas na hindi ko alam kung bakit napunta sa gamit ko. "Pati gamit ko nanakawin mo pa!" sinampal niya ulit ako sa kabilang pisngi kaya hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. "Dalia, isara mo ang pinto!" utos niya sa anak na kaagad nitong sinunod.

"T-Tita hindi ko alam--"

"Wag kang sinungaling, ito na oh! Napatunayan na ikaw ang kumuha ng kwintas ko! Tatanggi ka pa? Ha?" marahas niya akong itinulak sa kama kaya napahiga ako. Hindi ako makalaban, natatakot akong baka ibaligtad nila ako kay Daddy. Wala akong ginagawa pero bakit ganito?

"Subukan mong ipaalam 'to sa Daddy mo, hindi lang 'yan ang aabutin mo!" lumabas na sila ng kwarto ko.

Wala na naman akong magawa kundi ang umiyak dahil hindi makalaban. Ilang taon na rin akong nasasaktan sa pamamahay na ito, gusto kong umalis pero hindi ko alam, wala pa akong alam sa maaring mangyari. I'm just 18 years old for pete's sake! Wala akong pera, hindi sapat ang allowance na ibinibigay sakin ni Daddy para magamit sa pag-alis sa bahay na ito.

Kung ano-ano ang tumatakbo sa isip ko. Pero ni isa ay hindi ko alam kung paano gagawin.

"I-Ilang taon nalang, i-ilang taon nalang magagawa ko ng tumayo sa sarili kong mga paa, m-magagawa ko ng lumayo sa pamamahay na ito..."

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top