21
Bianca Vera
04:20 PM
Bianca:
Magkano daw bayad mo sa rent sa condo?
Tapos yung iba mo pa daw na bayarin
Ikaw na daw magbigay ng amount kung magkano allowance mo sabi ni Mommy
Nichola:
Nakausap mo na si Silas ate?
Bianca:
Hindi
Naalala ni Mommy na wala daw siyang naibigay na pera sayo last month pa
Saan ka kumuha ng pang-gastos
Nichola:
May ipon po ako ng konti
Bianca:
Osya, magkano allowance mo?
Nichola:
Basta 50 rent ko sa condo
Tapos yung ibang expenses ikaw na mag-estimate
Bianca:
Sige. Abangan mo nalang
At umuwi ka naman kahit minsan
Nichola:
Hinahanap ba ako te?
Bihira lang din naman umuwi sila Mommy tapos hindi pa ako hinahanap. Anong gagawin ko sa bahay?
Bianca:
Ako nalang bisitahin mo sa trabaho
Hindi ko din alam ang schedule nila Mommy kaya wala akong masabi
Nichola:
Okay
Bianca:
Hihingian na kita ng mas malaking allowance para naman maayos ang buhay mo dyan
Kung hindi ka marunong mag-budget, magpatulong ka kay Silas
Nagpasalamat ka ba nung nilinis kwarto mo?
Nichola:
Shempre naman te
Matanda na naman ako
Bianca:
Sige. Kumain ka ng ayos dyan at yung drops mo, ayusin mo
Nichola:
Okay po
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top