Kabanataa XXIX
Kusang tumulo ang luha ko nang makita ko si Yves. He was smiling nang tawagin at lapitan siya ni Desiree. Hindi ko mapigilang magselos. Sumasakit ang puso ko.
"Si Mr. Roize po ba iyon, Miss Jenna?" tanong ng driver ko, bago lumingon sa akin at nagulat nang makita akong umiiyak.
"Umuwi na tayo," saad ko. Sinunod niya naman ako at ilang sandali pa ay nakarating na kami sa mansyon. Dumeretso ako sa kwarto ko at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak. Paano niya nagagawang ngumiti na parang wala siyang iniwang tao?
Iniwan niya ako nang walang pasabi, at ayon siya, nakikipagngitian na sa iba. Kasinungalingan lang ba ang lahat noong sinabi niyang mahal niya ako? Pati ba ang pangako niyang ako ang pakakasalan niya ay walang bahid ng katotohanan?
O dahil sa mga sinabi at mga nagawa ko, kaya nagbago na siya?
Patuloy akong humagulgol habang pinagagalitan ang sarili. Punong-puno ako ng pagsisisi. I should have treated him better. Tama si Desiree. Dapat mas pinahalagahan ko ang taong mahal ko.
Huli na ba ang lahat?
Kinalkal ko ang bag ko para kunin sana ang journal ko para makapagsulat nang makitang wala ito. Napakunot ang noo ko. Nasaan ang journal ko?
Inilibot ko ang mga mata ko at sinimulang hanapin ang journal ko, pero kahit saang sulok ng kwarto ko ay hindi ko ito nakita.
Saan ko iyon nailagay?
Sinubukan kong alalahanin kung kailan ang huling beses ko iyong sinulatan, pero hindi ko na maalala. Sobrang daming problemang dumating sa buhay ko at nawalan na ako ng oras pang magsulat ng saloobin ko. Ngayon ko lang napagtantong nawawala pala ito.
Kinabukasan, nagmadali ako sa pagpunta sa locker room sa pag-asang mahahanap ang journal ko, pero wala. Nagkakaroon ako ng kaba dahil kung anu ano pa naman ang mga sinusulat ko roon, baka may makabasa.
"Jenna, okay ka lang? May nawawala ba sa iyo?"
Napatunghay ako nang may kumausap sa akin.
"Zeus, ikaw pala. Oo, meron. Nawawala 'yong journal ko. Hindi ko mahanap. May nakita ka bang makapala na notebook na kulay lavender? Maganda 'yon."
"Notebook? W-wala naman. Bakit? Ano bang meron sa notebook na 'yon?"
Umiling ako. "Ahhh, diary ko. Maraming nakalagay do'n na hindi dapat mabasa ng kahit na sino."
"Ganoon ba? Kaya pala."
Kumunot ang noo ko. "Anong kaya pala? Nakita mo ba ang notebook ko?" Sumeryoso ang mukha ko.
"No, I didn't."
Napabuntong-hininga ako. Now, nananalangin na lang ako na kung sino mang makahanap ng notebook kong 'yon ay huwag niyang mabasa ang mga katangahan ko sa buhay. Majority pa naman ng laman no'n ay tungkol sa nararamdaman ko kay Yves at sa mga ginawa niya sa akin. Ayokong makarating iyon kay dad, dahil baka lalo siyang magalit kay Yves.
"Don't worry, kapag nakita ko, sasabihan kaagad kita. Anyway, kumakain ka na ba—?"
Naputol ang salita niya nang pareho kaming napalingon sa tumili—ang grupo ni Desiree.
"Oo, nag-apply din ako roon sa bakery na pinagtatrabahuhan ni Yves. Mabuti na lang at tumatanggap sila ng part-timer kaya nakuha ako. Magkakaroon na ako ng dahilan para makitang palagi si Yves!" puno ng siglang bulalas ni Desiree.
Bumagsak ang mga balikat ko. Hindi ko alam bakit sa sandaling iyon ay nagngitngit ang mga ngipin ko.
But all I did was walk out. Sinundan naman ako ni Zeus.
"Jenna! Where are you going?"
Hinatak niya ang braso ko, at inilingon niya ako sa kaniya. Napayuko na lang ako nang makita niyang may tumutulong luha sa mga mata ko.
"You're crying again? How many times do you have to cry because of that guy? Kahit wala siya rito, pinaiiyak ka pa rin niya at ako naman, narito at walang magawa para patahanin ka. It hurts me seeing you like this, Jenna.
"Can you at least try to forget him and focus on yourself?"
"How am I supposed to do that when I couldn't stop blaming myself that it was my fault Yves dropped out of Altrius?"
"It is not your fault, Jenna. It was his decision. And look, if he really cares for you, he wouldn't leave you hanging. Hearing from Desiree, Yves doesn't want anyone to know his whereabouts, including you. That's a sign na hindi niya gustong makita ka. He's letting Desiree be near him, and yet you are left in the fence."
It was just words but it striked the deepest core of my soul.
Ayaw niya na ba talaga akong makita kaya siya umalis?
*****
Lumipas ang mga araw and I was trying my very best to focus on my studies. Mabuti na lang din at narito si Zeus para tulungan ako sa mga backlogs ko. Madalas na rin akong sumabay sa kaniya sa pagkain.
But that was temporary, Yves' birthday was around the corner and I was really stupid to buy him a gift. It feels like at the back of my mind, I'm planning to go to him and give him the gift I prepared personally.
Uwian na kaya nagmadali na akong pumunta sa parking lot.
"Samahan mo akong muli," wika ko sa driver ko nang makaupo ako sa back seat.
"Saan po tayo pupunta, Miss Jenna?"
"Doon sa bakery shop na pinuntahan natin last time."
"Kay Mr. Roize po?"
"Yeah, today is his birthday kaya bibigyan ko siya ng regalo. Don't worry, mabilis lang naman tayo."
Pinaandar niya na ang sasakyan at hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa lugar kung saan nagtatrabaho si Yves. Biglang umusbong sa dibdib ko ang kaba. Pinagmamasdan ko lang siya mula rito sa labas, para na akong mauubusan ng hininga. Ilang linggo kong pinigilan ang pag-iisip sa kaniya, mauuwi lang pala ako sa ganito.
Babalik lang din pala ako sa kaniya.
"Hindi niyo pa po ba ibibigay ang regalo niyo kay Mr. Roize?" tanong ng driver ko.
"Mayamaya. Busy pa siya sa trabaho niya. Baka makaabala ako."
Tumango siya. Nahagip naman ng nga mata ko si Desiree na naroon sa cashier at panay ang nakaw ng tingin kay Yves na kasalukuyang nagsasalansan ng tinapay sa estante.
Mukhang mahihirapan akong makalapit sa kaniya. Hihintayin ko na lang siyang umuwi. Para walang epal.
Pero doon ako nagkamali. Pasado alas otso na ng gabi ng lumabas si Yves kasama ang ilan niyang katrabaho.
"No, I don't drink!" rinig kong pagtanggi niya sa nga iyon.
"Bakit? Magpainom ka na! Eighteen years old ka na, hindi ba? Birthday mo naman 'tol! Halika na! Tumoma na tayo!"
"Bibigyan ko na lang kayo ng pang-inom, pero ako uuwi na ako."
"Ano ka ba naman, Yves? Ano pang saysay ng celebration kung walang celebrant?"
"Oo nga, Yves! Minsan lang naman!" pagsingit ni Desiree. Sumingkit ang mga mata ko.
"Oh, sasama ka, Desiree?" tanong ng mga lalaki.
"Oo naman, 'no? Birthday ng kaibigan ko kaya hindi ko papalampasin ang pagkakataong ito na i-celebrate ang birthday niya! Kaya Yves, tara na! Uminom na tayo!"
Kumunot ang noo ko. Seryoso ba siya? Siya lang ang babae. Bakit siya sasama sa kanila? At siya pa talaga ang nagpipilit kay Yves?
"Sige." Laking gulat ko nang pumayag si Yves. Is he for real? Naiimpluwsnsyahan na ba siya ng mga tao sa paligid niya?
Kita ko ang paglawak ng ngiti ni Desiree. She even tuck her hair behind her ear and batted her eyelashes towards Yves. The hell?!
"Secretly follow them," utos ko sa driver ko.
Pumunta sila sa isang restaurant at doon kumain ng fried chicken and beer. Ako naman ay narito pa rin sa kotse at pinanonood sila. Nanlilisik ang mga mata dahil sa mag paglapit ni Desiree kay Yves. Sumasandal pa ito kay Yves at hinahawak-hawakan ang makisig nitong braso. Mukhang lasing na.
Kung pwede lang akong sumugod, pero dahil nakikita kong masaya si Yves, hindi ko kayang tanggalin ang mga ngiting iyon sa labi niya. Sa panonood ko sa kaniya, mas lalo ko lang napatutunayan na ako ang dahilan kung bakit siya umalis. Ako ang nagtanggal ng mga ngiting iyon sa labi niya, ano pang karapatan kong tanggalin muli ngayong ngumingiti na ulit siya?
Napabuntong-hininga ako at napasandal. Sandaling nag-isip kung ibibigay ko pa ba ang inihanda kong regalo para kay Yves.
"Umuwi na tayo," wika ko sa driver ko.
"Pero papauwi na po sila, Misss Jenna. May pagkakataon na po kayong ibigay ang regalo ninyo kay Mr. Roize, para hindi naman po sayang ang pagpunta niyo sa kaniya."
I looked outside the window, at nakita ko ngang lumabas na sila sa restaurant pagkatapos ng ilang oras na pag-inom at pagkain.
Isa-isa nang nagpapaalam ang mga lalaki hanggang sa naiwan na lang si Desiree at si Yves. Nagngitngit ang mga ngipin ko nang biglang sumandal si Desiree kay Yves. Sinalo naman siya ni Yves na puno ng pag-aalala. Hanggang sa nakita ko na lang silang dalawa na magkasamang sumakay sa isang taxi.
Ihahatid niya ba si Desiree? Lasing ba talaga ang babaeng 'yon? Bakit parang nagkukunwari lang?
Nag-init ang ulo ko. "Sundan mo," matigas kong sambit sa driver ko.
Sumunod naman siya at ilang saglit pa ay nakarating kami sa isang bahay—bahay ni Yves? Anong ginagawa nila rito? Akala ko ba ibinenta na ni Yves ang bahay niya? Bakit may susi pa siya nito at bakit ipinapasok niya si Desiree sa bahay niya?
I bit my lip. Anong ibig sabihin nito, Yves? Bakit mo siya dadalhin d'yan?
Isang oras ang lumipas at patuloy na nanunuot sa puso ko ang pagkamuhi. I feel betrayed. Kung anu ano nang pumapasok sa isip ko na posibleng ginagawa nila lalo pa't pareho silang nakainom. No way na palalagpasin ni Desiree ang pagkakataong ito.
Nakakuyom ang mga kamao ko habang nakatingin sa bahay ni Yves, baon sa puso ang sobrang galit. Humapdi ang mata at ilong ko.
Sana hindi na ako pumunta sa 'yo kung ganito lang ang masasaksihan ko.
I hate you so much, Yves. I hate you to death.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top