Kabanata XXXVIII
Hindi ako agad nakapagsalita lalo na nang kunin niya ang phone ko. "What's the meaning of this? You recorded me and planned to send this to your cousin?" He scoffed. "Nakikipagtulungan ka ba sa Ismael na 'yon? I guess he's really smart to use you against me, but sadly, he used a stupid fool like you. Bakit? Ayaw mo bang matuloy ang kasal natin?"
Marahas niyang hinila ang braso ko palabas ng closet. "Why? Do you still love that Yves? Tama ba ang mga sinasabi ni Desiree? Nakikipagkita ka sa lalaking 'yon?" Napabuga siya. "So I wasn't imagining when I saw someone's shadow in the mirror at that time. He was there. Yves was hiding there. Kaya pala, when you hugged me in the car, I saw your reflection on the window, opening a letter while embracing me. It was from him, wasn't it? You are fooling us. Both of you."
His teeth gnawed, kasunod no'n ay ang malakas niyang paghalakhak. Napasabunot pa siya sa kaniyang buhok habang tumatawa. "Tama nga sila. Kahit bantayan, kapag gusto may paraan."
Napabuga ako. "Oo, katulad ng panglolokong ginawa mo sa akin, Zeus. You transferred to Altrius to fool me. You make Yves leave me so you can use me on your hidden agenda. "
Ngumisi naman siya, bago hinawing muli ang kaniyang buhok. "And what if I did? Hindi ba't tinulungan din naman kita? Nagpa-alipin din naman ako sa 'yo, sa lahat ng kaartehan mo sa buhay. Ako ang pumalit kay Yves. I did everything he usually does to you. You made me your slave and I let you do that to me. Hindi mo ba tatanawin na utang na loob ang ginawa ko sa 'yo?"
Umiling ako. "No! Wala akong utang na loob sa 'yo! I'm calling off the wedding! Hindi tayo magpapakasal, Zeus! Hindi ko hahayaang matuloy ang plano mo sa pamilya ko!"
Akmang lalabas ako nang mahigpit niyang hawakan ang kamay ko.
"Who told you you can back out?" His face is full of rage, at sa pagkakataong ito mas lalo ko nang hindi nakilala ang mukha niya. "After almost six years I've spent taming you, you're gonna leave me? No, Jenna, you're not gonna ruin our plans. Akin ka na habang buhay."
"No! Who told you you could own me?! Let me go, I'm leaving!"
"At saan ka pupunta? Sa Yves na 'yon? Ano bang kaya niyang gawin laban sa akin? Kung nakaya ko siyang palayuin noon sa 'yo, kayang-kaya kong gawin ulit iyon ngayon."
Napasinghap ako.
"He's incapable of loving you, Jenna. Hindi mo ba makita? Kung may tapang siyang panindigan ka, sana wala ka sa kalagayan mo ngayon. He doesn't love you that much. Ako ang nagmamahal sa 'yo ng totoo."
"Tumahimik ka! You don't know the meaning of love, Zeus!" Sinampal ko siya.
"Why? Do you even know what that is?" He showed me a gun, which he grabbed from his waist. That shut me up. Rumagasa sa dibdib ko ang takot. "Sinasabi mong mahal mo ako, pero sa isang iglap nakaya mo akong bitawan para lang sa lalaking iyon. Inapakan mo ang buo kong pagkatao, Jenna. At hindi ko hahayaang sirain mo ang pangalan ko sa lahat. Ikakasal tayo sa ayaw at sa gusto mo!"
Tinutukan niya ako ng baril, kaya hindi ako nakakilos. Kinuha niya ang phone niya at may tinawagan.
"Yes, mom, Jenna knows everything now. Tell her parents she will be staying with us until the wedding day."
Matigas akong nagsalita. "Walang kasal. Hindi tayo ikakasal, Zeus. Hindi mangyayari ang pangarap mo. Hindi kita mahal para pakasalan ko."
Nakatanggap ako ng malakas na sampal. Sa pagkakataong 'yon, napatunayan ko ring hindi ako mahal ni Zeus. Totoong ginagamit niya lang din ako.
"At sinong mahal mo si Yves? Bakit? Akala mo ba maililigtas ka niya sa kamay ko? No, I told you! Wala siyang kayang gawin! Mamumuti lang ang mga mata mo kahihintay!"
And he was right. That moment, my phone rang. Zeus immediately answered it while pointing a gun at me. Muli siyang tumawa nang malakas.
"Guess what? The love of your life really can't save you now."
Zeus put the call in a loudspeaker.
"Hi, this is from Avenzon Hospital. Naaksidente po si Mr. Yves Roize. Are you related to him? Ikaw po ang nasa speed dial niya."
Akmang magsasalita na ako nang si Zeus ang sumagot nito. "Avenzon Hospital, alright. I'll be there."
"N-no!" Pinatay ni Zeus ang tawag. Tuluyan na akong nanghina. Naaksidente si Yves? Bakit? Paano? "Give me back my phone!" sigaw ko pa, pero malakas niyang ipinalo sa ulo ko ang baril kaya napahiga ako sa sahig.
"Masyado kang maligalig."
No... I need to go see Yves... Please, let me see Yves.
*****
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko ang sarili kong nakatali ang mga kamay at paa habang nakahiga sa kama. Pilit akong tumayo.
"You're awake," sambit ni Zeus. Tiningnan ko ang buong paligid. Narito pa rin ako sa kwarto kung saan ko nalaman ang lahat. Muli na namang umusbong sa puso ko ang galit lalo na nang maalala ko ang ibinalita ng nurse—na naaksidente si Yves.
"Anong nangyari kay Yves?!"
Natawa siya sa tanong ko. "I see. He's the first one who pops in your head. I see. Ni hindi mo man lang naitanong kung kumusta ang nga magulang mo."
"Because I know they are fine!"
"Paano kung hindi?"
Ako naman ang ngumisi. "Then, you won't be alive now. Remember, our family is connected with Mondalla's family. Sa oras na may gawin ka sa amin, nilalagay mo sa panganib ang buhay mo."
"Well, that's true, and I'm lucky that they don't know what's really happening between us."
"Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. Anong nangyari kay Yves? Sabi mo pupuntahan mo siya."
"I did. Narinig kong nagtalo sila ni Desiree, kaya nabangga sila." Nadurog ang puso ko sa balitang iyon. "But who knows? Baka sinadya ni Desiree na ibangga ang kotse dahil sa sobrang galit niya sa manloloko niyang fiance. I know she can do that."
Lumalim ang paghinga ko. Hindi ko akalaing kaya nila itong gawin sa taong mahal nila. Mali, baka hindi totoong pagmamahal ang nararamdaman nila, dahil ang totoong nagmamahal, kayang magpalaya.
"You know what? I saw Yves lying on that cold bed barely breathing. Kung wala lang doon ang pinsan mong si Mael ay tutuluyan ko na sana siya."
"Fuck you! Don't you dare touch him! Ako ang makakalaban mo!"
Napapalatak siya ng tawa. "Don't make me laugh, Jenna. We both know wala kang magagawa sa posisyon mo ngayon. All you can do is obey me, kung ayaw mong mamatay ang taong mahal mo."
"What do you really want?!"
"Dalawa lang naman—ang matuloy ang kasal natin, at manirahan tayo sa Norway. Mabilis lang, hindi ba?"
Nagngitngit ang mga ngipin ko. "Bakit? Kung magpapakasal ba tayo, masisiguro ko bang hindi mo sasaktan si Yves?"
"Si Yves lang ba talaga ang mahalaga sa 'yo?"
"Oo, siya lang. Siya lang ang iniisip ko, kahit sa mga oras na ito, siya lang, Zeus. Handa kong gawin ang lahat para maging ligtas lang siya sa kamay mo."
"Then sumunod ka sa gusto ko. I'll forget and forgive you for cheating on me and continue getting married to you. You'll act like you're happy with me in front of people, even with your parents. At sa oras na may kalokohan kang gawin, hininga ng taong mahal mo ang magiging kapalit."
Mabilis na dumating ang araw ng kasal namin. Katulad ng kagustuhan niya, I acted like I was the happiest woman in this world. May mga luha sa mga mata, pero pinipilit na ngumiti. Aakalain lang siguro nilang tears of joy ito, pero hindi nila alam, umiiyak akong tunay dahil nangangarap ako na hindi siya ang kasama ko sa church wedding na ito.
How ironic, sa harap pa ng Panginoon kami magsisinungaling sa isa't isa. Hindi ko siya mahal, at ganoon din siya sa akin, pero heto kaming dalawa ni Zeus, umaarteng siya ang mundo ko at ako ang mundo niya.
I realized I never loved him. It is just that I am glad he is with me during those difficult times. Siguro, malaking parte din ay kasalanan ko kaya nangyayari itong lahat, dahil masyado kong napaasa si Zeus na mahal ko rin siya kahit ang totoo'y hindi naman. Masyado akong nabulag ng akala kong totoo niyang pag-ibig. Masyado lang pala akong naging masaya dahil siya ang narito sa piling ko, pero nang bumalik na ang taong totoong mahal ko, doon ko napagtantong kaya pala panatag ang puso ko para kay Zeus ay dahil ni minsan ay hindi ito tumibok para sa kaniya.
"Hold me," bigkas ni Zeus nang lapitan niya ako. Tiningnan ko siya bago ko sinunod ang utos niya. "The ceremony is about to start. I want everything to be perfect, Jenna. Just in case you sabotage this wedding, may inutusan akong tao na magbabantay kay Yves. He'll die the moment you cause any scene. Understand?"
"Hindi mo kailangang paulit-ulitin sa akin. Naiintindihan ko, basta siguraduhin mo lang na hindi mo siya sasaktan. Makakaasa kang hindi ko guguluhin ang mga plano mo."
"Good. You're behaving very well. Good job, Jenna. Makakaasa ka ring magiging mabait ako sa pagsasama nating dalawa sa Norway."
Sinong niloko mo?
Nginitian ko lang siya nang matamis kahit na sa isip ko at tuluyan ko na siyang pinapatay. I never imagined that I would hate someone like this. Nag-aalab ang puso ko sa galit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top