Kabanata XXXVII
Naputol ang pag-iisip ko nang makita ko na si dad at mom sa living room. They are waiting for me.
"If you're ready, let's go to the Delleno's now to discuss your wedding date," matabang na wika ni dad. Napabuntong-hininga na lamang ako tsaka sumunod sa kanila, at sumakay sa kotse.
My eyes were on the outside—minamasdan ang daang tinatahak namin patungo sa lalaking pakakasalan ko.
But the car stopped, kaya napalingon ako sa unahan. I was surprised nang may kotseng humarang sa amin, pero mas lalo kong ikinagulat kung sino ang bumababa mula roon.
It was Yves.
Akmang bababa ako nang magsalita si dad.
"Try to get out of this car, and you'll see the death of your lover." Kumuha siya ng baril, bago lumabas at itinutok 'yon kay Yves. Para akong masisiraan ng bait sa pag-aalala.
I can't take this. I can't stand seeing him on his knees, begging. Hindi ko naririnig ang pag-uusap nila, kaya mas lalo akong nangangamba.
Binuksan ko ang pinto.
"Jenna, don't," pagpigil sa akin ni mom.
I was about to go out when I heard Yves, and that broke my heart into pieces.
"I love your daughter, sir. I have loved Jenna since the day I laid my eyes on her. I kept it to myself as much as I could. I obeyed everything you said—to distance and wait for her until her legal age. I worked for myself, sir, but you broke your promise. You even gave her to the man she didn't deserve. What's more I can give to be the man you want for her? I am willing to give every inch of my life just to be with her. Please, sir, I'm begging you. I want Jenna for all of my life. Allow her to be with me as well."
Umatras ang mga paa ko.
I closed the door as I breathed in. Hindi ko na gusto pang marinig kung gaano niya ako kamahal, kung gaano niya kayang patunayan ang sarili niya para sa akin. Kung kaya niya akong ipaglaban kay dad, I should do what I should too.
I'll take this long path so I can prove to him that I love him too. Aalisin ko ang nakaharang sa pagitan naming dalawa. Hindi ako tatakas. I'll face this now and have him later, when I can have him both in my arms without anyone pulling us away from each other.
I love you, Yves. I'm doing this for you, for us. I hope you can wait a little more.
Bumalik na si dad sa kotse at hindi na nagpapigil pang umalis. Hindi ko na rin nagawang lingunin pa si Yves dahil alam kong baka babain ko siya at yakapin.
Hindi puwede. I still have to destroy everything that hinders us. This time, ako naman ang tatrabaho para sa ating dalawa, Yves.
*****
"Jenna, my dear! Welcome to our house, Family Levanier!" bati ng mom ni Zeus sa aming lahat, sabay beso sa amin. Nakangiti rin akong sinalubong ni Zeus.
"Welcome to our home, Jenna," masaya niyang bati sa akin. Nasa loob na kami ng mansyon ng Delleno Family. Malaki ito kumpara sa mansiyon namin at puro white and gold ang finish, pero kung palakihan ng mansyon ang usapan, mas malaki pa rin ang sa Mondalla Residences, ang mansyon ng pamilya ng pinsan kong si Mael.
"Thank you, Zeus; may dala nga pala ako para sa inyo." Ibinigay ko na rin sa kaniya ang dala kong basket na puno ng prutas.
"Nag-abala ka pa. Halika na, sumunod na tayo sa kanila." Hinawakan niya ang baywang ko. Napahinga ako nang malalim, bago ko kinapitan din ang likod niya. Dinala niya ako sa dining room kung nasaan ang mga magulang namin na kapwa masayang nag-uusap.
Sa isang banda, hindi ko mapigilang mangarap. Kung ganito lang din sana nila tanggapin si Yves, araw-araw akong magpapasalamat sa Diyos.
Hinila ni Zeus ang upuan para sa akin. Katabi ko siya. Ibinigay niya na sa maid nila kanina ang pasalubong ng pamilya ko. Napakaraming nakahandang pagkain sa gitna ng lamesa. Mukhang masasarap ang mga iyon ngunit wala akong gana lalo na't pag-uusapan nila ang araw ng kasal naming dalawa ni Zeus.
Kung wala lang siguro akong alam ay magiging masaya rin ako sa araw na ito.
"So, everything is settled?" tanong ng dad ni Zeus.
"Yes, it is, even their wedding rings are now prepared. We're here to talk about their wedding date. Would you like to hold it after a week?"
Napasinghap ako. Dad is really going to make me marry this family, kahit na nakiusap na ako sa kaniya kanina. Then, I really have no choice, para sabayan sila.
"Of course, the sooner the better, right, Zeus?"
Sumulyap sa akin si Zeus. "If it's okay with Jenna, then I'm okay with it." Ngumiti siya sa akin.
Naramdaman ko naman ang paglingon sa akin ng lahat na para bang hinihintay ang sagot ko. I forced a sweet smile and held Zeus' hand. "As long as it's Zeus that I'm going to marry, kahit bukas pa 'yan ay payag ako."
Nakita ko ang pagkabahala sa mga mata ni mom. Para bang naaawa siya sa akin, pero katulad ko ay wala rin siyang lakas ng loob na baliin ang kagustuhan ni dad.
"Then it's settled, ikakasal ang mga anak natin sa nalalapit na Lunes. Hindi na ako makapaghintay!" hirit ng mom ni Zeus. "I can't wait to finally have a daughter! Sana nga ay mabigyan nila tayo agad ng apo!"
Halos mabilaukan ako nang marinig 'yon.
"Are you okay?" tanong ni Zeus, sabay abot ng baso ng tubig sa akin. Tumango ako. "O-oo. Salamat. Can I go to the comfort room? Where is it?"
"Upstairs, on the right side. You want me to go with you?"
Umiling ako. "No, no. I'm okay. Tell me na lang kung anong napag-usapan nila. Okay?"
"Okay."
Nagmadali akong umakyat para hanapin ang comfort room, pero imbes na comfort room ang kwarto na mabuksan ko, isang madilim na kwarto ang bumungad sa akin.
Halos mapanganga ako nang makita ko ang mukha ko roon, maging ng pamilya ko at pamilya ni Mael. Naroon din ang mukha ni Yves na naka-cross out. Anong ibig sabihin nito? Bakit may mga magkakakonektang pulang linya na para bang isang plano?
Nakakapangilabot.
"Jenna?"
Napalingon ako sa labas nang marinig ko ang boses ni Zeus. Sumilip ako, and I saw him at the other door; it seemed like it was the real comfort room.
"Are you still there? Mom and dad are calling us. I also opened up about us living in Norway. They want to hear your side even though I already told them you agreed."
Napalunok ako lalo na nang paulit-ulit siyang kumatok at nang tuluyan iyong buksan ay hindi niya ako nakita. Mabilis akong napaatras nang lumingon siya sa kwartong ito.
Mabilis akong naghanap ng mapagtataguan. Nang makakita ako ng aparador ay pumasok ako roon. Habol-habol ko ang hininga habang tinitingnan sa phone ko ang nakuhanan kong litrato.
Hawak ko ang bibig ko nang marinig ko ang paglangitngit ng pinto. Bumugso ang kaba sa dibdib ko.
"Jenna?" pagtawag niyang muli sa pangalan ko. He checked the room and was about to get out when his phone rang.
Pinigilan ko ang aking paghinga, habang tinititigan siya sa pagitan ng butas ng aparador. Muling bumalik sa akin ang isang alaala noong bata pa ako—noong magtago kami ni Yves sa locker. Kung narito lang sana siya, hindi ako matatakot nang ganito.
"What the hell, Desiree?"
Napasinghap ako nang marinig ko ang pangalang iyon. Kausap niya si Desiree?
"What? Are you serious? No, Jenna is with me. I don't believe you. She's here with her family. We're talking about the wedding. What? What do you mean? Yves and Jenna? That's ridiculous. Also, can you stop calling me? I don't want Jenna to know that we're talking to each other."
Bumigat ang paghinga ko.
"No, I already helped you before. We already talked about not calling each other again. I made Yves leave, so if you're still having problems with your fiance, labas na ako d'yan. I still have lots to do, so stop pestering me."
Akmang papatayin niya na ang tawag nang ibalik niyang muli sa tainga ang phone niya. Kita ko ang pagbabago ng kaniyang buong mukha. It became dark. Maging ang kamay niya'y kumuyom.
"Don't try me, Desiree. You know what I can do. Don't blackmail me as if you are on the upper hand. Hanapin mo ang fiance mo at siguraduhin mong itatali mo na siya sa 'yo dahil kapag napurnada ang partnership namin sa Levanier, baka madamay ka. Sinasabi ko sa 'yo. Kung kailangan mong putulin ang paa, gawin mo. Ikaw na ang bahala. I'll do my part also, just like what I promised. I'll marry Jenna while you make sure your wedding with Yves will be pushed through. Kailangan ng Delleno ang Levanier para makalapit sa Mondalla, at kapag nangyari 'yon, you will be compensated also."
Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong lumabas na si Zeus, pero saglit lang iyon dahil naalala ko ang mga narinig ko. So it was true, both of them are conspiring against us. And Zeus was literally using me to make connections with Mondalla. I immediately grabbed my phone to send every recording I got to Mael.
"What are you doing here, Jenna?" Nanigas ang katawan ko nang magbukas ang pinto ng aparador at sumalubong sa akin ang galit na mukha ni Zeus. "I said, what are you doing here?!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top