Kabanata XXXIX

"Congratulations, Jenna and Zeus! Hindi ko akalaing darating talaga ang araw na ito!" pagbati ng mom ni Zeus sa akin. Hindi na ako nagtataka kung gaano siya kagaling umarte dahil papalapit na rin si mom and dad.

"Jenna, you look so beautiful!" wika ni mom sa akin, bago niya hinawakan ang magkabilang balikat ko para titigan ako nang matagal. Sinusuri niya ang mukha ko na para bang tinitingnan kung totoo bang masaya ako sa araw na ito. Niyakap niya akong muli at tinapik ang likod ko.

"Don't worry, anak. Someone told me that everything will be fine as long as he's around," bulong niya sa akin.

Namuo ang luha sa mga mata ko. No way. There is no way Mom would know that unless she talked to him. There is no way!

Tuluyang pumatak ang luha sa pisngi ko nang bitiwan niya ang pagkakayakap niya sa akin. "It's okay, Jenna." Hinaplos niya ang buhok kong natatakluban ng belo.

"Mag-uumpisa na ang seremonya. Halika na," komento ni dad, tsaka kinuha ang kamay ko at isinakbit sa braso niya. Mom went to her position as well as Zeus' parents. Naiwan kami ni dad sa gitna sa dulong bahagi.

Hindi ko na napigilang umiyak pa lalo. How I wish Yves was there waiting for me...

"Stop crying," Dad whispered. "Smile because today is your day, Jenna."

"You know that this is not my day, Dad. This day is the worst day of my life," banggit ko sa kaniya habang pinipilit na ngumiti. "I hate this day so much."

Nagsimula na kaming maglakad nang tumugtog ang kantang pangkasal. Hindi ko alam kung bakit sa pandinig ko ay parang kanta ito para sa patay. Sabagay, para na rin naman akong patay dahil ikakasal ako sa lalaking hindi ko mahal at may plano pang masama sa pamilya ko. At higit sa lahat, balak na patayin ang taong totoo kong mahal.

"You'll be near to God as I walk you to the altar. Sulitin mo na ang bawat segundo para magdasal. Baka pakinggan ng Diyos ang kahilingan mo," wika ni dad. Hindi ko alam kung inaasar niya ba ako o ano.

"Hindi ako malakas sa Kaniya."

Ngumiti siya. "Sabi nila, ang nasa bingit ng kamatayan ay mabilis na pinapakinggan ng Diyos." Napalingon ako kay Dad. Kailan pa siya naniwala sa ganoon?

"If something turned out to be possible today, then I must believe that guy really knows how to pray—pray for you."

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ni dad, at nawalan na ako ng pagkakataong tanungin pa siya nang iabot niya na ang kamay ko kay Zeus na abot tainga ang ngiti.

Nagsimula na ang seremonya ng kasal namin ni Zeus. Mabigat ang kalooban kong nakikinig sa lalaking nagkakasal sa amin. Sa totoo nga ay hindi ko siya pinapakinggan. Nakalipad ang utak ko. Ang tanging laman lang ng isip ko ay si Yves, na sana ay walang mangyaring masama sa kaniya.

"Jenna..." Napalingon ako kay Zeus nang tawagin niya ako. "He's asking you."

Tila ba kanina pa ako hinihintay na sumagot ng lalaki sa hindi ko naman narinig na tanong.

"Ikaw, Jenna Levanier, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Zeus Delleno, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"

I gulped as I looked at Zeus. He was striking me with his penetrating gaze, waiting for me to say yes, or else he'd do something I would regret forever.

"O-opo."

Gumuhit ang ngisi sa kaniyang mga labi.

"Ikaw, Zeus Delleno, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Jenna Levanier, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"

"Opo."

"Kung sino man ang tumututol sa kasalang ito ay magsalita na o panghabangbuhay nang mananahimik."

Malakas ang tibok ng puso ko—puno ng pag-asang may tututol sa kasalang ito.

God, please. Please help me.

"Itigil ang kasal!"

Pumatak ang butil ng luha mula sa mga mata ko at agad akong napalingon sa pinto upang tingnan kung sino ang sumigaw na 'yon. But it wasn't Yves at all; instead, it was my cousin, Mael, kasama ang isang grupo ng mga pulis.

"Mr. and Mrs. Delleno, together with your son, Zeus Delleno, may warrant of arrest kayo sa salang abduction at fraud. You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have a right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be appointed for you," bigkas ng isang pulis habang may pinapakitang kasulatan.

"What is the meaning of this?!" malakas na sigaw ng dad ni Zeus. Si Zeus naman ay hindi makapaniwala sa nangyayari.

"Sumama po kayo sa presinto at doon na magpaliwanag."

Isa-isang dinakip ng mga pulis ang mom and dad ni Zeus.

"Anong ibig sabihin nito, Jenna? Did you do this?" tanong pa ni Zeus habang dinadakip na rin siya ng mga pulis.

I shrugged and shook my head. "No, God do this. He heard my prayers. Hindi niya ako hinayaang magpakasal sa masamang taong katulad mo!" Tinanggal ko ang belo na suot ko. "At isa pa! Hindi ako magpapakasal sa 'yo, dahil kasal na ako!"

Tumakbo ako papalayo sa kaniya. Tinawag pa ako nila mom and dad, pero hindi na ako nagpapigil pa. May ngiti sa mga labi ko nang salubungin ko ng yakap si Mael na naroon sa dulong bahagi at kausap ang ibang mga pulis.

"Thank you, Mael! Thank you!" wika ko habang lumuluha.

"No, thank you. Thank you for buying time for us." Pinunasan niya ang mga luha ko. "You look beautiful, but yet a mess. Puntahan mo na si Yves."

"Pahinging pamasahe," natatawa kong sambit.

"Right, of course." Ibinigay naman niya sa akin ang wallet niya. "Ako na'ng bahala rito."

"Salamat, Mael."

Tumakbo ako papunta sa labas, bago pumara ng taxi, at nagmadaling pumasok doon.

"Saan po tayo, Ma'am?" tanong ng driver at tila ba gulat pa dahil nakita niya akong nakasuot pangkasal.

"Sa asawa ko. Sa Avenzon Hospital."

"Okay po, Ma'am."

Pinaharurot na ni manong ang sasakyan at hindi naman ako naghintay nang matagal nang tumigil na siya sa Avenzon Hospital.

Bumaba na ako at nagbayad. Lakad-takbo akong pumapasok sa hospital, habang pinagtitinginan ng mga tao.

Wala na akong pakialam. I need to see Yves. I need to check on my husband. I hope he's fine. I hope he is.

Nagtanong ako sa nurse kung saan ang kwarto ni Yves at itinuro niya naman iyon sa akin.

My knees began to shake in nervousness. Lalo't naiisip ko ang posibleng itsura niya ngayon. My eyes became weary. Ni hindi ko na makita ang dinadaanan ko. It's blurred because of my tears. Nanghihina ako sa isipin palang na nasa hospital siya dahil naaksidente siya. Sumasakit ang puso ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto at napanganga ako at halos hindi makagalaw. Hindi ko magawang humakbang papalapit sa kaniya. This is not the scene I want to see him in.

"Yves... I'm here. Narito na ako..."

Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko nang makita ko ang buo niyang kalagayan. Malalakas na hikbi ang pumuno sa apat na sulok ng kwarto kung nasaan kaming dalawa.

"Yves... I did my part. We are now free. We can be together n-now." Nabasag ang boses ko. Halos mapaluhod ako sa panghihina. Muli kong naalala 'yong araw na nabalian siya dahil sa baseball. Doon palang ay grabe na ang pag-aalala ko, ito pa kayang mabalitaan siyang naaksidente at napuntahan ko lang siya makalipas ang isang linggo.

"Yves, please wake up. Your wife is here now. I'm here now, all yours. Gumising ka na, magkakasama na tayong dalawa."

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. Kasalukuyan siyang nakahiga sa kama, puno ng sugat, at mga nakaturok na kung ano sa kamay niya. Napayuko ako habang nananalangin na sana maging okay na siya, na sana gumising na siya dahil hindi ko kinakayang makita siyang ganito. Para akong binabawasan ng buhay.

I swear, kung magigising siya, aalagaan ko siya habang may hininga ako. Babawi ako. Mamahalin ko siya nang buo kong puso at hindi na pakakawalan pa.

"Bakit k-ka umiiyak?"

Tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang boses niya. Agad akong napatingin at kitang-kita ko ang nag-aalala niyang mukha. Unti-unti siyang bumangon at umupo. Hinawakan ang mukha ko.

"Jenna, bakit ka umiiyak? Sinong nagpa-iyak sa asawa ko?" Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko, pero dahil sa ginawa niya, mas lalo lang bumagsak ang mga luha ko. Mas humigpit ang pagkakawahak ko sa kamay niya.

"Tinatanong mo pa talaga ako. Ikaw lang naman ang dahilan ng mga pag-iyak ko. Ano ba kasing ginagawa mo rito? Bakit ka puro sugat? Bakit ka naaksidente?"

"Naaksidente kami ni Desiree, Jenna, noong ihahatid ko siya sa bahay niya," kwento niya na lalong nagpabigat ng kalooban ko.

"Naaksidente kayo? Bakit?"

"Sinabi ko sa kaniya na hindi na matutuloy ang kasal namin dahil kasal na ako sa iyo. Nagalit siya at hinawakan ang manibela at ibinangga ang kotse na sinasakyan naming dalawa." Ibinangga? So, it means it wasn't an accident.

"Nasaan siya ngayon kung ganoon?"

"I don't know, but I guess she's fine," paliwanag niya. I don't know anymore. Ngayong nahuli na si Zeus ng mga pulis, sigurado akong mapapabilang sa kasabwat si Desiree lalo pa't sinadya niyang ibangga ang kotseng sinasakyan nilang dalawa.

"Ikaw? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo?"

"Marami. Lalo na itong puso ko, Jenna." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top