Kabanata XXXIV

"Jenna?!"

Tiningnan nila ang paligid na parang may hinahanap.

"Why are you crying? Akala ko nagpapalit ka na?" Lumapit si Zeus sa akin.

"W-wala. Hindi ko kasi maibaba 'yong zipper kanina, pero okay na ako. Medyo nainis lang ako." Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko tsaka mabilis kong isinuot ang dress ko. Mabuti na lang din at turtle neck ang dala kong damit para hindi makita ang itinanim na marka sa akin ni Yves sa leeg. Lihim akong tumingin sa paligid. God, muntikan na kami roon. Saan siya nagtago?

"Desiree, nariyan ka pala. Anong ginagawa mo rito?" tanong ko naman.

"N-nothing. Hinahanap ko kasi si Yves. Baka nandito siya."

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman siya mapupunta rito?"

"Yeah, right? Bakit nga ba? Anyway, aalis na ako. Hahanapin ko pa ang fiance ko."

Nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang umalis na siya. "How about us? Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko naman kay Zeus na panay ang titig sa akin.

"What happened to your lips?"

Napahawak ako sa labi ko. "Bakit?" Humarap ako sa salamin at muli kong naalala ang paghalik sa akin ni Yves, maging ang pagtugon ko sa kaniya. "Ah, b-binura ko. Baka kasi mamantsahan 'yong wedding dress kanina."

"I see. Then let's go?"

"Sure." I clung to his arm and followed him. Pasimple pa akong lumingon sa fitting room para hanapin kung saan nagtago si Yves. Hindi ko na siya nakita.

We went inside the car, at doon ko lang napansin ang kapirasong papel na nasa kamay ko. I was about to throw it away nang makita kong parang may naksulat. Agad ko iyong tinago.

"Oo nga pala, Zeus. I-I did not ask you this before, bakit ka nga pala nag-transfer sa Altrius noon?"

Tumingin siya sa akin habang sinusuot ang seatbelt niya.

"Why are you asking that suddenly?" Nagbago ang tono ng pananalita niya at ang paraan niya ng pagtitig sa akin.

"I'm just curious. Tell me."

"Wala naman. My parents want me to study there; that's why. Bakit ka biglang na-curious?"

"Uhm, pakiramdam ko kasi wala pa akong alam sa 'yo. You see, ikakasal na tayo. Nagfitting na tayo, next naman aasikasuhin natin 'yong wedding rings, but up until now, na-realize ko, hindi pa ganoon kalalim ang pagkakakilala ko sa 'yo. I want to know you more, Zeus. I want to know what's waiting for me in Norway with you."

"Norway?" Kumislap ang mga mata niya. "H-hey, do you mean payag ka na? You're gonna live with me there?" Masigla niyang hinawakan ang kamay ko habang nakangiti. Nangingilid pa ang mga luha niya."

"Yes, Zeus. I realized I want to face my fears. Although, mapapahiwalay ako sa parents ko, but that was marriage supposed to be, right? I really have to go there and live with you. And I think, okay sa akin basta kasama ka. 'Yong tayong dalawa lang. Payapa. Walang sagabal."

Lalong tumamis ang mga ngiti niya. "You're right, Jenna. You'll be happy at peace with me. Thank you. Thank you for choosing me. I love you."

"I love you too, Zeus."

He kissed my temple. Niyakap ko naman siya.

Hinatid niya ako sa mansion at pasado alas otso na nang makarating kami. Nagpaalam na si Zeus sa akin, kaya naman pumasok na ako sa loob, pero para lumabas muli pagkaalis niya.

The hell does he want? Why would he give me that letter and ask me to meet him at Binondo? Kung hindi ko pa niyakap si Zeus kanina ay hindi ako magkakaroon ng pagkakataon para mabasa ang sulat na iniwan niya sa akin.

"Meet me at the bridge."

I decided to commute to go to where Yves and I had our first date. Hindi ko alam kung nag-iisip pa ba ako ng tama para makipagkita sa kaniya at puntahan siya. Yves, ano ba itong ginagawa mo sa akin? Bakit hindi kita matiis?

"Jenna!"

Nilingon ko ang tumawag sa akin at mabilis ko namang nakita si Yves sa gitna ng maraming tao. Kumakaway siya habang nakangiti.

Hindi ko mapigilang mapaluha dahil muling bumabalik sa akin ang unang beses naming pumunta sa lugar na ito.

"Oh, bakit ka umiiyak? Hindi ka ba masayang makita ako?" tanong niya nang makalapit siya sa akin.

"Bakit mo ba ako pinapunta rito? Nababaliw ka na ba talaga?"

"But you also came here, so I guess pareho na tayong nababaliw. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo at umamin ka na, gusto mo rin naman akong makasama."

"Hindi, 'no? Naisip ko lang na baka hindi ka umalis dito kaya pinuntahan kita. Gusto ko lang sabihin sa 'yo na hindi magbabago ang isip ko at pakakasalan ko si Zeus. Sasama ako sa kaniya sa Norway. Doon kami titira, para hindi mo na ako maabala."

He stuck out his tongue and seemed annoyed by what I said. "Then, thank you for telling me your plans. I might ruin it. Norway? No way!"

"Ugh! No way! I'm just here so you can tell me everything you know about my fiance."

Ngumisi siya. "Bakit? Nagdududa ka na rin ba sa kaniya?"

"Of course not!"

"Well then, I'll tell you later."

Kinuha niya ang kamay ko bago ako hinila. "Saan mo ako dadalhin?"

"I'm going to fulfill my promises, Jenna. Didn't I tell you why I wanted to work as soon as possible?"

I exhaled when I remembered that. Bigla akong nawalan ng lakas.

"It was I want to date you."

Napakalma ako ng mga salitang iyon lalo na nang maalala ko kung gaano karaming kilig ang naidulot no'n sa akin. Para akong ibinabalik sa panahong mahal na mahal ko siya. At ngayon, muli na naman niyang napatibok nang mabilis ang puso ko na payapa lang kapag kasama si Zeus.

"Kaya halika na, kahit anong piliin mo rito, kaya ko nang bilhin."

Napakagat ako sa labi ko.

"Ituro mo lang, ibibigay ko para sa 'yo."

Kung ituro ko ba ang puso niya, ibibigay niya ba sa akin?

Hindi, dahil matagal ko na yatang hawak ito, pero binabalewala ko lang.

Bakit ba kami napunta sa ganitong kalagayan? Anong nangyari sa aming dalawa? Mahal na mahal namin ang isa't isa noon, pero dahil mali ang panahon ay maraming naging hadlang para maging masaya kami.

Ultimo ngayon, maging ang pagkikita naming ito ay hindi maaaring malaman ng iba. At nasasaktan akong hinahayaan ko lang ang lahat. Ganoon ko ba siya kamahal? But I love Zeus, right? Why am I being torn like this? Posible bang dalawa ang mahalin?

"Puro ka naman iyak, Jenna! Hindi ka ba talaga masayang kasama ako?" He used the sleeves of his jacket to wipe my tears. "Pagbigyan mo na ako. Malay mo, huli na 'to?"

Doon ako biglang natakot at dahil sa sinabi niya, pinilit kong pigilan ang mga luha ko. Pinili kong maging masaya dahil kung huli na nga ito, ayokong maiwan sa kaniyang alaala na umiiyak ako. Sige, balato ko na sa kaniya ang gabing ito, bago ako magpakasal sa iba.

"Paborito mo pa rin ba ang takoyaki?" tanong niya.

Umiling ako. "Ikaw, ikaw pa rin ang paborito ko Yves," sambit ko habang nakatitig sa kaniya.

Natawa naman siya. "Ikaw, ha? Bigla kang bumabanat. Totoo ba 'yan?"

"Oo, totoo."

"Tsk. Bakit mo naman ako ikukumpara sa takoyaki, eh, hamak naman na mas masarap ang balls ko d'yan."

Ako naman ang natawa sa hirit niya. Halos lumobo na nga ang sipon ko dahil sa sinabi niya. "Gago ka talaga! Ang baboy mo pa rin!"

"Well, matatanda na tayo, kaya hindi ko na pipigilan ang bunganga ko."

"Hoy, anong matanda? Twenty palang ako! Baka ikaw, gurang na!"

"Mahiya ka naman, Jenna. Twenty-three palang ako. Baka mamaya, maniwala si ate, hingan ako ng senior citizen ID. 'Di ba, ate?"

"Hindi po. Ang gwapo niyo po para maging gurang," sambit ni ateng nagtitinda ng takoyaki tsaka inabot ang ibinibigay ni Yves na bayad.

"Ewan ko ba d'yan. Ang gwapo gwapo ko na, pinagpalit pa ako."

"Ay, baka ako po talaga ang para sa inyo!"

Pareho naman kaming natawa sa banat ng babae. "Feeling ko nga, ate, bagay kayo," sulsol ko pa na ikinanguso ni Yves.

"Mas bagay kaya tayo. Pustahan, gwapo at maganda ang magiging anak natin kung magiging end game tayo."

Napailing ako. "Saan mo naman natutunan 'yang mga salitang 'yan?"

Nagkibit-balikat siya. "Sa mga gen z. Bakit? Hindi mo alam? Baka ikaw ang gurang sa ating dalawa."

Inirapan ko na lang siya. "Eh 'di ako na ang gurang! At least maganda pa rin!"

"Ay wala na. Panalo na. Dinaan ba naman sa ganda. Wala naman akong angal d'yan. Sarap mo ngang i-kiss, eh."

"Anong i-kiss? Baliw ka na! Kumain na nga lang tayo!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top