Kabanata XXXII

"Are you sure it was me?" Hindi ako nakapagsalita.

"Yes, I brought her home once when she was drunk, but that home wasn't mine anymore. Ibinenta ko na 'yon at siya ang bumili. Hinatid ko lang siya. Hindi ako natulog kasama niya, Jenna! I swear!"

Muli kong naalala ang picture na ipinakita sa akin ni Desiree noon. She was naked and Yves too, pero tama siya, paano ako nakasisigurong si Yves 'yon kung nakadapa ito roon sa picture?

"Jenna, it was you who left me. I went to your mansion when you were turning eighteen, but all I saw and heard was that you and Zeus were together. It was you who left me hanging on the fence, Jenna."

Pumatak ang butil ng luha sa pisngi ko.

I felt dumbfounded, even now that I am witnessing his tears.

"I was really mad, Jenna. Sobrang galit ko sa 'yo. Kaya ako umalis kasi pakiramdam ko, kahit anong pilit ko hindi sapat na mahal lang kita. Kailangan kong may patunayan kaya nag-drop ako, pero ni minsan hindi kita binitiwan. Kahit hindi malinaw 'yong atin, hindi ako nagloko kahit magkalayo tayo. Kahit na paulit-ulit mo akong sinasaktan, patuloy pa rin akong umaasa na lahat ng pagsisikap ko, may kapalit, na sana ikaw 'yong kapalit."

Umiling ako. "Hindi na tayo pwede, Yves. Ikakasal ka na. Ganoon din ako."

"Mahal mo ba siya? Mahal mo ba si Zeus? Mas mahal mo na ba siya kaysa sa akin?"

Hindi ako nakasagot at nanatiling nakatitig sa mga mata niyang walang humpay na nag-aalay ng mga luha para sa akin.

"Sabihin mo sa aking wala na ako sa puso mo. Ikaw ang magsabi sa akin na itigil ko na ang lahat ng kahibangan ko."

Pero ako yata itong nahihibang sa aming dalawa. Napunta ang atensyon ko sa mga labi niya. Mapupula na tila ba inaakit ako. Maging ako ay nagulat sa sunod kong ginawa. Hinalikan ko ang mga labi niyang iyon.

"J-jenna..."

Napahawak ako sa dibdib niya nang palalimin niyang maigi ang halikan namin. Puno ng pananabik niyang inubos ang hininga ko habang nakahawak siya sa batok at likod ko. Ramdam na ramdam ko ang malalambot niyang labi. Nakakalasing. Nakakalunod. Nakakalimutan ko ang lahat.

Pakiramdam ko'y bumabalik ako sa pagkabata... Noong panahong unang beses niya itong gawin sa akin.

Hindi ko napigilang mas bumawi pa sa mga halik niya habang ang mga luha sa mga mata ko'y patuloy na bumabagsak. Rinig na rinig ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakakabaliw. Para bang naihahatid niya ako sa panahong kami palang dalawa at wala pang mga hadlang at problema... Nakapaligid sa amin ang tahimik na araw at buwan na masaya kaming pinagmamasdan. Kaming dalawa lang sa kalawakan... Kami lang. Wala nang iba pa.

"Jenna..."

Tila ba narinig ko ang boses ni Zeus at nakita ko ang mukha niya, kaya napabitiw ako at naitulak ko si Yves nang mahina. Nabalik ako sa reyalidad.

Mali itong ginagawa namin.

Ikakasal na siya.

At ganoon din ako sa ibang tao. Hindi dapat ako nakikipaghalikan sa iba. This is cheating, Jenna. What have you done?

"S-sorry, Yves. Hindi dapat nangyari 'yon. Please forget about it. I'm really sorry."

Tumakbo ako palabas at iniwan ko siya. Sakto namang narinig ko ang ring ng phone ko. Si Zeus.

"Jenna? Nasa'n ka?"

"Ikaw? Pupuntahan kita."

"Nandito na sa parking lot. Akala ko'y nauna ka na dito sa kotse, kaya pinuntahan kita."

"S-sorry. Papunta na ako. Umuwi na tayo." Ibinaba ko na ang tawag.

"Hindi ko papakasalan si Desiree, para sa 'yo." Napapikit ako nang marinig ko ang boses ni Yves sa likod ko. "Sasabihin ko sa kaniyang hindi ko siya mahal at ikaw ang mahal ko."

"Nababaliw ka na ba?!" sigaw ko sa kaniya.

"Oo, nababaliw na ako, Jenna! How am I supposed to act normal when you kissed me earlier? Are you playing with my feelings?"

"No! Of course, not! But that was a mistake! Hindi dapat nangyari 'yon!"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang lapitan niya ako. "No, Jenna. Face the responsibility for what you did. You kissed me first. I'm not letting you out of this mess. Not this time." Matagumpay siyang ngumisi bago ako tinalikuran.

Umalis siya at pumasok muli sa Activity Center. Dahil sa takot na baka kung anong gawin niya sa gitna ng event ay nagdesisyon akong sundan siya. Nakita ko siyang pumunta sa hanay ng mga champagne flute at uminom. Mahigit sa tatlo ang sunod-sunod niyang tinungga.

Shit, ano bang pinaplano niya?

Panonoorin ko pa sana siya nang muling tumawag si Zeus, kaya naman nagdesisyon na akong umalis at pumunta sa parking lot.

Binuksan ko ang pinto ng passenger's seat at umupo roon.

"Anong nangyari sa lipstick mo?" bungad niyang tanong. Tiningnan ko ang sarili ko sa mirror. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Napapikit ako at napakagat sa labi. I shouldn't have done that.

"W-wala ito. Uminom ako ng tubig kaya nabura."

"Nagkita kayo?"

"Ha? Nino?"

"Ni Yves."

"Hindi. Bakit naman kami magkikita?"

Matagal niya akong tinitigan, bago siya tumango. "Right. Why would I even ask that? Forget it, baby." Hinaplos niya ang pisngi ko at ginulo ang buhok ko. "Hindi ka pa kumakain, kaya kumain muna tayo sa labas."

"Sige, Zeus."

Hinawakan ko ang kamay niya habang nagmamaneho siya papunta sa isang famous restaurant. We decided to have some dinner sa isang European restaurant.

"Do you wanna go to Norway with me, Jenna?"

Nasamid ako sa alok niya.

"N-norway? Anong gagawin natin do'n?"

"After our wedding, we can live there if you want. Napakaganda roon, Jenna."

"I mean, yeah, of course, maganda talaga roon, pero ang tumira sa ibang bansa? Paano ang mga pamilya nating maiiwan dito? We'll miss them."

"We'll visit here if you want, or they can visit us there. I can buy land there if you have decided."

Napalunok ako sa suhestiyon niya.

"Can you give me time to think about it?" nahihiya kong tanong.

"Of course, baby. Take your time. It is our future we're talking about. Also, I heard our dads are planning our wedding as soon as possible. They couldn't wait to be business partners."

"Yeah, right. I'm glad na nagkakasundo sila."

Ngumiti siya. "Katulad ng pagkakasundo natin."

Ngumiti rin ako. "Oo nga, ano? Kahit isang beses yata ay hindi tayo nag-away, Zeus. You always listen to my rants and never talk back. Iniintindi mo lang ako palagi kahit na madalas akong topakin. How can you manage doing that?"

Ibinaba niya ang fork and knife before answering me. "I don't know, maybe I just love you that's why."

"Pfft! Seryoso kasi! Aminado naman ako na masama ang ugali ko, pero like, paano? Hindi ka ba nagsasawa? We've been together for almost what? Five years?"

"Because I've wanted to marry you since the very first day I saw you, Jenna. Palagi ko naman 'yang sinasabi sa 'yo. At sumasaya ako sa isiping tama ang desisyon kong lumipat sa Altrius dahil nakilala kita."

Hinawakan ko ang kamay niya. "I'm forever thankful too, Zeus, that you transferred schools and met me."

After dinner, hinatid ako ni Zeus sa mansion. He kissed my cheek before saying good bye. Napatitig ako sa kaniya.

He's really a gentleman for waiting for me, and I appreciate it so much. Kahit isang beses ay hindi niya ako sinubukang halikan sa labi, at kahit yayain man lang na magsama kaming matulog ay hindi niya ginawa. I remember how he told me that he practiced celibacy, and because of that, panatag ako kapag kasama ko siya. Aabot ba kami ng limang taon kung hindi?

Tuluyan na siyang nakaalis. Papasok na ako sa main door nang may magsalita sa likod ko.

"Was that Zeus?"

Nilingon ko siya. "Mael, anong ginagawa mo rito?"

Naglakad siya papalapit sa akin. "Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?" dagdag ko pang tanong, dahil matagal ko rin siyang hindi nakita. Maraming taon na, dahil kapag reunion ay hindi siya pumupunta.

"I just want to talk about something. I need your help."

"My help?" tanong ko. "Let's get inside then if it's that serious."

Umupo kami sa living room. "What is it, Mael? Was that really important kaya kahit hating-gabi na ay sinadya mo pa ako rito?"

"I want you to be the marketing manager of my company."

Napanganga ako. "Your company? What company are you talking about?"

"The Loeisal Malmdan Company, it is a perfume company. Since, you graduated with a marketing degree, your skills are perfect."

Nanatiling nakakunot ang noo ko. "Since when did you have a company on your own? And Loeisal Malmdan Company? What's with the name?" pagrereklamo ko.

"It's just my name jumbled. I don't want anyone to know that it's mine, that's why."

"Oh, right, Ismael Mondalla." I rolled my eyes, before crossing my legs and arms. "Interesting, but I would like to turn it down. I'm going to Norway after getting married."

Siya naman ang kumunot ang noo. "Oh, so you really have decided to marry that guy huh? What about Yves?"

Nagsalubong ang mga kilay ko. "What do you mean by what about him? Bakit ba lagi mong isinasama ang pangalan niya sa usapan nating dalawa as if we are related. Hindi naman naging kami."

"Hindi ba?"

"Hindi! So can you stop? I'm engaged now. Refrain from saying the names of other guys. I don't want anyone to think that I'm still not over him."

Ngumisi siya. "Bakit? Are you still not over him?"

Muli akong napairap. "Umuwi ka na. Tumanggi na ako sa offer mo. Wala nang dahilan para mag-stay ka pa rito. Aakyat na ako sa taas dahil gusto ko nang magpahinga."

"Do you really love that Zeus?" He cleared his throat. "Wrong question. Does that guy really love you, huh, Jenna?"

"What do you mean? Of course he loves me! Bakit ba ganiyan ang tingin niyong magkaibigan kay Zeus? He was the one who helped me to move forward and focus on myself. Why are you doubting it?"

"I don't know. What if he's after your family's business? Are you sure he's not using you for business?"

Napatayo ako. "That's a serious accusation, Mael. Enough na! Akala ko ba you're asking me for help kaya ka narito, pero bakit parang you're roasting me na and my fiance?"

Tumayo din siya at hinarap ako. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit siya nag-transfer sa Altrius? Natanong mo ba siya tungkol doon?"

"Shut up, Mael. I don't want to hear any of it anymore. Umalis ka na."

"I'm just dropping hypothetical questions, Jenna."

"You're just merely pissing me off and ruining my night. Kung totoo ang mga sinasabi mo, then you're late now. You should've told me that earlier, not now. And honestly, sa tingin ko, sinasabi mo lang 'yan because you're conspiring with your friend to ruin everything for me, but sadly, I won't buy it."

He smirked. "So nagkita na kayo ni Yves?"

Umusok ang ilong ko sa mapanudyo niyang ngiti. Ganoon ba ako kadaling basahin? Saan banda sa sinabi ko niya napatunayan na nagkita kami ni Yves?

"I'm glad he's back. Brace yourself, Jenna. It's reaping time."

Iniwan ako ng dakilang pinsan ko sa salas na nakanganga. What the hell does he mean? Wala ba siyang balak patulugin ako? Anong reaping time?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top