Kabanata XXX
"For real? You slept with him?"
My teeth gritted when I heard that. It was early in the morning, and I'm trying my best to read, but Desiree and her friends are fucking disturbing me.
"What? Totoo ba ang narinig ko? Magkasama kayo ni Yves kagabi sa iisang bahay?"
"Birthday niya kasi kahapon, and nagkayayaan 'yong mga boys na mag-inuman. And then ayun, nangyari na ang nangyari."
Napapikit ako at huminga nang malalim. Buong gabi na akong umiiyak, hindi pa ba napapagod ang mga mata ko? Ni hindi na nga ako makamulat.
"Kyaaah! For real? So, kayo na ba? Ano? May label na ba kayo? I can't believe it! Kayo pa rin pala ang magkakatuluyan sa huli! Akala ko unrequited love ka na lang forever!"
"Hindi ako papayag, 'no? I want it, I get it!"
Tumawa sila nang malakas na para bang sinasadya talaga nilang marinig ko ang lahat. Hindi ko na napigilang sumigaw.
"Kayo! Can you shut up? Kung magchichismisan kayo, doon na lang kayo sa labas!"
Pare-pareho naman silang lumingon sa akin. Nakangisi pa sila nang mapang-asar. "Bakit, Jenna? Naiinis ka ba? Sorry, ha? Nauna na ako kay Yves. 'Pag inggit, pikit ka na lang, kasi baka hindi mo kayanin kung sabihin ko pa sa 'yo lahat ng ginawa namin kagabi."
Bumigat ang paghinga ko. Sa paraan ng pagkakangiti niya, nakikita ko ang matagumpay niyang naisagawa ang buo niyang plano. Kung naaalala niya ang buong nangyari kagabi, malaki ang posibilidad na nagkukunwari lang siyang lasing.
"Wala akong pakialam, kaya pwede ba tumahimik na lang kayo? Naaabala niyo ang mga katulad kong nag-aaral."
Humalakhak naman siya, bago tumayo at naglakad papalapit sa akin. "Wow, nag-aaral ka? Kailan pa? All I know is babagsakin ka. Paraan mo ba 'yan para makalimot? Para makalimutan si Yves? Kasi kung gano'n, mag-aral ka pa nang mabuti, mahihirapan kang makalimutan ang ipakikita ko sa 'yo."
Inilabas niya ang phone niya at kasunod no'n ay isinampal niya sa akin ang picture niya sa kama ni Yves habang katabi ito. Nakahubad siya at kita ang dibdib, habang si Yves naman ay nakadapa at nakahubad din. Para akong tinutusok ng libo-libong kutsilyo sa puso ko.
"Ano? Kinaya mo ba? Gusto mo ba ikuwento ko pa sa 'yo ang buong detalye?"
Tiningnan ko siya nang masama. Gustong-gusto ko na siyang sampalin at sabunutan, pero pinigilan ko ang sarili ko. "Hindi ako interesado," matigas kong litanya, bago ko kinuha ang bag ko at saka umalis sa classroom.
"Jenna, saan ka pupunta? Magsisimula na ang first class!" sambit ni Zeus nang makasalubong niya ako sa hallway, pero nilagpasan ko na rin siya. Pumunta ako sa likod ng building at kinuha ang kahon ng regalo ko sana kay Yves.
Umiiyak ako habang pinagmamasdan ang mga kwintas sana namin na pinag-ipunan ko pa para maipagawa—isang araw at isang buwan. Magkadugtong ang mga ito, pero tila ba parang imposibleng magsama.
Tinapon ko ang kahon na iyon sa may basurahan. Kinuha ko rin ang phone ko at tinanggal ang keychain na minsang ibinili ko rin noong mag-date kami ni Yves sa Binondo. Kasama ng kwintas ay tinapon ko rin ito.
Napaupo na lang ako sa sahig habang umiiyak.
"Ayoko na, Yves. Ayoko na. Masyado na akong nasasaktan. Bakit pa kasi ako umasa sa mga salita at pangako mo? Sana hindi mo na lang ako nirespeto kasi ganoon din naman. Ginawa mo rin sa iba. Hindi mo na ako nahintay. Totoo nga ang sabi ni mom, hindi mo ako totoong mahal. Tama si dad, hindi sapat ang nararamdman mo sa akin para ipaglaban ako. Masyado akong nabulag ng pag-ibig ko sa 'yo at tama si Mael, inikot ko ang mundo ko sa 'yo."
Patuloy akong umiyak ng araw na iyon hanggang sa maubos ko na ang mga luha ko. Pinangako ko rin sa sarili ko na iyon na ang huli at hindi na ako muling aasa pa sa lalaking hindi naman ako totoong mahal.
"Jenna..."
Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin. Mas lalo akong naiyak nang makita ko si Zeus, maging ang nag-aalala niyang mukha.
"I am sick of seeing you cry. Can you give me a chance to make you happy? Please?"
Umupo siya sa harap ko at pinunasan ang mga luha ko. "Jenna, please. You're too young to be destroyed like this. Please let me make you happy."
*****
"Okay ka lang, Jenna?" tanong ni Zeus habang inaayos ang toga ko. Tumango ako at ngumiti. "Oo, ayos lang ako Zeus. Maraming salamat sa iyo. Kung wala ka, baka hindi na rin ako nakapagtapos ng college."
"Sus! Ayan ka na naman. Ganiyan din ang sinabi mo sa akin noong high school tayo. Kahit noong nag-debut ka at ako ang escort mo, palagi mo akong pinasasalamatan."
"Totoo naman, eh! I am so thankful that you are here with me. I love you."
Gumuhit naman ang ngiti sa mga labi niya. "I love you too, baby." Hinalikan niya ang noo ko. "But the truth is, I am the one who's really thankful for you because you gave me a chance to make you happy. Seeing your smile is enough to make my shine brighter."
"Ayan ka na naman sa mga banat mo! Hays, Zeus, kailan mo ba titigilan 'yan? Kinakagat na ako ng langgam!"
"Kilig ka naman! Pa-kiss nga."
Ngumuso ako at mabilis niya akong hinalikan sa labi habang hawak niya ang baywang ko. Ang kamay ko rin ay nakapulupot sa kaniya. Kung pwede nga lang, yakapin ko na lang siya dahil kapag ginagawa ko iyon, inaantok ako at gusto kong magpahinga.
"Oo nga pala, gusto kang makita nila mom," yakag niya sa akin.
"Really? I miss them too! Nasaan daw sila?"
"Nasa hall pa siguro."
Magkasama kaming pumunta sa parents niya at sakto namang nandoon din pala ang parents ko. Binati ko si mom and dad at niyakap at hinalikan. Nakangiti naman sila sa akin. "Congrats, anak. We're so proud of you."
"Thank you po, mom and dad."
"Hija, congrats! Finally, nakagraduate na rin kayo ng college! Naku, alam mo naman ang pagsusumikap namin para sa inyo!" Bineso-beso ako ng mom ni Zeus at pinanggigilan.
"Thanks po, tita," nakangiti kong sabi. "Super thankful talaga ako sa anak ninyong si Zeus. Kung wala siya, hindi ko alam kung paano ako makaka-survive."
"Naku, ganiyang ganiyan din ang sinasabi sa akin ni Zeus tuwing kausap ko siya. Ikaw din ang bukang bibig. Palagi niyang ibinibida ang maganda niyang girlfriend na inspirasyon niya, kaya siya nagsumikap na maging summa cum laude."
"Totoo po, tita? Kaya pala minsan, nakita ko 'yong libro niya may nakaipit na picture ko!"
"I also saw that, hija! My God, grabe na ang pagkabaliw sa 'yo ng anak ko, but wait, sabi ko naman sa 'yo, huwag mo na akong tatawaging 'Tita', hindi ba?"
Nagkatinginan kami ni Zeus. Tumawa naman siya at nagkibit-balikat. "Sorry po, ma." Kinilig naman siya doon.
"So, tuloy na ba ang kasal?" Pareho kaming napalingon sa dad ni Zeus.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top