Kabanata XXVIII

"Why? What happened, Jenna? Where are you?" nag-aalalang sigaw ni Mael nang sagutin ko ang tawag niya.

"Si Yves... nag-drop out na si Yves."

Katahimikan ang namagitan sa kabilang linya. I wiped my tears. "Don't tell me, you know about this?"

"I do. Nasaan ka ba? I'll go to you. Stop crying."

"Narito ako sa bahay ni Yves."

"Nasaan ka?!" hindi makapaniwalang tanong ni Mael.

"Nasa bahay ni Yves, pero wala siya rito."

Bumuntong-hininga siya. "Of course, wala siya d'yan. Ibinenta niya na 'yan, kaya umalis ka na d'yan."

"Kung gano'n, nasaan siya? For sure, alam mo kung nasaan siya." Tumayo ako. At sa pagkakataong ito, natapos na ang luha ko dahil sa nasisilip kong pag-asa na makita si Yves.

"The truth is, I don't know."

"You're lying." Nagngitngit ang mga ngipin ko, at muli namimintana na naman ang luha sa mga mata ko. "Imposibleng hindi mo alam, Mael. Sabihin mo na sa akin, please. I need to see him. I want to see him. May hindi pa kami naaayos na away namin. Gusto kong humingi ng tawad sa nagawa at nasabi ko. I became worst, Mael."

He cleared his throat. "Hindi ko talaga alam, Jenna. I swear. Ang alam ko lang ay plano niyang umalis."

"Plano niyang umalis? Bakit daw? Sinabi niya ba sa 'yo ang dahilan? Saan siya pupunta? May sinabi ba siya tungkol sa akin?"

"Wala, Jenna, kaya bumalik ka na rito sa Altrius. May klase ka pa 'di ba?"

"No, hindi ako babalik hangga't hindi ko siya nahahanap."

"Huwag ka nang makulit, Jenna. Maybe it's time for you to focus on yourself. Masyado mo nang ginagawang mundo ang dapat ay tao lang. Look at how you are affected by his sudden disappearance. Observe your emotions. Masyado kang nadadala ng damdamin mo at nagiging dependent ka na sa kaniya."

Napabuga ako. "Bakit ba ganiyan kayo kay Yves? Why do you hate him so much? Ayaw niyo ba siya para sa akin? Ayaw niyo ba kaming maging masaya? He's my happiness! At ngayong wala siya, hindi ko na alam kung magiging masaya pa ba ako!"

I heard him heave a sigh. "I'll help you locate him, so calm down and come back here."

*****

Lumipas ang isang linggo na hindi ko pa rin nalalaman kung nasaan na si Yves. Nawawalan na ako ng pag-asa. Wala ring balita mula kay Mael. He's doing his best, pero mukhang magaling talagang magtago si Yves, o kaya naman, magaling silang magtago sa akin.

I tried my best to survive, kahit na napakahirap para sa akin dahil namimiss ko si Yves. Ang hirap palang tanggalin ng isang taong nasanay ka nang kasama siyang palagi. Kahit pa nagkaroon na kami ng panahon na hindi nagkikita, pero iba pa rin itong hindi ko na talaga alam kung saan siya hahagilapin, kung babalik pa ba siya o magpapakita pa. Hindi katulad na dati na dadaan lang ako sa room niya at makakasilay na ako.

"Jenna, natapos mo na ba 'yong part mo sa assignment natin sa p.e.?" tanong ni Zeus. Dahil wala na si Sir Bascus sa Altrius, iba na ang teacher namin, at ngayon ay babae na kaso puro naman assignment, project, homework, exercises, and activities. At meron pang magka-partner na naman kami ni Zeus.

"Hindi pa," matabang kong sagot.

"O-okay. Do you want me to do it by myself? Don't worry, I'll still put your name."

"Of course not. I'll do my part. I'll give it to you later."

"Are you sure?"

"Yeah."

Dumating ang tanghali. Imbes na lumabas ako para kumain sa cafeteria, sinimulan ko na lang gawin ang assignment namin sa p.e. para mamaya ay maipasa na namin ni Zeus. Aminado naman akong sakit ako sa ulo ng mga kaklase ko kaya hindi niya ako pinipiling kagrupo. Si Zeus lang naman ang tumatanggap sa akin kahit na anong taboy ko sa kaniya.

"Hindi ka kakain?" tanong sa akin ni Zeus.

Umiling ako. "Tatapusin ko pa 'to." Itinuro ko ang ginagawa ko.

"Gusto mo ibili na lang kita ng pagkain?"

Muli ay umiling ako. "Hindi na. Baka matapos ko naman ito nang maaga. Kakain ako mamaya, bago mag-start ang afternoon class."

Tinitigan niya ako nang matagal. "Sobrang payat mo na, Jenna. Naaawa na ako sa 'yo."

"Don't be. Ayos lang naman ako."

"Sa paningin ko, hindi, though you're still pretty, pero parang isang pitik na lang magkakasakit ka na."

Natawa naman ako sa sinabi niya. "No, I'm not! I'm strong kaya! Sige na, mag-lunch ka na! Huwag mo na akong abalahin dahil baka sa kakadaldal mo sa akin, mas lalo ko itong hindi matapos!"

Wala naman na siyang nagawa kung hindi sundin ako. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa ginagawa ko at mabilis ko namang iyon natapos. "Hays, gagawin ko na talaga lahat ng assignment sa bahay! I swear!" bulaslas ko sa aking sarili habang sinusuntok-suntok ang likod. I also shook my hands and shoulders, dahil masyadong nangawit sa kakasulat.

"Are you sure, Desiree? Nahanap mo na kung nasaan si Yves?"

Agad akong napalingon sa nag-uusap nang marinig ang pangalang 'yon. It was Desiree, kasama ang mga barkada niya.

"Yeah, I did. I saw him and nagkausap din kami. Kinikilig ako! It's just been what? Weeks? Pero ang laki na ng pinagbago ng katawan niya. Maybe because malapit na siya sa legal age, kaya nagiging bulky na siya and manly."

"Ito naman, puro kamanyakan ka talaga! Ano na? Kumusta raw siya at nasaan siya? What if bisitahin natin?"

"No, he told me not to tell anyone where he is, and I promised him na wala akong pagsasabihan kaya naman pinayagan niya akong puntahan siya kahit kailan ko gustuhin kapalit ng kondisyon niyang iyon!"

"Aba naman, Desiree! Nagle-level up na kayo, ha? What if you take this chance to be close to him? Crush mo pa naman siya, hindi ba?"

"Yeah, I will definitely make him my boyfriend! Hindi katulad ng iba d'yan na hindi marunong alagaan ang bagay na meron siya."

Lumingon silang lahat sa akin. Tila ba alam nilang nakikinig ako at sinasadya niyang lakasan ang boses niya.

"So siya nga ang dahilan kung bakit nag-drop out si Yves?" pagtukoy nila sa akin.

"I really don't know. I asked Yves about that, but he keeps on avoiding the topic. Baka tama nga ang hinala natin."

Inirapan nila ako isa-isa, bago sila bumalik sa kani-kanilang upuan. Napabuntong-hininga na lamang ako, bago tumayo para sana ay pumunta sa cafeteria, pero may humarang sa daan ko.

"Here, Jenna. Binilhan na kita ng sandwich sa subway. Medyo mahaba ang pila kaya natagalan ako. Masarap 'yan, puro gulay," wika ni Zeus habang inaabot sa akin ang paper bag ng pagkain na ibinili niya sa akin.

Napatitig na lamang ako sa kaniya. "Kainin mo na. Naghintay ako nang matagal para d'yan."

"O-okay. Ikaw? Kumain ka na ba?" tanong ko nang abutin ko ang ibinibigay niya sa akin.

"Hindi pa. Actually, dalawa 'yan. Tag-isa tayo." Binuksan niya ang paper bag tsaka kinuha ang isa at ibinigay sa akin. "At saka ito pala, binilhan din kita ng inumin. This is not your usual drink, pero sa tingin ko mas better kung ito ang iinumin mo so you can be healthy." Inabot niya sa akin ang bottled lemon juice.

"S-salamat." Bumalik ako sa upuan ko at nagsimulang kumain, pero sa pagkagat ko ng sandwich na ibinigay sa akin ni Zeus, muling nangilid ang luha sa mga mata ko. Hindi ko mapigilang maalala si Yves, pati na rin ang mga panahong siya ang nag-aasikaso sa akin.

Tama si Mael, sobra kong dependent kay Yves. Maging sa simpleng pagkain ko, naaalala ko siya. Kaunting kibot, naiiyak ako dahil sa lalaking 'yon.

"Masyado bang masarap 'yong sandwich kaya napapaiyak ka?" mahinang tanong sa akin ni Zeus.

"O-oo. Maraming salamat, Zeus."

"Wala 'yon. Kung nangungulila ka sa kaniya, pwede ko namang gawin ang lahat ng bagay na ginagawa niya para sa 'yo para kahit papaano mawala siya sa isip mo."

Kita ko sa mga mata niyang seryoso siya sa mga sinabi niya, pero hindi ko iyon tinanggap. "No, Zeus. Hindi mo kailangang gawin 'yon. Mas lalo ko lang siyang maaalala."

At sa totoo nga lang ay gusto ko siyang naaalala. Nasasaktan ako kapag sinasabi sa akin ni Mael na makakalimutan ko rin si Yves. Ayokong mangyari iyon. Kaya kahit umiyak pa ako ng ilang balde sa tuwing maaalala ko siya, wala na akong pakialam. At least alam kong nasa puso ko pa rin siya at siya pa rin ang taong mahal ko.

Natapos ang buong klase na lumilipad ang utak ko. Masyado akong nagulo ng mga narinig ko mula kay Desiree at malakas ang kutob ko na pupuntahan niya si Yves.

"Uuwi ka na, Jenna? Gusto mo, sabay na tayo?" tanong ni Zeus.

Umiling ako. "Ayos lang ako. May driver ako."

"Oh, yeah, I remember! Alright, ingat!"

He waved at me before leaving the class. Ako naman ay dumeretso na sa kotseng kanina pa naghihintay sa akin. Mabilis akong pumasok at sumunod naman ang driver ko.

"Pwede bang hindi muna tayo umuwi?" tanong ko. Napatingin siya sa akin sa repleksyon ko sa rearview mirror.

"Saan po tayo pupunta, Miss Jenna?"

May itinuro ako sa unahan. "Nakikita mo ba 'yong babaeng iyon? Susundan natin siya nang palihim."

Kumunot ang noo niya. "Bakit po, Miss Jenna? May ginawa po bang masama sa inyo ang babaeng 'yon?"

Humalukipkip ako. "Yeah, she's planning to steal something from me, kaya halika na, sundan na natin ang babaeng 'yon bago pa makalayo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top