Kabanata XXVII

"Bakit ka nagagalit? Ano ba kita?"

Dahil sa inis ko, hindi ko na napigilan pang sabihin iyon. Tama nga naman si Desiree, hindi naman kami ni Yves. Walang kami, pero kung umasta kaming pareho ay parang may namamagitan na sa amin at nalulungkot ako dahil hindi malinaw sa akin kung ano ba talaga kaming dalawa ni Yves.

Narinig ko na lang na ibinaba niya na ang tawag. Lalong sumama ang pakiramdam ko, kaya nagpaiwan na lamang ako sa bus, habang ang mga kaklase ko'y nagsisibabaan na upang pumunta sa next destination namin.

"Sigurado ka ba, Jenna? Willing naman akong samahan ka rito," pag-uulit ni Zeus.

"Okay lang. Mas gusto kong mapag-isa."

Katulad ng pakiusap ko ay bumaba na siya. Ako na lang ang naiwan dito sa loob ng bus. Dapat hindi na lang ako sumama kung alam ko lang na mangyayari ito. Naiiyak lang ako at nagsisisi. Bakit kasi naitanong ko pa 'yon kay Yves? Sana nakuntento na lang ako sa kung anong meron kami. Pakiramdam ko tuloy, tinapos ko na rin ang lahat ng mayroon sa amin, kahit wala naman talaga kaming malinaw na usapan.

Sinalpak kong muli ang earphone ko. Pumikit ako at humiga sa mahabang upuan na ito. Pinilit na kalimutan ang nangyari. Hapit ko ang puson ko na kung kumirot ay parang inuubos ang lakas ko.

"Anong nangyari sa 'yo?"

Napamulat ako nang marinig ko ang malakas na boses ni Yves na tumalo sa senting kantang pinapakinggan ko. Sumalubong sa akin ang nakayuko niyang ulo upang suriin ang itsura ko. Tila ba wala siyang pakialam sa akin kung tingnan niya ako. Bakit pa siya pumunta rito kung gano'n?

Inirapan ko siya at tumagilid ako upang talikuran siya.

"Jenna." Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko.

"Bakit ba?!" asik ko at nagdesisyon na lamang na umupo sa ibang upuan. Nagtaka naman ako nang sumunod siya sa akin at hinubad niya ang jacket niya bago ako hinila patayo. Ipinulupot niya sa baywang ko ang jacket niya.

Napapikit ako nang mapagtanto kung ano ang ginawa niya.

"May dugo sa palda mo. Meron ka ba? Kaya ba ang init ng ulo mo sa 'kin?"

Napairap ako. Bakit siya? Hindi naman siya nireregla pero kung awayin niya ako kanina ay daig niya pa ako.

Napabuntong-hininga ako nang muling maalalang tinagusan ako. Ang malas ko naman! Wala akong dalang extrang jeans!

Hindi ko siya sinagot at umupo na lamang malapit sa bintana. Sobrang malas naman ng araw na 'to. Gusto ko na lang umuwi! Hindi na dapat ako sumama! Nakakaasar!

I was surprised when he sat beside me, and he put his head on my shoulder. He even removed one of the pairs of my earphones and put it on his right ear. He even embraced me. Nilalambing niya ba ako?

Pero dahil may topak ako, kinuha ko uli at sinamaan siya ng tingin. Tinanggal ko ang earphone pati na rin ang ulo niya sa balikat ko.

"Bakit ka ba nandito?" asik ko at mahina siyang tinulak. Hindi ko alam kung bakit ngayon sobrang naiirita ako sa kaniya. Kanina lang gustong-gusto kong makita ang mukha niya, pero ngayon sobrang naiinis na naman ako as in!

"Ayaw mo ba 'kong makita?" Ang hinahon ng boses niya kumpara kanina sa telepono. Para niyang nilulusaw ang bugnutin kong ugali.

"Hindi ka dapat nandito. Pabalik na sila."

"Ano naman?" pabalang niyang sagot.

"Makikita nila tayo."

"Ano bang masama kung makita nila tayong magkasama, Jenna? Bakit ba kailangan pa tayong paghiwalayin? Dapat ako ang katabi mo ngayon."

Napapikit ako sa inis. "Alam mo kung bakit, Yves! Kaya please, umalis ka na bago pa tayo makita ng mga kaklase natin."

"Pero kapag si Zeus ang kasama mo, okay lang? Okay lang na makita ng lahat? Na nakasandal ka sa ulo niya habang tulog? Na hinahawakan ni Zeus ang ulo mo? Na dinudulutan ka ng pagkain. Tapos ako Jenna, hindi pwede? Hindi ko maintindihan."

Hindi ko alam ang isasagot ko, kaya iniwas ko ang tingin ko. Bumibigat ang paghinga ko. Kumikirot ang puso ko. Lalo na sa sitwasyong ito. Wala akong masabi. Naaawa lang ako sa kaniya.

"Tumingin ka sa 'kin, Jenna. Sabihin mo, ano ba ako para sa 'yo? Mag-usap tayo. Pag-usapan natin 'yong tayo. Ano ba tayo? Gusto mo pa ba ako? Bakit pakiramdam ko parang hindi na?"

Nakatingin ako sa mga mata niya. Ang mga matang iyon, punong-puno ng lungkot. Ngayon ko lang napansin. Hindi ganoon ang mga mata niya noong panahong nagustuhan ko siya. Noong hindi ko pa alam na may gusto siya sa akin.

"Gusto mo ba talaga ako, Jenna?"

Ang sakit dahil ako ang dahilan ng mga lungkot na iyon na ipinangako ko sa sarili kong dapat hindi. Dapat pinapasaya ko rin siya katulad ng sayang dulot niya sa akin. Dapat hindi ko siya sinasaktan dahil ni minsan, hindi niya sinaktan ang puso ko.

"Jenna, mahal mo ba ako?"

Pero ngayon, napako ang mga pangako kong iyon. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ako ang may kasalanan. Ako ang dapat sisihin. Dahil ako ang nagpumilit ng sarili ko sa kaniya, pero tama siya, naiiwan ko nga siya sa ere. Ako 'yong patuloy na lumalayo ngayong siya na itong lumalapit.

Bakit pakiramdam ko, ako ang sumira sa kaniya?

Nagsisidatingan na ang mga kaklase ko, kaya't hindi ko na nasabi sa kaniya ang gusto kong sabihin. Wala na siyang nagawa kung hindi ang umalis sa harap ko.

Ang akala kong magiging masayang fieldtrip na ito ay naging araw na pinakakinamumuhian ko.

Hindi na ako kinakausap ni Yves. Ni tinatawagan o tine-text. Kahit man lang pagsulyap sa akin ay hindi niya na ginagawa. Sa mga pagkakataong magkakasalubong kami sa hallway, hindi niya ako pinapansin. Minsan ay umaalis na siya o lumilihis ng daan.

Ilang gabi akong umiiyak, nagtatanong kung bakit... Kung anong nangyari.

Kung alam ko lang na ang pagtalikod niya sa akin noon ay ang pagtalikod niya sa buhay ko, pinigilin ko na. Naging masyado akong komportable. Kaya ngayon, iniwan niya na ako.

*****

"Ano? Nag-drop out si Yves? Bakit?" rinig kong sigaw ni Desiree. Kausap niya ang mga kaklase kong babae at ako naman na narito sa dulo, malapit sa cr, rinig na rinig ko ang malakas nilang usapan.

Nag-drop out si Yves? Bakit?

"Hindi ko rin alam, Desiree, pero iyan ang usap-usapan sa kabilang section."

"Totoo ba 'yan? Halika! Samahan niyo ako sa kabila. Makikisagap tayo ng balita," wika ni Desiree na tumayo mula sa kaniyang upuan na bago lumabas ay sumulyap pa sa akin para tingnan ako nang masama.

Hindi ko na napigilan pang mapayuko at mapahagulgol. Para akong tangang umiiyak sa gitna ng mga kaklase kong hindi alam kung anong nangyayari sa akin. Nakatakip ang kamay ko sa mga mata kong patuloy ang pagtulo ng mga luha na para bang hindi pa nasawa kagabi sa kaiiyak. Ni hindi na nga ako makamulat sa sobrang pamamaga nito, pero parang wala pa ring balak magpahinga.

Bakit siya magda-dropout? Akala ko ba after graduation pa? Hindi niya na ba ako gustong makita? Masyado na ba siyang nahihirapan sa sitwasyon? Ayaw niya na ba sa akin? Wala na ba talaga?

"Here, Jenna." Napatunghay ako sa lalaking nag-abot ng panyo. It was Zeus, looking so worried about me. Umiling ako at hindi ko tinanggap ang ibinibigay niya. He sat beside me and for the whole time, Zeus was waiting me to finish crying. Luckily, natapos akong umiyak bago magsimula ang klase. At totoo nga, nag-drop out na nga si Yves.

"Do you wanna go lunch with me?" tanong ni Zeus.

"No, thank you." Nilampasan ko siya, but he grabbed my arm. "Look, Jenna, I know you're sad but I couldn't help myself but care. I'm worried about you. Gusto kong makasigurong kakain ka kaya halika na, sumama ka na sa akin. My treat."

For the third time, I shook my head. "Wala akong gana."

"See that? Papabayaan mo ang sarili mo? Magpapagutom ka?"

A sigh escaped my lips. "Kahit pilitin kong kumain, isusuka ko lang, so huwag mo na akong kulitin. Aalis na ako."

"Saan ka pupunta, kung gano'n?"

"Anywhere! Just leave me alone! Gusto kong mapag-isa!"

But the truth is, namalayan ko na lang ang mga paa kong naglakad papalabas ng campus at nakita ko na lang ang sarili ko sa harap ng bahay ni Yves. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta rito. Sa isang kisapmata, nagdo-doorbell na ako sa bahay ni Yves at nagsisisigaw habang kinakalabag ang pinto.

"Yves, buksan mo 'to! Ano ba? Bakit ka nagdrop out?! Lumabas ka d'yan! Isa!"

Pero kahit anong sigaw ang gawin ko, walang Yves na lumabas sa bahay niya.

Bumagsak na namang muli ang mga luha ko. "Nasaan ka ba, Yves? Galit ka ba sa 'kin? Dahil ba ito sa inasal ko? Nainis ka na ba? Napuno ka na ba? Nagsawa?"

Napaupo na lang ako sa batuhan at parang batang nagmaktol sa labas ng bahay ni Yves. Kinuha ko ang phone ko at muli siyang tinawagan, pero mukhang naka-block na yata ako dahil hindi na ito kumokonekta sa linya niya. Lalo akong napahagulgol dahil nari-realize ko na baka ako nga ang dahilan kung bakit siya umalis.

I was in the middle of trying to fix myself and calm my tears when my phone rang. Mabilis ko iyong sinagot sa pag-aakalang si Yves ang tatawag sa akin, but it was my cousin, Mael.

"Jenna, where are you? Kanina pa ako rito sa cafeteria. Hindi ka ba sasabay sa pagkain?"

Hindi ko na napigilang pang muling lumuha. "Mael... tulungan mo 'ko."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top