Kabanata XXVI

Umupo na ako sa back seat ng bus. Oo, sa pinakadulo dahil gusto kong mag-emote ngayong fieldtrip. Bukod sa masakit pa rin ang puson ko, magkahiwalay kami ng bus ni Yves. Syempre, magkaiba kami ng section, ih.

Nanlumo na lang ako habang nakayukyok sa may bintana. Naaalala ko pa rin ang sinabi sa akin ni dad, pati ni mom, pati na rin ni Desiree noong nakaraan. Sinalpak ko na lang ang earphone ko at nakinig sa mga senting kanta.

Unti-unti nang nagsisidatingan ang mga kaklase kong excited na excited na sa fieldtrip namin. Ang alam ko, pupunta kami sa museum, sa art in island, sa luneta park, at saka sa enchanted kingdom. Okay sana ang itinerary dahil makakagala at makakapagpicture-picture ang kaso sumabay 'tong pisting yawang puson ko.

Umupo sa tabi ko si Zeus. Automatic namang biglang tumunog ang phone ko dahil may nag-text. Hindi naman ako nagkamali nang makita ko ang pangalan ni Yves. We have been exchanging messages since the day I forced my dad to return my phone. Dito lang kami nag-uusap sa phone, nothing physically.

Binasa ko ang message niya at laking pagtataka ko kung bakit alam ni Yves na katabi ko ngayon si Zeus. The eff, ang bilis ha? Nakatingin ba siya?

Lumingon-lingon ako at hinanap kung nasaan siya upang kahit papaano'y maibsan ang inis ko sa araw na ito ngunit wala naman siya. Hindi ko siya makita.

Nag-reply ako at tinanong kung nasaan siya. Kasunod na no'n ay ang ring dahil tumatawag siya. Muli kong naalala ang pangako ko kay dad na walang tawag na mangyayari sa pagitan namin ni Yves, pero dahil ayokong malungkot si Yves sa hindi ko pagsagot ng tawag niya, sinagot ko iyon.

"Talagang hindi ka umalis sa tabi niya?" bungad niya nang sagutin ko ang tawag niya.

"May choice ba ko? Wala nang vacant," iritable kong sagot.

"Oh, bakit naiinis ka? Makipagpalit ka sa iba."

"Bakit ko naman gagawin 'yon? Who knows kung sinong katabi mo, baka babae rin," asik ko at hindi siya nakasagot. "Oh, ano? Babae nga?"

Napatingin ako sa katapat na bintana ng bus namin. Alas kwatro palang ng madaling araw at nag-aaway na kami. Nakita ko siyang katabi ang matabang lalaki.

"Sino? Ako may kasamang babae? Baka ikaw, kasama mo na naman si Zeus. I told you before, right? That he's after something. Baka mamaya kung anong gawin sa 'yo ng lalaking 'yan tapos hayaan mo lang."

"So, ganiyan pala ang tingin mo sa 'kin, ha?" Napataas ang tono ng boses ko dahilan upang mapatingin sa akin ang katabi ko, pero hindi ko na siya pinansin pa.

"Jenna, ako 'yong galit dito dahil katabi mo 'yang gagong 'yan. Bakit ngayon, ikaw pa 'yong nagagalit?"

"Dahil wala naman akong ginagawa. Hindi naman ako ang lumapit. Tsaka, wala naman din siyang ginagawang masama. Wala na kasi talagang vacant kaya dito siya umupo sa tabi ko. Nagseselos ka ba? Nako, huwag mo 'kong sabayan! Naiinis ako!"

Binaba ko ang tawag at hindi na muling pinansin pa ang sunod-sunod niyang pagtawag. Hindi ko alam, okay naman kami kanina.

Natulog na lang ako sa buong biyahe.

Nagising na lang akong nakasandal ang ulo ko sa balikat ng katabi ko. Nagulat ako nang ma-realize na si Zeus nga pala ang katabi ko. Sana lang ay hindi ito malaman ni Yves, dahil napakaseloso talaga ng lalaking 'yon.

"Tara na, Jenna. Bumaba na raw tayo," wika sa akin ni Zeus.

Inayos ko ang sarili ko at nag-focus na lamangsa pakikinig sa tour guide habang nag-e-explain ng mga dos and don'ts sa loob ng museum.

Napansin kong kasunod na rin naming nagbabaan ang kabilang section mula sa kanilang bus. Hinintay kong bumaba si Yves dahil gustong-gusto ko nang makita ang mukha niya at ipasa ang init ng ulo ko. Naisip ko na baka miss lang namin ang isa't isa at baka kumalma na rin ako kapag nakita ko siya nang personal ngunit nang maghagip ang aming mga mata ay siya nitong iniiwas ang kaniya. Bwisit 'to, ah! Talagang iniinis niya ako! Palagi na lang ba kaming mag-aaway? Ngayon pa talagang dinudugo ako? Naiirita na nga ako, eh.

Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan. Sumunod na lang ako sa pila namin papasok sa museum.

"Okay ka lang ba, Jenna?" tanong ni Zeus na nasa likod ko pala.

"Oo, bakit?" Sumabay siya sa paglakad sa akin.

"Wala lang. Napansin ko lang parang may kaaway ka sa phone mo kanina," malumanay niyang sabi.

"Ha? Wala, medyo iritable lang ako ngayon," simpleng sagot ko.

"Sabi na. Alam ko na kung anong dahilan niyan. Alam ko rin kung paano mawala ang init ng ulo mo," pagmamayabang niya na dahilan ng pagtawa ko. Kahit ako nga, hindi ko alam kung anong solusyon dito, eh, tapos siyang lalaki, alam niya?

"Ako bahala sa 'yo, mamaya." Ginulo niya ang buhok ko at niyaya na akong sumunod papasok sa museum.

Naglibot lang kami at tiningnan ang mga lumang kagamitan. Hindi ko naman masyadong natandaan 'yong sinabing dates at kung anong kahalagahan no'n. Ewan, mahina talaga ang ulo ko sa mga ganiyan lalo na sa history. Habol ko lang talaga 'yong enchanted kingdom, pero mukhang hindi ko mae-enjoy dahil sa period ko! Grrr tapos binabadtrip pa ako ni Yves! Baka naman gusto niya akong lambingin! Ako na nga itong gumawa ng paraan para makapag-usap kami, pero napasama pa yata dahil madalas kaming magtalo.

Natapos ang tour namin sa museum mga pasado alas dies ng umaga. Pabalik na kami sa bus at habang umaakyat kami ay inaabot sa amin ang lunch namin. Sana naman may fries dito.

Umupo na ako sa back seat kasunod si Zeus at kitang-kita ko sa peripheral vision ko si Yves na nasa kabilang bus. Inches lang ang pagitan. At wala talaga siyang balak pansinin ako? At ngayon babae naman ang katabi niya? Iniinis niya ba talaga ako?!

Binusan ko ang lunch ko. Sad, walang fries. Bakit nga ba naman ako mage-expect?

"Huwag ka nang mainis, Jenna. Oh, pinabili ko sa tour guide natin. Nakisuyo ako."

Lumawak ang ngiti ko nang iabot niya sa akin ang paper bag na may fries at brown sugar sundae. Shet, favorite ko 'to! May pearl kasi!

"Wow, thank you, Zeus!" masaya kong sambit. "Hindi ko inaasahang bibilhan mo ako. Nag-abala ka pa. Magkano ba 'to? Bayaran ko na lang."

"Sabi ko naman sa 'yo, akong bahala sa 'yo, eh. Huwag mo nang alalahanin 'yan. Tara kain na tayo." Hindi ko maintindihan kung bakit naiinis si Yves sa lalaking ito at pinag-iisipan niya nang masama. Mabait naman talaga si Zeus, maasikaso at mukhang mapagkakatiwalaan. Magaan nga rin ang loob ko sa kaniya dahil kahit nasabi ko na noong kaibigan lang ang maibibigay ko sa kaniya ay hindi naman nagbago ang pakikitungo niya sa akin.

Tinapos ko na ang pagkain ko at nakisabay sa kwentuhan kasama ang mga kaklase ko. Nawala ang ngiti ko nang marinig ko ang ring ng phone ko. Iinisin na naman ba niya ako? Pinatay ko ito ngunit walang silbi dahil tumawag uli siya.

Nilagay ko ang earphone ko at sinagot siya. Sino pa? Eh 'di si Yves.

"Bakit ba?" bungad na tanong ko.

"Anong bakit ba? Bakit ka ba nagkakaganiyan?"

"Anong bakit ako nagkakaganito? Hindi mo alam?" Pinilit kong hinaan ang boses ko kahit na sobrang inis na ako.

"Paano ko malalaman kung hindi mo sinasabi sa akin? Ako? Inalam mo ba kung bakit din ba ako nagkakaganito?"

"Pwede ba? Huwag ngayon, Yves."

"Ano? Para makapag-focus ka kay Zeus?" Nagpanting ang tenga ko lalo na sa pagbanggit niya ng pangalan ng tao. Napag-usapan na namin ang tungkol dito, na hindi niya kailangang magselos, kahit na wala namang nakakaalam ng relasyon namin.

Sandali, anong relasyon? Kahit ang relasyon namin... Hindi malinaw.

"Bakit ka nagagalit? Ano ba kita?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top