Kabanata XXII

I stood up to get out of the studio para pumunta sa cafeteria at mananghalian nang mapadaan ako sa field.

"Strike!"

Sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Yves, kasama ang lalaking kausap niya nitong umaga. Napahinto ako para panoorin siya. Yves is currently on the field playing baseball while I'm watching from afar. Niyaya pala siya ng teammate niya kanina na mag-practice at base sa paglalaro ni Yves, mukhang dito niya ibinubunton ang inis niya sa akin.

"Strike!"

Hindi na naman natamaan ng batter ang pitch ni Yves. Nawala ang pagkakunot ng noo ko at pasimpleng gumihit ang ngiti ko. Parang hindi ko mapapanindigang hindi siya pansinin sa tanang buhay ko. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Isa siyang baseball player... at hindi lang basta baseball player dahil magaling siya. Palagi ko siyang pinanonood noon dahil gusto ko siyang makitang gwapong-gwapo sa baseball uniform at baseball cap na suot niya.

I decided to go to one of the bleachers, na hindi masyadong visible sa puwesto ni Yves. Kinuha ko ang journal ko mula sa bag at nagsulat. Since that night, noong birthday party, palagi nang malaman ang journal ko. Puro masasayang bagay na ang naisusulat ko. At hindi makakalagpas ang nangyari sa amin kagabi although that made my father really mad at me. Kaya ngayon, wala akong choice kung hindi ang iwasan siya.

"Jenna! Narito ka pala! I was looking for you!" Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Kumunot ang noo ko nang makita si Zeus.

"Zeus, ikaw pala," bati ko sa kaniya nang makita siyang papalapit sa akin. "Anong ginagawa mo rito?"

Humawak siya sa batok niya. "Ah, ano kasi... I want to clear things up between the two of us. It really bothers me that you're being distant, and I don't want that to affect our dance performance. I want to ask you for lunch, can we go together? Kumain ka na ba?"

Napatingin akong muli sa field at nakita ko si Yves na nakapuwesto na as a batter. Naka-tatlong out na yata 'yong kalaban nila kaya sila naman ang pupuntos. Pero ang ikipinagtataka ko ay bakit siya na agad ang batter? Hindi kaya masyadong mapuwersa ang braso niya o ang balikat?

Umiling ako. "Hindi pa, pero wala akong gana kaya mauna ka nang kumain. At saka huwag kang mag-alala, magpa-practice ako sa bahay para hindi kita madamay sa mababa kong grades."

"O-okay, s-sorry. Nalulungkot lang ako na dahil sa sinabi ni Yves, lumayo na ang loob mo sa akin."

Magsasalita pa sana ako nang makarinig ako ng sigaw mula sa field.

"Ah!" Napalingon kaming pareho ni Zeus at napatayo ako nang makita si Yves na nakahandusay sa sahig. Lumobo sa dibdib ko ang kaba at hindi ko namalayang tumatakbo na pala ako patungo sa kaniya. Kung hindi pa nga siguro ako hinarang ng ibang members ay baka nadapa na ako o kaya naman ay nadali na ng bola.

"A-anong nangyari?" Hindi nila sinagot ang tanong ko dahil masyado silang abala sa pagdala kay Yves sa clinic. Ako naman ay masyadong natutuliro dito sa sulok ng kwarto at tinitingnan siya kahit na napaliligiransiya ng teammates niya.

"Sana okay lang siya," bulong ko sa sarili.

"Anong ginagawa mo d'yan?" Nagulat ako nang magsitinginan sa akin ang teammates ni Yves. "Umalis na nga kayo! Hindi kayo ang kailangan ko!" pagtataboy niya sa mga ito.

Nagsitawanan lamang ang mga iyon bago tuluyang lumabas at iwan kami ni Yves sa kwarto.

"Hindi mo ba ako pupuntahan?" tanong ni Yves. Nakasandal siya headboard habang balot na balot ang kamay ng benda. Mukhang kamay niya ang may dali.

"A-ayos ka lang ba? Anong n-nangyari?"

Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Why not go here and see it for yourself, Jenna?"

I pursed my lips and closed the door before I went to him. Napayuko ako nang makita ko sa malapitan ang kalagayan niya.

"Kailangan pa pala akong masaktan para pansinin mo ako," sambit niya.

"M-mukhang okay ka na. Aalis na ako."

Natawa siya sa sinabi ko. "Okay ako? Since when? You've been ignoring me, and you think I'm okay with that? Why are you being like this? Why are you being so distant? Did I do something wrong?"

Umiling ako. "W-wala. I just... I'm trying to help you so we can suppress ourselves. You were right. I realized I've been provoking you, though we are still both minors and we're not supposed to do the things that usually adults do."

"So, it was about last night. You're dealing with something like this with yourself, and I am unaware of it." Tumingin siya sa akin nang malalim, puno ng pagsusumamo. "I'm sorry if I offended you. I promise I won't do it again. Just don't leave me hanging like this, Jenna."

I did not imagine in my entire life that I would hear those words from him. It fucking hurts me, and the fact that I am the reason he's being this low. God knows how I wanted to be with him all the time and it's killing me insane kapag hindi ko siya nakakausap. How I'm regretting that I did not push myself toward him last night. Sana hindi ako ganitong nanghihinayang dahil may baon akong alaala.

Kusang tumulo ang mga luha ko.

"Now you're crying in front of me. At napapatawad na agad kita sa kabila ng hindi mo pagpansin sa akin nitong umaga."

Hinawakan niya ang kamay ko tsaka ako hinila paupo sa tabi niya. "Tell me. Anong nangyari bakit hindi mo ako pinapansin?"

Sinalubong ko ang mga mata niya. "Yves, let's get out of here. I want to spend more time with you."

"Why? What do you mean? Why are you talking like this?"

"Please take everything you can from me."

"W-what?" His eyebrows furrowed. "What's happening?"

Mahigpit ko siyang nayakap. My arms are around his neck while my face is buried on his shoulder. He just placed his hand on top of my back, caressing and comforting me.

"I don't know what to do, Yves. I still want to see you. Hindi ko kayang hindi tayo mag-usap, but dad prohibited me from doing so. He wants me to cut off ties with you. What should I do? I can't live a second without you, Yves."

"A-alright. Calm down." Hinigpitan niya lalo ang pagkakayakap sa akin. "Good thing, one side of my shoulder is fine."

"What should we do now?" giit ko.

"We can still talk, you know?" Napabitiw ako sa yakap niya at agad na sumalubong sa akin ang kaniyang ngiti. Hinaplos niya ang pisngi ko.

"Paano? Bawal nga, ih. Kahit ang phone ko, he confiscated it when I was about to answer your call," panunumbong ko sa kaniya.

"We can exchange letters, Jenna. In that way, hindi malalaman ng dad mo na nag-uusap tayo. Do you like that idea? Because just like you, I couldn't afford not talking to you. I was about to be insane seeing you with another guy."

Naalala ko ang nangyari kanina sa klase ni Sir Bascus. "I'm sorry, Yves. I was trying to obey dad, but seeing you like this, I couldn't help but be worried."

"Hindi ko rin gustong suwayin ang dad mo, dahil ayokong pagalitan ka niya."

"Kung gano'n, ayos lang sa 'yo na hindi tayo mag-usap?"

"Hindi okay sa akin at alam kong mahihirapan ka kaya okay lang ba sa 'yo na gawin natin 'yong suggestion ko? Should we exchange letters instead? Would that be enough?"

Tumango ako. "Ibig sabihin, hindi talaga tayo magpapansinan at mag-uusap. How can we exchange letters then?"

"Just put it in your locker, and I will come pick it up every afternoon. Tell me everything you wanted to share with me. I will read it. And the next morning, you'll have my replies."

Paulit-ulit akong tumango. "S-sige. Would it be the last time na makakausap kita nang ganito?" tanong ko.

Tumawa siya. "Always remember that our situation is just temporary. I'll do everything for you, Jenna, to let you out of this situation. Okay?" Pinunasan niya ang mga luha ko. "Don't waste your tears. I'm not going anywhere. We'll be fine."

He ruffled my hair.

"Okay lang bang sulitin na makausap ka ngayon?"

Again, he chuckled. "Plano mo na namang mag-cutting?"

"I just want to stay here with you because tomorrow, hindi na kita makakasama nang ganito." Hinawakan ko ang kamay niya. "Tapos may pilay ka pa. Mas kailangan mo ako ngayon, eh."

"Then, kiss my hand para gumaling nang mabilis."

Ginawa ko ang gusto niya. Hinalikan ko ang nakabenda niyang kamay. "Sana gumaling ka na. Sana mawala na ang pilay mo dahil gusto pa kitang mapanood mag-baseball."

"Well, I hope the day it will be healed, pwede na kitang mahawakan."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top