Kabanata XXI

Katulad ng ipinangako ko, hindi ko pinansin si Yves kahit na nakita ko siya kanina sa may guard house na mukhang inaabangan ako. He was calling me, but I acted like I did not hear him, and it pierced my heart. Tumakbo ako papunta sa C.R. at dito, dito ko tinuloy ang pag-iyak ko.

My eyes were swollen when I entered the class. Everybody's watching me, but I chose to ignore them and go to my seat to place my face on the desk.

"Jenna, are you okay?"

That voice pushed me to sob. Yves was near me, fucking beside me, but I couldn't look at him or answer his calls.

"May problema ba?"

Ang maamo niyang boses, tumutunaw nang husto sa puso ko.

"I woke up without you by my side, kaya inagahan ko rin ang pagpasok, hoping that I could talk to you, but you seem to be ignoring me. May nagawa ba ako?"

Nanatili akong nakayuko sa desk ko, pero ang marahan niyang paghaplos sa buhok ko ang lalong nagpa-iyak sa akin. How can I resist his touch? Para akong pinapaamo na sumuway sa kagustuhan ni dad.

"Was this about what happened last night? Are you mad at me? Tell me... Are you offended?"

Hindi ako nakasagot. Mabuti na lang at may tumawag sa kaniya at nang tingnan ko ay may kausap siyang lalaki from higher year. I took the chance to go to the comfort room to spend my time there waiting for our first class.

Ilang sandali pa ay dumating na si Sir Bascus kaya lumabas na rin ako sa CR. Sinabihan niya kaming sa dance studio room daw kami magkaklase kaya naman isa-isa na kaming nagpalit ng p.e. uniform. Ilang beses pa akong sinubukang kausapin ni Yves pero itinuturing ko lang siyang hangin hanggang sa napansin kong nagsawa na siya sa kakukulit sa akin.

Kumirot ang dibdib ko but this is what's best for us.

"Okay, class. Good morning. Like what I told you last time, today we will be learning a Latin dance. To start our lesson for today, I will pair you with your official partner," panimula ni Sir Bascus.

Palihim kong sinulyapan si Yves ngunit nakita ko lang siyang malalim na nakatitig sa akin, kaya mabilis din akong umiwas. Muntikan na akong malagutan ng hininga sa paraan ng pagtingin niya sa akin na para bang kanina pa niya ginagawa at hinihintay niya lang akong tumingin sa kaniya.

"Yves and Desiree."

Nagunaw ang mundo ko nang marinig ko ang pangalang 'yon. Kusang nagkasalubong ang mga kilay ko nang tumingin ako kay Desiree na malawak ang ngiti na parang aso kung makatakbo kay Yves. So, is this my karma?

"Jenna and Zeus."

Napapikit na lang ako nang marinig ko 'yon. Hindi ko alam kung nakikisama ba ang tadhana para lalo kaming paghiwalayin ni Yves.

"Jenna," pagtawag sa akin ni Zeus na para bang nag-aalangan kung lalapitan niya ba ako o hindi. "Okay lang ba? Hindi ba magagalit si Yves?"

Umiling ako at hindi ko na sinubukan pang sulyapan si Yves dahil lalo akong papatayin ng kunsensya ko sa pag-iwan ko sa kaniya sa ere. Ako itong humahabol-habol sa kaniya, at ayaw na maiwanan, pero siya itong naiiwan ko.

"Ikaw ba? Galit ka ba sa 'kin?"

Muli kong naalala ang araw na suntukin niya si Yves. That day, Yves told everybody that he was planning to do something for me at his birthday party. Was that even true? And here I am, letting this guy go near me.

"It is just speculation, Jenna. You know that I won't do that to you. I had clear intentions when I asked you to go out on a date with me and even attend my party. I just want to know you more, and I don't have any intention of taking advantage of you."

Bakas sa mukha niyang nagsasabi siya ng totoo. "Hindi kita hahawakan, kung hindi mo gusto. Hindi rin ako papayag na maging partner mo ako rito kung ayaw mo sa akin."

Tinitigan ko siyang mabuti. Wala naman akong magagawa dahil kung mag-iinarte pa ako sa harap ni Sir Bascus ay baka lalo niya akong pag-initan lalo't napurnada ang plano niya sa akin. Hays, napakarami ko namang problema.

"Alright, dahil may partner na ang lahat. We'll start from the basics."

Nagsimula na ang klase ni Sir Bascus at matimtimang nakikinig ang lahat. Ang ibang babae nga ay kinikilig dahil ka-partner nila ang crush nilang lalaki. Pero ako, hindi ko magawang matuwa dahil buong oras akong nag-aalala at hindi makapag-concentrate sa pakikinig kay Sir Bascus dahil alam kong napapanood ako ni Yves kasama si Zeus. Seloso pa naman ang isang iyon. Lalo akong nakukunsensya.

"Jenna, you're missing the beat!" suway sa akin ni Sir Bascus. Hindi ko mapigilang mapayuko sa kahihiyan. Bukod sa naidadawit ko sa kapalpakan ko si Zeus, nakakahiya pa na pinagagalitan ako ni Sir Bascus sa harap ng mga kaklase ko lalo na kay Yves.

"S-sorry po." Ang alam ko, marunong naman akong sumayaw, but because my mind is all over the place, hindi ako makapakinig nang maayos. Hindi ko sila masundan.

"Remember na may hinahabol kang grades kaya ayusin mo."

Hindi ko inaasahang maririnig ko 'yon mula sa isang guro. Lalong bumigat ang loob ko.

"Can I be her partner instead?"

Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Yves. Nang tumunghay ako ay nakita ko siya sa harapan ko na kausap si Sir Bascus.

"She's uncomfortable with the guy. Baka mas makuha niya 'yong steps kapag ako ang ka-partner niya."

"Who are you to tell me what to do? The pairings are final. Jenna will stick to her partner, Zeus, so can you go back with your partner Desiree and stop this nonsense?"

Tinitigan ako ni Yves na para bang hinihintay niya akong ipaglaban ko siya, pero ang tanging nagawa ko lang ay yumuko.

"Don't worry, Yves. I'll do my best to help Jenna," sambit ni Zeus.

"Alright." Tuluyan nang kinalas ni Yves ang kamay niya mula sa braso ko. Napakagat na lang ako sa labi. How could I do this to him?

"Don't worry, Jenna. Sabayan mo lang ako. I'll lead the dance," bulong sa akin ni Zeus.

Tumango na lamang ako. Magkahawak ang isa naming kamay ni Zeus habang ang kamay niyang isa ay nakahawak sa baywang ko. Nakapatong naman ang isa kong kamay sa balikat niya.

"Closer! Huwag mailang sa partner! A latin dance is a romantic dance so you need to be closer!" sigaw ni Sir Bascus na para bang kami ang pinatutukuyan. May mga itinuro na siyang basic steps kanina na siyang isasabay namin sa tugtog, pero dahil masyado akong distracted, hindi ko talaga ma-execute nang maayos.

"Jenna, look me in the eyes," utos ni Zeus.

"H-ha?" Tumunghay ako para makita siya.

"Look me in the eyes. Iyan ang unang rule, sabi ni Sir Bascus. Eye contact."

"Baka maapakan ko ang paa mo kapag tumingin ako sa 'yo."

"Believe me, you won't."

Pero mali siya. Hindi ko nga naapakan ang paa niya, napasala naman ang apak ko na naging dahilan ng pagkatapilok ko at pagbagsak ko sa sahig.

Mali. Dahil hindi ako sa sahig bumagsak, kung hindi sa tao—kay Zeus. Nadamay siya sa kapalpakan ko.

"Jenna, what are you doing?!" rinig kong singhal ni Sir Bascus sa akin.

"No, sir. It was my fault," pagtatanggol sa akin ni Zeus, na nagpawala ng kunot sa noo ni Sir Bascus. Mabuti na lang at hindi na ako kinompronta pa ni Sir Bascus. Gusto ko na lang matapos ang klase

"S-sorry," paghingi ko ng tawad sa ka-partner ko.

"No worries. Masakit ba ang paa mo?"

Umiling ako. "H-hindi naman. Ayos lang ako."

Muli kaming bumalik sa pagsayaw at sinubukan ko na talagang mag-focus.

"Next meeting I will choose teams that will perform in our upcoming program this month. If you are included to the chosen ones, automatic you will be exempted sa final term examination," huling sambit ni Sir Bascus, bago nagpaalam sa amin.

Nakita ko naman ang mabilis na paglabas ni Yves sa pinto. "Yves, saan ka pupunta?" pagtawag ni Desiree, pero hindi na siya pinansin pa ni Yves.

Lalong bumigat ang loob ko. I want to run after him, but why does my feet are not moving?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top