Kabanata XVI
"I want to date you as soon as possible."
Kumislap ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na napigilang alayan siya ng mga luha. "H-how can you do this to me?" tanong ko habang napupugto ang hininga. Pinunasan niya ang pisngi ko gamit ang likod ng kaniyang hintuturo. "Why would you sacrifice your education in exchange for dating me? We can date now, you know? Or if you want to stick with your principles, I can wait. Just continue studying in college. Don't mess with your future."
"I am not messing with you."
He kissed my eyelids before embracing me tightly. Napapikit na lang ako at sa muling pagmulat ng mga mata ko, madilim na ang paligid. Masyado akong napatagal sa pag-iyak at hindi ko namalayan ang oras sa piling niya. Napatingin ako sa langit. Naroon ang buwan at ang mga bituin ngunit nababanaag ko ang kalungkutan sa mukha ng malaking bilog na ilaw sa malawak na kalangitan.
"Why does this day need to end like this, Yves? The night is so lonely for me. Look at the moon."
Tumingala siya habang nananatili sa mga yakap ko. "Is this the real reason why you asked to ditch class? So you can tell me this?"
Hindi siya nagsalita. "I'm starting to hate you."
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Then, how would you like to end this day, Jenna?"
Napalunok ako. Lumayo siya sa akin para hulihin ang mga mata kong nagsusumamo at hindi makapagsinungaling. "Huwag muna tayong umuwi, Yves."
Kahit maghapon na kaming magkasama, dahil sa balitang sinabi niya sa akin, mas lalong ayoko nang humiwalay pa sa kaniya. Nangangamba ako na baka mabilis na dumating ang araw na magkakalayo kami, kaya mas gusto kong sulitin ang bawat pagkakataon na kapiling siya.
"Gusto mo pang mamasyal?" tanong niya.
"Kahit ano. Pasyalan nating lahat. Basta, ayoko pang umuwi, Yves."
Sinuri niya ang mga mata ko, habang nakangiti. Paano niya nagagawang ngumiti nang ganito gayong nadudurog naman ako? "Jenna, we still have two years together. Tsaka, hindi naman ako mawawala. Hindi lang ako magka-college, pero pwede pa naman tayong magkita sa ibang pagkakataon."
Hinampas ko ang dibdib niya. "Eh gusto ko palagi kitang nakikita, pa'no ba 'yon?"
He chuckled in bliss. "I'll make a way to see you every day, kahit ilang minuto lang basta magkita tayo. Tsaka, matagal pa naman 'yon. For now, let's go home dahil gabi na rin. Ihahatid na kita sa inyo. Ayokong pagalitan ka dahil sa akin."
"Handa akong mapagalitan kung ikaw ang dahilan."
Muli siyang natawa at sinapo ang mukha ko. "Are you crazy?" Binuhat niya ako pababa mula sa inuupuan ko. "Halika na, umuwi na tayo."
"Ayoko pa. Gusto ko pang mamasyal," giit ko.
"Huwag nang makulit. Umuwi na tayo."
"Eh 'di umuwi tayo sa bahay mo."
"Jenna." Naging seryoso ang pagtawag niya sa pangalan ko. May diin. "You need to calm down. Let's take some walk for you to breathe, okay?"
"Why?" tanong ko.
"Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at makuha kita. Please, Jenna, we need to calm down. My pants are about to burst."
"Pero gusto ko lang namang pumunta sa bahay mo, para alam ko kung saan kita pupuntahan," saad ko.
Umiling siya at hinaplos ang braso ko. "Jenna, sa oras na tumapak ka sa bahay ko, hindi ko na mapipigilan ang sarili ko kaya please, breathe okay?"
Napalunok ako. Sumunod na lamang ako sa kaniya sa paglakad.
"I regret being so honest. You are taking me so seriously."
"Hindi ba dapat?" singhal ko.
"Hindi muna."
"Bakit?"
"We're too young."
Hindi ko alam na kamumuhian ko pala ang mga edad namin sa pagkakataong ito.
We decided to walk around to pull over the feelings we had inside. We were holding hands as if we didn't want to let go of each other, or, should I say, we both didn't want this day to end. Tahimik lang kaming naglalakad sa Binondo at pinagmamasdan ang paligid. Sapat ang ingay nila para hindi kami mabingi sa sarili naming katahimikan.
Napatigil ako sa paglakad nang makita kong may tinitingnan si Yves sa isang shop. Am I looking at the same item he was looking at? He was about to grab them when I grabbed them first myself. I stick out my tongue. Natawa naman siya. Sandali nga, nagbago na naman ba ang ihip ng hangin kaya nakakangiti na kaming muli?
Pinagmasdan ko ang mga bagay na nasa kamay ko. Hindi ako nagdalawang-isip na bilhin ang mga ito. They were very pretty keychains—a sun and moon.
Nakangiti ako nang ipakita ang mga ito kay Yves. "The moon is you," sambit ko tsaka ko kinuha ang kamay niya at inilagay ang silver keychain na may pendant na buwan.
"Mine is the sun." Ipinakita ko naman sa kaniya ang akin.
"I agree, you are the sun who brightens up my day every day," wika niya.
"Well, you are the moon that brings me peace," nakangiti kong sambit.
Ikinabit ko ang sun keychain sa phone ko. "I want to remember this day so I bought this. Ayokong makalimutan ang first date natin." Hindi ko maiwasang kiligin. Tama, this is our first date, and I don't want to forget inch of anything that happened today kahit na kasama sa alaala ang balitang mawawalay siya sa akin.
Muli akong tumunghay habang iwinawagayway sa harap niya ang phone ko na may palawit. He smiled. "You don't have to buy me one since you can always look at me whenever you want, but thank you, I appreciate it." He ruffled my hair. Sabagay, hindi niya nga pala matititigan ang araw kung gustuhin niya akong maalala. Ako naman ay matatanawan ang buwan kapag gusto ko,pero tuwing gabi nga lang.
"Eh di, magpalit tayo! Akin 'yong buwan, iyo itong araw para sa tuwing mamimiss mo 'ko, tingnan mo lang 'yan, and I will do the same, Yves." Kinuha ko sa kamay niya ang moon keychain, bago ko matiyagang tinanggal ang keychain na kakakabit ko palang sa phone ko. I'll put the moon keychain here in my phone so I can look at him and remember this day every now and then.
Nagulat ako nang may dumampi sa pisngi ko. Nang lingunin ko, nakita ko si Yves na nakangiti sa akin. Hinalikan niya pala ang pisngi ko. "I love you, Jenna."
Napakurap ako nang isang beses. Nabitiwan ko pa ang phone ko dahil sa gulat. Mabuti na lang at nasalo niya iyon. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Did he say he loves me?
"Oh, bakit umiiyak ka na naman?" tanong niya habang pinupunasan ang gilid ng mata ko. Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya nang mahigpit. Sinong hindi maiiyak?
"Napakadaya mo talaga," sambit ko habang nakasubsob ang mukha sa kaniyang dibdib. "Bakit mo sinabi? Hindi ko naman tinatanong!"
Narinig ko siyang tumawa. "I don't know. I couldn't hold myself back anymore. You're too cute to handle."
"Anong cute?!" Magkasalubong ang mga kilay ko habang nakatingala sa kaniya na parang buwan.
"How you patiently removed the sun keychain again to put the moon keychain on your phone. I couldn't handle your perseverance."
I pouted. "Kaya ilagay mo rin ang sun keychain sa phone mo at huwag na huwag mong tatanggalin dahil magagalit ako sa 'yo."
He chuckled as he caresses my back. "I won't. It symbolizes you so I want to keep it. I want to keep you, Jenna."
Ang sarap marinig sa tainga ng mga pag-amin niya. Para akong nasa langit. Ganito ang gusto kong katapusan ng gabi namin ngayon. Napakasaya ko.
"Just like how the moon waits for another day to see the sun, I'll wait for you, Jenna."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top