Kabanata XV
Magkasama naming binaybay ang daan papunta sa Binondo. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Yves para dalhin ako sa lugar na ito, pero nakakatuwa dahil para kaming nasa China. I remember going there when I was young, but that time I was with my family. How I wish, makapunta ulit ako sa China, pero kasama na si Yves.
We went down to eat whatever we liked. The street food was the best. Para kaming nag-foodtrip dahil halos lahat ng stalls ay sinubukan namin ang mga pagkain. Lalo na sa Escolta Street. Nilantakan namin 'yong fried siopao. Hindi rin namin pinalagpas 'yong pork and chive dumplings at 'yong hand pulled noodles.
"You want some bubble milk tea?" tanong ni Yves nang makita niya akong nakatingin doon sa stall dahil pinapanood ko 'yong tindera habang nagtitimpla ng tsaa.
Tumango ako at ngumiti na parang bata. Syempre, sino ba ako para tumanggi sa grasya? "Alright." Bumili siya ng isa para sa akin. Itinusok niya rin ang straw sa baso bago iniabot.
"Oh, bakit wala ka?" tanong ko.
Umiling siya.
"Are you sure? We can share. Laway conscious ka ba?"
Natawa siya. "Laway conscious? How many times have I kissed you? Have you forgotten?"
Halos masamid naman ako sa sinabi niya, kaya nahampas ko siya sa dibdib. Para talaga itong baliw.
"Because I know, hindi mo naman mauubos at ibibigay mo lang din sa akin." Sabagay, may point naman siya. "What else do you want? I'll buy it for you."
Ngumuso ako sa kiosk kung saan may takoyaki. "I want octopus."
"Okay. Let's get that."
Hinila niya ako sa kiosk at muli, umorder na naman siya ng isa. Mukhang kilalang-kilala na talaga ako ng mokong na ito dahil tama naman siya, nakakaisa o dalawang higop pa nga lang ako sa bubble milk tea ay ibinigay ko na sa kaniya ang natira. Yogurt lang talaga ang inumin na kaya kong ubusin. Maliit lang kasi 'yon.
"You know what? May kadugyutan ka rin palang taglay," sambit niya habang pinanonood namin ang pagluluto ng takoyaki.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit na naman?"
"Look at what you did to the straw."
Natawa ako, kasi nakita kong puro kagat na 'yong straw sa bubble milk tea na hawak niya. Shocks. Nawala sa isip ko 'yon, ah. "Sorry, just a habit. Bakit, hindi mo ba alam 'yan?"
"I just know that you keep on biting your straw whenever you drink your yogurt before. but this is the first time I saw it this close," paliwanag niya.
"Eh, 'di kung nadidiri ka, huwag mong inumin!"
Ngumisi siya bago isinubo ang straw na iyon sa bibig niya. Napanganga na lang ako dahil mukhang ako 'yong mas naapektuhan sa ginawa niya. "It's fine as long as it's yours. Ang hirap lang makainom," komento niya. "Siguro, kinakagat mo 'yong straw kasi may kadamutan kang taglay?"
Inirapan ko siya. "Ibuka mo kasi!" sagot ko na nagpaangat ng kilay niya. "I mean, 'yong straw!"
"What if ikaw ang magbuka?" natatawa niyang hirit sa akin. God. Pwede po bang saktan ang isang tao, kahit gustong-gusto mo siya? Parang gusto ko nang magsisi.
"What if salaksakin kita ng straw?" Kinuha ko na lamang 'yong bubble milk tea sa kaniya para ayusin 'yong straw at makainom siya nang matiwasay. Ibinigay ko 'yong muli sa kaniya.
He just made a face to annoy the hell out of me. Nakakainis na talaga itong isang ito. Puro siya kabaliwan at kabastusan. "Alam mo, simula nung gabing 'yon, naging manyak ka na!"
Natawa siyang lalo. "It was because I became comfortable with you; that's why I can show you this side of mine."
"Bakit? Hindi ka ba komportable sa akin dati?"
Umiling siya. "Because you're a girl, and I'm a guy."
Natawa ako. "Bakit ka naman maiilang sa akin? Unless, may gusto ka."
Hindi siya sumagot, kaya naman natigilan ako at napatingin sa kaniya. Wait, don't tell me?
"Mael already knows what kind of man I am, you know?" pag-iiba niya ng usapan, kaya naman mas pinili ko nang isantabi ang hinala ko at sabayan na lamang siya sa gusto niyang pag-usapan. Oo nga, hindi pa nga siya umaamin. Sino ako para mag-assume?
"Tapos sa 'yo pa rin niya ako inihabilin? Mukhang kapahamakan lang ang matatamasa ko sa 'yo."
"But yet, sumasama ka pa rin." He winked at me. Sinong hindi sasama, kung siya na ang nagyaya? Ultimo nga klase, handa akong umabsent makasama lang siya, pero sabagay, ganoon din naman ang napapansin ko sa kaniya. Ang pagkakilala ko kasi sa kaniya noon, ayaw na ayaw niyang lumiliban sa klase dahil isa siya sa matatalino at magagaling na estudyante sa section namin, pero bakit ngayon parang wala na lang iyon sa kaniya? Madalas pa nga niya akong pagalitan kapag nagyayaya akong gumala. Hindi naman din ako makagala sa weekend dahil una sa lahat, hindi naman ako niyayaya ng isang ito at kahit ni Mael.
Kinain ko na lamang 'yong takoyaki na ibinili niya para sa akin bago ko ibinigay sa kaniya ang natitira. Kanina pa nga ako napapairap dahil pinagmamasdan niya akong sumusubo ng takoyaki. Kung pwede lang siyang suntukin. Dugyot lang ako sa straw, pero siya dugyot ang kaniyang utak!
"You keep rolling your eyes on me, you know na iba ang dating niyan sa akin, right?"
Napabuga ako. "Lahat na lang ba ng gagawin ko, iba ang naiisip mo? Bakit mo ba ako niyayang lumabas at pumunta rito?"
"You want me to be honest?"
Lumakas ang kabog ng dibdib ko lalo na nang tumigil siya sa harap ko at tinitigan ako nang malalim. "I asked you out to shake off your mind from what our classmates said to you." Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko inaasahang iyon ang ipagtatapat niya sa akin. Now, I can say, hindi ko na maramdaman ang pisngi ko sa sobrang init at pamumula.
"Do you hate me?"
"Saan?"
"Dahil sa sinabi ko kay Zeus, nag-iba ang tingin sa 'yo ng mga kaklase natin."
I did not expect he would be this serious after he teased me earlier. Masyadong naging mabilis ang transition niya, pero kita ko naman sa mga mata niyang sinsero siya.
"I'm sorry," dagdag pa niya. "It is my fault, Jenna."
Umiling ako. "Wala naman akong pakialam sa sasabihin nila. Kita mo nga, nakakangiti ako. Nagulat lang ako sa mga paratang nila kanina dahil hindi ko 'yon inaasahan. Nakakatakot na tuloy pumasok sa klase."
"Still, it is me to blame. I'm sorry if I acted that way. I promise you, I'll be better." Hinaplos niya ang buhok ko habang nakatitig sa akin na para bang may sinasabi. Hindi ko mapigilang mapangiti sa kabila ng nangingilid kong mga luha. Seeing him this way, hits differently for me.
Inabot na kami ng hapon sa lansangan at para bang hindi kami napapagod. Palakad-lakad kami at ngayon ko lang napansin na kanina pa kami magkahawak ng mga kamay. Sari-sari na nga din ang napagkuwentuhan namin at kanina pa kami nag-aasaran na tila ba ibinabaon sa limot ang mga narinig ko kanina mula sa mga kaklase ko. Totoo naman kasi, kung wala siguro siya rito sa tabi ko baka kanina pa ako umiiyak at nagmumukmok.
"Saan ka magka-college?" tanong sa akin ni Yves. Kasalukuyan kaming narito sa may tulay at pinagmamasdan ang daloy ng tubig sa ilalim. Nakaupo ako sa malapad na concrete railing, habang siya naman ay nakatayo sa gilid ko.
"Sa Altrius lang din siguro?" sagot ko sa kaniya. "Ikaw?"
"I won't go to college, Jenna." Parang may kumirot sa puso ko nang marinig iyon sa kaniya. Tila ba nag-flashback sa utak ko lahat ng pinagsamahan namin. Masyado akong nagulat. Ibig sabihin, hindi ko na siya makakasama after two years? After ng senior high?
"B-bakit?"
"I couldn't afford it."
Kumunot ang noo ko. "H-ha? Paanong hindi? Ikaw ba ang nagpapaaral sa sarili mo? Where are your parents?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.
"I decided to get a job after our senior high school so I can have my own money."
"What for? You're too young to work, Yves!" protesta ko. Ngayon, ramdam ko na ang bumubugsong emosyon sa buo kong pagkatao.
Tumawa siya. "I don't have a lot of time in this world, Jenna."
"What do you mean? Mamamatay ka na ba?"
Hinaplos niya ang buhok ko. "No." Tumawa siya. Paano niya nagagawang tumawa sa panahong 'to? Hindi niya ba alam na nalulungkot ako?
"Then, anong ibig mong sabihin na you don't have a lot of time in this world?"
"I want to date you as soon as possible."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top