Kabanata XLVII
"I can't wait to marry you again," he mouthed under his breath. "I told you, everything I do, I do it for you."
Natawa ako habang nakapikit. "Hindi ba't kanta 'yan?"
"Ay, kanta ba 'yon?" Natatawa niya ring hirit.
"Oo, kanta 'yan. Baliw ka ba?"
"Medyo. Baliw sa 'yo."
"Puro ka talaga kalokohan."
"Hindi, ah. I'm serious. Lahat naman ng ginagawa ko ay para sa 'yo, para sa atin, Jenna. Kahit itong paghihintay, natitiyaga ko dahil ikaw naman ang kapalit. Bonus nga dahil kasama kitang maghintay. Sana lang ay hindi ka naiinip."
"To be honest, naiinip, pero dahil kasama kitang maghintay, hindi naman na nagiging problema sa akin. Kasal na rin naman tayo."
"Pero mas maganda pa ring may church wedding, hindi ba?"
I nodded. "Yeah, I want to pronounce every vow I have for you in front of God."
"Ako rin, Jenna. Mas mapagtitibay ng Diyos ang pagmamahal ko sa 'yo kapag naiharap na kita sa Kaniya."
Hinaplos ko ang kamay niya. "Thank you, Yves. Thank you so much for loving me this way. Hindi ko alam na susuklian mo ng ganito kalaki ang pagmamahal ko sa 'yo."
I heard him chuckle. "No, as far as I know, it is the other way around, Jenna. Matagal na kitang gusto, pero pinipili ko lang ilihim dahil akala ko hindi ako ang para sa iyo, pero noong nakita kita sa reunion ng mga Mondalla, tuluyan nang nahulog ang loob ko sa 'yo. Hindi ko na rin napigilan nang aminin mong may gusto ka sa 'kin. Nainis pa ako sa 'yo dahil ipinagkakalat mong tayo gayong hindi pa nga ako nagkakaroon ng lakas ng loob na ligawan ka. Palagi mo akong inuunahan. I want to be a man in front of you, but your love is making me like a child. You're turning me into a bud that wants to be showered by your love. And I'm really sorry that even in our civil wedding, I don't get the chance to propose. Ikaw pa rin ang gumawa ng daan para makapasok ako sa 'yo. I'm sorry, my love."
"You don't have to say sorry, Yves. Masyado lang akong mabilis, and I like it the way you're taking everything slowly. You don't have to keep up with me. Masyado akong risky. I like how you handle things full of patience. And you can still do what you want. We still have our church wedding soon, you can still propose if you want. At least, alam mo nang papayag ako."
Tumango siya. "Liligawan din kita kahit mag-asawa na tayo. Marami pa akong gustong gawin para sa 'yo, Jenna. Lahat ng kapritsuhan, gagawin ko para mapatawa ka rin."
Napangiti akong lalo. "Ako rin, marami pa rin akong gustong gawin para sa 'yo. Hindi porque lalaki ka ay ikaw na ang gagawa ng lahat. I also want to make you feel what you make me feel. Lahat ng hindi mo naramdaman mula sa mga magulang mo, I'll do it. We'll celebrate your birthday together, kahit ang mga holidays ay gagawin kong special day for us. And it's okay to be a baby in front of me, 'cause you're my big baby boy. Okay? Next time, when someone asks you where your family is, you can tell them you have me, my mom, my dad. You also have Mael and Aunt Elisse. You have all of us. We all care for you and soon enough, we will be a family too. Although we can only have one kid because of our family tradition."
Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. "It's okay. Everything is okay as long as you're with me, Jenna. I love you for being my wife and for treating me like this."
Nilingon ko siya. "Of course. Anything for my loving husband." Inabot ko ang mga labi niya at siniilan ng halik.
*****
"Jothea Mendez Alvandra!" sigaw ko kay Martin. "Mael saw her file, and he learned that she was supposed to be interviewed by me. What happened? Mael was so mad at me, Martin! Bakit hindi siya natawagan?"
"I'm sorry, Miss Levanier. We'll definitely call her."
"Now? As in ngayon lang? Pinaglololoko mo ba ako? What kind of system is that?" Napahawak ako sa sentido ko dahil umagang-umaga ay natalakan ako ng pinsan kong si Mael dahil nakita niya sa rejected files ang file ng nobya niyang iniwan niya rin naman.
Hindi ko rin alam kung bakit nasa rejected files iyon, dahil sa pagkakaalam ko ay nakapasa siya at tatawagan para sa last interview. Pero itong si Mael, hindi muna inalam nang maigi kung sino ang salarin at ako ang pinagalitan. Kung hindi niya kasi iniwan ang college student na iyon ay sana hindi siya nahihirapan ng ganito. Ako rin ang nabubuntunan! Minsan talaga, nagpapasalamat na akong wala siya rito sa LMC, dahil ngayong bumalik siya, naiistress na ako araw-araw. Ayoko na ng boss na kapamilya! Sumasakit ang ulo ko!
"I'm sorry, Miss Levanier. We'll definitely fix this."
"As you should. Leave my office now!"
Napaupo ako habang hawak-hawak ang ulo. Muli namang bumukas ang pinto at nakita ko ang asawa kong naglalakad papalapit sa akin.
"What's with your face, babe? Rinig na rinig ko sa labas ang boses mo. Kawawa naman si Martin at nabuntunan mo ng galit. You should vent it on me instead."
Nakaramdam naman ako ng awa kay Martin dahil sa ginawa ko. Uggh! Kasalanan 'to ni Mael!
"Meron ka ba?"
Nagulat ako nang hawakan niya ang pagitan ng mga hita ko at parang may kinakapa.
The hell! Ano nang dapat kong maramdaman ngayon?!
"Wala! Okay? Naiinis lang ako sa pinsan mo dahil sa akin siya nagagalit!"
"Pinsan mo rin siya, babe. Ikaw nga ang totoong pinsan ni Mael."
"Puwes! Tinatakwil ko na siya! Ayoko na! Ayoko na siyang katrabaho! Aalis na talaga ako rito!"
Nagulat naman ako nang buhatin ako ni Yves paupo sa table ko. Hinalikan niya ang pisngi ko na para bang pinakakalma ako. "And you're leaving me here?" Nagpapaawa niyang tanong.
Oh, God. Paano ako makakatanggi sa gwapong nilalang na ito?"
"No, of course not. Hindi ka ba sasama sa akin? Umalis na tayo rito, Yves. Ayoko na rito."
Ngumiti naman siya. "I understand, but breathe in, babe..." Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. "Breathe out." Sinunod ko naman siya. "Walang nadudulot na maganda ang pagdedesisyon ng galit. Remember, we're here to help Mael. Tinulungan din naman niya tayo kaya gawin natin ito para sa kaniya, okay? Martin will call the girl, and after that we'll hire her para mas mapalapit na sila sa isa't isa. Kapag nangyari 'yon, makakaalis na tayo rito."
Tinitigan ko siya nang ilang sandali. Hindi ko na napigilang yakapin siya. Tama siya. Tama. Kaya ang suwerte ko dahil napapakalma niya ako nang ganito at naliliwanagan ako kapag kinakausap niya ako nang masinsinan. Hindi ko alam kung bakit ako ang inilagay ni Mael bilang manager. Siya naman ang pinakamatalino sa aming dalawa.
Pero baka nga dahil magaling si Yves na supervisor dahil kahit ako ay nasusupervise niya.
"Okay ka na?" bulong niya.
Sinulyapan ko siya. "Alam mo? Pakiramdam ko, alam ni Mael ang kondisyon ni dad sa atin kaya pinapahirapan niya tayo."
Tumawa naman siya. "Perhaps. He's a powerful man. What else he doesn't know? Don't worry, babe. I'll treat you later at home. I have something for you."
"What is it?"
"Secret." He winked. "Be a good girl, okay?"
"Tsk. Kiss mo muna ako."
"Where, babe?"
"Sa baba."
Lumapad naman ang ngiti niya. "Are you sure? We're still at your office. Baka mag-ingay ka. Maririnig nila."
I rolled my eyes. "I'm just kidding, okay?!" Mukhang hindi naman siya kumbinsido, kaya hinipo niya ang pagitan ng mga hita ko. "Later, babe. I'll kiss them later. For now, behave."
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Fine! Thank you!"
Humagikgik naman siya. "Anytime. I'm just outside, okay?" Hinaplos niya ang pisngi ko, bago ako hinalikan sa labi. Nagpaalam na siya sa akin. Ako naman ay sinubukang pakalmahin pa ang sarili ko.
May kumatok sa pinto, kaya pinapasok ko na ito.
"Yes, Martin? Anong balita?" tanong ko sa mas kalmadong paraan. "I'm sorry, nataasan kita ng boses kanina."
"It's okay, Miss Levanier, pero mukhang mas matataasan mo po ako ng boses this time."
"Why? What happened?"
"Miss Alvandra declined our interview. She said she's already employed at Safira."
"Safira?" Nagsalubong ang mga kilay ko. "Which Safira? That's the first time I heard that name."
"Maybe some small company around the area. What should we do now, Miss Levanier?"
"Hold your horses. I'll talk about this with the CEO."
Nagpaalam na siya at lumabas. Napahinga naman ako nang malalim bago ko kinuha ang telepono para tawagan si Mael, pero hindi ko inaasahang makakarinig ako ng isang kalokohan.
"Find that Safira. We'll ask them for collaboration."
Wala na akong nagawa kung hindi ang sundin ang magaling kong pinsan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top