Kabanata XLIV
"Yves! What happened?"
Mabilis akong pumunta sa kaniya. "Bakit may dugo sa labi mo? Sinuntok ka ba ni dad? What happened?" sunod-sunod kong tanong na puno ng pag-aalala habang hinahaplos ang labi niya.
He smiled as he embraced me. "Wala ito kumpara sa pagpayag niya." Nagningning ang mga mata ko at muli siyang tiningnan. "What do you mean? He finally approved us?"
Paulit-ulit siyang tumango. Pumatak naman ang mga luha mula sa mga mata ko. "God! Thank you, God! Thank you, Yves!" Hinalikan ko ang labi, pisngi, at leeg niya bago ko siyang niyakap nang mahigpit. Nag-uumapaw ang galak sa puso ko.
Mabuti naman. Mabuti naman pumayag na si Dad. Akala ko ay pahihirapan niya pa kaming dalawa.
"But the thing is, we need to keep it a secret."
Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"
"Hangga't hindi pa naikakasal si Mael, hindi pa tayo pwede sa church wedding."
"What?!"
"Your dad said it was in your family tradition na dapat raw ay mauna si Mael na ikasal dahil siya ang tagapagmana ng Mondalla Clan. We need to keep our marriage from him."
"No way," I uttered as I facepalmed.
"And about our rings, I'll buy necklaces for that so we can still wear it secretly."
"Pumayag ka sa kondisyon ni dad? Pumayag kang ilihim muna na mag-asawa na tayo?"
He nods. "Yeah, wala namang magbabago. At least, hindi na tayo pinaghihiwalay. Hindi naman siguro matagal ang hihintayin natin."
"No! Ibig sabihin lang no'n, hindi pa rin tayo pwedeng matulog sa iisang bahay kasi malalaman at malalaman ni Mael at ng lahat ang tungkol sa atin!"
Ngumisi siya. "Parang may iba kang pinupunto, ah. Why? You want to do it that much?"
Hinataw ko ang dibdib niya. "No! That's not what I'm talking about! Gusto kong palagi kitang kasama, kaya gusto kong manirahan sa iisang bubong kasama ka."
Hinalikan naman niya ang pisngi ko na para akong pinakakalma. "Then, pumayag ka na sa gusto ni Mael. Accept his offer to be the marketing manager of his perfume company. I am also there as a supervisor."
"What?!" gulat kong tanong. "Are you for real?"
Tumango siya.
"You should've told me earlier! Eh 'di sana pumayag na ako agad! Ikaw naman pala ang kasama ko! Hindi ko kailangang mamroblema!"
Tumawa naman siya sabay sara ng pinto. "Of course, hindi mo kailangang mamroblema. I told you, your father finally approved of us. We can still do everything that a married couple normally does."
"Which is a good thing. Hindi na rin masama." Ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya bago ako sumampa sa kaniya para abutin ang kaniyang mga labi.
"Yeah, we can be together now as long as we want." Binuhat niya ako papunta sa kama ko at doon patuloy na hinalikan. Hinubad ko nang mabilis ang damit niya, tsaka ko siya muling niyakap. I kissed him and his neck.
"I love you, Jenna." Hinaplos niya ang buhok ko. He tucked them behind my ear. "I love you so much that I'm dying to be with you every time."
"I love you too, Yves. Thank you for making me feel so happy today."
"I will make you happy every time, my love. I swear to God, I will. Iiyak ka lang sa sobrang saya, wala nang iba pang dahilan."
Tumango ako. Ngayon palang ay naluluha na ako dahil nakikita ko siyang narito sa harap ko. Pakiramdam ko, worth it lahat ng mga paghihirap at paghihintay dahil magkasama na kaming dalawa. Hindi ko inakalang mangyayari ang lahat ng ito at sa huli ay magiging kami talaga. I thank God, for everything.
Niyakap ko siya nang mahigpit. Ayoko na talagang humiwalay sa taong ito. Dito na lang siya palagi sa akin.
*****
"You said, babawi ka? Hindi ba't niyayaya mo akong mag-field trip?"
I sat on the shotgun seat as he entered the car. I'm just looking at him, and his smiles haven't left his lips. Sa mansion siya natutulog nitong mga nakaraang linggo dahil sabay na rin kaming pumupunta sa company ni Mael.
"Why are you smiling?" tanong ko. "Naiinis na kaya ako."
"Nothing. I'm just happy to have you gorgeous as my passenger princess every day." He fixed my seatbelt and kissed me on the lips. It's just a peck, but it brings me that electrifying motion that makes me feel something on my stomach. "Kahit madalas magsungit, ang cute pa rin."
"Ano ba kasing napag-usapan niyo ni dad, bukod sa kondisyon niya sa 'yo? Bakit hanggang ngayon hindi matuloy-tuloy ang field trip natin?" tanong ko pa. Nagsimula na siyang magmaneho at hindi pinansin ang tanong ko. Kundi hinawakan niya ang kamay ko, pero tinanggal ko iyon.
"Ano ngang sabi ni dad?" pangungulit ko.
"Huwag ka na nga kasing makulit. Basta, lahat ng ipinangako ko sa 'yo, gagawin natin, matapos lang ang misyon natin, okay?"
Inirapan ko siya. "Misyon, misyon, misyon! Bakit ba natin ito ginagawa?"
"Nakalimutan mo na? Kailangan nating maghintay sandali para paunahin si Mael. At kapag naikasal na sia, pwede na tayong umalis sa company niya. We can do everything we want."
"Bakit ang tiyaga mo mong maghintay? Hindi ka ba naiinip?"
Umiling siya. "Hindi naman. I love to be with you even in this situation. As long as kasama kita, walang problema sa akin kahit ano."
"Tsk. Iniiba mo lang ang usapan, eh. Nakita ko kayo ni dad, magkausap na naman kayo kanina! Ano ba kasi 'yon?"
"Ang sabi niya, agahan daw nating umuwi."
"Tapos?"
"Huwag na raw kitang iuwi." Nahampas ko siya dahil sa sinabi niya.
"Ano nga? Pinaglololoko mo naman ako, eh! Ano ba 'yan, Yves? Ngayon palang niloloko mo na ako., paano pa bukas at sa mga susunod na araw?" pag-iinarte ko na tinawanan niya lang.
"If I tell you, your dad's gonna kill me."
I rolled my eyes. "Fine. Tsk. You always got secrets." I looked away outside the window. It's such good weather. At napapangiti na lang ako sa ganda nito lalo't kasama ko si Yves at hinahawakan niya ang kamay ko habang sinusuyo.
"If I tell you, it won't be a surprise." Inismidan ko na lamang siya.
"Wait, Jenna... I've been curious why you're so mad that day."
"That day?" Lumingon ako sa kaniya.
"Remember our field trip? Sobrang galit ka sa akin."
"Hindi mo ba alam kung bakit? You saw it, right? You even covered me using your jacket. It was PMS."
"PMS?"
"Premenstrual Syndrome. Meron ako kaya iritable ako noon."
"Merong ano? Palagi ka namang iritable sa akin."
"Menstruation? The eff! Di mo alam 'yon?" tanong ko. "It's normal for girls to get irritated when it's the time of the month."
"You mean like today? You seem so irritated. Meron ka ba?"
Inirapan ko siya. "Wala 'no?!"
Natawa siya. "I see, napindot mo lang si Anger?" pang-aasar niya, sabay halik sa likod ng kamay ko. "Gusto mo ba, wag kang mag-mens ng nine months?"
"Gago ka ba?" Natawa ako sa pangungulit niya. "I'm still young! I still want to be with you alone! Lalo ngayon na maraming umeepal, mas lalo akong magiging iritable kapag nagkaroon ako ng kaagaw sa atensyon mo. Tapos ang dami pang umaaligid sa 'yong babae sa opisina. Subukan mo lang, tatanggalan ko talaga ng mga trabaho 'yong mga 'yon!"
Natawa siyang lalo. "Sa 'yo nga rin, eh. Ang daming sumusulyap. Hindi sila nakukuha sa matalim kong tingin. Nakakainis. Bumabakod na nga ako, eh."
Ako naman ang napangiti at tuluyan nang nakalimutan ang dahilan ng pangungulit ko sa kaniya.
Pumasok na kami sa Loeisal Malmdan Company at katulad ng nakagawian, naghiwalay na kami ng landas nang makababa kami sa parking lot. Hindi ko inakalang kahit sa trabaho ay para kaming may illicit affair. Mabuti na lang at kapag nasa break ang mga subordinates namin ay nagkakaroon kami ng solo time ni Yves. Kahit papaano naman ay natutuwa ako sa setup naming dalawa. Totoo nga, basta kasama ko siya, ayos lang sa akin ang lahat. Nakakatuwa pa na nag-uusap kami tungkol sa mga trabaho namin. Every conversation became meaningful to me.
"Una na po kami, Miss Levanier!" paalam sa akin ng mga subordinates ko.
"Sure! Take care!" Isa-isa na silang umalis, kaya naman nang magkaroon ako ng pagkakataon ay naglakad na ako papunta sa opisina ni Yves. Kumatok ako.
"Come in."
Mabilis naman akong pumasok at sinigurado kong ni-lock ko ang pinto. I was surprised to see him wearing eyeglasses. Napakagwapo niya sa paningin ko lalo na't nakasuot siya ng corporate attire.
"Babe, you're here. Thank God. I'm so tired. I need you." He opened his arms for me. Sinalubong ko naman siya ng yakap bago ako sumakay sa kandungan niya.
"God, I missed you too," bulong ko. Hinubad ko ang heels ko tsaka pumulupot sa kaniya na parang bata. "I need to recharge too. Can we stay like this for a moment?"
"You don't have to ask, babe."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top