Kabanata XLI
"What are we doing here?" tanong ko sa kaniya nang huminto kami sa isang lapida. Dinala niya ako sa sementeryo, pagkatapos naming magpalit ng damit. Mabuti na lang at maliwanag pa dahil baka hindi ko kayaning magtagal sa lugar na ito. Mabuti na lang din at kasama ko si Yves at hindi niya binitiwan ang kamay ko.
Umupo siya sa damuhan, kaya naman napagdesisyunan kong gayahin siya, pero akmang papaupo na ako nang hilahin niya ako para umupo sa hita niyang naka-indian sit.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko, habang nagpipigil ng ngiti.
"Madudumihan ang damit mo kung uupo ka sa damuhan," bulong niya. Hindi na ako nakaapela lalo na nang ipulupot niya ang kamay niya sa baywang ko. Napalunok ako. Sa mga kilos niya, para bang hindi pa siya tapos nagpalambing.
"We're here at my grandmother's graveyard," wika niya. Tiningnan ko ang lapida sa harap namin kung saan nakalibing ang lola niya. Ito ba ang binisita niya noon?
"She's the woman who took care of me when I was a baby, Jenna, but she died when I was younger."
Nanatili akong nakikinig sa kaniya. Hindi ko alam na namatayan pala siya ng lola noon. Was that before I met him, o hindi niya lang talaga binabanggit sa akin na may problema siya? He's so secretive. Pareho sila ni Mael kaya nagkakasundo sila.
"I promised her something, and I was too late to make it happen."
"What did you promise her?"
"To bring someone who can make me happy. She always wanted to see me smile, because when I was young, all she witnessed was me crying. Hindi ko nabanggit sa 'yo, pero masyado talagang magulo ang buhay ko. I was abandoned, at ang tumayo kong ina ay ang kamag-anak ni Aunt Elisse, ang mama ni Mael, pero 'yong adopted parents ko, iniwan din naman ako kay Lola," paliwanag niya. "Pero ayun nga, namatay si Lola kaya si Aunt Elisse ang nag-asikaso sa akin na makapunta rito. She even gave me a unit, 'yong bahay ko dati."
"Kaso binenta mo naman," komento ko.
"Yeah, I need some funds para sa requirements sa trabaho, eh. Mabuti nga at hindi ako pinagalitan ni Aunt Elisse."
Hindi ko maiwasang tumanaw ng utang na loob sa mama ni Mael. Kahit hindi niya totoong kamag-anak si Yves, tinuring niya itong parang kadugo niya. At natutuwa rin ako dahil parang sa kaniya naman ni Mael ang pagiging matulungin sa kapuwa although ganoon din naman si Uncle Mikael. Kaya ganoon na lang din ang pagtanaw ko ng utang na loob kay Mael dahil katulad ng nangyari kanina, tinulungan niya akong makawala sa taong gumigipit sa akin, sa amin ni Yves.
"Alam mo ba noon, Jenna, hindi ko talaga inakalang magugustuhan mo ako. I don't often smile. I am not rich. Compared to you, I'm just a commoner, a penniless, who's not worthy of your attention, but yet you keep on showering me with your love, which I don't know if I can reciprocate enough since I don't have a lot even to show myself."
Nangilid ang mga luha ko. Ngayon ko lang nakitang ganito si Yves, na para bang sinasabi niyang mas mababa siya sa akin at wala siyang karapatan para sa pagmamahal ko.
"I'm just a rock who hit the bottom of the glass and doesn't know how to get out of the water. I'm useless. I can't seem to understand why you even like me when I can't seem to like myself."
How come he has a lot of insecurities hiding underneath his skin. I never saw it before. His flaws, his imperfections, his doubts, all of them seem to be just normal for me.
"That's why I'm so disappointed with myself, Jenna. I want to treat you dearly. I want to say things I need to say when I can finally look at myself in the mirror and be proud that I am worthy to be loved. I want to date when I'm capable of it. I want to confess when I became suitable for it. You're a precious stone, a gem, to keep. But am I worthy to be a keeper? That's all the things I thought before that's why I decided to leave. Ginawa ko ang lahat para may mapatunayan sa sarili ko, kaya ngayon nakakaya ko nang humarap sa 'yo."
Hinaplos ko ang mukha niya habang pinipigilan ang paghikbi. "I understand, but you see, I always adore you, Yves, even when you thought you have nothing, you are so special to me enough to make my world spin around. Sa mata ko, ikaw ang pinakamagaling, ikaw ang pinakakarapatdapat, ikaw lang ang para sa akin. Huwag mo nang iisipin 'yan ngayon, ha? Dahil malulungkot ako bilang asawa mo."
A smile graced his lips. "Hindi pa rin ako makapaniwalang asawa na kita." Lumingon siya sa lapida na kaharap namin. "La, siya nga pala 'yong asawa ko. Ang swerte ko, 'no? Ang ganda ganda at ang bait pa. Sayang, kung narito ka lang, siguradong magugustuhan mo rin siya."
Pinisil niya ang baywang ko. "Bakit? Para bang mabilis ang lahat kaya hindi ka makapaniwalang mag-asawa na tayo?" pag-uusisa ko.
"Anong mabilis ang lahat? Napakatagal para sa akin, Jenna, kung alam mo lang. Siguro kaya hindi ako makapaniwala dahil hindi ko akalaing sa isang iglap ay tatanungin mo ako ng kasal na dapat ako ang gumagawa. At ako naman si tanga na hindi na rin nagpapigil dahil ayoko nang sayangin pa ang pagkakataong ikaw na ang nag-alok. Natakot ako na baka magbago ang isip mo. That's why I took the chance. At katulad ng pangako ko ay babawi ako sa 'yo."
He pinched my cheeks. "Gusto mong mag-field trip?"
"Field trip?" nagtataka kong tanong dahil out of the topic, bigla niyang naungkat ang traumatizing past naming dalawa.
"Oo. Sabi ko nga sa 'yo babawi ako."
Hinawakan niya ang kamay ko. At habang nakatingin siya sa mga mata ko ay hinalikan niya ang kamay ko.
"Ang tinatanong ko sa 'yo, saan tayo pupunta?" pangungulit ko.
Ngumiti naman siya. "Ikaw, saan mo ba gustong pumunta?"
"Sa 'yo."
"Ikaw, ha? Bumabanat ka na." Ginulo niya ang buhok ko. "Sige, ako nang bahala kung saan tayo. Tutal, ayaw mong gumamit ng utak kapag kasama ako, hindi ba?"
I pressed my lips as I remembered our conversation the night when he asked why I decided to marry him.
*****
"Let's get married secretly, Yves."
Matagal niya akong tinitigan na para bang sinusuri kung seryoso ba ako sa mga sinabi ko. Magsasalita pa sana siya nang hilahin ko ang kwelyo ng polo niya para abutin ang kaniyang naghihintay na mga labi.
I pressed my lips into his, to brush away the confusion between us. And in an instant, I realized he's still the same man I imagined in my future. Siya ang nakikita kong kasama kong bubuo ng pamilya, makakasama ko sa buhay—sa hirap at ginhawa. After all this time, my heart still calls his name as if it were his.
I hope, naipapaliwanag ko ang lahat ng gusto kong sabihin sa pamamagitan ng halik na ito. Gusto kong sumugal. Gusto kong ayusin ang lahat ng nasira ko noon. Gusto kong ibalik sa pagiging tama ang mali ngayon.
"Then, let's get into it, habang bukas pa ang city hall."
He held my hand and brought me to the city hall. Hindi ko akalaing it would only take thirty minutes to finally be a wife and a husband.
"Where's the ring?" tanong ng city mayor.
"Ito po, Mayor."
Nagulat ako nang may ilabas si Yves na kahon mula sa bulsa niya. And I was really shocked to see two rings in there. Don't tell me, he's planning to do this tonight? No. That's impossible. Sigurado ba talaga siyang pupunta ako rito?
Basang-basa niya ba talaga ako?
"The rings are pretty. Is this personalized?" pang-uusisa ni Mayor.
"Yes, Mayor."
Napatingin ako sa singsing na isusuot sa akin ni Yves. It is a simple ring, but with a moon carved on it. It was so beautiful that it burst my tears. Hindi ganoon kadaling magpagawa ng ganito, sa totoo lang. Does it mean he's really planning to marry me all this time?
"Why are you crying?" may pag-aalala niyang tanong. "Isuot mo na 'yong singsing sa akin, mahal ko."
Doon ako mas lalong napaluha—nang tawagin niya ako nang ganoon. Nanginginig ang mga kamay ko nang kunin ko ang singsing para isuot sa kaniya. It has sun carved on it. Napakaganda. Naalala ko ang pag-uusap namin noon—na siya ang buwan at ako naman ang araw. Hindi ko inakalang masyado niyang isasabuhay ang tungkol doon para ipaukit pa mismo sa mga singsing namin.
"I now pronounce you, husband and wife."
Nakatitig lang ako kay Yves habang patuloy na lumuluha. Simple lang ang kasalan naming dalawa, at nanghila na nga lang kami sa gilid ng magiging witness namin, pero heto ako tila ba parang nasa langit dahil sa nag-uumapaw na galak.
"I love you, Jenna," sambit niya tsaka ako hinalikan. "I love you, my wife."
Kaya bang ipaabot ng mga luha ko ang tunay kong nararamdaman para sa kaniya? Naririnig niya ba sa pagitan ng mga hikbi ko ang mga salitang 'mahal na mahal ko siya at kailanman ay hindi ko na siya iiwan pa?'
Buo na ang loob ko. Kalabanin man ako ng buong mundo, mananatili ako sa piling mo, Yves. Pangako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top