Kabanata XL

"Marami. Lalo na itong puso ko, Jenna." Itinuro niya ang dibdib niya. "Nasasaktan ako dahil nakikita kitang nakasuot ng wedding dress lalo na't hindi para sa akin. Natuloy ba ang kasal ninyo ni Zeus?"

Umiling ako. "No... no, Yves. You know that it won't happen. Nagpakasal na ako sa 'yo, at kung natuloy man ang kasal namin, it will be void, dahil kasal na ako sa 'yo."

"Then, our marriage is real."

Kumunot ang noo. "Of course it was real! Anong akala mo joke joke lang? Meron bang gano'n?"

Matagal siyang tumitig sa akin. "You did not have the chance to wear such a pretty wedding dress because of our sudden wedding, Jenna. I'm sorry," pag-iiba niya ng usapan.

"I don't care. Ayos nga lang sa akin kahit walang suot, basta ikaw." Sinubukan ko siyang patawanin, pero binigyan niya lang ako ng malungkot na tingin.

"See? You can even do that when all I did was be scared. I'm sorry."

"Scared ka pa sa lagay na 'yan?" Napangiti ako nang maalala ko ang ginawa at sinabi niya kay dad noong makita ko siyang sumugod sa mansyon. Kung hindi pa katapangan ang ipinakita niya roon, hindi ko na alam kung ano pang tawag do'n.

Tumulo ang luha niya. "Yes, I'm scared. Iniwan mo ako, eh. Pakiramdam ko, kaya mo akong iwan ulit kapag hindi ko naibigay sa 'yo ang lahat."

"Bakit mo naman naisip 'yan? Mukha ba akong naghahangad ng kahit na ano bukod sa 'yo?"

He shrugged and pouted. Hindi ko alam kung bakit nawala na ang mga luha ko at napalitan ng kilig habang pinagmamasdan siyang nagpapalambing. "You left me there, Jenna. I thought we could finally be together after we secretly got married, pero katulad ng dati ay iniwan mo ako, ang masaklap pa ay matapos pang may mangyari sa ating dalawa. Paggising ko wala ka na. You made me so insane and worried. Inakala ko pang panaginip lang ang lahat. Imagine, how am I supposed to react when I see myself on the bed alone? I just got married and yet my wife disappeared without a proper notice," mahaba niyang paliwanag. Bakas ang frustration sa kaniyang mukha.

"Look, I'm sorry. I just have to do something. Kita mo naman, nasa harap mo na akong muli. Everything went perfectly as planned, Yves. I heard from Mael that you helped him." Hinaplos ko ang pisngi niya na kahit may mga sugat ay hindi kabawasan ng pagiging guwapo niya sa paningin ko. "That won't happen again. I promise. Hindi na kita iiwan. Ngayon pang nahuli na ng mga pulis si Zeus at ang pamilya niya. Wala nang makapaghihiwalay sa atin. Kung meron man, hindi na ako papayag."

Hinila niya ako papalapit sa kaniya at niyakap nang mahigpit. Nakaupo ako sa kandungan niya. Sigurado ba siyang ayos lang ang mga hita at binti niya? Teka nga, nakakapanghinala ang mga kilos niya.

"You'd better be, Jenna. Inakala kong iniwan mo na naman ako sa ere, eh. Inakala kong pinaglalaruan mo ako." Narinig ko ang pagsinghot niya. Is he shot with anesthesia? Bakit ganito siya magsalita at kumilos? Para siyang ako. Don't tell me, okay na talaga siya at nagkukunwari lang na hindi pa ayos ang kalagayan para lang magpalambing?

Sinilip ko ang machine na nakakonekta sa kaniya, pati na rin ang mga nakatusok sa kamay niya. What the hell? Hindi naman nakatusok, eh! Pinaglololoko ba ako ng isang ito?

Hindi bale, pagbigyan na natin para makabawi ako.

"No, why would I do that?"

"Hindi ko alam, Jenna. Masyado na akong nato-trauma sa 'yo. Hindi na talaga kita matantya minsan. Hindi ko na alam ang ikot ng kokote mo."

Natawa ako sa hirit niya. "Hindi mo alam? Ibig sabihin, hindi mo alam ang sarili mo? Ikaw lang naman ang umiikot sa utak ko, Yves," biro ko na may kasamang paglalambing.

Tumunghay siya para tingnan ako. "Totoo ba 'yan?"

Natawa ako. "Oo naman! Aalukin ba kitang magpakasal kung hindi?"

"Ako rin, Jenna. Ikaw lang ang iniisip ko. Masyado nang nalamon ang sistema ko ng pagmamahal ko sa 'yo. Mahal na mahal kita, Jenna. Huwag mo na akong iwan ulit. Hindi ko na kakayanin. Madudurog na talaga ako."

Nagtagpong muli ang mga mata namin, sa pagkakataong ito ay malalim na. "Mangako ka rin sa akin na hindi mo ako iiwan, Yves, dahil masisiraan ako ng bait kapag nawala ka pa sa akin."

"Pangako, mahal ko, hindi na tayo maghihiwalay. Pakakasalan kita sa harap ng altar. Gusto kitang makitang naka-wedding dress para sa akin."

Nabigla ako nang haplusin niya ang parteng dibdib ko.

"T-teka, Yves, anong ginagawa mo—"

Tinanggal niya ang mga naka-tape sa kamay niya na hindi naman talaga nakaturok sa kaniya.

"Gusto ko ring hubarin ang wedding dress na suot mo pagkatapos ng seremonya ng kasal natin."

He grabbed my nape and my waist and gave me a passionate kiss. Hindi ako agad nakakilos dahil sa labis na pagkagulat. Ang alam ko lang ay hinahalikan niya ako nang malalim. Nakapikit siya at mas lalong idinidiin ang sarili niya sa akin. Niyayakap nang mas mahigpit.

I closed my eyes as I felt his warm kisses on my lips. It is more passionate than last night. Napahawak na lamang ako sa balikat niya at unti-unting iniikot ang braso ko sa paligid ng leeg niya.

"I love you, Jenna..."

"I love you too, Yves." Nagtagpo ang mga mata namin at sa sandaling iyon ay hindi ko napigilang lumuha. "I don't want to see you here again, Yves. Sumisikip ang dibdib ko kapag nakikita kitang nakahiga sa kama ng hospital."

Hinawi niya ang buhok ko. "But I will be the first one to get old and probably after years, you'll see me in a hospital bed again."

"I don't want that to happen."

Ngumiti siya at hinalikan ang tungkil ng ilong ko. "Ngayon, alam ko nang hindi mo kayang mawala ako."

"Ngayon mo lang nalaman?" naiinis kong tanong bago hinampas ang dibdib niya. "Please, die after me, Yves." I plead.

"Then live longer, Jenna."

Tumango ako at muling hinaplos ang pisngi niya. Inabot ko ang labi niya gamit ang mga labi ko. Wala na akong pakialam kung nasa hospital kami, itinulak ko siya pasandal at ako ang umibabaw sa kaniya.

"Undress me like we just got married today, Yves."

Ngumiti siya. Doon ko nalaman na totoo ang hinala ko. He was acting. Hindi na totoo ang mga sugat at pasa niya sa katawan. Masyado niya lang akong pinag-alala para lang makita kung gaano ko hindi kayang mawala siya sa akin. Siguro'y lihim niya akong pinagtatawanan.

"Where's the zipper?" tanong niya.

"Look for it." Kinindatan ko siya, pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa. He inserted his hand inside the corset of my wedding gown.

"What the hell?" Natatawa kong tanong.

"Why? Hindi ko mahanap, eh. Ito ang pinakamabilis na paraan. Come here, I'll suck them."

Akmang lalapit na ako sa kaniya nang may marinig kaming tumikhim. Pareho kaming napalingon sa pintuan at nakita namin si Mael na naka-cross arms at umiiling.

"Fix yourself, masyado ka nang nakakaabala sa hospital ko."

Napaturo ako sa sarili.

"Sorry," nakangiting sagot ni Yves. Kumunot ang noo ko. Teka nga.

"Hospital mo?" tanong ko kay Mael.

"Yeah. This is my hospital. Why? Isn't it obvious? Nakakatagal ang isang 'yan kahit na okay na siya. In case you didn't know, he just got into a small accident."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Kahit na! Maliit o malaki, he's still hurt!" pagtatanggol ko kay Yves. "Huwag mo nga siyang awayin, Mael! Hindi nga kita inaaway kahit ang weird mong magpangalan sa mga pag-aari mo. Avenzon Hospital? Ano 'yun?" I mocked.

"I don't know. It just pops in my mind when I think about the two of you."

Mas lalong kumunot ang noo ko. "Ang layo naman ng pangalan namin sa Avenzon!" singhal ko pa.

"Which is good dahil para mas malayo sa pangalan ko. Hindi nila malalaman na akin."

"Bakit? Nagtatago ka ba sa BIR?"

Nagkamot siya ng kaniyang ulo bago isiningkit ang mga mata at tinuturo ako kay Yves. Nagsusumbong ba siya?

"Anyway, everything is settled. Zeus and his family are now questioned in the precinct. Also, Desiree is. Now, do me the favor I requested in exchange."

"Alright. I will," sagot ni Yves.

"Anong favor?" pag-uusisa ko nang makalabas na si Mael. Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo sa kaniya at inayos ang sarili. Tinulungan ko ring ayusin ni Yves ang kalagayan niya.

"Mael wants you to be the manager of his company. He wants me to convince you."

"Oh, he told me about that. Pag-iisipan ko."

"Alright. Thank you." Hinalikan niya ang noo ko. "Let's go?"

Natawa ako. "Hindi ka man lang magpapalit ng damit?"

"Yeah, I won't. Para may kasama ka. Hindi ka pa rin nagpapalit, eh."

Naalala kong naka-wedding dress pa nga pala ako. "Alright. Let's go out like this. Kahit hindi ko alam saan tayo pupunta."

"Samahan mo ako. May pupuntahan ako, pero bago 'yon bumili muna tayo ng damit para makapagpalit."

"Sure." Hinawakan niya ang kamay ko at magkasama kaming lumabas ng hospital. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top