Kabanata XIII

"Yves!"

Nagngitngit ang ngipin ko nang makita ko si Desiree na lumapit kay Yves at hinawakan ito. Sa pagkakataong iyon, hindi ko na alam kung nasa sarili pa ba ako. Gusto ko siyang itulak at sampalin nang kaliwa't kanan pero hindi ko nagawa dahil lumambot ang puso ko no'ng tabigin ni Yves ang kamay ni Desiree. Tumunghay siya para tingnan ako.

"Hey, aren't you going to help me here?" tanong ni Yves sa akin. Kaya ba siya hindi tumatayo ay dahil hinihintay niya akong lumapit sa kaniya at tulungan siya? "My lips are bleeding. Care to bring me to the clinic?"

Napalunok ako. Tanging tunog ng takong ng sapatos ko ang narinig sa buong classroom. Lumapit ako kay Yves para tulungan siya. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi at nagulat ako nang halikan niya ang labi ko. "Good girl."

Kapwa gulat ang mga mukha ng mga kaklase ko habang pinanonood kami ni Yves na naglalakad papalabas ng classroom. Pinipilit kong huminga nang maayos, pero dahil nasa tabi ko ang lakaking ito, tila yata't mahihirapan akong gawin 'yon. Namumula pa rin ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.

Did he just kiss me in front of the class? What for? Anong pumasok sa isip niya para gawin 'yon?

Pumunta kami sa clinic para gamutin ang sugat sa labi ni Yves. Maraming inaasikaso ang nurses kaya nagpresinta na akong ako ang gagawa para kay Yves. Iniwan kami ng nurse sa isang kwarto kung saan may iba't iba ring estudyante na galing sa ibang sections.

Pinaupo ko si Yves sa kama tsaka ko sinimulang gamutin ang labi niya. Sinusubukan kong gawin nang mabilis, pero dahil nakatitig siya sa akin, nanginginig ang kamay ko.

Napapitlag ako nang hawakan niya ang labi ko. Tumawa siya nang mahina. "May dugo sa labi mo," wika niya. "Dahil sa halik ko kanina."

Dali-dali akong luminga para tingnan ang ibang mga estudyanteng abala sa kani-kanilang ginagawa at pagpapahinga. Sinara ko ang kurtina sa pagitan namin. Ayokong makita nila akong namumula sa kilig! Nakakahiya!

Muli na namang tumawa si Yves kaya napatingin ako sa kaniya. Ipinagpatuloy ko na lamang ang panggagamot sa kaniyang pumutok ng labi at nilagyan ko iyon ng maliit na band-aid. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko but what shook me more was when he intertwined his fingers between mine. He kissed the back of my hand which sent a huge deal of electricity to my whole body.

"Yves..."

He pulled me on his lap. Ngayon, napakalapit ko na sa kaniya. Rinig na rinig ko rin ang malalim niyang paghinga. "What should I do now, Jenna? It seems like I became unstoppable after the first time we shared a kiss."

Naalala ko ang gabing nagtatalo kami at nagkakasagutan sa daan. Noong inamin ko sa kaniya ang nararamdaman ko—ang unang beses na maglapat ang mga labi namin na nasundan ng pangalawa, pangatlo, hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba naglapit ang mga labi namin.

"I always hold back but it seems like I forgot how to do it now. Every time our eyes meet, I want to kiss you deeply...even now."

Lumapit siya sa akin. Napapikit ako sa pag-aakalang hahalikan niya ang labi ko pero naramdaman kong tunatarak ang hininga niya sa may leeg ko. "Was it because of your scent that pulls me closer?" Naramdaman ko ang labi niya sa leeg ko, ang paghalik niya rito. "Or was it because of your sweet sinful taste?"

Napakagat ako sa labi ko. At hanggang ngayon ay hindi ako makapagsalita. He sucked my neck and left a mark there. "Tell me, Jenna, dahil hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko."

Napayuko ako. Pinilit kong kumuha ng lakas ng loob para komprontahin siya. "How am I supposed to know that? Kahit ako, hindi rin kita maintindihan. You do this to me yet I always caught you looking at a different woman. You told me you didn't like her, but why are you looking at her like that?"

"Who are we talking about?" He stared at me intently.

"Sino pa ba? Si Desiree. You look at her like you wanted her to be yours. You always smiled at her. You talk to her like she was the one you wanted to talk with the whole day. Pero kapag sa akin, ganito ka. Madalas mo akong saktan, pagsalitaan ng masasakit na salita, pagalitan. How am I supposed to understand you when you're giving me mixed signals?"

"What do you mean by mixed signals? Have I not shown you how much I care for you? Desiree is just a classmate. I was trying to be kind to her so she won't be deeply hurt after I rejected her. Bakit? Hindi mo ba nakikita kung paano ako tumingin sa 'yo? Tell me, how do my eyes look at you now?"

Tinitigan ko ang mga mata niya. Matagal. Gusto kong suriin, alamin kung paano niya nga ba ako tingnan—kung ano nga bang sinasabi ng mga mata niya kapag nakatingin sa akin.

I was in the middle of looking at his eyes when he cupped my face and claimed my lips again. His lips are so soft. It feels like heaven. It was reassuring that I began to cry. His meaningful kisses brought enough explanation to my questions.

He brushed my hair as he continued lapping my lips. I wrapped my arms around his neck to deepen the kiss. Sa sobrang lalim ng pagpapalitan namin ng hininga ay naihiga na ako ni Yves sa kama. Nagkatitigan kami.

"Stop meeting with my eyes if you don't want me to go further," wika niya, pero masyado yata akong nababaliw para muling ipulupot ang braso sa kaniyang leeg at halikan siya nang malalim.

*****

"Yves!" sigaw ko nang makita ko siya kaagad sa Altrius pagkatapos kong makababa sa sasakyan. Mabilis akong tumakbo papunta sa guard house dahil doon ko na naman siya nakita.

"Jenna," pagtawag niya sa akin. Sinalubong niya ako. Hindi ko maiwasang mapangiti ngayong tinitingnan ko lang siya. Mabuti pa siya, nakakaya niyang tingnan ako nang seryoso, pero at least hindi na nakakunot ang noo niya masyado. "Anong ginagawa mo rito?"

"Ikaw nga ang dapat kong tanungin. Ilang beses na kitang nakikita rito sa guard house. Ano bang ginagawa mo rito?" Sinulyapan ko ang mga guwardya na kapwa nakangiti sa akin at kumakaway. Kinawayan ko rin sila.

"Pinapabantayan ka sa 'min ni Yves, Madam Jenna." Nagulat ako nang tawagin nila ang pangalan ko. Kilala nila ako?

"H-ha? B-bakit?"

"Bakit nga ba? Eh syempre maha—"

Mabilis akong hinila ni Yves bago siya nagmamadaling magpaalam sa mga guwardya. Ano kaya iyon? Kinakausap ko pa sila, agad naman akong hinatak ng taong ito.

"May tinatago ka sa 'kin, 'no?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa room.

"I always do. May bago ba?"

Inirapan ko siya. Sabagay, noong panay nga ang entrada niya sa amin ni Sir Bascus ay hindi niya kaagad sinabi sa akin ang dahilan. Kung hindi pa dahil kay Mael ay hindi ko pa malalaman ang totoo na pinoprotektahan lang pala ako ng mokong na 'to.

"Tsk. Sabagay, sa sobrang dami mong inililihim, parang hindi na kita kilala. Teka nga, kilala ba kita?" sarkastikong wika ko na nagpangisi lang sa kaniya.

"Oo nga, hindi mo ako kilala kaya nagtataka ako bakit mo ako nagustuhan."

Nalaglag ang panga ko sa nilitanya niya. So, ginagamit niya na ang feelings ko sa advantage niya?

Mapang-asar niya akong tiningnan habang nakahalukipkip din. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. "Bakit nga ba, Jenna?" Umusbong ang kaba sa dibdib ko nang humakbang siya papalapit sa akin. Sandali, nag-iinarte lang naman ako kanina. Bakit niya ako binabawian nang ganito? "Bakit mo ako nagustuhan? Anong nagustuhan mo sa akin?"

Napaatras ako habang napapatikhim dahil hindi ko alam ang isasagot sa kaniya. "H-ha? Ah...ano..."

"Was it my overly handsome face?" I stared at his face—how it was perfectly shaped, his thick eyebrows, sparkly eyes, long lashes, pointed nose and red lips. Iyon ba ang dahilan kung bakit nagkagusto ako sa kaniya? Hindi ko na maalala. Kailan ko nga ba napagtanto na gusto ko siya? Pero, ang alam ko lang ngayon ay mas naging malalim ang nararamdaman ko para sa kaniya lalo na nang mangyari ang nangyari sa amin.

"Nagagwapuhan ka ba sa akin?" hirit niya pa. Nanatili akong nakatitig sa kaniya at sa pagkakataong ito ay hindi na ako umatras, kaya naman lalong naglapit ang aming mga mukha. If he can move closer to me like this, why would I step backwards if I can stay since I've been waiting here? Hindi na ako lalayo. Hindi na nga ako lumayo sa kaniya noong araw na iyon, eh. Tatanggapin ko siya nang buong-buo, katulad ng pagtanggap niya sa akin.

"It is because of how you look at me," I confessed. "I fell in love with the way you look at me, Yves. It was as if you don't want to look away whenever you look at me."

Gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi at ilang beses na tumingala na para bang naghahanap ng tamang salita na sabihin sa akin. Hindi niya siguro inaasahan na mas magiging matapat ako sa nararamdaman ko para sa kaniya. Wala nang atrasan 'to.

He stared at my lips for a moment and when he leaned closer, I closed my eyes expecting him to kiss me again.

"You're right. I don't want to look at anything else whenever my eyes met yours." Nalusaw ang puso ko dahil sa sinabi niya.

I opened my eyes and saw his side face. His lips are near my ear. "But I looked away 'cause your lips are tempting me...again. You're making me crazy, Jenna. You are the cause of my insanity."

Lumayo siya sa akin bago ako tinitigan nang malalim. "So just like what I said to you that time, I suggest to stop meeting with my eyes if you don't want to happen again what happened that time."

"What if I want it to happen again?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top