Kabanata VIII

"Didn't bother to change clothes?" bungad niyang pagbati. Napatingin naman ako sa damit ko. I was just wearing a lavender pajama while my hair was still uncombed.

I rolled my eyes before letting myself into the nearest comfort room to gurgle, brush my teeth, and even wash my face before facing my cousin again.

"What brought you here at seven o'clock in the morning?" tanong ko sabay upo sa harap niya.

"I just want to check on you. Yves said, hindi ka raw makalakad nang maayos."

Luminga-linga ako sa main entrance dahil baka biglang sumipot si Yves sa harap ko na napakaimposibleng mangyari, pero nagawa ko pa ring umasa. Nawala ang timpla ko at nabahiran na naman ng lungkot ang mukha nang maalala ko ang nakita ko kahapon.

"Yves is not with me. Niyaya ko siya, but he said he has an important commitment today kaya hindi siya makakapunta."

Yaya Mildred served fruits and milk in front of us while Mael was having coffee.

"Hindi ko naman tinatanong," singhal ko sabay inom ng gatas.

I heard him chuckle. He shook his head in disbelief. "But I know you so well; you're waiting for him."

I rolled my eyes. Hindi ko kailanman sinabi sa kaniyang may gusto ako ay Yves, pero malakas ang kutob ko nahahalata niya iyon kaya ganito niya na lang ako asarin.

"Kaano-ano mo ba si Yves?" pag-iiba ko ng usapan.

"Why? Why did you ask?"

Sumandal ako bago siya tinitigan. This is the question I wanted to ask him before he was accelerated to college. Kaya gusto ko rin sanang pumunta sa Mondalla Residences para magbakasaling makikita siya roon, pero dahil masakit pa rin ang sugat ko at iika-ika akong maglakad ay mas pinili kong magmukmok sa kwarto. Tutal, heartbroken din naman ako at walang energy na lumabas. Kung hindi nga siya dumatin ay hindi ako lalabas ng kwarto ko.

"Pinsan mo ba siya? Kanino siyang anak? Pinsan ko rin ba siya?" sunod-sunod kong tanong na lalong nagpangisi sa kaniya. Muli siyang uminom nang kape habang sumusulyap sa akin.

"Why? What did he say?"

Umiling ako. "I never asked him."

"Why not?"

"I don't know. I'm scared."

"Scared of what?"

Takot akong malaman ang totoo. Na kamag-anak ko talaga siya. At hindi talaga kami pwede. Takot akong masampal ng katotohanan dahil pakiramdam ko, hindi ko kakayanin. Kahit pa napagdesisyunan ko nang tigilan ang lahat, mas gusto ko nang walang alam, pero hindi ko alam kung bakit itinatanong ko ito kay Mael. Siguro, takot lang ako na marinig mula mismo kay Yves ang lahat.

"You should ask him, Jenna. Don't be scared. Kapag hindi ka nagtanong, paano mo malalaman ang sagot?"

Nanatili akong nakatitig kay Mael hanggang sa makaalis siya ay paulit-ulit lang sa utak ko ang isinalita niya sa akin. He even bid goodbye and told me everything about his whereabouts but what remained on me was that statement—you will never know, if you never ask.

And here I am, marching my way to Altrius Academy. It's Monday and the first thing that came to mind was to confront Yves. The whole week was a mess, not around me but inside my head. Si Yves at si Yves lang ang patuloy na umiikot sa isipan ko. Gusto kong malaman mula sa kaniya ang lahat kung magkaano-ano kami. Gusto kong malinawan kung bakit niya ako hinalikan, kung bakit niya sinabi kay Zeus na boyfriend ko siya. Sawang-sawa na akong sagutin ang lahat ng tanong sa isipan ko dahil wala naman akong makuhang definite answer.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ko si Yves. Right, there's no turning back. I need to ask, para malaman ko ang sagot, at hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang sagot ko.

"Yves!"

That wasn't me.

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan niya kasabay ng paglingon din ni Yves sa babaeng 'yon—kay Desiree.

"Thank you pala kahapon, ha? Nag-enjoy ako!"

Napakurap na lamang ako habang nanghihina. Okay na nga ang tuhod ko at nakakalakad na ako, nang maayos dahil nakapahinga ito ng dalawang araw, pero bakit parang dahil sa narinig ko, napilay ako. Hindi ako makalakad paabante. Hindi ako makatakbo papunta sa taong gusto ko.

Does it mean magkasama sila kahapon? Siya ang importanteng commitment na pinuntahan ni Yves?

Bumigat ang paghinga ko. Bakit? Bakit sila magkasama kahapon? Nag-date ba sila? Sila na ba? Magkagustuhan ba sila? Ito na ba ang sagot sa lahat ng tanong ko?

I bit my lip. Bakit hindi niya man lang sinabi sa akin? Bakit hinayaan niyang magmukha pa akong tanga sa harap niya? Sabagay, sinabi niya na nga sa akin na hindi niya ako gusto, ipinagpilitan ko pa.

Kasalanan ko ito.

Sobrang tanga ko lang.

I decided to walk past them. Tinatagan ko ang loob ko. Pinunasan ko na rin ang mga luha ko bago tuluyang pumasok sa classroom. Agad naman akong sinalubong ni Zeus nang nakangiti.

"Jenna, okay na ang paa mo? Galing na ang sugat sa tuhod mo?" sunod-sunod niyang tanong sa akin, pero dahil sa mukha niyang may halong pag-aalala kahit hindi ko siya close ay napaluha ako sa harap niya.

"H-hey, w-why are you—" Naputol ang tanong niya nang para bang may nakita sa likod ko. Mabilis naman niyang pinunasan ang luha sa pisngi ko. "Let's get out of here for a while. Maaga pa naman."

Hinila niya ako papunta sa cafeteria. Hindi ko alam kung bakit sumunod ang mga paa ko sa kaniya. Siguro'y dahil sa sobrang lungkot na nararamdaman ko.

"Here, kumain ka na naman ng breakfast, right?"

Tumango ako bago inabot ang ice cream na nasa cup.

"Eat first to ease your pain. Kahit sa ngipin nga kapag kabubunot lang, iyan ang pinapakain ng doctor."

Natawa ako sa hirit niya. "Hindi naman ako bagong bunot ng ngipin, eh."

"But still, isn't it effective? Look, ngumingiti ka na." Tinuro niya ang mga labi ko.

"Baliw." Nilantakan ko na lamang ang binili niya sa aking vanilla ice cream at totoo nga ang sinabi niya, tila ba gumaan ang loob ko.

"Thank you, Zeus. I appreciate your help."

Umiling siya. "Wala iyon. Kahit hindi mo pa sinasabi, mukhang alam ko na kung bakit. I saw it. Is he really your boyfriend? Because why would he be with another woman? Nakikipagtawanan pa siya sa kaklase natin."

I heaved a sigh. My shoulder slumped. I plucked up the courage to be true to him since he helped me. I feel like he's trustworthy. "No, he's not my boyfriend. He's my cousin."

I'll just assume that way since I saw him in our reunion. At iyon lang ang nakikita kong dahilan kung bakit hindi ko siya magiging boyfriend kailanman. Well, bukod sa hindi niya ako gusto.

"Really? I'm glad. Does it mean wala kang boyfriend?" Nakangiti niyang tanong.

Tumango ako. "Yup, wala."

"Then, can I invite you this weekend?"

My forehead creased. "Huh?"

"For a date. Since the day we met, honestly, I have wanted to be friends with you. I want to know you more, Jenna. Sincerely." He held my hand and brushed his hand gently assuring me of his clear intentions.

Napatitig lang ako sa kaniya. Hindi naman maikakailang gwapo si Zeus. Maputi, chinito, may dimple. Maganda pa ang pagkakahawi ng buhok. Mukhang mabait at sa paraan niya ng pananalita sa akin, walang kahit na anong umalpas na magpapasakit ng kalooban ko.

Hindi katulad ni Yves.

"Alright. Sure."

Nakita ko ang matamis na pagguhit ng ngiti sa kaniyang labi. Kakaiba. Para siyang sinisikatan ng araw sa ganda ng paraan ng kaniyang pagngiti.

"Thank you, Jenna. I promised you you'd have fun." He winked at me sweetly. Tila ba napagaan niya ang loob ko, kaya nakangiti ako habang magkasabay kaming bumabalik sa classroom.

Bumalik ako sa upuan ko sa dulo malapit sa cr. At katulad ng plano ay hindi ko balak pansinin si Yves. Ayoko na. Ayoko nang maramdaman ang sakit. Napakahirap na ngang tiisin at maging manhid at magkunwaring walang nakita dahil katabi ko siya. Bumabalik lang lahat ng mga alaala na gusto ko nang ibaon sa limot. How funny na magmu-move on ako sa taong hindi ko naman nakarelasyon.

Ipinunta ko na lang ang atensyon ko sa harapan kung saan paparating na ang teacher namin. Nawala naman ang ngiti ko nang makita si Sir Bascus na matalim ang tingin sa akin. Muli kong naalala ang nangyari nitong nakaraan—ang muling pagkaudlot ng pag-uusap naming dalawa dahil kay Yves.

"Class, I want you to know that our next topic will be about Latin dance, so expect that before this grading ends, magkakaroon kayo ng presentation with your respective partners," paliwanag ni Sir Bascus. Hindi ko siya matitigan nang matagal dahil natatakot ako. Nakakapagtaka nga na pagkatapos ng nangyari ay hindi niya na muling inattempt na papuntahin akong muli sa office niya. Simula nang may naghahatid-sundo sa akin sa Altrius ay tila ba nawalan na rin ng interest sa akin si Sir Bascus, but at the same time, I am afraid because he might be into something. I hope not. Sana lang ay tinigilan niya na talaga ako.

Also, hindi na ako nag-aalala dahil ipinaliwanag sa akin ni Mael kahapon ang tungkol dito na hindi naman daw ako babagsak kung seventy-three ang grade ko kung babawi ako sa next grading. Wala raw akong dapat ikabahala. Doon ko lang na-realize na tama si Mael. Masyado akong nag-alala sa bagay na hindi naman dapat. Muntikan ko pang ikapahamak. Wala talagang naidudulot na maganda ang pagiging desperada.

The bell rang. I was about to leave when Yves called my name. "Saan ka pupunta?"

Nilingon ko siya kahit na hindi ko gusto. "Kakain." Patay-malisya kong sagot. There's a lump inside my throat that keeps me from breathing well.

"Bakit nauuna ka?"

"Why not? I want to be alone," singhal ko. Naglakad siya papalapit sa akin.

"What's your problem again?"

Mahina ko siyang tinulak. "What are you talking about?"

"Why are you acting like this?"

Kumunot ang noo ko. "Bakit ba pinapalabas mong palagi akong may problema? Hindi ba pwedeng gusto ko lang mapag-isa?"

He heaved a sigh. "I'll go with you."

Akmang lalapit siyang muli nang may humarang sa pagitan naming dalawa. "Hey, if she doesn't want to, don't force her."

Nakita ko si Zeus sa harap naming dalawa. "Also, can I borrow her instead? I want us to have lunch together."

Napalunok ako nang makita ang labis na pagkainis sa mukha ni Yves. "She said she wanted to be alone. Why would you go with her?" tanong nito kay Zeus.

"Exactly. Narinig mo pala na gusto niyang mapag-isa, so why are you still pushing yourself toward her?"

Tumingin si Yves sa akin. "Ano bang pinagsasasabi nito? Bakit 'to umeepal?"

Iniwasan ko ang tingin niya. "Zeus is my friend, so—" Tinagpo ko ang mga mata ni Zeus. "I want to be alone, pero kung sasamahan mo ako, sure."

Zeus flashed a smile of triumph. "Nice. Thank you. Let's go, Jenna."

Akmang aalis na kaming dalawa nang muli naming marinig si Yves.

"I'll join you then."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top