Kabanata VII
"Then, what do you want to hear from me instead?"
I glanced at him. I was playing with my nails when I looked down. "It's okay, Jenna, I'm here for you. Everything will be alright as long as I'm here," wika ko.
Hinawakan niya ang kamay ko na para bang pinatitigil sa pagkakalikot sa mga daliri ko. "It's okay, Jenna, I'm here for you. Everything will be alright as long as I'm here." He brushed his hand onto my hair. Parang kanina lang nang nakita kong gawin niya iyon kay Desiree.
"Can you hug me?" I requested.
Nakita kong parang nagdalawang-isip pa siya, pero sinunod niya naman ang gusto ko. Tumayo siya at inihilig ang ulo ko sa kaniyang dibdib. He hugged me, giving me enough warmth to ease the pain. Hindi ko na naman napigilang mapaluha. He's doing everything I requested. Now, I can see clearly that he's just doing everything for me because I asked for it even if he doesn't like it.
I feel pity, but what can I do? I want him to be this close. I want him for me only. Wala na akong paki sa maaaring sabihin ng iba at sa kung ano man at sino pa ang pumigil sa akin. Siya ang lalaking gusto kong mahalin habang-buhay, kahit labag pa ito sa batas ng tao, kahit magkamag-anak kami.
Tinulungan ako ni Yves na makabalik sa classroom. Mabuti na nga lang din at may saklay kaya kahit papaano ay nakakalakad ako. Mahirap nga lang umihi dahil sobrang sakit ng sugat ko. Sana lang ay gumaling ito agad.
Nagpaalam muna si Yves sa akin para bumili ng pagkain naming dalawa. Huwag na raw akong sumama dahil mas mahihirapan lang daw ako kung pipilitin ko pang maglakad kaya naman naiwan na lang ako rito sa room habang ang mga kaklase ko ay naroon sa labas at may sari-sariling mundo. Ine-enjoy ang lunch break.
"Miss, you're that girl, right? 'Yong nakabangga ko kanina?"
Napalingon ako sa nagsalita. He was the transferee earlier. Kumunot ang noo ko. Don't tell me; he's our classmate?
"Ako nga pala si Zeus, Zeus Delleno. I want to apologize for what happened. I'm really really sorry. Kung may kailangan ka, pwede kang magsabi sa akin since I am the reason why you ended up being like this."
Kita ko sa mukha niya ang sinseridad. I smiled. "Don't worry about it. Okay naman ako."
Kahit hindi.
"Are you sure?"
Muli ay tumango ako.
"Alright. Anyway, can I ask your name? I still have no friends here. Can you be my friend?"
Naawa naman ako sa lagay niya, kaya naman tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad sa harap ko. "Sure. I'm Jenna, Jenna Levanier. We can be friends."
He flashed a smile, and I was surprised when he never let go of my hand. "Thank you!"
I heard someone clear his throat, and when I turned around, I saw Yves staring at my hand, now held by this transferee. Agad ko iyong hinila dahil nakaramdam ako ng kaba at takot. Lalo na nang sumingit siya sa gitna namin para ibigay ang pagkain ko. Napatingin na lamang ako kay Zeus na ngayo'y mukhang nagtataka rin sa inasta ni Yves.
"Is he your boyfriend?" tanong nito sa akin.
"Ha? Ah, h-hind—"
"Yes, I am, so get off."
Halos mawalan ako ng hininga dahil sa narinig mula kay Yves. Talagang napalingon ako sa kaniya para makita kung totoo bang nanggaling ang mga salitang iyon sa kaniyang bibig. Totoo bang sinabi niyang boyfriend ko siya? Akala ko ba ayaw niya? Kahapon lang nang pagalitan niya ako dahil nagsinungaling ako kay Desiree, bakit ngayon siya naman ang gumawa? At hindi ko magawang magalit dahil gusto ko. Kinikilig ako sa sinabi niya.
"O-okay. My bad." Umalis na lamang si Zeus bago nagpaalam sa akin.
Ako naman ay tahimik na lang na kumain ng mga binili sa akin ni Yves. Nakakunot na naman ang kaniyang noo habang inilalagay ang straw sa yoghurt ko.
"Hindi ka kakain?" tanong ko nang mapansing wala siyang pagkain na inilagay sa desk niya. Puro lang sa table ko nakalagay ang binili niya.
Umiling siya.
"Bakit hindi? Hindi ka ba nagugutom?"
"Don't mind me. Just eat. Kung may matira, akin."
I gasped. Why does he act this way? Sa mga salita niya, hindi ko mapigilang umasa. Seryoso ba siya nang sabihin niyang boyfriend ko siya? Because he's acting like one. Like a jealous boyfriend.
Tumango na lamang ako at pinakinggan ang utos niya. Baka lalo siyang ma-badtrip sa kakulitan ko.
"Oo nga pala, Yves, ihahatid-sundo na raw ako ng butler namin," malungkot kong saad sa kaniya nang maalala ko ang sinabi ni dad kaninang umaga.
"Better. Para hindi ka na mahirapan sa paglakad."
Nawala ang lungkot ko dahil sa saad niya. He's really concerned about me.
"Gusto mo ihatid ka namin?"
"No." He glanced at me. Mas lalong kumunot ang noo niya kaya muli, nawala ang ngiti sa mga labi ko.
"Bakit hindi? Ayaw mo? Tutal naman, palagi mo akong hinahatid noon; let me return the favor. Para rin mas matagal kitang makasama." I forced a smile to convince him, but yet he disagrees.
"I don't like the idea, Jenna." He kept on shaking his head.
"Bakit? Hindi ko pa man din nakikita ang bahay mo. I want to see and meet your parents."
He exhaled. "There's nothing good to see in our house, so huwag mo nang ipilit o pangaraping makapunta roon."
Bumigat ang loob ko. Para bang ipinapahiwatig niya na wala siyang balak na dalhin ako at ipakilala sa mga magulang niya. So, hindi siya seryoso sa pag-ako niyang boyfriend ko? Then, why did he say it to Zeus? Why does he keep on shaking my heart and leaving it in a mess?
Nanatili na lamang akong tahimik habang iniisip nang malalim ang tungkol sa sinabi ni Yves. Hindi ko namalayang tapos na ang lahat ng klase at uwian na naman. Mapapawalay na naman ako sa lalaking gusto ko.
"Sigurado ka bang ayaw mo?" huling hirit ko nang makarating kami sa parking lot kung saan nakaparasa ang sasakyan namin. Naghihintay na roon ang driver. Pinagbuksan ako ng pinto ni Yves.
"I am sure. Take care."
Sinara niya na ang pinto nang tuluyan akong makapasok at makaupo sa back seat. Ibinaba ko ang bintana para sana ay tawagin pa siya at pilitin, pero tinalikuran niya na ako.
Umandar na ang sasakyan namin pauwi. Papasara na ako ng bintana nang mahagip ng mga mata ko ang tanawing kailanman ay hindi ko pipiliing makita. It was Yves and Desiree.
Kaya ba ayaw niyang magpahatid dahil may kasabay na siyang maglalakad pauwi? At bakit nakangiti na naman siya rito?
Kumikirot ang puso ko pero hindi ko mapilit isara ang bintana para sana'y hindi ko na sila makita. Para akong naestatwa, habang nakatitig lang sa kanila at hindi ko namalayang pumatak na naman ang luha mula sa mga mata ko.
Bakit ang sakit sakit mo namang magustuhan, Yves? Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Kanina lang ay halos masira ang pisngi ko sa kakangiti dahil sinabi mo kay Zeus na boyfriend kita, pero ngayon naman, iba ang kasama mo. Sa iba ka masaya.
Ganito ba talaga kapag nagmamahal, puro na lang pasakit? They say, it is love kapag may pain, pero normal pa ba ito?
Hindi ko namalayang kanina pa pala kami nakatigil sa harap ng gate ng mansion namin. Hinihintay lang pala ako ng driver na tumigil sa pag-iyak. Agad naman akong nahiya at pinunasan ang mga iyon. At nang mapansin niyang kumalma na ako ay nagpatuloy na siya sa pagpasok sa loob.
Dumeretso ako sa kwarto ko at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak. Habang nari-realize at tinatanggap sa sarili na wala talagang pag-asa. Walang lugar ang nararamdaman ko para kay Yves. Kahibangan lamang ito na dapat ko nang itigil.
Mabuti na lang at weekend na kaya naman hindi ko kailangan pumasok sa school kinabukasan. Ayokong makita ng mga kaklase ko ang namumugto kong mga mata. Hindi na nga makalakad nang maayos, mabubulag pa. Bakit kasi hindi maubos ang luha ko?
I decided to delete all of my stolen photos of Yves on my phone. Pati na rin ang mga polaroids namin. We are friends, yes, pero I need to let go of that part too, dahil kung patuloy lang akong lalapit sa kaniya ay mas lalo kong hindi mapipigilan ang sarili kong magpakatanga.
Nakadungaw ako sa bintana habang pinupuno ang utak ko ng mga negative things about Yves para mawala na ang pagkagusto sa kaniya, pero kahit anong hanap ko, ay wala akong makita. All I know is gwapo siya, matangkad, maganda ang katawan, mabait, maalaga, pinoprotektahan ako, at ipinagtatanggol. Pinapakopya, tinuturuan, sinasamahan sa mga pagkakataong mag-isa ako. Palagi siyang naroon. Kaya hindi nakapagtataka na nagkaroon ako ng malaking paghanga sa kaniya. At ang masaklap lang doon ay kahit katiting ay hindi siya nagkaroon ng dahilan para magkagusto sa akin pabalik. Sa buong pinagsamahan namin...ang dulot ko lang ba talaga sa kaniya ay sakit ng ulo?
Natigil ang pagsagot ko sa aking sarili nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. It was my mom.
"Jenna, anak, tomorrow, kami ng daddy mo ay pupunta sa Mondalla Residences. Kukumustahin lang namin ang Tito Mikael mo. Gusto mong sumama? Gusto mong makita ang pinsan mong si Mael at Isa? Baka nandoon sila."
Napabuntong-hininga ako. Isa is there for sure, but Mael? Last time I knew, he left their residence. Hindi ko lang sigurado kung bumibisita pa siya sa bahay nila. I began to be curious. "I want to, mom, but I can't walk pa po. Baka mahirapan lang po kayo sa akin."
"No, honey. Hindi kami mahihirapan, but I understand kung hindi mo gustong pumunta. I don't want you to struggle going there also. Don't worry, kukumustahin ko si Mael at Isa for you."
Hinaplos niya ang buhok ko at doon parang may napansin lalo na nang titigan niya ang mga mata ko. "What happened? Bakit namamaga ang mga mata mo? Did you cry?"
Umiling ako. "Napuwing lang po."
"Alright, if you don't want to share it with me, honey, know that I'm always here when you're ready. I will listen."
She kissed my cheeks before leaving me alone in my room. Bukas, mag-isa lang din ako rito sa mansion dahil aalis sila mom and dad. Ang hirap din pala na maging solong anak. Wala akong kausap at walang kalaro. Pero ipinaliwanag iyon sa akin ni mom dahil sabi nila, sa family tradition daw ng Mondalla, kapag babae, hindi raw ito pwedeng mag-anak nang marami. Hanggang isa lang daw dahil hindi nila gustong kumalat ang pamilya ng iba sa mundo.
A sigh left my lips before I decided to go to bed. I forced myself to sleep, even if it's hard to do so. Kinabukasan, nagising na lang ako sa katok sa pinto ng kwarto ko.
"Miss Jenna, may bisita po kayo," sambit sa akin ni yaya Mildred. Agad akong tumayo sa pag-asam na si Yves ang makikita ko, pero ang nakita ko lang na nasa living room na naghihintay sa akin ay si Mael. He was smiling when he saw me.
"Didn't bother to change clothes?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top