Kabanata VI

I couldn't sleep. AGAIN! Paulit-ulit sa utak ko ang nangyari kanina sa daan malapit sa mansion namin—ang malalim na paghahalikan namin ni Yves.

I pressed my lips as I kissed my lavender pillow, like Yves taught me earlier. I can't believe it! Nababaliw na ako! Pinaghahampas ko ang unan ko tsaka ko ito ibinato palayo sa akin. Ginulo-gulo ko pa ang buhok ko bago ako tumingin sa kisame. Parang baliw akong ngumingiti, habang nararamdaman ang init sa namumula kong pisngi.

Bumangon ako bago ko kinuha ang lavender diary ko bago ko sinulat ang bawat butil ng nangyari kanina. Simula sa paghalik ko sana sa kaniyang pisngi ngunit lumingon siya, kaya naman sa labi niya ito tumama. Maging ang naging away at sagutan namin sa rooftop na nagpasakal sa puso ko. At ang panghuli, ang pambawi, at pabaon niyang halik bago niya ako ihatid dito sa mansion namin.

Hindi malinaw sa akin kung bakit niya iyon ginawa. Hindi niya naman daw ako gusto. Hinalikan niya lang ba ako para sundin ko siya at tumigil na ako sa kakangawa at pagiging matigas ang ulo?

Napabuntong-hininga ako. Lalo tuloy akong naguluhan pati na rin sa sinabi niyang ako na ang haharap sa responsabilidad nang ginawa kong pag-amin sa kaniya.

Ack! Ang gulo mo, Yves!

Pero okay lang, nakaisa naman ako sa kaniya. Dalawa pala.

*****

Matapos kong magpaganda at mag-ayos ay bumaba na ako sa dining room para mag-almusal. Naroon si mom and dad na hinihintay ako. Binati ko sila nang nakangiti.

"Good morning, mom and dad!" Hinalikan ko sila sa pisngi. Agad namang bumalik sa isipan ko ang nangyari kahapon.

Yves, ano ba?!

"Mukhang maganda ang gising mo ngayon, anak, ah?" bati rin ni mom nang makaupo ako sa tabi niya. Inahinan niya naman ako ng pagkain.

"Opo, maganda po kasi ang panaginip ko," sagot ko.

Dahil napanaginipan ko si Yves!

"Sana maganda rin ang grades mo, Jenna," singit ni dad na nagpawala ng ngiti sa labi ko. Itinupi niya ang tabloid na hawak niya bago humigop ng kape at tumingin sa akin.

"I heard, mababa raw ang nakuha mong grades sa physical education this grading."

Namutla ang mukha ko dahil doon. Napalingon ako kay mom na ngayo'y nag-aalangan na rin kung ngingiti ba para sa akin dahil sa pinag-uusapan namin ngayon.

"Kasasama mo 'yan sa Roize na 'yan. Ano bang itinuturo sa 'yo ng lalaking 'yon?"

Kumirot ang puso ko. Bakit ba parang ayaw ni dad kay Yves? Hindi naman siya ganoon sa kaniya dati.

"Daddy, matalino ang batang iyon at mabait pa. Siya ang nagbabantay sa dalaga natin," pagtatanggol ni mom sa lalaking tinutukoy ni dad. Tama si mom, mabait si Yves, at siya ang tumutulong sa akin kapag may hindi ako nage-gets na lectures. Siya ang nagtuturo sa akin, kahit na ang hirap kong makaintindi.

"Maybe he's doing that because he's after our daughter. He's after our wealth. He's taming Jenna to rebel."

Napakunot ang noo ko. Ako itong pasaway. Bakit kay Yves nasisisi ang lahat pati na rin ang kahinaan ng utak ko sa ibang subjects? "Dad, he's my friend po. Wala po siyang ginagawang masama."

"Ngayon, wala. Hindi natin alam. Mamaya, sumasalisi na pala siya sa akin, sa atin, Milenne."

I don't even know what 'salisi' means.

"Daddy, I know that kid. Hindi magagawa ni Yves ang iniisip mo. Magkaibigan lang ang mga bata. At kung ano man ang nangyayari sa pamilya nila Mikael, wala itong kinalaman sa atin."

Now, nabanggit naman ang pangalan ng dad ni Mael. I can sense na tungkol ito sa clan kaya may galit si dad kay Yves.

"Tapos na po akong kumain," sabat ko na parehong nagpalingon sa kanilang dalawa. Hindi ko na naubos pa ang almusal ko dahil nawalan na ako ng gana at gusto ko na lamang pumasok sa Altrius para makita si Yves at maibsan ang lungkot na nararamdaman ko.

"Jenna, our butler said you came home late last night. I just want to inform you that starting today, our car will drop and fetch you from Altrius Academy."

I gulped as I stared at them. Does it mean mababawasan na ang oras na kasama ko si Yves? Hindi ko na siya makakasabay pauwi?

Wala na akong nagawa nang marinig ko na ang sasakyan na pumarada sa labas ng mansion namin. Ibinigay sa akin ni nanmy Mildred ang bag nang makapasok ako sa kotse. Napabuntong hininga na lang ako.

Dumungaw ako sa bintana habang binabaybay namin ang daan papunta sa Altrius Academy na siyang malapit lang naman. Para lang tuloy akong nagpapasikat dahil naka-kotse pa ako papunta rito.

Nagpaalam na ako at nagpasalamat sa driver namin bago pumasok sa gate. I heaved a sigh before forcing a smile, but that smile vanished when I saw Yves with someone else, and that someone else was Desiree.

Nakatingin lamang ako sa kanila habang sabay silang naglalakad papunta sa building namin. I felt something tingling inside my nose. Para akong maiiyak dahil sa kirot na nararamdaman ko sa puso ko. But I chose to suppress it and compose myself. They were just talking and laughing. There's no meaning behind that. Ako ang nahalikan. Ako ang may karapatan.

Sinubukan kong maglakad at humabol sa kanila, pero napatigil lang ako nang makitang hinahawi ni Yves ang buhok ni Desiree. Tumigil din sila sa paglakad at napapikit na lang ako nang makitang inilapit ni Yves ang kaniyang labi kay Desiree.

Hindi ko namalayang tumulo na ang luha sa pisngi ko. Parang kahapon lang ako ang hinahalikan niya, ngayon naman ibang babae. At si Desiree pa.

Kaya ba nagalit siya sa akin kahapon nang malaman niyang nagsinugaling ako kay Desiree dahil may gusto siya roon? Pero bakit niya ako hinalikan? Pinaglalaruan niya lang ba ako?

Napakasama naman niya. Hindi porque tatlong taon ang agwat niya sa akin ay gaganituhin niya lang ako.

Muli ko silang nilingon. Nakangiti sila sa isa't isa na para bang may mga kahulugan ang mga ngiti nilang iyon. Nag-uusap pa. Hindi naman ganoon kasaya si Yves kapag kausap niya ako. Madalas nga ay nakakunot ang noo niya kapag tinitingnan niya ako. Hindi ba ako maganda sa paningin niya? Eh, mas maganda nga ako kaysa sa Desiree na 'yan! Mas malapit lang sila ng edad! Pero mas mabango ako!

Padabog akong naglakad para malampasan sila. Ayoko nang manood. Hindi ko na kaya. Baka kung ano pang magawa ko. Wala naman akong karapatan dahil wala namang kahulugan ang paghalik niya sa akin kagabi. Gusto niya lang akong paglaruan.

Dahil sa pagmamadali ko ay huli na nang mamalayan kong may makakabangga ako. Mabilis ang mga pangyayari at sa malakas na impact ay nadapa ako sa sahig. Umalpas na ang malalaki kong luha nang makita ko ang dugo sa tuhod ko. May gasgas at sugat.

Naiiyak ako dahil nabawasan na ang kinis ng balat ko sa binti. Ayokong magkapeklat. Baka hindi na ako lalong magustuhan ni Yves at mapunta siya kay Desiree.

"Miss, are you okay?"

Isang lalaki ang lumapit sa akin. Iba ang suot niyang uniform.

"Mukha ba akong okay?" mataray kong tanong habang pumapalahaw ng iyak sa harap niya. "Nadapa ako dahil sa 'yo! Bakit ka kasi paharang-harang? Ang laki-laki mo sa daan!" pagngawa ko sa kaniya sabay singhot ng sipong nagbabadyang tumulo.

"I'm so sorry. I was looking for my room 'cause I'm a transferee. Hold on, can you tell me where the clinic is so I can bring you there?"

"Ayun oh!" Itinuro ko ang infirmary. Akmang hahawakan niya ako nang may tumabig sa kamay niya. Napalingon ako kung sino iyon—si Yves.

Hindi na ako nakapalag nang buhatin niya ako at mabilis na dinala sa clinic. Nakatingin lang ako sa seryoso niyang mukha habang buhat-buhat niya ako. Peste. Ito na naman ang lalaking ito, pinapabilis ang tibok ng puso ko.

"Hello? Excuse me? Can someone help us here?" sigaw niya na para bang natutuliro. Mas lalo tuloy akong naiiyak dahil sa ikinikilos niya. Bakit ba siya ganito? Bakit niya ako mas lalong pinahuhulog sa kaniya kung hindi niya naman ako kayang saluhin?

May lumapit sa aming nurse at mabilis na ipinakita ni Yves ang dumudugong sugat sa tuhod ko nang maiupo niya ako sa kama.

"What happened?" tanong ng nurse. Magsasalita na sana ako nang si Yves ang magpaliwanag ng nangyari. So, nakita niya kami?

Napakagat ako sa labi nang linisan iyon ng nurse. Mahapdi ang ipinapatak niya sa sugat ko, kaya hindi ko mapigilang impit na sumigaw. Walang humpay pa akong ngumangawa dahil nakikita kong malaki at malalim ito.

"Hold me," bulong ni Yves sabay abot ng kamay niya sa gilid ko. Napatunghay ako sa kaniya. "You can pinch me if it hurts so much."

Hindi ko iyon inabot bago ako umiwas ng tingin at pinilit na lang tiisin ang hapdi ngunit naibsan ang lahat ng sakit nang mawala ang atensyon ko sa panggagamot sa akin ng nurse. Yves held my hand tightly, as if he wanted to hold me forever like this.

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Muli ko na namang napansin ang bahagyang pagkakunot ng kaniyang noo. Nakatingin lang din siya sa akin na para bang dini-distract niya ako sa sakit na nararamdaman ko.

Hindi niya ba alam na mas lalo lang ako nasasaktan habang nakatingin sa kaniya? Dahil mas lalo ko lang napatutunayan na kahit kailan ay hindi niya ako magugustuhan at nakababatang kapatid lang ang turing niya sa akin.

"Done," sambit ng nurse nang matapos niyang bendahan ang tuhod ko. "It'll be hard for you to walk, so you can use a crutch in the meantime," dagdag pa niya.

Tumango na lamang ako at nagpasalamat. May ibinigay pa siya sa akin na gamot na hindi ko naman halos naintindihan ang paliwanag. Mabuti na lang at naroon si Yves dahil majority, sa kaniya na inihabilin ng nurse.

I looked at my knee. Hindi ko maiwasang umiyak muli habang hinihipo ito. May tumabig ng kamay ko at si Yves iyon. Nakatingin ako sa kaniya habang nakaupo sa kama at siya nama'y hinila ang upuan para maupo sa tapat ko.

"Don't touch it," utos niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pakialam mo ba? Sugat ko 'to kaya hahawakan ko kung kailan ko gusto—ah!"

Pinitik niya ang ulo ko. "Huwag mong hawakan dahil baka marumi ang kamay mo. Sige ka, maiimpeksyon ka niyan," pagbabanta niya na mas lalong nagpaiyak sa akin.

"Eh, inaalala ko lang naman na baka magpeklat. Hindi na ako makinis, Yves!" Kumuha siya ng wipes at ipinunas sa kamay ko.

"Ano naman? Ikababawas ba 'yan ng ganda mo?"

Hindi ako nakapagsalita nang marinig iyon sa kaniya. Sinasabi ba niyang maganda ako?

Natigilan din siya sa sinabi niya at napatikhim. "I mean, hindi naman 'yan makikita basta huwag kang mag-shorts."

Hinampas ko ang kamay niya. "Ang ganda-ganda kaya ng legs ko! Wala na. Magkaka-scar na."

Umiling-iling na lang siya habang ipinapapatuloy ang paglilinis sa kamay kong marumi dahil nadapa ako kanina.

"Hindi ka ba papasok sa klase?" tanong ko habang pinagmamasdan siya.

Bumuntong-hininga siya. "Kung papasok ako, sana kanina pa ako umalis."

"Galit ka ba?"

Tinitigan niya ako nang malalim. "No, I'm not. You always make me worried about you, but I can't seem to get mad."

Hindi ako nakapagsalita.

"I always tell you not to run because you're clumsy, yet you still did. Palagi kitang pinoprotektahan, pero palagi mo ring inilalagay ang sarili mo sa posibleng ikapapahamak mo. Hindi ko na alam ang gagawin sa 'yo," paliwanag niya.

Napayuko ako. "I'm sorry," saad ko. Totoo naman ang sinabi niya. Hindi ko alam kung bobo lang ba talaga ako o malas sa buhay kaya lapitin ng panganib.

"Bakit ka ba tumakbo kanina?"

Umiling ako. Paano ko sasabihing dahil sa selos? Ano na lang ang iisipin niya sa akin?

"Akala ko late na ako."

Napakamot siya sa ulo. Halata mong inis na siya, pero pinipigilan niya lang. "And because you're afraid to become late, you run fast, making it worse, dahil hindi ka nga late, absent ka naman."

"Why are you always blaming me? Can't you be nice with your words? Alam ko namang mali ako, pero huwag mo nang ipamukha sa akin," malumanay kong sagot pero may halong tampo.

I saw him gulp. It was a minute of looking at me when he decided to speak again. "Then, what do you want to hear from me instead?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top