Kabanata L
Napalingon ako kay Yves. Inakbayan niya ako at hinalikan sa pisngi. Hindi ko na napigilang mapaluha habang patuloy na nakikinig sa usapan ng mga magulang namin.
"This coming November, they will tie the knot on their first anniversary. And after that, we will also hold the passing of presidency. Ismael would be the next president of the Mondalla Clan."
"Kung gano'n, magandang balita 'yan! We should celebrate!" wika ni mom.
Tuluyan ko nang nayakap si Yves. God, does it mean malaya na namang maisusuot ang mga singsing namin?
"Yves, Jenna, what brought you here?" rinig kong tanong ni dad. Nilingon ko sila. "Nothing. I just miss you all. I'm sorry that I heard your conversation. I'm glad that Mael is now getting married."
Isa-isa ko silang binati at niyakap. Ganoon din ang ginawa ni Yves sa kanila.
"Kayo ba? Kailan ba kayo magpapakasal?" tanong ni Aunt Elisse.
Nagkatinginan naman kami ni mom and dad.
"Soon po, Auntie. After ng wedding ni Mael, magpapakasal na rin kami ni Jenna." Hinawakan ni Yves nang mahigpit ang kamay ko.
Kung alam lang nila, matagal na kaming kasal ni Yves.
Napagdesisyunan naming mag-stay over the night sa mansion. As usual, magkausap na naman si dad at Yves. Kami naman ni mom ay narito sa living room at nagkukwentuhan din. Sila Aunt Elisse, Aunt Veonna at Uncle Mikael ay umalis na rin dahil narito lang pala sila kanina para pag-usapan ang misunderstandings tungkol sa pag-alis ni Jothea.
Mabuti naman at ayos na ang lahat. Ikakasal na rin kami sa wakas ni Yves. Nagbunga na ang matagal naming paghihintay.
"Sigurado ka bang wala pang laman?" tanong ni mom.
"Wala pa po. I just finished my menstruation last week. But I swear we tried making a baby multiple times, pero baka hindi pa oras. Maybe next year, after naming ikasal."
"I'm hoping. Gusto ko na ring magkaapo."
"Kahit minsan ba hindi niyo pinangarap na magkaroon pa ng isa pang anak, mom?" pag-iiba ko ng usapan.
"Pinangarap, syempre, pero nasa family tradition na isa lang dapat, Jenna."
"Pero mom, gusto ko maraming anak. Gusto kong bigyan si Yves ng marami."
Tumawa siya. "I don't know, mas ginusto kong sumunod. It takes courage to be risky, Jenna, and I don't have such courage to do so. At isa pa, ang dad mo ang kausap ng lolo mo, kaya pagkatapos mong ipanganak ay hindi na namin sinubukang gumawa muli."
"But that's impossible, mom. Malakas ang attraction namin ni Yves sa isa't isa. I'm sure we can produce a lot. Lagi niya nga akong kinakalabit."
Humagikgik naman siya. "Then pray for it. Malay mo naman mangyari ang gusto mo."
And I'm sure God heard my prayers. Pagkatapos ng kasal ni Mael, ay kinasal din kami ni Yves. We both went to China to have our honeymoon and when we came back to the Philippines after weeks, we discovered that I was having triplets.
Paulit-ulit akong umiiyak at nagpapasalamat sa Diyos dahil dininig niya ang panalangin ko. Wala namang magagawa sila dad dahil hindi naman namin kontrolado kung ilang sperms ang pupunta nang sabay-sabay sa egg cell ko. It was a miracle, ika nga.
At ngayon ay kasalukuyan akong nasa delivery room at umiiri.
"Oh, God! Yves! Ahhhhh! It hurts! Ahhhh!" malakas kong sigaw.
Mahigpit namang hawak ni Yves ang kamay ko, habang patuloy na umiiyak sa tabi ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kaniya dahil daig niya pa akong nanganganak na hindi umiiyak kahit nasasaktan.
"I'm sorry, babe. I'm sorry." Hinahalikan niya ang kamay ko. "But you can do it. This will be the first and last time you'll cry in pain." He's trying to comfort me, pero tuluyan na akong natawa sa kaniya.
"Hindi nga ako umiiyak! Ikaw kaya itong umiiyak!" sambit ko habang tumatawa.
"You're doing great, Mrs. Roize! Kaunti pa lalabas na si baby number 3!" wika ng doctor. "Sir! Patawanin niyo pa po ang misis niyo!"
Nilingon ako ni Yves. May kinuha siya sa bulsa niya—ang cellphone ko. Binuksan niya iyon at maya-maya lang ay sige na ang paghagalpak ko ng tawa.
"Yes, sure. I promise I will marry her kapag bumalik na siya sa akin. Please, help me, Jenna. Parang awa mo na, tulungan mo ang puso kong masyadong nawarak. Nagmahal lang naman ako. Bakit ako nasasaktan nang ganito?"
It was Mael's video. Naikuwento ko kay Yves ang tungkol sa video na 'yon at pareho kaming nagtatawanan habang paulit-ulit naming pinanonood ang pinsan naming lasing na lasing at wasak na wasak.
"Oh, God! Thank you, Lord! Three boys! All are healthy!" anunsyo ng doctor. Ni hindi ko na nga namalayang lumabas na sila sa akin dahil sa katatawa ko.
"You did a great job, babe. I love you so much." May mga luha pa rin sa mga mata niya nang halikan niya ang noo ko. "I love you too, Yves. I can't wait to see our children."
"Ano pong ipapangalan niyo sa kanila, Mr. and Mrs. Roize?" tanong ng nurse sa amin.
Tinapik ko si Yves. "You decide."
"Roivan, Jenize, and Yvier," wika ni Yves na siyang ikinamangha ko. Don't tell me he's prepared?
Maya-maya lang ay nakita ko na ang mga anak namin ni Yves, at sa pagkakataong iyon ay doon na ako lumuha. "I can't believe we are five now," bigkas ko sa nanghihina kong boses. Nasa harap namin ang mga anak namin at ako'y nasa wheel chair. Si Yves naman ay nasa tabi ko at akbay-akbay ako.
"Yes, babe. You are so strong. Galing yan sila sa 'yong lahat. Hanga ako sa 'yo."
"Mas hanga ako sa 'yo dahil nakaisip ka kaagad ng pangalan para sa kanila. Pinaghalo-halo mo pa ang pangalan natin. Para kang si Mael."
Tumawa naman siya. "Wala, eh. Gusto ko kapag tatawagin ko sila, maaalala ko 'yong mga araw na pinaghirapan natin silang gawin."
Napalo ko naman siya. "Sorry, hindi na sila masusundan. Kota na tayo."
"I know, I know, and it is very unexpected that God gave us three in one shoot."
"Alam niya kasing ilang beses ka nang nawalan. Ngayon, tatlo pa ang ibinigay sa 'yo." Naalala ko ang kwento niya sa akin noon tungkol sa mga magulang niya. I already asked him about it, kung kahit minsan ba naisip niyang hanapin ang totoo niyang mga magulang. He said he did not. Dahil kung siya nga raw ay iniwan at ipinaampon, siguradong hindi raw siya ganoon kahalaga sa mga ito, kaya naman hindi niya na gusto pang isiksik ang sarili niya para hanapin pa ang mga totoo niyang magulang.
And I respect that.
"Ibinigay sa atin, Jenna. I'm so glad that you are my wife and the mother of my children. I feel so complete now." Hearing that from him makes me feel warm. Salamat naman at nagagawa kong maiparamdam sa kaniya ang pagmamahal na hindi na kailangan pang maghanap ng iba. I always give my all to him. I am so glad that he appreciates it.
"Ako rin, alam kong mapagmahal ka kaya alam kong mamahalin at aalagaan mo ang mga anak natin katulad ng pag-aalaga mo sa akin. Masaya ako't ikaw ang napangasawa ko."
"I will protect you all until my last breath, Jenna." Umupo siya sa harap ko at hinaplos-haplos ang buhok ko. "I promise, you won't regret every second of your life you spent with me. We will be a happy family. We will travel a lot and reach for your dreams. Lahat pa ng gusto mong gawin, gawin natin nang magkakasama tayong lima. I know it will be hard for us since tatlo ang aalagaan nating sabay-sabay, but I promise you, I will do everything to help you. Wala ka nang iisipin. Ako nang bahala sa ating lahat." Hinalikan niya ang noo ko bago lumuhod para yakapin ako. "I love you and I will love you even after years, Jenna Levanier Roize. You are a ball of sunshine that lights up my world that is always evening. You gave me hope. You made me dream for myself and for our future. I love you so much."
Tumango ako at niyakap din siya nang mahigpit. "Ako rin, Yves. Mahal na mahal din kita. I love you even after years that we became apart, and I know I will still love you even after years from now on. I love you, my husband, Yves Roize. I love you so much. I love you."
We shared a deep, passionate kiss as we resumed looking at our babies that I knew we would love for the rest of our lives.
After years, I know my babies will grow up, and when the time comes that they find someone they can share their heart with, I hope they will be like their father, who can wait even after years.
Wakas...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top