Kabanata IX

"I'll join you then."

Wala na akong nagawa nang sumama na si Yves sa amin ni Zeus. Nakasunod lang siya sa aming dalawa. Hindi ko alam kung bakit. Lalo lang tuloy akong naiilang dahil pakiramdam ko masama ang tingin niya sa likuran ko.

"What do you want to eat?" tanong ni Zeus sa akin. Tiningnan ko ang choices nang ilang segundo. Ano bang masarap?

"She doesn't know what she usually wants so better pick for her," sabat ni Yves, bago sinabi roon sa tindera ang order niya para sa akin at para sa kaniya.

"O-okay," sagot ni Zeus bago nag-aalangang tumingin sa akin. "How about for drinks? I also saw you always have yogurt. You want a strawberry one?"

I was about to speak again when Yves interrupted. "Nagsusuka siya kapag kumakain o umiinom ng kahit na anong may strawberry. Hindi mo siya mapakikinabangan kapag binigyan mo siya niyan."

"Well, hindi naman pakinabang ang habol ko sa kaniya," litanya ni Zeus.

"Go on, kung gusto mo siyang lagnatin."

I bit my lip. Totoo naman ang sinasabi ni Yves. Kapag nakakakain ako ng kahit na anong may strawberry, nagsusuka kaagad ako at pagkatapos no'n ay magkakasakit. Hindi kaya ng sikmura ko ang lasa.

"I see."

Natapos na ang pagbili namin ng pagkain kaya naman pumunta na kami sa table namin. Zeus was about to sit by my side when Yves went on the chair first. Ano bang problema niya? Why do I feel like he's being childish?

Zeus had no choice but to sit in front of me. But I was amazed to see him smiling like it was enough for him to see me before his eyes. Is he really interested in me? How come? Tapos itong isa sa tabi ko, hindi man lang ako magustuhan.

"I'm glad that I have the chance to have lunch with you, Jenna," sambit ni Zeus sa gitna ng pagkain namin na naging dahilan ng pag-ubo ni Yves. Mabilis ko siyang inabutan ng tubig. Is he mocking me? Why would he cough after Zeus' confession?

"I can't wait to be with you this weekend," dagdag pa nito. Nahinto naman ang pag-ubo ni Yves. "Actually, in the middle of the class earlier, I was planning where to bring you. Are you down for a movie date? What genre do you usually watch?"

"Horror." "Romance."

Muli akong tumingin kay Yves nang sabayan niya ako ng sagot. Yes, my favorite genre to watch was horror but come on, I don't want to watch something scary on a movie date.

Nilingon niya ako na para bang kinukwestyon niya kung bakit Romance ang sinabi ko, pero ibinaling ko na lang ang tingin ko kay Zeus.

"To be honest, I've been into romance recently," I answered.

Again, Zeus flashed a smile. "Great. I'll definitely choose a great romance movie that you'll surely like."

We finished eating. Zeus decided to bid goodbye since he needs something to grab from his locker, kaya naman naiwan akong kasama ang mokong na ito sa tabi ko na kanina pa bumubuntong-hininga.

"So, magde-date kayo?"

Tumigil ako sa paglakad bago siya nilingon. I crossed my arms before staring at him. "Yes, and?"

"Jenna, you just met him." Nakakunot na naman ang mga noo niya. Palagi na lang. "Makikipag-date ka na agad sa lalaking 'yon kahit hindi mo pa kilala?"

"Kaya nga ako makikipag-date sa kaniya para makilala ko siya at isa pa, siya ang gusto akong makilala. Nakiki-cooperate lang ako."

He shut his eyes before looking at me again. "At kayong dalawa lang?"

"Malamang! Kaya nga date, 'di ba?" Inirapan ko siya bago ako naglakad pauna sa kaniya. Hinabol niya naman ako.

"Paano kung may gawin sa 'yong masama ang taong iyon?"

Muli ko siyang nilingon. "Huwag mong sabihing pati sa date namin ay sasama ka? Can you just let me have some fun? Mukha naman siyang mabait. At saka, anong pakialam mo kung makipagdate ako sa kaniya?"

Heto na naman kaming dalawa, nag-aaway. Hindi ko alam kung bakit bawat kibot ko, ikinaiinis niya. Wala na ba talaga akong ginawang tama?

"You told me you like me, then why are you planning to date someone else?"

I was stunned to speak by his abrupt question. Hindi ako palamurang babae pero parang may humihila sa akin na magsalita ng masama.

"Eh, hindi mo naman ako gusto, 'di ba? Tsaka, ako bawal? Ikaw pwede? Ang unfair mo naman, Yves!"

I turned my back again but he grabbed my arm with a question, "What do you mean by ako pwede?"

"Ikaw!" Dinuro ko ang dibdib niya. "Nakipag-date ka kay Desiree! Tapos ako kay Zeus, pipigilan mo!"

He frowned. "When did I date her? I never dated anyone, Jenna. I'm just seventeen. Wala akong sariling pera, bakit ako makikipag-date?"

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko inaasahan ang sagot niyang iyon.

"W-what do you mean?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Nothing. Ikaw bahala kung gusto mong makipag-date. Hindi ka naman kailanman nakinig sa akin."

Tinalikuran niya ako at kahit na anong tawag ko sa kaniya ay hindi na siya muling lumingon pa o huminto man lang sa paglakad para hintayin ako.

Tsk. Nagsalita ang nakikinig.

*****

Mabilis na lumipas ang araw at hindi ko namalayang Sabado na. Katulad ng usapan namin ni Zeus ay nakipagkita ako sa kaniya ng 9 a.m. sa grand city mall. I was just wearing a simple lavander dress and sneakers with a cute shoulder bag. I also put some makeup.

Kung tutuusin, this is my first date in life. I wanted to have it with Yves but unfortunately he doesn't like me so obviously, that won't happen. I should just focus on what's in front of me. Baka sa tulong ni Zeus ay makalimutan ko si Yves o kaya naman ay magising ako sa katotohanan.

Baka nagustuhan ko lang si Yves dahil siya ang palagi kong kasama, baka mapagtanto kong hindi naman pala ngayong may makikilala akong bago.

"Jenna!" Hinahanap ko ang tumawag sa pangalan ko. "Over here!"

Nakangiting bati ni Zeus habang tumatakbo sa pedestrian lane papunta sa akin. Agad namang gumuhit ang ngiti sa labi ko nang makita ko siya. Buti pa ang lalaking ito, palaging nakangiti kapag nakikita ako.

"You look very pretty," he commented as he observed me.

"You too. Ang gwapo mo ngayon," tugon ko.

"Ngayon lang?"

I chuckled.

"Anyway, nag-almusal ka na ba? Do you want to eat first?"

"Sure."

Magkasama kaming naglakad papunta sa restaurant kung saan kami kakain. I was amazed by the ambiance. Napaka-classy. He ordered our food kaya naman nakangiti lang ako habang kumakaing kasabay siya.

"Do you like your food?" tanong niya.

I nodded. "Yes. Masarap. How did you find this place?"

"It was recommended by my father. I asked him about what to do on dates and he was teasing me but fortunately, he told me to visit this place and so here we are."

Napa-oohh naman ako. "Zeus, can I ask how old you are now?"

"I'm fifteen. How about you?"

I smiled straight when I remembered something. "I'm fourteen." I began to wonder, if he's only fifteen, kaninong pera kaya ang gagastusin niya para sa akin, sa aming dalawa? Now, I finally understands Yves when he says he never dated anyone because he's a minor.

"Let's split the bill," saad ko nang matapos kaming kumain.

"But why?" Nagtataka niyang tanong. "I asked you to go out with me so let me buy this." Hinarang niya ang kamay niya sa kamay kong mag-aabot na ng pera sa kaniya.

"I know, but let me do this. I don't want your parents to shoulder the expenses of our date."

Nawala ang ngiti sa mga labo niya. Ilang segundo siyang nag-isip bago muling nagsalita. "Jenna, this is my allowance. It is not from my parents so please, I'm not asking you to pay for anything. I just want to be with you today."

"Mas lalo namang hindi ako makakapayag. Baka maubusan ka ng allowance kung ikaw lang ang gagastos."

"Jenna, let me be a man, please? I am not asking you anything in return. Just you giving me a chance to get to know you is enough. Please, don't think that everything I prepared today is from my parents. It is from me, and I want to treat you as much as I can so please bear with it."

I can see that every word he pronounced was sincere. Tumango na lamang ako at hinayaan na lang siyang magbayad para sa aming dalawa.

Just like what he promised he brought me to the cinema and we watched a romance movie together. Napaiyak pa nga ako and Zeus was really a gentleman to give me a handkerchief to wipe my tears. Marami pa kaming napagkwentuhan lalo na nang makalabas kami sa sinehan. Niyaya niya ako sa rink kung saan kami nag-skate at naglarong magkasama. I was really happy to experience these things na wala akong inaalala dahil naging magaan kaagad ang loob ko sa kaniya.

I was really thankful na mabilis na gumaling ang sugat ko nitong nakaraang linggo dahil hindi ako nahirapang maglakad na kasama si Zeus. May peklat nga lang kaya tinakluban ko ng skintone tights para hindi halata. At mabuti na nga lang din dahil nakakagalaw ako nang malaya. Naipakita ko na agad kay Zeus ang maligalig kong side na mukhang tuwang-tuwa naman siya dahil may pagka-madaldal din pala siya.

"Let's take some break," giit ko bago ako umupo sa bench malapit sa park.

"Break agad? Wala pa nga, eh."

Tinawanan ko siya. "I mean, I need to breathe! Nakakahingal kaya 'yong mga ginawa natin. Sana inabisuhan mo ako para naman hindi na ako nag-dress!"

He sat beside me. "Why? Hindi ka ba nag-enjoy?"

I shook my head. "Nag-enjoy ako, 'no? And I'm really thankful that you brought me here. I am a solo child so ever since, hindi naman ako nakakagala nang ganito unless kasama ang mga pinsan ko kaso naman puro lalaki sila. 'Yong pinsan ko namang babae, hindi naman pala-labas," kuwento ko.

"I see, pareho pala tayo. I am a solo child din."

"Really? Kaya pala kanina kitang-kita ko sa mukha mo ang saya. Para kang bumalik sa pagkabata."

"Tayo, sa pagkabata, Jenna. I'm happy to see you smile that brightly. Para ka ring bata kanina. How I wish I get to meet you sooner, siguro'y palagi kitang kukulitin para may kalaro ako."

Biglang sumagi sa isip ko si Yves. When Mael left their residence, nawalan ako ng kasama at sakto naman nang mag-start ako ng gradeschool ay nakilala ko si Yves. I met him when I was five. Since then, siya na ang palagi kong kalaro hanggang sa bumalik si Mael kaya naging tatlo kami. I can't imagine that I will be with him even after nine years.

"Parang kahapon lang nang makabangga kita, you were frowning and I never thought that you'd let me be this close to you on this day."

Nilingon ko si Zeus. Masama ba akong tao kung pangarapin kong sana si Yves na lang ang kasama ko ngayon? Gusto ko mapaluha habang pinagmamasdan si Zeus na nakangiti sa harap ko na ako lang ang nakikita, samantalang ako, iba ang inaasam.

"Would it be alright to see you again like this, Jenna?"

I saw the glimpse of sunset in his back. Hindi ko namalayan na inabot na pala kami ng hapon dito sa labas.

"I really had fun being with you. How about you? Do you want to do it again next time?"

I never knew that the sunset was very pretty to see and ended up hurting anyone. I felt like crying. I thought being happy was enough. I thought learning someone else would make me forget him but only made me realize that even if I met a thousand guys in this world, at the end of the day, siya pa rin ang nasa isip ko-sa kaniya pa rin ako babalik.

Paano nagawa ni Yves ito sa akin na kahit ibang lalaki ang kasama ko, siya pa rin ang nasa isip ko? Paano niya ako napahulog nang ganito kalalim?

"Zeus, I'm-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang sumingit siya.

"My birthday is coming. I wanted you to be there. Pwede ka bang pumunta? All of our classmates are invited."

Hindi ako nakapagsalita.

"Yves will be there."

Walang lumabas sa bibig ko. Nahulaan niya ba ang tanong sa isip ko? Paano niya nalaman?

"I'm really happy that you gave me a chance, Jenna, but I guess there's no fight available for me since you're in a different battle. Mahirap namang magsimulang lumaban kung sa iba ukol ang premyo, hindi ba?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top