Kabanata IV
WALA NA. Wala na ang first kiss ko, dahil nakuha na ni Yves. Sabagay, sa kaniya din naman nakalaan 'yon, pero hindi ko inasahan na gano'n gano'n lang. I imagined having my first kiss with him in a romantic way. Iyong pareho naming gusto. Bakit kasi siya lumingon?
Ilang minuto pa akong nasa c.r. hanggang sa mapakalma ko na ang sarili ko, pero no'ng lumabas ako at makitang muli si Yves ay nagdeliryo na naman ang puso ko sa kakahiyaw sa pangalan niya. Paano pa ako makakalapit sa kaniya nito kung palaging bumabalik sa alaala ko ang nangyaring paglapit ng aming mga labi?
"Jenna!" Lumingon siya sa akin kaya naman nabalik ako sa reyalidad. "Bilisan mo! May surprise quiz!"
"Ha?" Dali-dali akong umupo. Agad naman akong binigyan ni Yves ng one fourth sheet of paper na may pangalan ko na. I pursed my lips. How thoughtful of him. Kung hindi pa niya ako siniko ay hindi ko maririnig ang teacher naming nagdidikta na ng tanong para sa number one.
Natapos ang quiz at ang klase namin. Salamat at nakapasa ako dahil sa pagpapakopya sa akin ng katabi ko. Paano ko pa lalayuan itong si Yves kung palagi niya na lang akong inililigtas? Lalo na kay Sir Bascus. Hindi ko alam na may binabalak pala sa aking masama ang teacher naming iyon. Hindi ko naman kasi napapansin. At ang gusto ko lang naman ay makapasa sa kaniya.
Kasalukuyan kaming naglalakad ni Yves papunta sa cafeteria. As usual, nakasunod lang ako sa kaniya habang bumibili siya ng pagkain para sa aming dalawa. Kanina pa nga niya nababangga ng kaniyang braso ang dibdib ko. Masyado ba akong malapit?
Nilingon ko siya at seryoso lang siyang nakatingin sa unahan kaya dumistansya ako.
How I wish, hindi niya alam na nadadanggi niya ako.
"Jenna, sandali lang, ha? I'll just go to the comfort room. I'll be back in a minute," paalam sa akin ni Yves nang mailapag niya ang tray ng lunch naming dalawa. Tumango ako dahil pansin kong parang kailangan niya nang magmadali. Agad naman siyang tumakbo papunta sa pinakamalapit na male's comfort room.
Hinintay ko siya at halos ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin siya bumabalik. Lumalamig na ang pagkain namin. Nakalimutan niya na ba ako?
"Jenna." Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Nakangiti akong tumunghay sa pag-aakalang si Yves iyon ngunit ang nakita ko ay ang babae naming kaklase na si Desiree. Napakunot ang noo ko. Hindi naman kasi kami close para tawagin niya ako sa pangalan ko at isa pa, para lapitan ako.
"Pwede bang magtanong?"
"Sure, what is it?" tanong ko rin.
"Boyfriend mo ba si Yves?" Kita ko ang pamumutla sa kaniyang mukha. Lalong kumunot ang noo ko dahil sa pag-iisip kung bakit niya naman ako tatanungin nang ganoon.
"Bakit?" tanong ko pa.
"Palagi kasi kayong magkasama."
"Ano naman?"
"May gusto kasi ako sa kaniya."
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang marinig ko ang sinabi niya. Bakit sa lahat ng pagtatapatan niya ng tungkol doon ay ako pa? Sabagay, mas mababahala ako kung kay Yves niya iyon aaminin. Mas masisiraan ako ng loob.
"Gusto ko lang malinawan kung may kayo ba dahil kung wala naman ay aamin ako sa kaniya," dagdag niya pa. Hindi ko alam na nakakahawa pala ang pamumutla dahil alam kong tinakasan na ako ng dugo sa katawan ko dahil sa mga salitang galing sa kaniya. Alam ko namang guwapo si Yves, mabait, maalaga, maganda ang pangangatawan kaya hindi nakapagtataka na magustuhan siya ng kaklase ko. Baka nga, hindi lang si Desiree ang kaagaw ko kay Yves kung hindi marami pa. At hindi ko gusto ang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong umiyak, dahil buti pa siya may lakas ng loob na umamin sa taong nagugustuhan niya samantalang ako, napakalapit na sa akin ng taong gusto ko, hindi ko pa magawang sabihin ang laban ng puso ko. Dahil unang-una, magkamag-anak kami.
"Tama ka, Desiree. Boyfriend ko siya. Boyfriend ko si Yves. Nag-kiss na nga kami, eh."
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang kakapalan ng mukha para magsinungaling sa kaniya. Kita kong may kumislap sa kaniyang mga mata at nasisiguro kong luha ang mga iyon.
"O-okay. M-masaya ako para sa inyo."
Ngumiti siya sa akin bago mabilis na tumakbo palayo. Nakita ko pang hinarang niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mga mata dahil mukhang tuluyan na siyang umiyak. Nabangga pa niya si Yves na ngayo'y papabalik na sa akin.
"Anong nangyari kay Desiree? Bakit siya umiiyak? Did you make her cry?" tanong ni Yves nang tuluyan nang makaupo sa harapan ko. At dahil umupo siya sa harap ko, nakaramdam ako ng kirot. Madalas naman ay tumatabi siya sa akin. Anong nangyari?
I just shrugged. Mabuti na lang at hindi niya na ako inusisa pa. Alangan namang aminin ko sa kaniyang sinabi ko kay Desiree na boyfriend ko siya, baka tanungin niya pa ako kung bakit ito umiyak at malaman niyang may gusto ito sa kaniya. Ayoko! Hindi pwede! Ako lang dapat!
"Kain na tayo," pagyaya niya. Nagtataka ko siyang tiningnan habang kumakain dahil panay ang iwas niya ng tingin sa akin. Dati naman ay natititigan niya ako nang matagal. Madalas ako pa nga ang nahihiya at umiiwas ng tingin dahil hindi ko matagalan ang malalim niyang tingin sa akin, pero bakit ngayon tila ba nag-iba ang ihip ng hangin? May tinatago ba siya sa akin?
Magkasalubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawala sa mood at na-badtrip. Tinapos ko na lang ang pagkain ko kahit na nawalan na ako ng gana. Bakit pakiramdam ko may mali sa kaniya?
"Yves," pagtawag ko sa kaniya.
"Lagyan mo ng straw 'yong yoghurt ko," utos ko.
"Hindi mo ba kaya? Wala ka bang kamay?"
Kumunot ang noo ko lalo dahil sa mga tanong niya. Madalas niya namang itusok 'yong straw sa yoghurt ko, ah, bakit parang masama pa yatang nasanay ako't hinahanap-hanap ko na? Inabot ko na lamang 'yong yoghurt at akmang ako na lang ang magtutusok ng straw nang hawakan niya ito na para buksan din nang magdampi ang mga kamay namin. Mas ikipinagtaka ko ang mabilis niyang pag-react at pagbitiw sa kamay ko.
"What the hell is happening? Do I have a disease? Why would you react like that?" naiinis kong tanong.
Umiwas siya ng tingin. "N-nothing."
Lalong nag-usok ang ilong at tainga ko sa inis. "Anong problema mo?" sigaw ko, pero hindi siya sumagot kaya naman tumayo na ako at iniwan siya. Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin. Dati naman ay bigla niyang hinahawakan ang braso ko para patigilin ngunit ngayon ay kahit tawagin ang pangalan ko ay hindi niya ginagawa. Kaya nilingon ko siya nang buong inis at nakita kong nakatingin siya sa paligid na para bang nagtataka.
"Jenna, why are they staring at us?" he asked, pertaining to our classmate.
Hindi ko agad napansing nasa classroom na pala kami at nang tingnan ko ang tinutukoy niya, nakita ko ang mga kaklase naming kapwa nakatingin sa amin. Nagpapalitan sila ng mga tingin na para bang may pinatutukuyan.
"What's with all of you?" sigang tanong ni Yves sa kanila. May lalaking lumapit sa kaniya na isa sa mga kaklase namin na hindi ko naman matandaan ang pangalan dahil hindi siya gwapo at hindi ako interesado. May ibinulong siya kay Yves na naging dahilan ng paglaki ng mga mata nito at pagtingin sa akin nang malala.
Ano na namang bang ginawa ko?
Magtatanong pa sana ako nang hawakan ni Yves nang mahigpit ang braso ko na siyang inaasahan ko kanina pa, bago niya ako hinatak palabas ng classroom.
"S-sandali, Yves! Masakit!"
At nakita ko na lang muli ang sarili kong kasama siya, ngunit ngayon sa rooftop na.
"Did you just—?" tanong niya na naputol dahil parang naghahanap siya ng magaang salita para komprontahin ako. Kita ko sa mukha niya ang inis. Namumula ang pisngi niya maging ang kaniyang mga tainga. Habang ako ay narito lang sa harap niya at nakatitig sa kaniya nang makahulugan habang hinahampasan ng malamig na hangin ang aking balat. Nadadala din ng hangin ang palda ko at ang buhok ko.
"Did you tell them that I am your boyfriend?" Halatang sinusubukan niyang kumalma.
"No," matigas kong sambit.
"Then, what are they talking about? Why are they looking at us like that?"
Huminga ako nang malalim. "I never told them that you are my boyfriend. Kay Desiree ko lang sinabi," pag-amin ko. Napasinghap siya at napapikit. I can see that he's really annoyed with me. Ano bang mali sa ginawa ko?
"Sinabi mo kay Desiree? You lied to her about us?"
Ako naman ang kumunot ang noo. Hindi ko alam na babalik muli ang inis ko sa kaniya kanina habang nasa cafeteria kami.
"Ano naman? Bakit parang affected ka?"
"Jenna, you lied to her. Now, everyone knows that lie."
Nagngitngit ang mga ngipin ko. Bakit ba idinidikdik niya sa akin na kasinungalingan lang iyon? Alam ko naman, eh.
"Ano naman kung sabihin kong boyfriend kita? Bakit? Hindi mo ba ako gusto?"
Katahimikan ang naging sagot niya sa tanong ko. Dahil sa pagtitig niya sa akin nang matagal at sa hindi pagbukas ng kaniyang mga bibig mukhang alam ko na ang sagot.
"Hindi."
Para akong sinampal at ginising sa katotohanan ng isang salitang iyon. Ni hindi man lang siya nag-atubiling magsinungaling.
"Now, you go tell them that you were just bluffing."
Parang mas marami ang iiiyak ko kaysa sa Desiree na 'yon kanina.
"I am not your boyfriend, Jenna, and I will never be."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top