Kabanata III

"Not whole day, Jenna. Hindi kita matiis."

Napatigil ako sa paglakad nang salitain niya iyon. So, aminado siyang iniiwasan niya ako?

"Why are you ignoring me then?"

"Isn't that what you wanted?" Nilingon niya ako. "It was you who ignored me first when you saw me this morning."

Ibig sabihin, nakita niya ako kanina noong makita ko siya sa guard house.

"Oh, yeah, I was planning to ignore you," pag-amin ko.

"I know and I'm trying to respect your boundaries, but I can't stand it when you're being taken advantage of."

My forehead creased. "Ano bang sinasabi mo?"

"May sinabi lang sa akin si Ismael kaya kahit ipagtabuyan mo ako, hindi ko magawang layuan ka."

I rolled my eyes. "So you're here with me even if you don't want to? Ano bang ibinilin sa 'yo ni Mael at bakit kung alagaan mo ako sobra sobra na?"

He ruffled my hair. "I can't tell you, but consider it I know something about you and that's the reason I need to protect you. Maliit pa naman ang utak mo."

Napataas ang gilid ng nguso ko tsaka ko siya sinuntok. "Tsk. Nagsalita! Bakit? Ano bang malaki sa 'yo?"

Ngumisi siya at dahil doon naintindihan ko ang tahimik niyang sagot. Hinampas ko ang dibdib niya. "Bastos!"

Tumakbo ako palayo sa kaniya. "What? I never said anything!"

"Don't me, pervert!"

Tumawa siya bago ako hinabol. "Bakit? Ano bang naisip mo?"

"Yak! Don't touch me! Ew!" Tinulak-tulak ko siya nang akbayan niya ako. "Kadiri ka, Yves!"

"Wow? Wala nga akong sinasabi. Baka ikaw d'yan ang bastos. Anong iniisip mo, ha?"

"Yak!" Tumakbo ako papasok ng gate namin at iniwan ko siya roon. Ayoko na! Ayoko na talaga sa kaniya!

Mabilis akong tumalon sa kama ko para ikulong ang ulo ko sa mga unan. Hindi ko mapigilan ang pag-init ng mukha. Bakit ko ba kasi tinanong iyon? Ayan tuloy! Hindi na mawala sa isip ko. Nacurious na ako!

Hindi! Hindi pwede! Kadiri!

*****

I went to the academy earlier than usual. It is to avoid crossing paths with Yves. Sa tuwing naaalala ko ang naging takbo ng pag-aasaran namin kahapon, ay hindi ako nakatulog nang maayos. Napanaginipan ko pa!

Anong klaseng katorse anyos ang mananaginip nang ganoon? Ako yata talaga ang bastos sa aming dalawa. I never knew what it looked like but because of him, gosh, I want to see one. Nagkakasala yata ako kay Lord. I need to go to church.

"Jenna!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Sa pag-aakalang si Yves 'yon ay muntikan ko na siyang hindi pansinin. Si Sir Bascus lang pala.

"Yes, sir?"

"Are you alone now?"

"O-opo. Bakit po?"

"Come to my office then," utos niya na siyang sinunod ko.

"So, have you come up with the dance you're going to submit?" panimula niya bago umupo sa kaniyang desk.

"Ah, actually po, pinag-iisipan ko siya kahapon. Iko-consult ko nga po sana sa inyo Sir Bascus."

"Really? Then dance. Let me see it." Ipinatong niya ang dalawang siko niya sa table at ipinagdaop ang mga palad. Malalim ang tingin niya.

"D-dito po?"

"Yes, dance in front of me."

Napalunok ako. Hindi ko alam bakit tinubuan ako ng kaba lalo na sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

"Ah, w-wala po akong tugtog. Sandali po—"

"Then sing. Sing while you dance, so I can see if your presentation would be enough for additional grades."

I gasped. "O-okay po."

An exhale left my lips before I started to snap. I was about to dance when we both heard a knock on the door. Pareho kaming napalingon sa pinto.

I was surprised to see Yves standing in the doorway. Anong ginagawa niya rito?

"Yes, Mr. Roize?" tanong ni Sir Bascus.

"Our first class was about to start. I'm looking for Jenna and I can see she's here."

Lumingon sa akin si Sir Bascus  na para bang naaalibadbaran. "Your friend is looking for you, Jenna," sabit niya na kitang-kita ko sa mukha na hindi niya nagugustuhan na naaantala. "I would like to tell you that the second time we're interrupted, goodbye to your eighty-two."

Napalunok ako. Aalma pa sana ako nang hilahin na ako palabas ni Yves. Nakakunot ang mga noo ko habang nakatingin sa kaniya. Galit siya. Hindi ko alam kung bakit. Hindi siya nagsasalita at marahas ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"T-teka, Yves—"

Napansin kong hindi kami papunta sa room kaya naman, pumalag na ako. "S-saan mo 'ko dadalhin? Sabi mo start na ng first class."

Nakita ko na lang kaming dalawa na nasa likod ng building. I couldn't speak 'cause I'm scared. Lalo pa't nakikita ko siyang malapit sa akin habang nakatitig nang masama.

"Wala ka ba talagang isip? Why are you in his office?"

"Ha?" nagtataka kong tanong. "Because we're doing something—" Hindi ko maipaliwanag nang maayos ang dahilan dahil ayokong malaman niya ang totoo.

"Something?!" bulyaw niya sa akin. "Something, Jenna? You're just fourteen years old. What are you doing? You're letting that old man take advantage of you!"

"Old man? Take advantage?" pag-uulit ko. "Ano bang pinagsasasabi mo? Ako ang may kailangan sa kaniya kaya ako naroon!"

"What?!" Nanlilisik ang mga mata niya sa galit. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Ano bang problema? Bakit ganito na lang ang galit niya? "I can't believe you, Jenna. Makakarating ito kay Ismael. You're so hardheaded to deal with."

Kinuha niya ang phone niya at sinubukang tawagan si Ismael pero pinigilan ko. "Ano bang ginagawa mo? Anong isusumbong mo sa kaniya? Wala naman akong ginagawang masama!" Pilit kong kinukuha ang phone niya sa kaniya dahil rinig kong nagri-ring na ito.

"Anong wala, Jenna? You're with that old man early in the morning. Kung hindi ako dumating, anong gagawin mo? Anong gagawin niyo?"

I clenched my fist. "Bakit? Ano bang iniisip mong gagawin namin? Teacher siya, Yves! Ano bang iniisip mong masama sa kaniya?"

Ngumisi siya. "Teacher nga, pero ginagamit naman ang posisyon para makaisa," bulong niya.

"Ha?"

Tuluyan na akong nawalan ng lakas na pigilan siya. Nakita ko na lang kaming dalawa sa cafeteria habang nakaupo sa harap ni Ismael.

"What's with the two of you?" tanong nito sa amin. "Yves, Jenna, ten minutes have already passed. Are you not going to talk?"

I rolled my eyes. "Talk to him. He ruined everything for me." Muli kong naalala ang warning sa akin ni Sir Bascus. Maggu-goodbye na ba ako sa eighty-two? Kung seventy-three ang grade ko sa p.e., posible bang umulit ako ng grade ten?

"Tss. What did I ruin? I was helping you. Why would you go to that teacher early in the morning? Looks like you have a dirty business with him, huh?"

Napanganga ako. Alam niya na? Nahulaan niya bang para sa grade kong bagsak, kailangan kong magpasa ng special project para tumaas?

"Are we talking about that teacher, Yves?" seryosong tanong ni Mael.

"Precisely."

Matalim na tingin ang ibinigay sa akin ni Mael na siyang naging dahilan ng pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan. "Jenna, why are you in there this morning?"

Napalunok ako at hindi kaagad nakapagsalita dahil sa takot.

"Tell me."

I heaved a sigh before choosing defeat. "He told me na seventy-three ang grade ko sa p.e. kaya kailangan kong magpasa ng special project." Nakayuko kong sagot sa kaniya. Hindi man siya ang pinakamatanda sa aming tatlo, mas takot ako sa kaniya kaysa kay Yves.

"And what special project is that?"

"I need to dance. Naroon ako kanina para i-consult 'yong sayaw na napili ko."

Narinig ko ang buntong-hininga niya. "In exchange for a higher grade?"

I nod. "Sabi niya kapag maganda raw ang performance ko, eighty-two ang pinakamataas na grade na makukuha ko."

Muli siyang huminga nang malalim na para bang hindi nagustuhan ang ibinalita ko. "I see."

Tumunghay ako para makita si Mael, pero nakatingin lang siya kay Yves na para bang nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata.

"From now on, you won't go near that teacher, Jenna."

Napasinghap ako. "Ano? P-pero paano ang grade ko? Babagsak ako."

"You will always be near Yves so he can protect you," sambit niya na para bang hindi narinig ang tanong ko.

"Protect? He ain't protecting me but disturbing me. Sir Bascus said kapag na-interrupt pa kami sa susunod, ibabagsak niya na talaga ako."

"Jenna," matigas niyang pagtawag sa akin. "I don't want to tell you this, but you left me with no choice. That teacher is planning something. He's a pervert. He doesn't want to be interrupted because he wants to be alone with you. You know what will happen next, right? You understand me?"

Hindi ako nakapagsalita sa pagkabigla. Napatingin na lamang ako kay Yves na umiwas ng tingin mula sa akin. Totoo ba ang narinig ko?

"I can see that this discussion is finished. See you around."

Nagpaalam na si Mael sa amin. Nagmadali na siyang bumalik sa klase niya habang kaming dalawa ni Yves ay naiwan sa cafeteria. So this is why he acted that way earlier?

"You want to eat?" bulong niya. "You see, late na tayo sa first class. You want to have a snack instead?"

Nakatitig lamang ako sa kaniya habang nararamdaman ang grabeng pagkapahiya. He was just protecting me but I was so stupid to treat him rudely. And here he is, comforting me, asking me to grab a snack with him.

Tumango ako.

"Alright. Wait for me here." Akmang tatayo na siya nang hawakan ko ang dulo ng uniform niya. Napalingon siya sa akin.

"Mael told me to always be near you. I'll go with you."

Ilang segundo kaming nagkatitigan at isa lang ang napagtanto ko—hindi na yata mapipigilan ang malakas na pagtibok ng puso ko sa kaniya.

"Okay."

Nakasunod lang ako sa kaniya na parang bata habang bumibili ng pagkain naming dalawa. Siya ang nakikipag-usap sa mga tindera habang ako naman ay nakatitig lang sa malapad niyang likod at maganda niyang itim na buhok.

Muling nagkatagpo ang mga mata namin. Hindi ko na alam kung paano umiwas ng tingin. Mas gusto ko na itong titigan nang matagal.

"Let's go back to the table."

Malakas pa rin ang tibok ng puso ko habang kumakain kaming dalawa. Katulad ng palagi niyang ginagawa, inilagay niya ang straw sa yoghurt ko at iniabot sa akin ang pagkain ko. Para akong isang prinsesa kapag kasama siya. Siya ang gumagawa ng lahat para sa akin.

"Baka matunaw ako," bulong niya. Napansin niya sigurong kanina ko pa siya tinitingnan kahit noong nasa cafeteria kami. Nakabalik na kasi kami sa classroom at katabi ko na siyang muli sa upuan.

"Bear with it," sagot ko.

Ngumisi siya at umiling habang kinokopya sa board ang nakasulat.

"This is my payment for writing my notes too."

"Pwede na palang ibayad ang titig?" Sinulyapan niya ako sandali bago ibinalik ang mga mata sa board at sa notebooks namin. Siyarin ang nagsusulat para sa akin. So, para saan pa ang kamay ko?

"Pwede mo nga ring isukli, eh," hirit ko.

"Kiss lang ang tinatanggap kong bayad."

Ah, gano'n? Mabilis naman akong kausap.

Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi ngunit huli na nang mapansin kong papalingon din siya kaya naman sa labi niya ito tumama. Nanlaki ang mga mata ko at dahil sa gulat ay nahulog ako sa upuan.

"Jenna, are you okay?" nag-aalala niyang tanong, habang kinukuha ang kamay kong naninigas sa kilig.

Shit. Nangyari ba talaga iyon? Pero bakit wala lang sa kaniya? Napakapit ako sa bibig ko habang sinusubukang tumayo at bumalik sa upuan. Nakita ko ang pakikiusyoso sa akin ng mga kaklase ko na kapwa nagtatanong kung anong nangyari sa akin.

"Jenna..."

Napalingon akong muli kay Yves at napasulyap sa kaniyang labi na may bahid ng liptint ko. Shit. Totoo nga. Nakakahiya!

Mabilis akong tumakbo sa c.r. para pakalmahin ang nagwawala kong puso. My first kiss! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top