Kabanata II

"Halika na."

Malakas ang kabog ng dibdib ko nang yayain niya akong muli pauwi. Dahil sa pagpupumilit niya, wala na akong nagawa kung hindi ang maglakad kasunod niya. Oo, nakita ko na lang muli ang sarili kong kasama siya.

We went home together. Sumalubong sa amin si mom.

"Oh, Jenna, Yves, narito na pala kayo," bati sa amin ni mom.

"Good afternoon po, Ma'am Milenne," sambit ni Yves kay mom.

"Naku hijo, ilang beses ko bang sasabihing huwag mo akong tawaging Ma'am? Anyway, kumain na ba kayo? Ipaghahanda ko kayo ng meryenda."

"Inihatid ko la—"

Hindi ko na pinatapos pa si Yves na magsalita. "Hindi pa kami kumakain, mom."

"Sige, halikayo sa kusina."

Nauna nang pumasok si mom sa amin at akmang susunod na ako nang tawagin ako ni Yves.

"Jenna, wait."

Nilingon ko siya. "This is how I treat Mael," matabang kong saad sa kaniya. Umaasta siyang pinsan ko, hindi ba? Pwes.

Hindi niya na nagawa pang magprotesta nang tawagin na kaming muli ni mom.

"I heard that Ismael got accelerated. I'm glad that you're taking care of my daughter, Yves," sambit ni mom bago niya kami binigyan ng pagkain. It was sandwiches and a bowl of mixed fresh fruits.

"Hindi naman po abala sa akin ang bantayan siya."

Napalingon ako kay Yves. Sa pagkakatanda ko, palagi ko siyang inaaway. Mukhang hirap na hirap na nga siya sa katigasan ng ulo ko.

Tumawa si mom. "No, I tell you. She's so stubborn but she's a sweet girl so maybe maniniwala ako sa 'yo. Just tell me kung pinahihirapan ka niya o kung may kalokohan man siyang ginagawa sa school."

"Wala naman po."

Natapos na kaming kumain at mas lamang pa nga yata ang pag-uusap nilang dalawa. Na para bang wala ako sa tabi nila kung pagkuwentuhan nila ako. Sana hindi na lang nila ako sinama.

"Here," wika ni Yves nang ibigay niya sa akin ang mga gamit ko na siyang nilagay niya sa bag niya kanina.

"Thank you," walang buhay kong tugon. Nagpaalam na siya sa akin at hindi na ako nag-abala pang ihatid siya sa main door.

Sinilip ko na lamang siya sa may bintana mula sa kwarto ko habang paulit-ulit na bumubuntong-hininga. So close, yet so far. Ang sakit sa dibdib.

"Did I see it right? Roize was here?" Malakas na sigaw ni Dad na umabot sa kwarto ko. Lumabas ako para makita siya mula sa hagdan. Sakto namang papaakyat si dad, nakatingin sa akin habang nagtatanggal ng coat.

"Ayokong nakikipagkita ka sa lalaking iyon."

"Po? But Dad, he's my classmate and he's part of our family."

"Family?" He smirked. "No. Because of their family, kaya nagkakagulo sa clan."

He walked out to his office. Napatingin na lang ako kay mom na nakasunod pala kay dad.

She just shrugged. "Huwag mo nang intindihin ang sinabi ng dad mo. Go back to your room and take some rest."

I nodded before I went back to my room. Napasalampak ako sa kama habang nakatingin sa kisame. What does Dad mean when he says Yves' family was the cause of a mess in our clan?

*****

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa Altrius Academy nang makita ko si Yves na naroon sa guard house at kausap ang isang security guard. Napakunot ang noo ko. Ano naman kaya ang ginagawa niya roon? Ngayon lang ako nakakita ng estudyanteng kumakausap sa mga guwardya at nakikipagtawanan na parang kaibigan niya ang mga iyon.

Anyway, napagdesisyunan ko nang itigil ang nararamdaman ko dahil tumatak na sa kokote ko ang lahat. Hindi kami puwede. Dumagdag pa ang sinabi ni dad kagabi sa akin na layuan ko siya. Siguro mas makatutulong nga iyon para tuluyan ko na ring maibaon sa limot ang nararamdaman ko para sa kaniya.

I went to our classroom at laking pagtataka ko nang hindi umupo sa tabi ko si Yves. Sandali nga, bakit iniiwasan niya ako?

Nagngitngit ang ngipin ko sa inis. Alam ko namang pabor ito sa akin at ilang beses ko nang sinabi sa kaniyang layuan at tigilan niya na ako, pero ngayong ginagawa niya na, hindi ako mapakali. Lalo pa't nakikipagtawanan siya sa ibang mga babae. Oo, iiwasan ko na siya, pero bakit umiiwas din siya sa akin?

I cannot!

I rolled my eyes and tried to compose myself. Calm down, Jenna. You need to calm down.

Pero sa tuwing napapatingin ako sa kaniya, hindi ko maiwasang magtanong, paano na 'yong sinabi niyang hindi naman abala sa kaniyang bantayan ako? Hindi ba't nangako siya kay Mael na aalagaan ako? Bakit naman ganito?

Natapos ang klase at hindi siya sumabay sa akin sa tanghalian. Wala akong kasamang kumain. Mag-isa lang ako't pinipigilan ang pag-iyak. Hindi niya na ako kinulit. Ni isang beses ay hindi niya ako tiningnan. Walang segundong nagkatagpo ang mga mata namin.

Napabuntong-hininga ako at tinanggap na ang pagkatalo. Wala na. Wala na. Ititigil ko na talaga ang kahibangan ko sa kaniya.

"Jenna, can you come here?" tawag sa akin ni Sir Bascus kaya naman pumunta ako sa unahan para lapitan siya.

"This is your grade sa p.e." Itinuro niya ang screen ng laptop niya. Yumuko ako para makita iyon dahil masyadong maliit ang font. "I think you need to submit a special project para mahatak ang grades mo."

Naramdaman ko ang paghawak niya sa baywang ko. Masyado palang nakalipad ang utak ko kanina at hindi ko namalayang isa-isa palang pinapapunta ni Sir Bascus ang mga kaklase ko para ipatingin ang grades namin for third grading.

Seventy-three?

"A-ano pong special project? Ano pong kailangan kong gawin, Sir?" nag-aalala kong tanong. Hindi ko rin naman kasi masisisi ang grades ko dahil bagsak ang exam ko sa p.e. Actually, majority nga. Hindi naman kasi ako magaling sa academics.

Ngumiti siya. "Huwag kang mag-alala. Kailangan mo lang namang mag-submit ng video ng sayaw na trending ngayon at depende sa performance mo 'yong grade mo. Posibleng ang pinakamataas na final grade mo sa third grading ay eighty two."

Napatango ako. "Sige po, sir. Magsa-submit po ako."

Binilang ko sa daliri ko ang grade na madadagdag sa akin mula seventy-three to eighty-two. Siyam. Hindi na rin masama.

Naglakad na ako pabalik sa upuan ko. Sinimulan ko nang mag-isip ng sayaw na sasayawin ko para sa special project na iyon at hindi ko namalayang uwian na pala.

"Anong sabi sa 'yo ni Sir?" Nabigla ako nang makita sa tabi ko si Yves. Seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa akin. Agad akong nanghina. Ang galing niya talagang patibukin nang mabilis ang puso ko.

"H-ha? B-bakit?"

"What did he say?"

I gulped. "W-wala naman. Bakit mo ba tinatanong?" Tsaka bakit ko sasabihin sa kaniyang bagsak ako? Nakakahiya! Baka makarating pa kay mom.

Umiling siya. "Wala rin."

"Okay?"

Inayos ko na ang gamit ko at dagling papalabas na ng classroom nang muling tawagin ni Sir Bascus ang pangalan ko.

"Jenna, come to my office immediately."

"Yes, sir!"

Nilagpasan ko na si Yves para sumunod kay Sir Bascus dahil mukhang kakausapin niya ulit ako tungkol sa grades ko. Tamang-tama, may tanong din ako regarding sa sayaw na ipinapagawa niya. Baka kasi hindi niya magustuhan 'yong sayaw na napili ko. Kailangan maganda, para mataas ang grades.

"Jenna!"

Napalingon ako nang may humawak sa braso ko. It was Yves. "I'll join you."

Hindi na ako nakapalag dahil mukhang kahit anong pagtanggi ko ay susundan niya pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit ganoon kaseryoso ang timpla niya ngayon. Kanina lang ay hindi niya ako pinapansin at lumipat pa siya ng upuan, ngayon naman ay kakausapin niya ako na parang walang nangyari na para bang hindi niya ako iniwasan.

"Jenna!" nakangiting bati sa akin ni Sir Bascus nang pumasok ako sa office niya. "Oh, you're with Yves." Nawala ang ngiti niya nang makita si Yves na pumasok sa office na kasama ko.

"Yes, sir. I'm sorry. Ang kulit niya kasi. Anyway, bakit niyo po ako pinapapunta rito sa office niyo?"

He cleared his throat. "This is confidential, Jenna. You don't want anyone else to know about your case, right?"

Napanganga ako. Oo nga pala. Nakakahiya kung malalaman ni Yves na seventy-three lang ang grade ko sa p.e.

"Anyway, I'll talk to you next time when you don't have anyone else with you. I'll be going now."

Hindi na ako nakapagsalita pa nang lumabas na si Sir Bascus sa office niya na para bang inis. Napakagat ako sa labi ko. Nanganganib na ba lalo ang grades ko?

"Next time, huwag mo na akong samahan," sambit ko kay Yves bago ako lumabas. Sumunod naman siya.

"At bakit hindi kita sasamahan?"

Kusang tumaas ang kilay ko sa sagot niya. "Obvious ba? Ayaw ni Sir Bascus na may kasama ako kaya huwag mo na akong samahan next time."

He gulped hard, causing his Adam's apple to move. "Sasamahan pa rin kita sa ayaw at sa gusto mo," giit niya. "That teacher..." bulong niya pa habang matalim ang tingin sa likod ni Sir Bascus na naglalakad pababa ng building.

"Sabing ayoko nga! Bakit ba ang kulit mo?!"

"Ikaw ang makulit, Jenna!" sigaw niya pabalik. Ngayon kitang-kita ko na ang galit sa kaniyang mga mata. Mas nakakatakot siya kaysa kay Sir Bascus. "You're not even seeing what he's after with you. Are you blind?"

Kumunot ang noo ko. "Anong sinasabi mo?"

"Nevermind. Let's go home." Marahas niyang kinuha ang bag ko mula sa akin. Ano ba 'tong taong 'to? Hindi marunong makaintindi!

Tahimik lang kaming naglalakad pauwi. Hindi naman din kasi kami sanay na magsasakyan pa. Lalo na't kasama namin noon si Mael tuwing uwian. Mas pinipili naming maglakad nang kasama siya at ngayon nasanay na lang kami ni Yves na palaging maglakad papasok at pauwi.

"Walk inside," bulong niya bago niya ipinagpalit ang mga pwesto namin nang makalabas kami sa Altrius Academy.

Tsk. "How can you act like this after you ignored me the whole day?" I mocked.

"Not whole day, Jenna. Hindi kita matiis."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top