Kabanata I
Mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ko. I can't believe this. Nakita ko lang naman ang crush ko sa family reunion namin. Nakakadismaya. Ibig sabihin, kamag-anak ko siya?
Napapikit na lamang ako habang pinipigilan ang pagluha. Bakit ba kasi sa lahat ng magiging kapamilya ko, 'yong tao pa talagang matagal ko nang gusto?
Hindi ako makakapayag. Hindi ito maaari.
Tumakbo na ako paakyat ng building kung saan kokomprantahin ko ang pinsan kong si Ismael tungkol dito. Bakit ba kasi ngayon lang din ako umattend sa reunion? Tuloy, ngayon ko lang nalaman. Ibig bang sabihin, kaya ang bait-bait sa akin ng crush kong si Yves ay dahil alam niyang kamag-anak niya ako?
O baka kahapon niya lang din nalaman dahil kahapon lang din ako pumunta sa ganoon?
Ay, ewan!
"Mael!" sigaw ko nang makita ko ang pinsan kong naroon sa corridor pero hindi siya nag-iisa. Kasama niya si...Yves? WTF?
"You take care of my cousin," sambit ni Mael kay Yves sabay tapik pa sa balikat nito. Napakunot ang noo ko nang makalapit sa kanila.
"Bakit? Saan ka pupunta?" habol kong tanong nang makitang paalis siya. Dala niya rin ang bag niya. "Aalis ka, Mael?" dagdag ko pang tanong habang hinahabol din ang hininga dahil sa mabilis kong pagtakbo mula ground floor hanggang dito sa third floor ng building namin.
"He was accelarated, Jenna." Si Yves ang sumagot ng nga tanong ko. Sandali ko lang siyang sinulyapan bago muling tumingin kay Mael.
"Accelarated? Bakit?"
"Well, your cousin is a genius. I'll be in college now. Good luck on your senior high." Ginulo niya ang buhok ko bago siya tuluyang umalis.
No! May itatanong pa ako sa kaniya! Hindi pa kami nakakapag-usap nang matino! Bakit iiwan niya ako at sa lalaki pang ito niya ako ihahabilin? Hindi niya ba alam na may gusto ako sa lalaking ito?
"Mael! Wait!"
Hindi ko na siya nahabol nang mag-ring na ang bell.
"Let's go inside, Jenna," sambit ni Yves na naging dahilan ng paglingon ko sa kaniya. Agad na kumirot ang puso ko. This guy, how can he manage to act like nothing? Hindi niya ba talaga ako gusto? Lahat ba ng akala kong motibo ay dahil lang itinuturing niya akong kamag-anak? Kaya mabait siya sa akin at maalaga?
This is so unfair.
Nahulog lang naman ako sa kaniya dahil naramdaman kong interesado siya sa akin. False alarm lang pala!
Padabog akong pumasok sa classroom para sana ay malayuan siya ngunit hindi ko pala iyon magagawa dahil magkatabi kami ng upuan. Ang malas lang dahil saktong nasa dulo ako malapit sa bintana habang sa kanan ko naman siya nakaupo. Ginusto ko kasing umupo rito dahil malapit sa c.r. Mabilis kasing mapuno ang pantog ko.
Maya-maya lang ay dumating na ang teacher namin kaya naman hindi ako ganoon katagal nabingi sa katahimikan naming dalawa.
Muli akong napabuntong-hininga habang bumabalik sa alaala ko ang nangyaring pagtatagpo naming dalawa kahapon sa Mondalla Residences. Minsan gusto ko na lang itanong sa mga langit kung bakit kailangan kong maging anak ng kapatid na babae ng ama ni Mael.
"Good morning, grade 10 students. Gusto ko lang sabihin sa inyo na sa susunod na buwan ay magkakaroon tayo ng field trip. So, tell your parents this early. Mamaya bibigyan ko kayo ng itinerary list ng mga pupuntahan natin. That's all and let's move on to our topic for today," wika ng homeroom adviser naming si Teacher Georgette.
Nanatili na lang akong nakikinig habang sinusubukang alisin sa isip ang tungkol kay Yves. Natapos ang morning class nang ganoon kabilis kaya naman tumayo na ako sa upuan ko para pumunta sa cafeteria. I heaved a sigh when I realized, my cousin is no longer here to accompany me during lunch time. Mag-isa na lang tuloy ang kakain tuwing tanghali.
"Jenna, what do you want for lunch? I'll buy it for you so you can sit on the table now," sambit ni Yves nang maabutan niya ako. Dagli naman akong napalingon sa kaniya para taasan siya ng kilay.
"Why would you do that?" naiinis kong asik sa kaniya.
"Huh? Para hindi ka na pumila. Ako na lang."
I rolled my eyes. May usok sa ilong ko habang nakatitig sa kaniya. "Inutusan ba kita? Hindi naman 'di ba? So get off!"
Padabog akong naglakad pauna sa kaniya. Bakit ba kasi dikit siya nang dikit sa akin? Gusto niya ba akong tuluyang mahulog sa kaniya? Bakit kailangan niya akong bilhan ng pagkain? Ayoko nga!
Mabuti naman at hindi niya na ako sinundan kaya naman ako na ang pumila para bumili ng pagkain ko. Iyon nga lang nang makarating ako sa cafeteria, sobrang haba na ng pila at napakatagal ng usad. Umiinit na naman ang ulo ko dahil sa pagkainip.
Gusto ko lang namang kumain dahil gutom na ako! I want that cheesy and meaty spaghetti!
At hindi ko alam na lalong magngingitngit ang mga ngipin ko nang makita si Yves na may dala na'ng tray dahil nakabili na siya ng pagkain. Nakakapanglumo. Sana pumayag na ako sa kaniya kanina. Kumakalam na talaga ang sikmura ko at gusto ko nang kumain.
Nabigla ako nang lumapit siya at nakita ko ang dalawang pinggan ng spaghetti sa tray niya.
"Come with me and eat."
I pouted when I followed him. Nakayuko akong parang batang sumusunod sa kaniya. Ganito na ba talaga ang kapalaran ko? Kailangan ko na ba siyang ituring na kuya na lang dahil tutal naman mas matanda siya sa akin ng tatlong taon? Hindi!
Palihim kong sinabunutan ang sarili ko na kung hindi ko siya nabangga ay hindi ko malalaman na tumigil na pala siya sa paglakad dahil nasa table na kami.
Lumingon siya sa akin na para bang nagpipigil ng inis. "Jenna."
Gusto kong umiyak. Bakit ganoon ang paraan niya ng pagtawag sa akin? Parang si Mael lang! Itinuturing niya ba akong nakababatang pinsan? Hindi! Ayoko! I object!
Hinawakan niya ang braso ko at pinaupo ako sa tabi niya. Ipinatong niya sa harap ko ang pinggan ng spaghetti pati na rin ang bottled of yogurt na paborito kong bilhin simula pa noong early years ng gradeschool.
"You need to listen to me from now on. Ismael is no longer here at ibinilin ka niya sa akin so you better be not a headache to me."
I felt my tears welled up in my eyes. Bakit ang cold niya? Ganito ba siya sa akin noon pa? Hindi naman, ah. Bakit tila ba roon sa mga salita niya, ipinapahiwatig niyang tigilan ko na ang nararamdaman ko sa kaniya dahil malaking kalokohan lang iyon? Dahil hindi kami pwede.
"Eat. Kailangan pa bang subuan kita? Bakit ang tigas ng ulo mo ngayon?"
Iniabot niya sa akin ang tinidor. Pati ang yogurt ay nilagyan niya na ng straw para sa akin. Bakit nasasaktan ako gayong inaasikaso lang naman niya ako? Hindi ba dapat maging masaya ako? Pero bakit hindi ko magawa?
Hindi ko na napigilang mapaluha. Ang babaw naman para umiyak ako, pero bakit ang sakit sakit sa puso? Pakiramdam ko, kailangan ko nang tuldukan ang matagal ko nang pagkagusto sa kaniya. Mas maganda palang wala na lang alam kaysa naman nasasaktan ako nang ganito.
"H-hey, are you crying?" May tono ng pag-aalala sa boses niya. "Why are you crying? Dahil ba nasabihan kita? You know na para lang din sa iyo ang sinabi ko."
"Tsk." Pinunasan ko ang mga luha ko at sinimulan na lang kumain. Ni isang beses ay hindi ko siya tiningnan. Wala na akong pakialam kung makita ako ng mga kaklase kong umiiyak habang kumakain. Kahit na magmukha akong tanga. Tutal, tanga naman talaga ako dahil nagkagusto ako sa pinsan ko. Nagkagusto ako kay Yves.
Nang makatapos kaming kumain ay nakasunod lamang ako sa kaniya habang papunta kami sa classroom. Para niya akong buntot. Sabi niya, sumunod ako sa kaniya, eh. Mamaya, ako pa ang maging dahilan ng pag-aaway nila ni Mael kapag nagpasaway ako.
Buong isang linggo kaming ganoon. Sinubukan ko talagang kalimutan ang nararamdaman ko para sa kaniya, pero bumabalik lang tuwing nagkakatagpo kami ng mga mata. Bakit ba siya ganoon makatingin sa akin? Delusional lang ba ako?
"Are you done? Let's go home," saad niya sabay kuha ng bag ko. Ganito siya palagi tuwing uwian. Umaastang nakatatanda kong kapatid. Hinahatid ako hanggang sa mansiyon.
"I told you I can hold my bag," sambit ko at hinawakan ang bag kong hindi niya pa rin binibitiwan. "Isa, ibigay mo na sa akin," pagsusumamo ko.
"Here we go again," inis niyang salita tsaka ako tinitigan nang masama. Kanina kung tingnan niya ako ay puno ng pag-aalaga, ngayon naman akala mo sasakmalin niya ako na parang leon.
Napansin kong wala na ang mga kaklase ko at tanging kaming dalawa na lang ang naiwan sa room.
"How many times do I have to tell you to behave?"
"Hindi mo naman ito kailangang gawin! Kung inihabilin ako sa 'yo ni Mael, eh 'di bantayan mo ako, pero hindi mo na kailangan pang umasta na parang siya!" sigaw ko. Napakagat ako sa labi. Hindi ko inaasahang masisigawan ko siya.
Totoo naman kasing ganito ang ginagawa sa akin ng pinsan kong si Mael. Masyado siyang protective, pero para gayahin niya? Lalo lang akong nasasaktan.
"Ano naman kung gawin ko ang mga ginagawa niya sa 'yo? Bakit ba parang inis na inis ka sa akin? Tinutulungan lang naman kita."
"Hindi ko kailangan ng tulong mo, Yves!" Marahas kong hinila ang bag ko mula sa kaniya na naging dahilan ng pagkasira nito. Pareho kaming nagulat at napatingin sa mga gamit kong nagkalat sa sahig.
Umupo siya para kunin iyon kahit hindi ko naman sinasabi.
"Isa, tigilan mo 'yan. I never told you to pick up my things," litanya ko. Tumingala siya kaya naman muling nagtagpo ang mga mata namin.
"You're always rejecting my help yet you always show like you need me," bulong niya sabay yukong muli para tapusin ang pagkuha ng mga gamit ko. Kumunot ang noo ko nang ilagay niya iyong lahat sa bag niya.
"Now, you don't have a choice but to go home with me, Jenna Levanier."
That voice, when he uttered my name...it sent shivers down my spine.
"Halika na."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top