6

TWITTER

🚬 🔒 @http.troy

Sarap uminom.

🚬 🔒 @http.troy

Ang hirap maging masaya. Parang may multiple choice yung mga taong dapat saktan pagtapos sumaya.

🚬 🔒 @http.troy

Kung gaano hindi sigurado si Ren sa buhay nya, ganun na din yata ako. Haha.

———

MESSENGER

Ren Narciso

09:00 AM

seb

nasa sororitea ako

Himala. Nag update ka na di ko tinatanong.

boring eh

may training pa pala to

mineet ako kanina ng boss ko

Talaga? Kamusta naman? Kailan ka magsisimula talaga?

ano

one week training then simula na

Part-time lang yan, diba?

Para kang nag-apply ng full-time.

kaya nga eh haha

pero ganun talaga

two years palang pala kasi tong café

tas gusto sguro ng boss naming walang palya

Ayos na rin. Ano balak mo?

Tuloy tuloy mo na yan hanggang pasukan?

di sguro

alam mo naman ako

pag nag aaral, gusto ko tutok

mahirap

De, try mo lang.

Para na rin may extra income ka. Tsaka di mo pa naman sigurado schedule mo sa college eh.

Saan ka ba papasok?

sa heaven

pwede ba dun?

Loko. Saan nga?

hindi ko alam seb

kahit dati pa naman, wala na talaga kong nakikitang pupuntahan ko

gusto ko lang mag aral para walang masabi sakin si mama

pero yung pang sarili ko

hindi ko talaga alam

'Di hindi ka magka-college?

magka-college pa rin

di ko pa nga lang alam kung anong kukunin kong program

Sabihan mo lang ako kung anong kailangan mo. Gawan natin paraan yan.

alam mo nagtataka na ko talaga sayo

bet mo ba ko ha?

sabihin mo lang

kasi di kita type haha jk

Feeling mo naman. Kapatid tingin ko sayo. Pamilya tayo diba? Kaya kita tinutulungan. Wag assumera pls. 😉
(🤣)

o bat defensive

nagtatanong lang eh haha

tsaka okay nang nagkakaintindihan tayong dalawa

alam mo namang ayoko sa tropa

mahalaga ka sakin

kaya kung masisira lang naman pagkakaibigan natin dahil sa relasyon

mas okay nang masira tayo ng maaga 

para di ko na kakailanganin mag overthink sa huli haha

———

TWITTER

🚬 🔒 @http.troy

Now playing: Be Mine by Akira x JL.

🚬 🔒 @http.troy

Kasalanan to ng ex mong feeling may tattoo sa dibdib eh.

———

Hoops 🏀

09:05 AM

Bakit ang hirap magmahal ng may mahal pang iba? @everyone

seen by everyone

Ang nag-seen, mamamatay.

Number 12, dahil wala ng ibang numbers

Tarantado!

Daig mo pa kasi asado siopao.

Alam mo namang ayaw sa tropa, tinropa mo.

Angelus in Disguise

Wag mo kaming idamay sa katangahan mo. 😇

May pa ganyang emoji ka pa, kala mo naman welcome ka sa tahanan ni Lord.

Angelus in Disguise

Bobo ba you? Hindi mo ba alam ako ang konsensya mo? 😇

Pinadala ako sa lupa para iumpog ka sa pader at magising ka sa kahunghangan mo. 😇

Travis not Scott

Sabi naman sayo, pre. Marami akong kakilala. Yun na lang. Wag mo na asahan yang aports mo. Sa susunod, man hater na yan. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.

The Hottie

Mga babae nga naman.

Loko. Alam nyo naman yung kay Renegine.

Shota nya nanloko, hindi sya.

Travis not Scott

Bobo

Angelus in Disguise

(2)

Number 12, dahil wala ng ibang number

(3)

The Hottie

(4)

Travis not Scott

Di ko naman sinabing nanloko aports mo. Magiging man hater sya dahil sya ang niloko. 

Kaya ka siguro di binibigyan ng lovelife kasi di mo magegets byahe ng mga babae.

Ano mapapayo nyo sakin?

Total mga feeling love guru naman kayong mga putangina ninyo.

Isa rin naman kayong binali-baliktad na mga taong gusto, di rin naman kayo gusto.

The Hottie

Dami mong satsat. Di lang talaga sila para sa amin.

Number 12, dahil wala ng ibang numbers

Tamo pag niloko yang mga yan, gagapang samin pabalik yan.

Travis not Scott

At kapag nandun na, tatanggapin pa ba namin sila? Malamang hindi.

The Hottie

Tama. Magsisi sila. Hindi yung palaging kami na lang mga lalaki ang mag-a-adjust.

Binigay na namin sa kanila lahat, pati katawan namin. Ano pang gusto nila?

Angelus in Disguise

Kadiri ka, @The Hottie. Gaya mo pa kami sayo.

Sa lahat naman ng tinutukoy nyo, yung akin lang naman ang matino. 😇

Sinong nagtanong? @Angelus in Disguise
(🤣3)

Travis not Scott

Sino nagtanong? (2)

Number 12, dahil wala ng ibang numbers

Sino nagtanong? (3)

The Hottie

Sino nagtanong? (4)

Angelus in Disguise

Lul. Mga inggit.

Wag sana kayong sagutin ng mga babae nyo.

Angelus in Disguise left the group.

Luh, pikon. Hahahahaha.

Number 12, dahil wala ng ibang numbers

Tangina nyo kasi hahahahahah

Pag umiyak yun hahahahahaha

Travis not Scott

Yaan mo yon.

Wala naman kasi talagang nagtatanong hahaha.

The Hottie

Kinuha na ulit sya ni Lord. Tapos na ang misyon nya sa lupa.
(🤣3)

Chat nyo. Sabihin nyo, ihuhulog sya sa impyerno pag di sya bumalik.

Travis not Scott

Mamaya na. Ikaw, pre @Shupapi Monloko. Sabihan mo lang ako, pakikilala kita sa mga kakilala ko.

Di na. Lumabas pa akong paasa.

Ako pa naman yung may malinis na record satin, dudumihan ko pa ba?

The Hottie

Gumugusto ka rin naman.

Porket kahit di ka mag react, pinipilahan ka ng madla.

Well 🤷🏻

Dapat sakin yang nickname mo, Dion eh.

Fake hottie ka naman.

The Hottie

Kbye. Meet ko muna fwb ko.

Papasarap muna ako.

Di tulad ng isa dyan, hopeless romantic.
(🖕🏻)

Travis not Scott

Ayusin mo. Wag mong ipapahiya lahi natin.

Ikaw @Shupapi Monloko stay tanga.

🖕🏻🖕🏻🖕🏻🖕🏻🖕🏻

———

FACEBOOK

Troy Desamero
Just Now • 🌍

Ang lahat ng hinahanap mo
Ay ibibigay sayo
Para lang sayo
Baby, give us a chance

Like | Comment | Share
Dion Falcon and 30 others reacted to this post.

Travis Alcachupas

Puro parinig. Tag mo na.

Dion Falcon
Asadong siopao for sale.
Issue: Panis na kakaparinig.

Angelus dela Cruz

Wag ka sana sagutin.
   | Troy Desamero
    Ulol. Pikon ka naman.

Jevian Canturna

Paki-tag kung matapang.

———

TWITTER

🚬 🔒 @http.troy

Darating din tayo dyan.

🚬 🔒 @http.troy

Duty muna tayo habang busy pa sya.

———

MESSENGER

Ren Narciso

05:00 PM

seb

baka may ipapakilala na ko sayo ulit

Luh?

Agad-agad?

Saan mo nakilala?

char

untouchable eh

zeicaro yung pangalan

kasama kong part-timer

pero ang pogiiiii

ang putiii

finollow ko nga sa ig kasi wala pala syang fb haha

Crush mo?

oum hehe

Kinikilig pa nga.

Paano?

tinuruan ako kanina magtimpla ng milktea

gusto ko kasi sana maging delivery woman na lang kaso nga lang si Haze na

okay na rin hihihi

at least kasama ko sya sa trabaho hahaha

Barista rin?

oo

———

TWITTER

🚬 🔒 @http.troy

Naloko na.

🚬 🔒 @http.troy

Mukhang tatambay ako palagi rito hanggang matapos summer ah.

🚬 🔒 @http.troy

Putspa. Pasara na kayo, Sororitea Café kung ganto lang naman.

🚬 🔒 @http.troy

Tsaka ang bantot ng pangalan. Zeicaro amp. Huntingin kita.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top