5
MESSENGER
Jenelle Figueroa
11:55 AM
nelle
ano nga yung sabi nila tungkol sa babae kapag nakakamove on na?
Wdym?
yung ano… sa haircut yata yon
Wait . . .
OMGGGGG
Wag mo sabihing?!?!?
surprays lol
HALAAAAAAAAAA
ASAN SIIIIII REN?!?!?! ANO GINQWA MOOO SA KANYAAAAA
BAGAY SAYOOOOO BIIIIII
well
ako na to eh
PAGBIBIGYAAAAN KITA TODAYYYY PERO SHUCKSSSS
ANYAREEEE?
ANONG PUMASOK SA ISIPPP MOOO AT MINURDER MOOO ANG HAIRLALUUUU MOOO?
idk
new life, ig
GOSH!
Sana nung nakaraan mo pa binlock si Caliya para matagal mo nang ginawa to!
duh as if ang daling mag move on
STILL!
ANG GANDAAAAA!
Sino kasama mo nagpa hair cut???
sastroy
nag apply kasi ako sa sororitea café
sinamahan nya ko
*WHISTLES* WITWIIIIIW
IBA NA YAAAAN
Ansabiiii nya sa hair mo?
naangasan
gwapo na ang ganda raw hahaha
IT GIVES!!!!
GINULAT MO ANG PAGKATAO KOOOO
LULUHURAAAN, MAMAHALIN, PAGSISILBIHAN, PAKAKASALAN
(🤣)
MAGSISIIII SI RUSTAAAAN PAG NAKITA KAAAA HAHAHAHAHQHA
di ko na kasalanang makati sya
ayos ba?
SUPERRRR
Magkasama pa ba kayo ni Troy? Pansin ko lang ah. Lagi na lang kayong nagbabonding nyan. Ano ba talaga?
Kung ako yan, mapapatanong na kong "what are we?"
kaso di ako ikaw haha
sawang sawa na nga ko sa pagmumukha nya
Siya hindi nagsasawa sayo hihi
Pero on a serious note, very proud ako sayo girl kasi finally!!!
DI KA NA TANGA HAHAHAHAHAH
(😠)
true naman
at least di na ako tanga
pero ikaw hopia ka pa rin haha
(😠)
Wow, gantihan?
ikaw nanguna 😌
Haynako, lakas talaga ng amats mo
Pero dahil dyan, ichichika ko yan sa mga girlfriends natin at ang tagal na nating hindi nag uusap hahahaha
–––
4TH POWER 🔥
12:05 PM
Dolly Diaz
good evening mga biiii🥰 sino yung nabalitaan kong tapos na maging tanga?
Masha Jormigos
hmm seryoso na ba yan, bebs? @Ren Narciso
yes mga bebs haha final na
kakasawa makipagplastikan e
ito the new life tayo
Jenelle Figueroa
Super happy ko talaga mga teh.
Ako na lang talaga hopia sa pamilyang to.
Masha Jormigos
hmm deserve mo naman ang maka move on, bebs buti na lang sumagi sa isip mo
kaurat lang talaga si caliya
ayun napilitan ako
char
pero i got a new haircut na rin, mga bebs
Dolly Diaz
ishot na natin yaaaaan cuz that calls for a celebration 🥳
sige walang problema
sa unang sweldo ko
Dolly Diaz
sweldo? san biiii? may trabaho ka na?
oum part-time barista sa Sororitea Café
Masha Jormigos
yan ba yung milktea shop, bebs?
yes poooo
punta kayo haaa
wag papalibre pls lang
kakapasok ko lang
baka matanggal ako agad haha
Jenelle Figueroa
No problem yan, mga teh. Ako bahala satin ngayon hahaha.
naks iba ang hopia
Jenelle Figueroa
Baliw. Dahil lang yan sa nag move on ka. Kaya pag di na ako hopia, ikaw naman manglilibre. ^____^
(🤣3)
o sya cyl
Masha Jormigos
hmm sige bebs bye
(♥️)
–––
Troy Desamero
12:10 PM
sure ka bang hihintayin mo ko?
baka mamaya pa to
Oo naman. Walang problema yan.
nagulat ako natanggap ako agad haha
Baka desperado na sila makahanap ng barista kaya ka tinanggap agad.
ganyanan? 🙂
Hahahaha biro lang. Pikon agad. Sige na, galingan mo.
thanks
(♥️)
———
TWITTER
damnation 🔒 @notrendamn
another episode of a day in my life as a soon college student nakakapagod pala lol
damnation 🔒 @notrendamn
tama yata si troy napilitan lang yata ako tanggapin kasi wala ng iba
damnation 🔒 @notrendamn
pero aaminin ko nakaka enjoy tong trabaho ko feeling ko marami akong makikilalang bagong tao
———
MESSENGER
• SORORITEA OFFICIAL •
01:00 PM
Riggs Jaxon Monteverde added you to the group.
Patricia Joanna
Welcome to Sororitea Fam! ✨
Riggs Jaxon
I hope you'll enjoy your stay here, Ren.
Haze
Welcome to Sororitea!
Andres
Welcome!
thank you po sa inyo. 🙂
Quierxie
Hiii, welcome to the fam!
–––
• #SororiteaFam •
01:05 PM
Patricia Joanna Jimenez added you to the group.
Patricia Joanna
Welcome sa bagong alay!
Don't be shy samin, @Ren, ha? Makapal mukha naming lahat dito.
thanks, miss patch
Patricia Joanna
Ang prim and proper naman ng miss. Patch na lang.
haha okay patch
uhm, kelan po ba ako magsisimula?
Quierxie
↪️ replied to Patricia Joanna:
Parang ikaw lang ang makapal mukha rito satin, Patch.
Dejk hahahahahahuhuhuhu.
Andres
Jokes on both of you. @Patricia Joanna @Quierxie
———
TWITTER
damnation 🔒 @notrendamn
hindi ko alam mararamdaman ko
damnation 🔒 @notrendamn
first time dumami ng gc sa messenger ko
damnation 🔒 @notrendamn
makapagsalita no? dalawa lang naman pero medyo exciting na nakakakaba sana tama timpla ko
———
MESSENGER
Troy Desamero
03:00 PM
Gawa mo?
nagbabasa ng bardagulan ng mga kasama ko
Ayie. May trabaho na sya. Work girl na tawag sayo nyan?
kinginang yan
tunog pa walk
Adik hahaha. Kelan ka magsisimula?
pag may puti ng uwak
Loko.
di ko rin alam
baka next week pa
tho nasa gc na ko pero kasi diba?
sabi ni sir riggs kanina aayusin pa schedules namin
Ah, sige.
ano nagsawa ka na rin sa mukha ko?
ano nahanap mong part-time?
kala ko dalawa tayo rito sa sororitea?
Luh. Baka nagsawa. Gusto nga kita ayain mag-streetfoods kaso baka sawa ka na sa pagmumukha ko.
Computer shop. Tagal ko na gustong masubukan magtrabaho rito.
ay buti nakaramdam ka
kasi oo sawang sawa na ko
parang walang araw na di tayo nagkikita shuta
Sama mo hahaha.
pero bakit sa computer shop? iba rin trip mo no
Para lang maiba.
Ang cliché na sa mga convenience store or café mag-part-time eh.
kung maka adik ka sakin
ikaw pala tong adik
ang lakas ng tama mo seb
san ka ba pinaglihi ni tita?
Di ko nga rin alam. Baka may nainom na masamang gamot dati nung pinagbubuntis ako. Di lang nahuli.
(🤣)
gago hahahahahaha
ewan ko sayo
tulog muna ko
antok na antok ako kaka review
Sus, sino ba kasi nagsabing reviewhin mo yung para sa DOST scholarship para lang ibigay sa dati mong bff na inagaw jowa mo?
kailangan kumpleto?
sa ganun talaga
mapagbigay ako eh
Wala akong mapapala sayo. Matulog ka na. Night.
(👍🏻)
———
MESSENGER
• SORORITEA OFFICIAL •
08:00 PM
Riggs Jaxon
@Ren, pwede ka bang pumunta bukas sa café? Kakausapin lang kita tungkol sa training mo pati na rin sa magiging schedule mo.
hello po, sir
opo, pwede po
Riggs Jaxon
Please don't be late. I'm very particular with the time as I do have other appointments after you. I hope you understand.
noted po
thank you
(👍🏻)
———
TWITTER
damnation 🔒 @notrendamn
bat parang mas may bato pa sakin
damnation 🔒 @notrendamn
pogi ni sir kaso parang ang hirap maging (opin)ionated sa kanya
———
MESSENGER
• #SororiteaFam •
08:10 PM
hello po, question lang
ganon po ba talaga kasungit si sir riggs?
Quierxie
Omgggg, mukhang nasampulan ka na, bhie.
Pero yes, ganun talaga sya.
Kaya nga may gc tayo na para satin lang para hindi tayo maambunan ng pagka masungit nya hahahaha!
napa awts gege kasi ako pagkabasa ko teh
(🤣)
Quierxie
Huwag ka lang talaga papalate, bhie hahahaha.
Mahigpit siya sa time management eh. Gusto plantsado lahat.
luh paano pala if biglang sumakit tyan ko in the middle of brewing?
malalagot pa rin ako?
Quierxie
Maybe, pero hindi pa naman namin nararanasan yan kaya wag mong i-manifest hahaha.
pogi pa naman sana
kaso dahil sa pagka masungit
parang naging visible ang wrinkles nya
Haze
Sir Riggs is a kind man naman.
Though not approachable looking.
But overall, he's good at his work.
ay nag critique
pero salamat sa info
mukhang sa oras lang talaga sya mahigpit
daig pa si Kronos
(🤣2)
Haze
Tell him that and he'll faint.
(🤣)
Patricia Joanna
Anong meron, mga bata at ang iingay nyo?
napatanong lang, patch if masungit ba talaga si sir riggs
may meeting kasi ako sa kanya bukas regarding sa training at schedule ko
Patricia Joanna
Ah, si Riggs? Ayos naman yon. Kapatid ni Satanas.
(🤣3)
Quierxie
Bat parang mas malala description mo, Patch?
Ginawa mo namang 666 si sir. Hahahaha!
Patricia Joanna
Pwera biro, 30 minutes sa napag-usapan ninyong time, dapat nandun ka na para hindi ka ma-late. At least, sigurado nang hindi ka sabit kaysa on time pero di mo sure mas bet pala niya ang mas maaga.
in short, magulo ang buhay ni sir
nadamay lang ako
este tayo
Quierxie
LT!! Hahahaha
Good luck na lang sayo bukas, Ren
May the Gods be in your favor
paano pag hindi? 😳
Haze
Bye, Earth.
(🤣5)
———
TWITTER
damnation 🔒 @notrendamn
para akong baliw kakatawa dito hahahahahaha kakatuwa mga makakasama ko sa trabaho
damnation 🔒 @notrendamn
medyo pang masa naman pala yung ugali ko
damnation 🔒 @notrendamn
pero shems ibig sabihin ba nito makakamit ko na ang summer romance na gusto ko???
damnation 🔒 @notrendamn
abangan…
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top