1
damnation 🔒 @notrendamn
i demand from the universe that i deserve a summer romance looool
damnation 🔒 @notrendamn
yung buhay ko ngayong summer, halatang walang patutunguhan
damnation 🔒 @notrendamn
sabi nila, be careful raw of what you wish for dahil baka magkatotoo kaya i wish for a romance this summer hahahahahaha k
———
MESSENGER
Troy Desamero
05:06 AM
Gising ka na or hindi ka pa natulog?
both
aga mong mambulabog
May nabubulabog bang gising pa naman? Tulog na, anong oras na.
oras na para bumili ka ng sarili mong relo
wala ka ba non?
or common sense ang wala ka?
Sa dami nang sinabi mo, puro naman walang sense.
Tara, lugaw.
Alam kong bored na bored ka na sa buhay mo.
luh paano mo alam?
stalker ka no?
Nakalimutan mo yatang mutual tayo sa private twitter mo.
Summer romance pala, ha.
Magpapasukan na, anong balak mong gawin sa college?
———
damnation 🔒 @notrendamn
di pala safe ditey
damnation 🔒 @notrendamn
kaya ayokong kaibiganin to napaka pakialamero
———
MESSENGER
Troy Desamero
05:15 AM
tanga blocked ka na
tsaka pwede ba, seb?
hindi lahat ng post dapat nilalagyan ng ibig sabihin
di ba pwedeng sarsisim lang?
bawal mag shit post?
Sus, shit post daw. Kung nabi-bitter ka sa pinalit sayo ng ex mo, mas matino ka naman tingnan dun.
matino lang? 🤔
Oo, huwag ka na maghanap pa ng ibang compliments. Hanggang dun ka lang.
kbye.
You blocked Troy Desamero's Messenger
You can't call or message them in this chat, and you won't receive their messages or calls.
———
damnation 🔒 @notrendamn
wag pala maghanap ah yan blocked ka ulit
damnation 🔒 @notrendamn
kaso shit… yung lugaw pala
———
MESSENGER
Troy Desamero
05:30 AM
Oh, bakit mo ako inunblock? Block mo ulit ako.
ewan ko sayo
dali na lugaw tayo
Tsk. Hayok talaga sa pagkain.
kaysa naman sayo…
Ano? Tuloy mo.
wala dali na
Papunta na. Bumaba ka na agad ha. Dyan lang tayo sa kanto, baka magpaganda ka pa.
🖕🏻
Totoo naman.
k
masaya ka na?
pwede ka na bang pumunta rito?
Hahahaha. Pikon. 🤣
Labas na. Pasalamat ka, malakas ka saken.
thank you
Luh, nagpasalamat nga.
———
damnation 🔒 @notrendamn
sabi magpasalamat edi nagpasalamat madali akong kausap
damnation 🔒 @notrendamn
nakakapangsisi siyang kaibigan at times na napipikon ako
damnation 🔒 @notrendamn
pero mas matimbang pa rin ang pagkain kaya sige… hindi ako nagsisisi ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top