Chapter 9
Chapter 9
Hindi ko na nagawang mag salita pa. He's very serious that made my heart beat even faster. I'm fucking nervous and I don't even know why!
Iginaya niya ako kung saan naka-park ang kanyang motor at agad na isinuot sa akin ang helmet. Nakasimangot naman akong tumingin sa kanya, madilim ang kanyang ekspresyon kaya't umiwas na lamang ako ng tingin.
Nang makasakay siya ay sumakay na rin ako, mabuti na lang at hindi gaanong maikli ang skirt ko ngayon.
Mabilis ang kanyang patakbo kaya't hindi ko naiwasan ang kumapit sa kanya, halos payakap na nga dahil sa bilis nya!
Lalo lang tuloy akong kinakabahan. Bakit ba kasi niya gustong makipag usap? At ano bang gusto niyang reply ko sa text at tawag nya?
"Baba," sambit niya kaya't agad akong napabitaw sa kanya at bumaba.
Narito kami sa labas ng isang kilalang restaurant. Napairap pa ako bago lalong sumimangot sa kanya. Bakit kailangang dito pa kami mag usap?
"Let's go Veronica," hindi ko alam kung guni guni ko ba iyon o sadyang maotoridad ang kanyang pag sasalita ngayon. Tila ba hindi siya papayag na hindi ako o ang kahit na sino na sumunod sa kanya.
"What do you want to talk about? And why here?" inis na sambit ko.
Tiim ang bagang niya akong tiningnan. Kumalabog ang puso ko, hindi ko rin maintindihan kung bakit.
"Sa loob tayo mag usap," sambit niyang muli. Umirap ako at sumunod na lamang sa kanya nang igaya niya ako papasok hanggang paupo sa aming lamesa.
Siya ang umorder ng pagkain namin nang hindi ako mag salita matapos niya akong tanungin kung ano ang gusto kong kainin.
Irap lang ako ng irap sa kanya at siya naman ay walang imik na nakatitig lang sa akin. What is his problem?
"Let's eat. After this we'll talk," sambit niya nang maihatid na ang aming pagkain. Hindi na ako kumontra.
"Isn't this too expensive Lucas? Baka maubos ang budget mo rito," nahihiyang sambit ko. Driver siya ni Samantha at baka maubos ang pera niya para lang dito.
"I saved enough money for this Veronica. Now eat," malalim na sambit niya. Hindi ko na nagawang umarte pa, kumain kami nang tahimik at hindi nag papansinan kahit pa panay naman ang tingin sa isa't isa.
This is awkward!
Hindi na ako umimik pa, hinayaan kong matapos kami kumain nang hindi man lang nag uusap. Kanina pa ang bilis at ang lakas ng tibok nang puso ko, talo ko pa ang nag marathon sa sobrang kalabog nito.
Tahimik kami kahit nang igaya niya ako papuntang exit sa gilid ng restaurant. Pinaupo niya ako sa maliit na upuan dito sa magandang garden, hindi ko ito napansin kanina pag dating namin dahil dumiretso kami sa entrance ng restaurant.
Nakatayo siya habang tinatanaw akong nakaupo sa upuan. Hindi padin ako umiimik, I don't even know what to say!
He bent over to face me, now looking at me with frustrated and questioning eyes, "Are you mad?" halos bulong na lamang iyon. Parang may kung ano ang dumaan sa aking pakiramdam nang titigan ko siya pabalik.
"You didn't reply on any of my messages, hindi mo rin sinasagot ang tawag ko. Tuwing pupunta ako sa office nyo nakakaalis ka na. What is it? Why are you mad?"
I'm not mad! I'm embarrassed and shock.
"Okay fine I get it. Please I'm sorry don't be mad at me anymore," he chuckled without humor. I bit my lower lip to contain myself from reacting.
He looked at me, naninimbang at tila nananantya kung galit ba ako o hindi.
"I'm not mad," maliit ang boses na sambit ko matapos siyang makatitigan.
He raised his eyebrows waiting for me to continue.
"I-I'm embarrassed and shock," umiwas ako nang tingin sa kanya at halos mapapikit na sa kahihiyan. Narinig ko ang kanyang tikhim sa aking harap kaya lumingon ako sa kanya.
Nakatayo na siya ngayon biting his lower lip to hide his smile. Umirap ako at tumayo, mag wa-walkout na sa labis na kahihiyan!
"Hey wait. Please come here," marahang sambit niya habang hawak ako sa aking palapulsuhan. Iniharap niya ako sa kanya at muling nag seryoso. Umirap akong muli dahil sa inis sa kanya.
"Stop joking around Lucas. I won't date you," pagalit na sambit ko nang hindi niya nanaman mapigilan ang pag ngiti! Nakakainis, pinaglololoko ata ako nang lalaking ito!
Nakakainis dahil matapos nya sabihing gusto nya akong yayain sa date ay hindi man lang siya nahiya sa akin! Lalo pang dumami ang text niya at tawag, pati ang pag punta punta niya sa office ay hindi ko rin mapalampas. Kung hindi ako laging nakakaaalis ng mas maaga ay makikita ko siya doon na nag aantay habang nakatago lang ako.
"Why? Do you still think about your ex?" seryosong tanong niya. Lalo lamang kumunot ang aking mukha.
"What? Of course not!" I hissed. His expression is full of sarcasm.
"Really? Why does it looks like you still can't get over him? Umaasa ka na mag kakabalikan kayo?" mariing tanong niya.
Umirap ako sa kanya. What the hell is he thinking? I'm not even bothered about Xavier right now. I mean I know I still have feelings for him but I already accept that we're not meant for each other.
"And so? Ano naman pakealam mo?" mataray na hamon ko sa kanya. Tiim ang bagang niya akong tinitigan. Bigla akong nakaramdam nang takot pero hindi ko iyon ipinakita.
"Right, shempre umaasa ka parin sa inyo. You love him so much," he said. Tumayo siya nang maayos at iginaya na akong paalis doon, "Let's go," anyaya niya pauwi.
I bit my lower lip as I walk beside him. He's too quite. Naiinis ako sa asta niya kanina pero nagu-guilty ako ngayon sa hindi ko malamang dahilan.
Kapit niya ang aking kamay habang tahimik kaming bumabalik sa kanyang motor. Isinuot niya sa akin ang helmet at inalalayan akong sumakay sa motor. Umalis rin kami agad at tahimik parin hanggang makarating sa apartment.
Bumaba ako at tinanggal ang helmet, siya naman ay nanatili lamang roon habang tinitingnan akong gawin iyon. I handed him the helmet and sighed. He's too quite, lalo akong nagu-guilty!
Nag iwas na siya nang tingin at paalis na nang pinigil ko. Hawak ang kanyang brasong halatado namang hindi relaxed, tumingin siya sa akin nang may madilim na ekspresyon. Abot abot ang aking kaba ngunit hindi na ako nag paapekto pa.
"Sorry hindi ko sinasadya," nahihiyang sambit ko. Tinanggal niya ang helmet niya at tiningnan ako nang naguguluhan.
"Hindi ko naman sya iniisip at uh, hindi ko na rin gustong makipag balikan sa kanya. Sorry naiinis lang ako sayo kasi nang aasar ka. Wag ka na magalit," agad akong pinamulahan ng mukha nang halos mag tunog lambing ang aking boses sa rahan noon.
"Pumasok ka na sa loobm" malalim ang boses niyang sambit.
Hindi ako umalis o kumilos man lang. Nanatili akong nakatayo sa gilid niya habang siya nakasakay sa kanyang motor.
Nakayuko para itago ang naluluha kong mga mata. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Pakiramdam ko ay nalulungkot ako na galit siya sa akin. Pakiramdam ko mawawalan ako nang kakampi kapag nagalit siya sa akin.
Ilang beses pa lang kaming nag kakasama at halos lahat pa roon ay yung nag aantay ako kay Xavier sa meeting nila kasama si Samantha. Si Lucas ang lagi kong nakakasama kahit pa duon lang kami at tahimik na nag uusap, he somehow made me feel comfortable. He stopped me from overthinking. Kaya ngayon na ganito siya, parang galit ay naiiyak na ako.
He sighed. Ang kamay kong nakatago sa aking likod ay kumukurot sa aking sarili para hindi mapag-tuunan nang pansin ang pagiging emosyonal ko ngayon.
"I'm not mad, please go inside it's late. I'll call you when I'm home," marahang sambit niya nang iharap niya ako sa kanya. Tiim bagang niyang pinunasan ang gilid ng aking mga mata.
Tumango na lamang ako at tumalikod na sa kanya para makapasok na.
"Please answer my call," hindi na ako lumingon pa. Diretso ang pasok ko hanggang sa apartment. Agad din akong nag kulong sa kwarto at nakatulala.
Nang mag text siya at nag sabing nakauwi na at may aayusin lang bago tumawag ay tsaka pa lamang ako nag pasya na mag ayos ng sarili.
Matapos ang lahat ay saktong tumawag siya. Nag dadalawang isip pa ako nung una kung sasagutin ko ba pero sa huli ay sinagot ko din.
Hindi ko na namalayan ang oras maging ang pag tulog. Basta't sumunod na araw ay nag aantay na siya sa labas ng apartment para ihatid ako sa trabaho. Kapag out naman sa office ay naroon na rin siya agad para ihatid ako pauwi.
Buong linggong ganoon ang set up namin. Minsan ay kumakain kami sa labas, minsan naman ay nag luluto na lang ako sa apartment.
I don't know what's going on with us but I don't want to rush anything. He just said he wants to date me and I'm fine with that. Ayaw ko pa munang higit pa roon dahil masyado pa namang maaga para roon.
Naging mas magaan ang loob namin sa isa't isa. At masaya ako roon. I never felt lonely kahit pa minsan ay namimiss ko ang bestfriend kong naextend pa sa ibang bansa.
-
Ngayon ang alis ko papuntang conference. Kasama ko si Lucas, ihahatid niya ako sa batanggas. Noong una ay ayaw ko pang pumayag pero kalaunan ay ayos na rin.
"Lucas, hindi ka ba sisisantehin ni Samantha nyan?" tanong kong bigla sa kanya.
He just chuckled and shook his head.
"Mabait ba sya? I'm just curious, paano ba sya maging amo?" natatawang tanong ko.
"Are you fishing information so you could do something about you and your ex?" biglang inis na tanong niya. Sumimangot naman ako at bumaling sa kanya.
Inirapan ko siya at kinurot pa sa tagiliran.
"Hindi! Nacucurious lang ako sa ugali nya sa iba kasi ang sama nya sakin!"
Matalim pa rin ang tingin sa akin ni Lucas. Lalo naman aking sumimangot sa kanya.
"Fine I won't ask!" umayos akong muli sa aking pagkakaupo at bumaling sa bintana ng sasakyan.
Nagulat pa nga ako kanina nang sunduin niya ako sa apartment at kotse ang dala niya.
"Hindi ka ba pagagalitan na dala mo itong sasakyan? Baka malaman ni Samantha at mawalan ka ng trabaho," baling ko sa kanya.
Ngumiti siya at umiling. Minsan pa ay natatawa tawa. I pouted and look at the window again.
Inaantok ako nang muli akong bumaling kay Lucas. Seryoso siyang habang nag mamaneho. Mas guwapo talaga siya kung seryoso. Ngumiti ako kahit na inaantok na. Bumaling siya sa akin saglit tsaka ibinalik ang tingin sa daan.
"You're sleepy, you should sleep."
Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan lang habang nag mamaneho. Sumilay ang maliit na ngiti sa aking mukha tsaka pa lang nag pasyang matulog.
Nagising na lang ako sa isang marahang kamay sa aking pisngi.
"Good morning. Ayaw sana kita gisingin pero kailangan mong mag almusal," ngumiti siya sa akin. Umayos naman ako ng upo.
"Goodmorning, nasan na tayo?" tanong ko sa kanya.
Inabutan niya ako ng pagkain galing sa isang fastfood. Siguro'y nag drive thru siya habang natutulog ako.
"Malapit na tayo. Kain na," nang mag simula akong kumain ay nag maneho na siyang muli.
Tahimik naman ako nang ialok sa kanya ang isang subo ng pag kain. Gulat pa syang napabaling sa akin saglit bago bumalik sa daan.
"Dali na Lucas. Hindi ako kakain kung 'di ka din kakain," sambit ko nang umiling siya kaya wala na siyang magawa kundi kainin ang isinusubo ko sa kanya. Hindi na rin nag tagal at narating namin ang resort.
Dala niya ang gamit ko, may dala rin siyang bag niya dahil mananatili rin siya dito.
Sinalubong ako ng isang staff sa company na kasama sa nag asikaso ng event na ito at binigay sa akin ang key card ng aking kwarto. Niyayaya nya pa ako agad kaya't itinuro ko si Lucas na tahimik lang na nag aantay sa akin sa gilid.
"Ms. Marisa may kasama kasi ako, samahan ko lang saglit para makapag book siya ng room nya tapos proceed na ako room ko. 12:30 ang start ng event right?"
Bakas ang gulat sa kanya at medyo nahihiya pang tumango. Umalis na siya kaya't lumapit na ako kay Lucas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top