Chapter 8
Chapter 8
I broke up with Xavier and it hurt me. It hurts admitting to myself that I'm so wrong for letting myself indulge my feelings too much. Dapat ay hindi ko na pinag-bigyan pa ang aking sarili. Masyado lang akong nalunod at ngayon ay nahihirapan nang umahon.
I should have known that this wouldn't do anything good in me. I should have known that choosing what my heart desires means hurting us three. Yes, it somehow made me happy but then, it also hurt me more than I deserve.
"You don't have to look at me like that Veronica," he said after a while.
Agad akong nag iwas ng tingin sa kanya. Baka kung ano ang isipin niya dahil sa tagal ng titig ko sa kanya. I sighed and then glanced at him again. He looks exhausted, I felt like he had some problems.
"What's bothering you?" I asked. Secretly pinching myself for not being able to stop asking him.
He looked at me and smiled a little though it is obvious that he is faking it. I glanced at the beautiful sea in front of us as I've decided to tell him about me and Xav so it would be easy for him to open up with me.
"You know, I broke up with Xav. Kanina lang," I bit my lower lip as I heard him sigh.
"Did he hurt you?" Malalim ang boses niya nang mag tanong.
I didn't bother to look at him since I don't want him to know that I'm about to cry. Nakakainis nga at kung kailang hindi ako dapat umiyak ay tsaka naman gustong kumawala ng aking mga luha. Habang kanina lang na nasa bahay at nag mumukmok ay halos hirap ang kahit na anong luha sa pag patak.
"Did he hurt me? Well he did," I chuckled. Bahagya kong nasulyapan ang pag ayos niya ng upo, mas nakatuon ang pansin sa akin ngayon.
Hindi ko alam kung bakit kahit na gusto kong itigil ang pag sasalita ay may magandang pakiramdam akong nararamdaman ngayong nakikinig si Lucas sa akin.
"But I hurt myself more. Actually maybe the truth is he never really hurt me. Ako ang nanakit sa sarili ko noong una pa lang dahil alam ko naman na hindi niya ako mahal pero ipinilit ko padin. Sinubukan ko parin," agad ang pag palis ko ng aking luha sa hiya na baka makita iyon ni Lucas.
"You really love him that much," mahinang kumento niya.
"Siguro nga. Kasi kung hindi, siguro wala ako sa sitwasyon ko ngayon. Kung hindi ko mahal si Xavier hindi siguro ako sobrang nasasaktan ng ganito."
Tiningala ko ang langit, sa tahimik na gabi at sa ilalim ng kumikislap na mga bituin habang dinadama ko ang bawat malalamig na simoy nang hangin ay unti unti kong naramdaman ang sakit na may pag tanggap na may mga pag ibig katulad nang sa akin na hindi kailanman masusuklian.
"I don't get why you love that guy so much you'd let him hurt you so bad."
Muli kong pinahid ang natirang mga luha. Bumaling ako sa kanya at ngumiti ng bahagaya, "Nag mahal ka na ba Lucas?"
A little curve showed on his lips, "What do you think?" he asked playfully.
"Hindi pa. Dahil kung nag mahal ka na hindi mo na ako tatanungin kung bakit ko ba minahal si Xavier," raas kilay na sagot ko sa kanya.
He bit his lower lip and shook his head. May ilang bulong pa siyang sinabi ngunit hindi ko na inalam pa.
Lord, kung hindi mo gustong mahalin ako pabalik ni Xavier ay hindi ko na po ipipilit. Mag titiwala po ako sa plano mo. Nanamnamin ko itong sakit na nararamdaman ko ngayon para kapag ibinigay mo na iyong para sa akin ay mas matibay na ako at handa na ako.
"You always look fascinated with the stars and the moon," mahinang sambit niya. I nodded.
"They're comforting, I felt safe whenever I look at them. It gives me peace and courage," I explained.
"They felt lonely too," he whispered. I couldn't say anything, may kung ano sa mata niyang nag sasabi na malungkot siya kahit na bahagya siyang tumawa.
Pumikit siya at tila dinadama ang malamig na ihip ng hangin.
We stayed silent. I let myself feel the peaceful night, I know I shouldn't ask dahil kung gusto niyang pag usapan ang problema niya ay siya na mismo ang mag sasabi noon. Siguro kaya niya ako sinama ay para lang hindi siya mag isa at kung ang pananahimik rito ay ang makakatulong sa kanya ay gagawin ko.
Niyakap ko na lamang ang aking tuhod habang pasimple siyang pinag mamasdan.
Mula nang mag kausap kami at makilala ko siya kahit paano ay naging magaan ang loob ko sa kanya. Lalo pa at tuwing wala akong nakakausap habang abala si Xavier ay nariyan siya para kausapin ako at siguraduhing ayos lang ako.
I met his stare the moment he opened his eyes. I smiled at him, hoping I could make him feel better even with that.
"Let's go home," he whispered. Tumango naman ako at tahimik na tinanggap ang kamay niyang nakalahad sa akin para makatayo katulad niya.
Tahimik pa rin kaming bumalik sa kanyang motor hanggang sa makarating sa apartment. I'm not sure if he feels better now but I hope he is.
Humarap ako sa kanya bago pa man makapasok sa gate, nakatayo siya sa tabi ng kanyang motor inaantay na makapasok ako.
I bit my lower lip as I let myself hug him, "I don't know what's going on, if you have problem or what but I hope you feel better now. Good night," bulong ko tsaka agad na bumitaw sa yakap at tumalikod sa kanya.
"I'm sorry," bulong niya habang yakap ako matapos niya akong marahang hilahin pabalik sa kanya, "Thank you," sambit niya tsaka bumitaw sa yakap.
Ramdam ko naman ang matinding pamumula ng aking mukha, dahil siguro sa gulat sa pag yakap niya pati na rin sa kahihiyan. I don't know!
I almost run just so I could hide myself from him. Hindi ko na nagawang mag paalam pa o di kaya ay ang lumingon, basta na lamang akong pumasok sa bahay at sinara ang pintuan tsaka pa lamang nakahinga ng maluwag.
What the hell is that? Nakakahiya. Bakit ko ba kasi siya niyakap? At bakit ako nag mamadaling pumasok dito? Baka isipin niyang napilitan lang akong gawin iyon para mapagaan ang loob nya! Baka lalo lang bumigat ang pakiramdam nya! I groaned because of frustration for myself. Baka imbis na makatulong ako sa kanya ay kung ano ano pa ang isipin niya.
I sighed when I received a message from him.
Lucas:
I'm home, are you asleep?
Matagal pa akong napatitig roon bago nakapag type ng reply sa kanya.
Siguro naman ay maayos na ang pakiramdam niya dahil nag text naman siya sa akin ngayon.
Ako:
Patulog palang. Sorry kanina.
Kabado ako habang inaantay kung mag rereply ba siya o hindi. Dapat ata ay hindi ko na iyon binanggit pa.
Lucas:
You should sleep now it's late.
I bit my lower lip, siguro ay kung ano ano ang naiisip nya dahil sa asta ko.
Ako:
Nahiya lang ako kanina kaya ako umalis agad, sorry if I make you feel bad. Please sleep, you too needs to rest.
I sighed and put my phone on the side of my bed. I didn't wait for his reply and let myself fall asleep.
-
"Talaga bang magiging tulala ka nanaman today? Pangatlong araw na to ah? Ayos ka pa ba girl? Gusto mo ba nang bonggang entertainment dito para di ka mag space out? Nakakaloka ka ha!"
Napabaling ako kay Rica na nakapamewang sa aking gilid. Eksaherada nanaman ang reaksyon nya at mukang inis na inis na nga sa pagiging lutang ko nanaman ngayon.
"Tatlong araw ka nang lutang girl baka gusto mong itali ko yang isip mo dito para di kung saan saan lumilipad! Kanina pa kita kinakausap dito nakakaimbyerna!"
"Sorry may iniisip lang Rica," mahinang sambit ko at napabaling pa sa iba naming ka-team na nakatingin sa akin, mga nag aalala.
"Ano bang problema Vy? Next week na ang convention, kailangan mag participate ka sa activities dun at kung ganyan ka makakaya mo ba makasabay dun?" si Jonas na nakatayo na rin sa tabi ni Rica.
Bigla akong naguilty na hindi ko nagagawa ang trabaho ko dahil sa kakaisip sa mga personal na bagay habang sila andito todo ang trabaho.
"Stop pressuring her Jonas, Rica that won't help. Vy whatever is bothering you please set it aside for now. And you can always tell us what is wrong. We will always listen to you," si Billy na senior namin.
"Come on Vy we need you to keep your focus in here," mahinang pakiusap naman ni Roxanne.
"Sorry I'm fine. Don't worry I'll focus now," I smiled to assure them. Jonas give me a tap and ask our team to get back to work.
Sinikap kong mag focus sa trabaho. Naging maayos naman at nang pauwi na ay tsaka ako ulit kinausap ni Rica.
"Veronica, can you tell me what really is happening?" worried siya at hindi ko naman siya masisisi dahil sa ilang araw na din akong nag space out.
I sighed and decided to tell her, "We broke up," I said straight to the point. Though that's not really the reason why I'm spacing out, I just think I need to mention it to her.
As usual the exaggerated Rica is here in front of me so shock with my news.
"What the hell?"
"Ahuh and I'm moving on," I said. She couldn't believe so I tell her everything, even about Samantha.
She couldn't react anything. Muntik na nga akong matawa dahil hindi talaga siya makapag salita. Ngumiti ako at umiling na lang.
"Mabuti na lang pala at nakipag hiwalay ka!" naiinis na sambit niya.
"Hayaan mo na. Let's go," yaya ko sa kanya pauwi.
"Mag move on ka na ha! Ihahanap kita ng ka-blind date para makalimutan ang lokong yun," nag dadabog pa siya habang pababa kami.
Hinayaan ko na lang siyang mag salita pa nang kung ano ano kahit naman pigilan ko siya ay hindi siya matatahimik.
At least I know she's always here for me.
Kung kanina ay nag mamadali akong umuwi parang gusto ko na lang bumalik sa taas at mag kulong muna sa office.
"Akala ko ba nag mamadali kang umuwi? Bakit ka pa huminto dyan?" biglang tanong niya nang di ako tumuloy sa pag lalakad.
Gusto ko na lang lamunin ng lupa o di kaya ay maging invisible.
"Anong drama 'to girl?" mataray na tanong sakin ni Rica. Pinandilatan ko siya nang mata ngunit hindi nya naman iyon nagets.
"Veronica," halos manigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa pag tawag niya sa akin.
Why is he here?
"Lucas!" pahisteriyang tawag ko. Bumaling naman si Rica kay Lucas na nasa harap na namin ngayon. Tiningnan niya ako habang nakataas ang kilay. Bakit ba hindi ko sinabi kay Rica si Lucas?
"Kilala mo?" rinig ko na agad ang pang aasar sa kanya. Hindi ako makasagot.
"Miss, Can I have some time with your friend? I think we had a little misunderstanding," shock was written all over myself.
What the hell is he talking about?
"Oh, I didn't know my friend here is dating someone. Well sure, just make sure to take care of her okay? By the way, you are?" nang aasar sa akin na baling ni Rica kay Lucas.
Inirapan ko siya kaya lalo lamang lumaki ang kanyang ngisi.
"Don't worry, I'll take care of her. I'm Lucas. Sorry biglaan ang punta ko rito. Mukhang galit siya sa akin," kausap niya si Rica pero sa akin siya nakatingin.
"Naku matampuhin talaga itong kaibigan ko, intindihin mo na muna. Sige mauna na ako sa inyo. Enjoy!"
"Okay then, it was nice meeting you Rica. Thank you. Take care," umalis si Rica. Habang ako ay hindi makatingin.
"Why aren't you answering any of my texts and calls? Are you mad at me?" he asked me.
Ang pintig ng puso ko ay lalong lumakas. What the?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top