Chapter 7

Chapter 7

Days passed and I'm with Xavier now in front of Samantha. Nag uusap sila tungkol sa interview sa Command sa isang kilalang radio station. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila at kung minsan ay nasusulyapan si Lucas sa kasunod na table nag aantay kay Samantha.

"I already told them na it's okay if they'll interview your band without us but they insist," muling napabalik ang aking atensyon sa kanilang dalawa.

Maliit ang aking galaw, iniiwasang mapunta sa akin ang atensyon ng kahit na sino sa kanilang dalawa.

"Well uhm, I can't see anything wrong with that pero kung hindi magiging kumportable ang girlfriend mo mukhang magkakaroon nga ng problema," dugtong ni Samantha sa naunang sinabi.

I faked a cough and look at her, hindi ako sigurado kung guni guni ko lang ba iyon o talagang inismiran niya ako. Bumaling ako kay Xavier na inaantay ang aking tingin, tila nag tatanong sa akin kung ayos lang ba iyon. Ngumiti na lamang ako at pilit itinago ang iritasyon kay Samantha.

"Ayos lang walang problema," tipid na sambit ko na ikinangiti naman ni Xavier.

This is about his career and I should understand the situation.

"Oh that's great, hindi naman pala selosa itong girlfriend mo. Mali siguro ang rinig ng assistant ko na naiinis daw na mag kasama tayo sa trabaho."

Pilit kong itinikom ang aking bibig. Lumingon muli sa akin si Xavier tila naninimbang kung tama ba o hindi ang sinabi ni Samantha.

Eksaherada namang tumawa si Samantha kaya't napabaling kami sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay at tila ba nanunuya pa.

"I was just kidding, and if it's true I understand. That is really understandable," mayabang na sabi niya habang nakatingin sa akin tsaka bumaling kay Xavier na hawak na ngayon ang aking kamay sa lamesa. Parang pinipigilan ang namumuong iritasyon sa akin.

Ngumiti ako sa kaharap, hindi ako makikipag away sa kanya dahil alam kong hindi ako mananalo pero hindi ibig sabihin noon na hahayaan ko siyang ganito sa akin.

"I'm really fine with you being with my boyfriend's band in an interview specially that you're not there as his girlfriend. Andun ka as their handler, hindi naman din tungkol sa relationship n'yong dalawa ang uusisain diba?" nakangiting sambit ko, bakas naman ang iritasyon at pag kabigla sa kanyang mukha. Tinaasan ko siya nang kilay tsaka nag patuloy, "Am I right, Miss?" sambit ko tsaka bahagyang lumapit kay Xavier.

Umirap siya at umismid, hindi maitago ang iritasyon. Lumingon ako kay Xavier at tila hindi siya mapakali. There, alam kong gusto nyo ang isa't isa pero andito ako, I know I deserve their respect kahit bilang tao lang.

Agad namang iniba ni Samantha ang topic at hindi na sinubukan pang mang inis.

Oo Samantha, hinahayaan kong maging bulgar ka pero tingin ko hindi ko na iyon kayang hayaan lagi.

I know I shouldn't be mean because Xavier doesn't love me but I'm his girlfriend. At siguro iyon pa lang sapat na ring dahilan iyon para hindi niya ako ipahiya ng ganito.

Napabaling naman ako sa katabing table ng makita ang seryosong mukha ni Lucas na nakaharap sa kanyang cellphone.

May problema ba sya? O naiinip sa tagal ng meeting ng dalawa?

Nang matapos sila ay agad naman ring nag paalam. Akala ko'y magiging matiwasay na ang aming paguwi ngunit hindi dahil halos manliit ako nang makitang halikan ni Samantha si Xavier sa harap ko tsaka ako tiningnan ng puno ng pagyayabang.

"Opps I couldn't help it," tsaka siya tumalikod tsaka umalis.

Hindi naman nakakilos si Xavier sa aking gilid. Halos manlamig ako nang makitaan siya nang pamumungay ng mata.

What the fuck?

"Uuwi na ako," pilit kong itinatago ang aking inis ngunit hindi ko mapigilan.

Alam ko naman na hadlang lang ako! Pero hindi sapat iyon para pag mukhain nila akong tanga.

"Vy, wait. Hindi ko alam na gagawin nya yun," paliwanag niya habang nakasunod sa akin.

Napairap na lamang ako nang mahimigang hindi naman siya nabothered.

"That's fine. Uuwi na ako, mahahatid mo pa ba ko?" I said full of sarcasm.

"Ihahatid kita. Tara na," hindi ko na siya inantay pang pag buksan ako ng pinto ng sasakyan. Padabog ko rin iyong sinara nang makapasok na. Naiinis ako! Hindi na iyong selos o sakit yung nangingibabaw ngayon kundi pagka-pahiya! Mukha akong tanga!

Tahimik ang aming byahe. Pilit kong inayos ang aking mood pero hindi ko din nagawa. Lalo lang akong nag ngingitngit sa inis kapag naaalala iyong yabang sa mukha ng ex nya! Walang hiya? Argh!

Agad akong lumabas ng sasakyan at dirediretso sa gate ng aking maliit na apartment. Umirap ako at hinarap siya.

Papasok rin sana siya pero hindi niya naituloy nang nanatili akong nakatayo sa hamba ng gate.

"Let's break up," walang kahirap hirap na sambit ko.

Bakas ang gulat sa kanyang mukha, halos mapairap naman ako. Hindi ko alam kung bakit ba pinasok ko ulit ito? Mahal ko sya pero sapat pa ba talagang dahilan iyon para manatili ako sa relasyon naming hindi nya naman talaga gusto.

I sighed. Ang daddy nya, iyon naman talaga ang mas pumupigil sa aming dalawa na mag hiwalay. Kahit naman kasi mahal ko siya kung hindi niya na gugustuhing manatili pa, wala din naman akong karapatang pigilan siya.

"I don't think we'll work. Let's end this, huwag na lang munang ipaalam sa daddy mo. Antayin nating maging mas maayos ang kalagayan niya bago natin sabihin na wala na talaga tayo."

Yumuko ako para itago ang lungkot sa akin. Hindi na sakit iyong nangingibabaw kundi awa para sa sarili ko.

Malakas ang loob ni Samantha na maging bulgar sa nararamdaman niya para kay Xavier dahil alam niyang siya parin. Noon pa man nang makabalik siya ay hindi niya na itinago na mahal niya pa si Xavier at kahit na hindi sabihin sa kanya kita naming lahat na ganoon din si Xavier sa kanya. Mahal nila ang isa't isa at hinayaan ko ang sarili kong maging hadlang, hindi para sa daddy nya kundi para sa kagustuhan ko din. Kaya ngayon na parang nagising ako sa panaginip, ayaw ko nang humadlang pa.

Nakakapagod kasing ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya, napapagod na akong masaktan pero wala namang karapatang mag reklamo. Nasasaktan ako at naaawa sa sarili ko kasi hanggang ngayon para parin akong nanlilimos ng pag mamahal.

"No, makakasama kay Dad. Veronica please hindi ko alam na hahalikan ako ni Samantha," sinubukan niya akong kapitan pero umiling ako, hindi niya na ipinilit pa.

Naluluhang ngumiti ako sa kanya, "Ayos lang, naiintindihan ko. I just, I want us to end, this is no good. Ako ang kakausap sa daddy mo kapag nakarecover na siya ng tuluyan. Ako na ang bahala Xavier basta tigilan na natin ito."

Awa. Iyon na lamang ang nananaig sa loob ko. Awa para sa sarili kong walang ibang ginawa kundi ang mag tiis sa wala namang kasiguraduhan.

"Hindi tayo pwedeng mag hiwalay Vy, let's fix this. Ayaw mo ba nang interview ng banda kasama si Samantha? Sige irerequest ko na huwag na siyang isama. Didistansya ako sa kanya wag na tayo mag hiwalay please. Alam mo namang may mga paraan si Dad para malaman ang tungkol sa atin diba? Kaya hindi puwede. Please Vy, napag usapan na natin ito diba?"

I sighed. Malaki ang utang na loob ko sa Daddy nya pero masama bang maging makasarili na muna ngayon? Masama ba kung mas mamahalin ko muna ang sarili ko? Makasarili na ba ako kung hindi ko muna iintindihin ang utang na loob ko sa kanila at uunahin ko munang alalahanin ang sarili ko?

"I don't really mind about the two of you anymore, Xav. I need us to broke up, I need myself now. I'm sorry. Ako na lang ang mag papaliwanag sa Daddy mo kapag naging maayos na siya," I said with finality. Lumabas ang iritasyon sa kanya ngunit hindi na naging hadlang iyon para baguhin ko pa ang aking desisyon.

"Don't be selfish Veronica. You'll put my father's health in danger once you tell him we broke up," mariin at halos pasumbat na sambit niya, "Is this because of Lucas? Diba't naging close kayo noong mag hiwalay tayo? Siniraan niya ako sayo? Ano Veronica sabihin mo! Huwag kang maging makasarili!"

I bit my lower lip to contain my temper but I couldn't hide my shock when he mention Lucas. Inaakusahan nanaman niya ako?

"Lucas is out of this Xavier. Stop bringing him up," inis na sambit ko. Alam kong naging mag kasundo kami ni Lucas pero hindi kami laging mag kasama, kadalasan ay tuwing inaantay ko siya sa kanilang meeting duon ko lamang nakakausap si Lucas bukod noong mag hiwalay kami at sinamahan ako ni Lucas.

"If it's not him then stop being selfish!" halos pasigaw na sambit niya dahil na rin sa inis.

I shook my head in disbelief, "If choosing myself means being selfish then fine! Makasarili ako dahil ngayon Xavier hindi na ikaw ang pipiliin ko!" buong tapang na sambit ko.

Hindi ko na siya inantay pang makapag salita at tuluyan siyang tinalikuran para makapasok na.

I felt light, the heavy feeling that I've been bringing inside suddenly vanished. I'm hurt but this time it felt right.

Napabaling ako sa aking cellphone na kanina pang nag riring, it was Lucas.

Hindi ko alam kung bakit sya tumatawag sa gitna ng gabi pero sa iilang beses kaming nag kasama ay lagi niya lamang pinagagaan ang aking loob kahit pa pinipili kong hindi mag kuwento nang kahit ano sa kanya. Iniisip ko na lang na nalaman nya iyon kay Samantha.

I sighed and answer his call.

"Sorry for the sudden call. Natutulog ka na ba?" Malalim ang boses na sambit niya.

"Hindi naman, may ginagawa lang ako kanina kaya hindi ko agad nasagot. Bababa ako para pagbuksan ka."

Bumaba ako agad at pag bukas palang ng pintuan ay tanaw ko na siya sa kabila ng maliit na gate ng aking apartment.

Madilim na at hindi na rin gaanong malinaw ang ilaw sa poste kaya naman hindi ko rin gaanong tanaw ang kanyang mukha.

"Biglaan ang punta mo," bungad ko sa kanya nang makalabas ng gate.

"Hindi ko rin inaasahan. Hindi na ako agad nakapag sabi kaya nang makarating dito tsaka na lang nakatawag sayo," tumango ako sa kanya.

"Pasok ka?" anyaya ko sa kanya ngunit hindi sya kumibo.

"Bakit?" nag tataka kong tanong sa kanya nang makitaan nang pag aalala ang kanyang mga mata.

Anong problema nito?

"Puwede mo ba akong samahan?" nag aalangan niyang tanong.

I tilted my head while staring at him. Why do I feel like he's worried? Or something is bothering him?

"Okay," pag sang ayon ko na lang. Agad niya naman saking inabot ang helmet. Sinuot ko iyon at ganoon din siya. Nang makasakay ay nagulat pa ako nang muli siyang bumaba.

Nag tataka ko siyang tiningnan at huli na rin nang maintindihan ang balak niya. Nahubad na niya ang kanyang jacket at inabot sa akin. Doon ko pa lang rin naalala na naka silk terno na ako kaya't siguradong lalamigin ako. Agad ko na lamang iyon tinanggap. Siguro naman ay hindi malayo ang pupuntahan namin dahil hindi naman siya nag reklamo sa suot ko kahit pa nakapantulog na ako.

Hindi nga naging mahaba ang biyahe namin, dinala niya lamang ako sa seaside. Lalo tuloy akong nabagabang dahil mukhang may problema siya kaya siya nag pasama sa akin ngayon.

Tahimik lang kaming nakaupo at nakatanaw sa malayo. Minsan ko siyang sinusulyapan ngunit mukha naman siyang payapa dito kaya't hindi na muna ako nag salita.

Today I broke up with Xavier. I love him, I just realize when I saw Samantha kissed him that I'm like a witch on their fairytale. I felt like I was on their way, trying to stop them. Trying hard to make him mine but the truth is, I couldn't. And I've been so selfish that I've been so stupid for letting myself fall in love with someone who is not yet finished loving someone else.

Bumaling ako kay Lucas, nakatitig na siya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top