Chapter 3

Chapter 3

Naging matamlay akong lalo pagbalik sa office. Abala naman sila kaya't hindi na nila napansin pa ang pag iba ng mood ko. Maayos na rin iyon para hindi na ako mag iisip pa ng idadahilan sa kanila.

Kumikirot ang puso ko. Sa totoo lang, wala akong ibang maisip kundi ang paano ito iwasan. Natatakot ako dahil alam kong wala naman akong laban.

Ano bang laban ko sa sitwasyong ito kung di naman ako yung mahal?

Lumipas ang oras ng hindi ko namamalayan. Kaya nang magsigayakan sila ay wala na akong nagawa pa kundi ang gumaya na lang.

Pag baba ay nakita ko ang pamilyar na puting ford sa parking lot at doon nakasandal si Xavier habang tila malalim ang iniisip.

Naging mabagal ang aking pag hakbang. Parang ayaw ko ng makalapit sa kanya dahil natatakot ako sa kahahantungan ng aming pag uusap.

I bit my lower lip to hold back the tears I'm trying to stop since earlier. Kaya naman ng tumingin siya sa akin ay yumakap na lamang ako sa kanya at nag panggap na nagagalak akong makita siya rito.

Yakap na sa totoo lang ay may kasama ng takot kung mauulit pa ba ito o tuluyan ng matatapos.

"Hey, you okay?" he asked. I faked a laugh and nodded my head to let him know that I'm okay. Nanatili pa ako sa yakap ng ilang sandali para maitago ang aking luha. At nang maikalma ang aking sarili ay nag panggap ulit ako para maiwasan ang dahilan ng ipinunta niya rito.

"Glad you're free today. Namimiss na kita. Ilang araw din tayong hindi nakapag-usap o nag kita," ngumiti ako sa kanya ng pinag buksan niya ako ng pinto ng sasakyan.

"I'm sorry I didn't call you. How are you?" tanong niya ng makaikot at makapasok sa driver's seat.

"I understand babe, you're busy. Anyways I'm fine, you?" gusto kong palakpakan ang sarili ko sa galing kong umarte. Dapat ay mapanatili ko ito hanggang sa makauwi ako.

"Well, I guess I need to get you out on adate tonight. You missed me so much," he chuckled. I didn't say anything. The smile on his face was adorable. I looked at him and smiled too, he always know how to lighten up my mood.

"Where do you want to go, Vy?" bahagya siyang lumingon sa akin at ngumiti. I relaxed myself and smiled back at him.

"Take me somewhere far and high. I want to watch city lights under the beautiful sky, Xav."

"Okay. Masusunod po Madame," he chuckled and tease me. I just laugh and get along with his mood.

I like us better this way. Ganito naman kami noong hindi pa bumabalik si Samantha. Masaya kami at kung di lang siya bumalik iisipin ko nang kahit paano ay may nararamdaman na para sa akin si Xavier.  But then, di nga pala tayo puwedeng maging masyadong masaya dahil kung puro ganoon ay bakit kailangan kong maramdaman ito? Bakit kailangan ko pang ipilit ang sarili ko sa kanya?

Pumunta kami sa mataas na lugar na madalas na naming puntahan noon pa, dito kami madalas mag palipas ng oras para mag kwentuhan at para takasan ang mga problema sa buhay. Dahil sa loob ng ilang taong mag kasama kami ay naging matalik na mag kaibigan rin kami.

Kasangga namin ang isa't isa sa mga problemang dumadating. Narito ako para sa kanya at ganoon din siya sa akin.

Naupo kami at tahimik na pinag masdan ang city lights. I missed spending time with him.

Sumandal ako sa kanyang balikat, alam ko naman na hindi ako pero bakit kailangang gawin niya ito? Bakit kailangan niya akong pakitunguhan ng ganito.

"You know you can tell me what's bothering you right?" panimula niya matapos ang ilang sandaling pananahimik namin habang minamasdan ang langit.

"Namiss lang kita," pabulong na sambit ko. He chuckled. Bahagya nya pang ginulo ang buhok ko kaya't pabiro ko siyang tinapik.

"Ilalabas na daw ang single namin sa sunod na linggo," tahimik lamang ako at hinayaan siyang mag kwento.

"Dati pangarap ko lang makapag record ng kanta ang banda tapos ngayon ilalabas na yung single namin," bakas ang saya sa kanyang boses. Humarap ako sa kanya at tahimik na pinag masdan ang kanyang mukha.

"Mabuti nalang nag offer yung Recording company nila Mr. Nicolas. Tingin ko mag sisimula na dito yung pag sikat ng banda," he smiled at me.

He's very passionate in music. You can see it through his eyes. Isang bagay na hinahangaan ko rin sa kanya ay ang kakayanan niyang maging diterminado sa mga bagay na gusto niya.

"Kung magiging successful ang unang kanta namin panigurado mabibigyan kami ng chance para makilala sa industriya."

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Masaya ako para sa kanya pero may kumukurot sa aking puso, "Magiging busy ka na masyado," biro ko sa kanya na may halong katotohanan.

"Ayaw mo ba nun?" tanong niya habang nakatingin sa akin.

Ngumiti ako at umiwas ng tingin sa kanya, "Hindi ko ayaw Xav. Ngayon pa nga lang naiimagine ko na kung paano ako makakasingit sa pila ng concerts at events nyo," tumawa ako ng bahagya at muling tumingin sa kanya.

Niyakap naman niya ako at tinawanan ako na may halong pang aasar, "Tingin mo naman ay papipilahin kita dun? Masyado ka naman ata takot na madami ang pipila sa amin," biro niya habang nakaakbay sa akin matapos niya akong hilahin patabi sa kanya.

Tumigin ako sa taas at tumawa ng mahina.

"Sigurado madami sila," bulong ko.

Hindi naman ako natatakot na madami ang humanga sayo, natatakot lang ako na baka habang dumadami sila mas mawalan ako ng puwang sa puso mo. Kasi ngayong isa palang siya hindi ko na alam kung saan ang lugar ko. Paano pa kung may dadating na iba na mas makakapag palayo sa akin, sayo.

"Namiss kitang kausap," biglang sambit niya.

Bumilis agad ang tibok ng aking puso. Kahit na nasasaktan niya ako, isang sabi niya palang na miss niya ako, rumurupok na ulit ako.

"Ikaw naman kasi kinakalimutan mo ko," biro ko sabay tawa.

"Nagseselos ka ba Veronica Marchella?" seryosong tanong niya sa akin.

I couldn't answer easily. Masyado siyang seryoso kaya hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

Tumawa na lamang ako ng peke at tinapik siya, "Bakit? May dapat na akong ikaselos?" pilit kong itinago ang kirot sa aking puso. Oo Xavier, nag seselos ako. Natatakot ako, nasasaktan.

Hindi siya umimik at nanatili lamang na nakatingin sa malayo.

"Ayos lang iyon. Naiintindihan ko naman," tumayo ako at lumapit sa bangin para mas makita ang ganda ng mga ilaw rito sa syudad.

"Abangan nyo yung kanta ng Boyfriend ko!" sigaw ko kahit na alam kong walang makakarinig. Gusto ko lang banggitin na boyfriend ko sya.

"Itong kasama ko rito, sya yung lead singer ng bandang Command. Boyfriend ko sya!" kinukurot ang puso ko habang isinisigaw iyon.

Naramdaman ko na lamang na nasa tabi ko na siya. Lumingon ako sa kanya at ngumiti, seryoso lang ang kanyang ekspresyon.

Nag iwas ako ng tingin para itago ang aking luha. Tumawa ako ng bahagya at tahimik na ikinalma ang aking sarili.

Bumaling ako sa kanya nang maayos na ang aking sarili at hinawakan ang kanyang kamay.

"Kung sakali man na wala kang ibang matatakbuhan kapag dumating yung araw na sikat na kayo, lagi mong tatandaan na andito ako ha? Kung lahat ng dumating sa buhay mo bigla nalang umalis, andito parin ako ha? Kahit hindi mo ako kailangan, kahit di mo ako gusto. Andito padin ako," sambit ko habang marahang hinahaplos ang kanyang pisngi.

"Veronica," bakas ang lungkot sa kanyang tinig.

"Ayos lang talaga Xav. Wag ka mag alala," ngumiti ako sa kanya at inakit na siyang umuwi.

Malalim na rin naman ang gabi, pag dating sa apartment ko ay kumain lamang kami tsaka siya umalis.

Hindi na namin napagusapan pa iyong tungkol sa kanila ni Samantha. Alam kong sinubukan niya pero pinipili kong alisin roon ang usapan. Hindi ko alam kung ano ang magiging desisyon niya pero kahit na ano pa iyon ay hindi ko pa kayang pakinggan sa ngayon.

Matapos ang lahat ng pag aayos ay natulog na ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para sa trabaho, nagulat pa ako ng pag labas ng apartment ay nag aantay si Xavier sa akin.

"Di ka nag sabi na susunduin mo ako. Good morning," bungad ko sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi tulad ng nakasanayan.

"I thought you missed me kaya pumunta ako rito para sunduin ka at ihatid sa trabaho," paliwanag niya matapos akong pagbuksan ng pintuan ng sasakyan.

"Wala ka bang appointment sa recording ngayon? Baka malate ka pa kung matraffic tayo pag punta sa office."

Masaya ako na narito siya pero ang hirap alisin sa isip ko na nasasaktan ako at natatakot para sa relasyon namin.

"They wouldn't mind if I come late, ngayon lang naman kung sakali. Breakfast?" nag mamaneho na siya para maihatid ako.

"Tapos na, hindi ka pa ba kumakain?" tanong ko sa kanya.

"Tapos na rin. Tinanong ko lang dahil baka hindi ka nakapag almusal para makadaan tayo sa restaurant," paliwanag niya. Tumango ako at nanahimik na lamang.

I need to think. Masyado akong naguguluhan sa sitwasyon namin. Para bang ako lang ang apektado, dahil siya ay parang wala namang problema. Kung sabagay ako lang naman itong insecure kaya ako lang iyong natatakot para sa sarili ko.

Ano ba kasi ang laban ko dun? Gusto lang ako ng magulang niya para sa kanya pero si Samantha gusto niya para sa kanya.

I sighed. Napalingon na lamang ako kay Xavier ng maramdaman kong hinawakan niya ang aking kamay.

"What's wrong?" he asked. I tried to act okay and give him an assuring smile.

"Nothing. Stress lang ako sa mga designs na di pa namin natatapos," pag sisinungaling ko sa kanya.

"Don't stress yourself too much. Kaya mo yun for sure," he assured me.

Sana lang ay kaya mo rin ibigay ang assurance na iyan sa relasyon natin.

Ngumiti ako sa kanya at sinarili lamang ang naisip.

"I'll fetch you up later okay? Can I take you out on a date?" matamis na sambit niya.

Bigla naman akong pinamulahan. Bumilis din ang tibok ng aking puso. Eto nanaman ako, rumupok nanaman sa simpleng sinabi niya.

Pero masisisi ko ba ang sarili ko? Masyado akong baliw sa kanya kaya kahit simpleng bagay lang ang gawin niya o sabihin, bibigay ako agad.

"Talaga?" masiglang tanong ko sa kanya kaya naman napatawa na lang siya.

"Would you let me?" kapit niya ang aking kamay habang nag mamaneho.

Tumango naman ako kahit na hindi siya nakatingin, "Of course, I love you!" excited na sambit ko.

Ngumiti naman siya ay bahagyang pinisil ang aking kamay na kapit niya.

Hindi na maalis ang ngiti sa aking labi kahit na nang makarating ako sa office. Masyado akong masaya kaya naman lahat ng kakausapin ko ay nag tatawa na lang din sa akin. Wala naman akong pakialam basta masaya ako ngayon.

Sino ba naman ang hindi diba? Pakiramdam ko nabawasan ang bigat sa dibdib ko.

Lahat ng gawain ko sa sa araw na iyon ay mabilis kong natapos. Ganoon ako ka-inspire. Tinulungan ko pang bumuo ng idea sina Finn at Kley para sa bagong project na inassign sa aming team ng boss.

Naging masigla ang araw para sa akin kaya hanggang sa oras ng pag uwi ay tampulan parin ako ng tukso ng aming team dahil nga sa pagiging sobrang masaya ko. Inaasar nila akong haharot nanaman mamaya kaya lalo lamang akong natatawa.

Pagbaba ng building ay agad akong dumiretso sa usual parking space ni Xavier tuwing sinusundo ako. Nang makita ang sasakyan niya ay lalong lumaki ang aking ngiti.

Ngunit agad rin itong napawi ng lumabas roon si Lucas at sinalubong ako ng simpleng ngiti.

Tumingin pa akong muli sa sasakyan at umasa na lalabas roon si Xavier para sabihing surprise o kaya'y "It's a prank" ngunit wala.

Si Lucas ang narito sa harap ko hindi si Xavier. Naninikip ang dibdib ko at napangiti na lamang ng mapait.

"Bakit ba naging sobrang masaya ako kanina, ayan tuloy naudlot pa."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top