Chapter 28
Chapter 28
Nanatili akong nakatanaw sa magandang tanawin, habang si Gail ay nakamasid lamang sa akin. Umiiyak rin siya, alam kong nasasaktan siya para sa akin. At kahit na ayaw kong makita siyang nasasaktan para sa akin ay wala akong kakayanan na patahanin siya dahil kahit sa sarili ko ay hindi ko magawa. Hindi ko kayang tumigil sa pag iyak dahil nasasaktan ako.
Ang sakit sakit malaman na lahat ng iyon ay hindi totoo, lahat ay parte lamang ng plano.
Akala ko ba ay hindi ko deserve ang masaktan? Akala ko ba hindi ko deserve ang i-take for granted. Bakit kailangan mong gawin sa akin to, Lucas?
Dumating kami sa daungan ng mabilis, tahimik lamang si Uno at tila tinatanya kaming dalawa ni Gail.
"Kahit dito na lang kami Uno, salamat sa pag hatid. Pasensya na rin sa abala," mahinang sambit ko.
"Sasamahan ko kayong bumalik ng Maynila," sambit niya habang nakatingin kay Gail na iritable parin.
Nag pakawala ako ng malalim na hininga.
Wala sa sariling sambit ng aking kaibigan, "Kumain muna tayo, ginugutom ako."
Sumangayon naman ako dahil hindi na kami nakapag almusal pa kanina. Malayo ang biyahe kaya hindi puwedeng hindi kami kakain.
Nang matapos ay agad na kaming nag abang ng masasakyan, dahilan nga wala naman kaming sariling sasakyan ay nag commute kami. Tahimik lamang ako buong byahe. Umiiyak kung minsan at minsan naman ay nakakatulog nalang.
Gabi na kaming nakarating sa Maynila.
"Saan ang diretso ninyo ngayon? Ihahatid ko pa rin kayo," tanong ni Uno kay Gail.
Umiwas naman ng tingin si Gail sa kanya, "Hindi ko alam, baka sa bahay nalang. Mag papasundo kami, wag ka na mag abala."
"Ihahatid ko kayo. Kailangan makasigurado na ligtas kayo," pinal na sambit ni Uno.
Ayaw ko ng tumuloy pa sa bahay nila Gail. Siguradong maaabala ko lamang sila dahil hindi naman sila papayag na hindi ako asikasuhin. Gusto ko rin sanang mapag pahinga si Gail kaya't dapat duon siya sa kanila umuwi. Sigurado akong kailangan niya ng maayos na pahinga dahil masyado siyang namroblema sa problema ko nitong mga nakaraang araw.
"Sa apartment nalang ako Gail. Ayaw ko ng makaabala kila tita at tito. Ikaw nalang ang umuwi sa inyo para makapag pahinga ka ng maayos," marahang sambit ko.
Nawala na iyong sakit na nararamdaman ko kanina. Wala na ring kirot pa dahil natira na lang ang lungkot at pamamanhid. Pakiramdam ko ay may nakaharang na sa aking dibdib na nagpapamanhid dito. Tila hindi na makakaramdam ng iba pa kundi ang lungkot at pang hihinayang.
Halos naiiyak namang lumapit sa akin si Gail, "Veronica, wag ganito please."
Umiwas ako ng tingin, gusto ko lang mapag isa. Ayaw ko ng madagdagan pa ang problemang ibinibigay ko sa kanya. Pamilya ang turing ko sa kanya kaya't hindi ko maaatim na isama siya pababa. Ako na lang mag isa kesa madamay siya sa kamalasan ko.
"I'll be fine Gail, don't worry. Gusto ko lang mag isip at mapag isa, hindi naman ako gagawa ng makakasama sa akin. Wag ka na mag alala. Kung gusto mo ay ihatid nyo ako ni Uno sa apartment para mapanatag ka,"
Iyon na lang para hindi siya mag alala masyado. Hindi pa siya pumapayag agad pero kalaunan ay nakumbinsi ko rin. Tahimik lamang si Uno na nakasunod sa amin, nag papasalamat din ako na nandito sya dahil hindi ako natatakot na baka biglang may makakilala sa amin at dumugin bigla dahil sa eskandalong sinimulan ni Xavier.
Pag dating sa apartment ay agad akong nag handa ng makakain nila, wala akong gana kaya't sila na lamang ang inasikaso ko at dinahilan na lang na kakain ako pag alis nila. Kinuha ko ang cellphone ko kay Gail bago sila umalis.
Bago pa man lumalim ang gabi ay nakaalis na sila. Nang maiwan ako mag isa ay agad akong pumunta sa kwarto at naligo, nakakapagod ang araw na ito.
Humiga ako ng matapos ang lahat, kinuha ang cellphone ko at agad na nag bukas ng social media accounts. Wala na akong balak na patagalin pa ang issue na sinimulan ni Xavier. Wala na akong pakialam kung guluhin nila ang buhay ko at makatanggap ng pang huhusga sa kanila. Sanay na ako roon kaya wala na akong pakialam. Hindi ko na hahayaang manatili pa ito dahil kailangan kong mag trabaho at tumuloy sa buhay. Hindi ako maaaring manatili at mag settle sa ganito dahil saan ako pupulutin?
Ano pa ang saysay ng buhay ko kung hahayaan kong maapektuhan ako ng problemang ibinabato ng mundo.
Nabuhay ako sa loob ng mahabang panahon na laging sinusubok ng mundo, pwede ko na nga atang sabihin na inaapi ako ng mundo. Mula pag kabata ay hindi ako nakaramdam ng tunay na pag mamahal, ipinaampon ako at ipinaampon muli sa iba pa. Hindi ko iyon maintindihan, labis akong nasasaktan noon pero nakayanan ko. Nang mapadpad sa shelter ay duon lamang ako nakaramdam ng pag mamahal, iyon ay galing kay sister Mona. Itinuring nya akong anak at nag papasalamat ako roon kaya lang ay hindi naman ako gusto ng lahat. Hindi sila kagaya ni sister Mona na handa akong buong pusong tanggapin pero natutunan ko iyong tanggapin. Hindi ako nag karoon ng kaibigan ng mapadpad sa unibersidad na aking pinasukan bukod kay Gail at nakuntento na ako doon. Nang makilala ko naman si Tito Felipe ay nakahanap ako ng isang ama at lubos ang pasasalamat ako doon. Nang mahalin ko si Xavier ay marami akong nagawang mali, naging makasarili ako pero sa huli ay natutunan ko ring hindi ko maaaring ipilit sa isang taong mahalin ako kung hindi nila gusto. Habang si Lucas naman ay ipinaramdam sa aking kaya kong mag mahal sa kabila ng sakit na naranasan ko sa huling pag ibig kaya lang ay itinuro nya rin sa akin ngayon na hindi lahat ng kabutihan ay totoo.
Binasa ko ang napakaraming notifications at messages sa akin, ang ilan ay binasa ko pero wala akong nireplayan. Agad akong pumunta sa profile ni Xavier. Nakita ko doon ang picture namin ni Gail.
Nang matapos makita ang mga message at notification ay agad naman akong tumawag sa kanya na sinagot niya rin agad.
"Veronica finally, you called."
Napairap naman ako sa bungad niya sa akin. Naiinis ako sa kanya dahil masyado siyang nag padalos dalos. Ngayon ay hindi na lamang kaming dalawa ang involved sa dami ng nadadamay at sa dami ng nakikisali.
"Nakita ko iyong interview sa Command ngayong darating na Martes, sasama ako."
Iyon lamang ang sinabi ko at hindi na siya inantay pang makapag salita. Basta ko na lamang ibinaba ang tawag para matawagan naman ang kanyang ama.
"Good evening Tito," bungad ko ng sagutin ni Tito Felipe.
"Ija, mabuti naman at napatawag ka. Nasaan ka? Maayos ka lang ba? Pasensya ka na sa ginawa ng anak ko," nag aalala ang boses niya ng sabihin iyon.
Wala akong sama ng loob sa kanya at hindi ko gustong maipit siya sa amin ni Xavier pero wala na akong ibang choice. Sa kanya lang ako makakahingi ng tulong para hindi ako malapitan ni Xavier kung sasama ako sa interview ng kanyang banda. Isa pa ay nasisiguro kong andun si Samantha at ayaw ko ng kahit na anong gulo kaya't mabuti ng mayroong mag babantay sa akin.
Lunes bukas at balak kong pumasok sa trabaho. Wala ng saysay ang pag takbo sa sitwasyong ito. Kailangan ko itong harapin at kung hindi si Xavier ang tatapos nito ay ako na ang gagawa.
Nag pakawala ako ng malalim na hininga bago nag salita, "May hihingin po sana akong pabor, Tito."
"Sige ija ano yun, sabihin mo lang. Nasaan ka ba at wala ka sa apartment mo pati sa bahay ng kaibigan mo?,"
"Kararating ko lang dito sa apartment Tito, hihingi po sana ako ng ilang tauhan sa inyo. Balak ko pong sumama sa interview ng banda ni Xavier at gusto ko lang po ng proteksyon," sambit ko.
Hindi naman siya nag dalawang isip at agad na pumayag. Inilahad ko sa kanya ang aking plano at ng matapos sa tawag ay si Rica naman ang aking kinontak. Ibinalita ko sa kanya ang pag balik ko pati na rin ang pag pasok ko bukas. Ayaw niya pang pumayag noong una dahil marami pa ring media ang nakabantay sa labas ng kumpanya pero napapayag ko rin siya. Kaya lang ay susunduin nila ako bukas ni Finn. Hindi na ako nakipag talo pa, mas maayos na iyon para hindi na ako mahirapan pa.
Matapos ng pag uusap ay nag pasya na akong matulog, iniiwasang mag lakbay ang isip tungkol kay Lucas.
Hindi ko pa kayang isipin ang tungkol sa kanya, nasasaktan ako at nalulungkot para sa sarili ko.
-
Yesterday was exhausting, Rica and Finn fetch me up here in my apartment before going to work. A lot of media are waiting but the company manage to prepare security for me. I didn't answer any of their intrigue. I manage to work peacefully with my team, they are shock that I suddenly came back to work but they didn't bother to ask. I also manage to act normal like nothing bad happened, like I'm not in this kind of situation that somehow made them worried but it made me forgot about my longing for someone. And I don't want to bring him up with this, I'm choosing to set him aside because I don't think I can handle the pain he's causing me.
I sighed and look at my reflection. Wearing my simple black off shoulder tap and a denim pants with my strappy black sandals and my hair in low ponytail.
I came home yesterday with Finn, Rica have some works to do that's why I'm alone with Finn.
Gail is waiting for me when I came, she looks angry about my sudden decision. But then I don't regret it, I purposely didn't tell her my plans because I'm sure she won't let me do it. So we had a little fight and she left seriously angry at me. I didn't mind though, if this is what it needed so I could do my plans then fine.
Hinayaan ko siyang magalit dahil sigurado akong kung nalaman niya ang plano kong pag punta ngayon sa interview ng banda ni Xavier ay hindi siya papayag. Sa sunod ko na lamang poproblemahin ang pag aayos namin kapag natapos ko na ang issue na ito.
I breathe heavily before getting my bag. Bumaba na rin ako at agad na inalalayan ng mga bodyguards na inilaan ni Tito Felipe para sa akin.
Tahimik lamang ako at ganon din sila. Ang sabi ni Tito ay alam na nila kung saan ang punta ko kaya't hindi na ako nag abalang mag sabi pa. Alam na rin nila ang purpose ng pag sama nila sa akin kaya kahit na kinakabahan ay buo parin ang aking desisyon.
I dialed Xavier's number. Pag sagot niya ay agad na rin akong nag salita.
"I'm on my way, I just want to clarify to you Xavier, na hindi ako pupunta ngayon para patotohanan ang sinabi mo. Gaya ng tinext ko sayo kanina ay kailangan mong bawiin ang sinabi mo at kung hindi ay ako na lang ang gagawa noon," walang emosyon na sambit ko.
Hindi ko alam kung dahil ba ito sa huling naramdaman ko sa Pangasinan pero kung iyon nga ay wala na rin akong pakialam. Napapagod na akong hayaan silang gamitin ako. Napapagod na akong mamilit at manlimos ng pag mamahal. Napapagod na akong pakinabangan at isakripisyo.
Kung hindi nila ako kayang pahalagahan ay ako na lang ang mag papahalaga sa sarili ko. Kung hindi nila kayang pahalagahan ang nararamdaman ko ay ako na lang ang gagawa noon.
Hindi ko na kaya pang manahimik ay hayaan siyang gamitin ako, hindi ko na kayang hayaan ang ibang tao na gamitin ako o isakripisyo para sa ibang tao.
Kung hindi nila ako kayang mahalin ay hindi ko na ipipilit pa ang sarili ko sa kanila. Kung hindi nila ako mahal ay hindi na ako mag pupumilit pa.
I heard him sigh but didn't feel anything. I'm so done with all of them, "Please don't do this, Veronica."
"Kung hindi mo iyon ginawa ay hindi ko na kailangang gawin pa ito, alam mo yon Xavier."
"Please Dad will be furious, just give me time. I'll fix this," he said.
I can't let this pass, if this will end I want this issue to end now. I can't let this chance slip off.
"I'm done giving you so much time and chances Xavier. Yes of course you will fix this.. ngayon iyon. Ngayon mo ito aayusin," walang emosyon paring sambit ko.
Namamanhid na ako, wala ng ibang maramdaman kundi ang galit. Ang sakit ay natabunan na at napuno na lamang ng purong sakit at pag tatanong. Ang lungkot ay nagiging galit na rin, wala ng ibang emosyon kundi iyon lamang.
Ibinaba ko ang tawag ng hindi na siya nag salita pa.
Buong buhay ko ay wala akong ibang inisip kundi ang ibang tao, ang mga tao sa paligid ko. Walang puwang ang pag iisip ko sa sarili ko, ni ang pag tatanong ay hindi ko nagawang isatinig. Lagi lamang sa sarili at kailanman hindi nakatanggap ng sagot.
Alam kong hindi nila ako pinilit na mahalin at pahalagahan sila pero diba't hindi naman sapat na dahilan iyon para saktan ako? Hindi sapat ang dahilan na iyon para gamitin at pakinabangan ang pag mamahal ko.
Wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin at pahalagahan sila habang sila ay walang ibang magawa kundi ang gamitin at pakinabangan ako. Isakripisyo para sa iba at laging itapon pagkatapos.
Napapagod na ako, napapagod akong tanggapin na lang iyon. Gusto kong may gawin para sa sarili ko at ito na ang simula noon. Hindi na ako papayag na mawalan ako ng importansya. Kahit hindi na sa kanila, kahit sa sarili ko na lang muna.
We arrived at the venue 5 minutes before the show starts. Agad akong sinalubong ng event staff at pinapunta sa waiting area. Naroon na ang banda maging si Samantha na hindi makapaniwalang nandito ako.
Lalapitan sana ako ni Xavier ngunit hindi niya naituloy ng harangin siya ng isa nilang tauhan. Napatingin naman sya sa akin ng gulat ngunit wala akong emosyon ng tingnan siya pabalik.
"The bitch is here, why? Suddenly coming back to Xav after realizing my cousin doesn't really likes you?,"
Napataas ang kilay ko ng bumaling kay Samantha na maarteng nakatingin sa akin, hindi makalapit dahil sa mga bodyguards sa aking tabi.
Umayos ako ng upo at ngumisi sa kanya, lalo lamang nag liyab ang galit ko sa kanya dahil sa walang kwenta niyang sinasabi.
"No actually I'm here to announce my relationship with you ex," punong puno ng pang aasar na sambit ko. Agad naman siyang nagalit at lalapit sana sa akin kung hindi lang napigilan ng bodyguard.
I laughed sarcastically and looked at her from head to toe. Still feeling the anger in me, "You know what Samantha you better put perfume in your attitude and hope that it will make you a better person. Malay mo mahaluan ng bango ng perfume mo ang ugali mo at magustuhan ka ni Tito Felipe para sa anak nya. Para na rin hindi ka masyadong insekyora tuwing nag kakaharap tayong dalawa."
Tumayo ako at lumapit sa event organizer na nag tatawag sa amin paakyat sa stage na nakalaan para sa aming anim. Mag sisimula na ang event.
Kahit pa nasasaktan ako, kahit pa durog na durog ako ngayon hindi ko hahayaang makita ninyong nauupos ako. Hindi ko man maalis lahat ng sakit na dulot ninyo ay hindi ko na hahayaang makita nyo akong lugmok. Magiging mahina ako pero hindi sa harap nyo, hindi na ulit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top