Chapter 27
Chapter 27
Someone knocked on the door and open it after a while. I look at him with a weary eyes. He's serious and a bit worried as he walk near me.
He sat beside me, I moved a bit to create space between us. He faced be, questioning my sudden move. I sighed. This is not good Lucas, my feelings for you is scary. It's still unnamed yet it feels this heavy, something I never felt before.
"What is it? What are you thinking?," he said. Still looking at me intently.
I shook my head and look away, "Nothing."
I heard him breath deeply but didn't say anything. I don't want him to know what I am thinking. Natatakot parin ako.
"You should sleep now, dito muna ako hanggang sa makatulog ka."
Tumingin ako sa kanya at pinag masdan ang kanyang mukha, "Hindi mo na kaialngan gawin to Lucas."
Tumango naman siya at ngumiti sa akin, "I know but I want to."
Tumayo siya at inalalayan akong makahiga muli, inayos niya ang aking kumot at lumayo para masaraduhan ang bintana at sliding door tsaka bumalik sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay. Hindi na ako umimik pa at pumikit na lang.
Marami akong kinakatakutan ngayon pero gusto kong nasa tabi ko sya. Pakiramdam ko kung wala siya sa tabi ko ay tuluyan syang mawawala sa akin.
Hindi ko pa napapangalanan ang nararamdaman ko para sa kanya pero nasisiguro ko ng hindi ito katulad ng naramdaman ko para kay Xavier. Malayong malayo ito doon, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag.
-
Nagising ako kinabukasan dahil sa araw na tumatama sa aking mukha. Napangiti ako ng maalala ang ganda ng isla na ito. Tumayo ako at nag simula ng kumilos para maligo at mag handa bago bumaba.
I wore a simple black dress with my slippers and bun my hair then put some lip gloss. I look at my reflection before coming out of the room.
Bumungad sa akin ang ilang tawanan sa baba kaya't alam kong gising na si Gail, nangingibabaw kasi ang boses nilang dalawa ni Uno na nag aasaran kasama siguro ang iba.
Bumaba ako at tama nga ang naisip, nasa sala sila at duon nag lalaro ng Scrabble, lumapit naman ako sa kanila at natawa ng makitang pinipitik ni Gail si Uno dahil daw wala namang katuturan ang word na binubuo nito.
Tumayo ako katabi ni Ramiel na maliit ang ngiti habang nanunuod sa dalawa. May ilan pa silang kasamahan dito habang ang iba ay hindi ko naman makita.
"Magandang umaga Miss," bati sa akin ni Ram. Ngumiti naman ako sa kanya bago tumugon.
"Magandang umaga, Vy nalang Ram. Masyadong pormal ang Miss," tumatawang sambit ko.
Tumango naman siya at ngumiti na lang. Ibinalik ko ang tingin sa dalawang isip bata. Para silang baliw dahil panay ang asaran pero parehas naman pikon. Natigil lamang sila ng pumasok si Lucas kasama si Samantha.
Hindi ako agad nakakilos at napatitig lamang sa kanila. Seryoso ang mukha ni Lucas habang si Samantha naman ay mukhang iritable. Hindi pa sila tumitingin sa amin at abala sa kung anong pinag uusapan nila na sila lang rin naman ang nakakarinig.
Sumibol ang kakaibang kaba sa aking dibdib. Nag simulang pumasok sa isip ko ang ilang araw ko ng pilit iniiwasang isipin. Umiwas ako ng tingin sa kanila at pasimpleng tumalikod. Umalis ako roon at agad na umakyat sa kwartong nakalaan sa akin.
Nanginginig ang kamay ko ng buksan at isara ng pinto ng kwarto. Napasandal ako roon at napatitig sa kawalan.
Bakit sya nandito? Paano nya nalaman ang lugar na ito?
Napaupo ako sa kawalan ng lakas, bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Gail kasama si Uno.
"Vy..." marahang tawag niya sa akin. Hindi ako nakasagot at nanghihina lamang siyang tiningnan.
May kung anong kirot akong nararamdaman sa aking puso. Mas lalo lamang pumasok sa isip ko ang aking hinala.
"Vy... an-andun si.." hindi niya maituloy ang sasabihin. Ngumiti ako ng pilit, lumapit sa akin si Uno at inalalayan akong tumayo.
"Miss, mabuti pa ay hayaan nyong mag paliwanag si Lucas."
Napabaling ako ng tingin kay Uno na nakatayo na sa gilid ni Gail na nakatayo sa harap ko. Nakaupo ako sa sofa, naguguluhan at kinakabahan sa naiisip.
"Kilala nyo ba sya?," nag aalangang tanong ko kay Uno. Umiwas lamang ito ng tingin sa akin.
Humarap naman sa kanya si Gail at hinawakan pa ang kanyang braso, "Uno kilala nyo ba?"
Tumingin ito sa kanya at nag pakawala ng malalim na pag hinga bago tumango, "Kilala namin ko Samantha,"
Iyon lamang ang sinabi ni Uno ngunit para akong binagsakan ng langit at lupa. Para rin akong binuhusan ng malamig na tubig at nawalan na talaga ng lakas.
Napamaang si Gail at agad na nag pabalik balik, nag iisip siguro gaya ng mga naiisip ko.
"Hindi...hindi," sambit niya.
Pinangilidan naman ako ng mga luha. Kung ganoon ay posibleng tama nga ako. Ibig sabihin ay hindi siya driver ni Samantha? Dahil paano nya malalaman ang lugar na ito? Kung driver sya niyo ay bakit sya susundan ni Samantha dito?
"Mag impake ka Vy, aalis na tayo dito."
Napalingon ako kay Gail ng sabihin niya iyon. Mukha siyang desidido at sa paraan ng kanyang pag salita ay nasisiguro kong seryoso talaga siya sa sinabi.
"Gail, huwag kayong mag padalos dalos. Hindi magugustuhan ni Lucas kung aalis kayo dito," si Uno iyon na hinarap naman si Gail ngayon.
Tumawa naman si Gail ng may halong sarkasmo, "At tingin mo ay matutuwa ako na nandito kami gayong andito ang babaeng yun?,"
"Hindi nya kayo paaalisin dito," tugon nito sa kaibigan ko.
"Fuck him, fuck you. I'm sure alam nyong involved ang babaeng yun sa gulo ng kaibigan ko. Bakit nyo kami tinutulungan? Planado ba tong pag punta dito para makasunod ang babaeng yun?," galit na saad ni Gail.
Mas sumiryoso naman si Uno habang nakatitig sa kaibigan ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung susundin ko ba si Gail na mag impake o aawatin ko sila sa pag aaway, "Hindi namin alam na pupunta dito si Samantha. Wala sa plano ang pag sunod nya dito,"
Inis naman na sumigaw si Gail, "Gago, sinong niloko nyo?"
"You should stop cursing Gail. It doesn't suit you," inis na sambit nito.
"And who the hell cares?," matapang na tugon ng kaibigan ko.
Napahugot naman ako ng maraming hangin at tumayo, naagaw ko ang atensyon nila kaya't nag salita na ako, "Mabuti pa Uno, ihatid mo nalang kami pabalik sa daungan. Kami na ang bahala pag dating doon. Aalis kami ni Gail ngayon,"
"Hindi pwede Vy, pasensya na."
Si Gail naman ang sumagot, "Kumilos ka na Versola, wala akong pakealam kung hindi pwede. Basta ihatid mo kami ni Vy sa daungan dahil aalis kami. Kung hindi ay lalanguyin namin iyon, bullshit."
Napabuntong hininga naman ito tsaka lumabas sa kwarto. Lumapit sa akin si Gail at niyakap ako, nanghihina parin ako pero hindi ko magawang umiyak. Basta ko lamang nararamdaman ang bigat sa aking dibdib at napupuno ako ng lungkot pati na rin ng sakit.
"Mag impake ka na, aayusin ko lang din ang mga gamit ko. Hindi man lang natin naenjoy ang islang ito dahil may bruhang dumating. Sige na huwag mong masyadong isipin at ayusin mo na lang ang gamit mo," sambit ni Gail.
Tumango naman ako at pilit na ngumiti sa kanya. Ilang saglit lang ay lumabas na siya para mag ayos ng sarili niyang gamit.
Hindi naman nag tagal ay bumalik si Gail dala na ang kanyang bag, ayos na rin ang sa akin. Parehas na kaming nakapag bihis para sa pag alis kaya't bumaba na kami.
"You won't do that Sam!," narinig kong sigaw ni Lucas ng makalabas ng kwarto. Nag katinginan naman kami ni Gail at hindi agad nakakilos.
"How dare you do this to me, Lucas! For that bitch?!," sigaw pabalik ni Samantha.
Lumapit kami sa hagdan at bumaba ng ilang baitang at natigil lamang dahil sa sunod na narinig.
"You ruined my plan! You ruined everything Lucas! I was hoping you'll help me or is this your way of helping," maarteng sambit ni Samantha.
"You know I didn't agree to any of your plans," Lucas voice made my heart beat faster.
"Really? Then why are you two suddenly became close? Why is she here with you?," tunog nang aasar ang boses ni Samantha. Wala sa sarili naman akong tumuloy sa pag baba.
Nakatalikod si Lucas sa gawi ko habang si samantha ay nakaharap halos sakto sa kinatatayuan ko ngunit hindi nya ako tinapunan ng tingin.
Kabado ako at halos nanginginig na dahil sa kawalan ng lakas.
"If you didn't agree with my plans then why are you close to her? Bakit biglang nag kasundo kayo Lucas? Bakit pagkatapos kong umiyak sayo ay bigla na lamang kayong naging mag kasundo? Akala mo ba ay hindi makakarating sa akin? Bakit my dear cousin, nahihiya ka bang malaman ko na ginagawa mo parin ang lahat para sa akin? Kaya mo ba itinatago sa akin na naging malapit na kayo sa isa't isa? Hmmm, kung sa bagay ayos lang din. Ang mahalaga ngayon ay nasira na natin silang dalawa. Onting tiis nalang at mapapasaakin na ulit si Xavier. Salamat sa tulong mo Lucas, I really really appreciate it."
Nabitawan ko ang dala kong gamit. Napalingon naman sa gawi ko si Lucas habang nakangiting bumaling sa akin si Samantha. Agad akong pinangilidan ng luha at nakaramdam ng matinding sakit.
Nanlalabo ang aking paningin ngunit nakita ko ang pag lapit ni Lucas. Agad naman akong hinila ni Gail at itinago sa likod niya na para bang hindi ako makikita at malalapitan ni Lucas.
Mag pinsan nga sila? Ibig sabihin ay tama ang naiisip ko. At tama nga ang ikinatatakot ko, planado ang lahat? Ang pagiging mabait nya sa akin at pagiging sweet? Lahat iyon ay planado para sa kanyang pinsan?
"Veronica," sambit niya ng makalapit sa amin. Agad naman siyang hinarangan ni Gail at itulak pa ngunit hindi naman naging matagumpay.
"King ina Lucas, gago ka rin katulad ni Xavier."
Hindi pinansin ni Lucas ang sinabi ni Gail. Tinitigan niya lamang ako habang nag papahid ng luha.
Akala ko iba ka Lucas. Akala ko hindi mo ko sasaktan, akala ko poprotektahan mo ako. Pero hindi, kasi mas masakit itong pinaramdam mo sa akin kesa sa ipinaramdam sa akin ng ibang tao. Mas masakit kasi nagawa mo kong saktan.
Sinubukan ako ulit lapitan ni Lucas at nag tagumpay siya. Nasa gilid ko na ngayon si Gail. Sinalubong ko ang mga mata ni Lucas na marahang nakatingin sa akin.
Lalo ko lamang naramdaman ang sakit sa aking dibdib ng makitaan siya ng pagkakalito, para saan iyan Lucas? Bakit ka naguguluhan?
"Oh mukhang hindi lang pala kayo close ni Veronica, Lucas. Ang galing mo naman at napain-love mo ang babaeng iyan. Ganoon ka pala kagaling umarte para mapaniwala siya ng ganyan?," mapanuyang sambit ni Gail.
"Stop it Samantha!," inis na sambit ni Lucas ng hindi nya ito nililingon. Agad namang sinugod ni Gail si Samantha at sinabunutan.
"Hayop ka talaga! Napakasama ng ugali mong bruha ka!," Sigaw ni Gail habang sinasabunutan si Samantha na pilit gumaganti sa kanya.
"Bitch! How dare you!," asik ni Samantha kay Gail.
Agad namang lumapit si Uno kay Gail at inilayo kay Samantha habang si Ram naman ang pumigil dito.
Napalingon ako kay Lucas ng maramdaman ang marahan niyang pag kapit sa aking kamay. Malungkot ang kanyang mga matang nakatitig sa akin, umiwas ako ng tingin dahil sa nag babadyang mga luha.
"Please look at me, tell me you trust me."
Ang boses niya ay napakarahan ngunit labis ang sakit na dulot sa akin.
"Totoo ba Lucas? Pinag laruan mo ba ako? Ginawa mo ba to para sa kanya?,"
Hindi ko na napigilan ang pag iyak habang nag sasalita, agad naman niyang pinunasan iyon ngunit umiwas ako.
"Lahat ba yun hindi totoo? Lahat ba parte ng plano para mag kahiwalay kami ni Xavier?,"
Hindi siya umimik kaya't lalo lamang akong naiyak. Ang sakit na nararamdaman ko kanina ay tila nadoble.
"Kaya ba kahit..kahit iniiwasan kita ay lumalapit ka pa rin? K-kaya ba ganoon ka kabait sa akin, Lucas?," tuloy tuloy ang luha ko. Nanginginig parin ako sa panghihina.
Hindi pa rin siya sumagot kaya't umalis ako sa kanyang pag kakahawak. Tinitigan niya lang ako ng may malungkot na mata kaya't ngumiti ako sa kanya.
"Nevermind. What do I expect? Your cousins after all. You know, family."
Hindi nakatakas ang pait sa aking boses. Naalala ko iyong mga panahong pinaramdam niya sa akin na mahalaga ako at pamilya ko siya. Lahat ba iyon ay pag papanggap lang, Lucas? Lahat ba iyon ay para sa pinsan mo?
Tumalikod ako sa kanya at bumaling kay Gail na masamang nakatingin parin kay Samantha, nakangiti lang ito at halatang nang aasar.
Pinunasan kong muli ang aking mukha at kinuha ang gamit ko, "Gail tara na," hindinko alam kung paano kong nabuo ang aking boses ngunit nag papasalamat ako roon.
Padabog naman na kumawala si Gail kay Uno at kinuha ang gamit niya.
"Ihahatid mo ba kami Uno o hindi?," bakas parin ang inis sa boses niya.
"Ihahatid ko kayo," mahinang sambit nito, nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.
"Umasa ka naman talagang magugustuhan ka ng pinsan ko, Veronica?," panunuya niyang sambit tsaka maarteng kumawala kay Ram.
Sumibol naman ang galit sa akin kaya't nagawa ko siyang ngisian.
"At umasa ka naman na ikaw ang sasabihin girlfriend ni Xavier sa interview?," sinigurado kong nakakainsulto ang dating ng aking pag sasalita.
Nasasaktan ako sa ginawa ni Lucas pero nagagalit ako kay Samantha. Ang galit ko ay tila para lamang sa kanya kaya't nagagawa ako siyang tingnan ng matapang. Hindi ko kayang hayaan na ipamukha niya sa akin na talunan ako dahil kahit pa totoo iyon ay wala siyang karapatan. Naubos na ang respeto ko sa kanya bilang tao mula ng bastusin niya ang relasyon namin ni Xavier. At lalo lamang nasaid iyon dahil sa nalaman ko ngayon.
Galit niya naman akong nilapit at sasampalin sana ngunit napigilan ko siya. Lalo akong ngumisi sa kanya at umiling.
"Sa pag kakaalam ko ay wala kang karapatang saktan ako Samantha. Kaya wag mo ng subukan pa dahil hindi ako mangingiming patulan ka. Umalis ka sa dadaanan ko o ako mismo ang tutulak sayo paalis sa harap ko?," mariing sambit ko.
Kung kanina ay nanginginig ako sa panghihina ngayon ay nanginginig ako sa galit. Narinig ko ang mga hakbang ni Lucas kaya't ako na ang tumabig kay Samantha para makadaan.
Narinig ko pa ang bahagyang pag sasalita ni Samantha ngunit hindi na ako lumingon pa.
Nang makarating sa labas ay napatigil ako sa pag lalakad ng maramdaman ang kapit ni Lucas. Alam kong siya iyon, kabisado ko ang pakiramdam na kapit niya ako.
"Don't leave," halos bulong iyon. Agad nanamang nangilid ang luha ko. Bakit parang ang sakit sakit na marinig iyon sa kanya? Bakit parang gumuguho ang mundo ko dahil sa sinabi niya?
"Please Veronica, don't leave."
Tumulo ang mga luha. Ramdam na ramdam ko ang gumuguhit na sakit sa aking dibdib.
Mahal na kita Lucas pero ang sakit nitong nalaman ko. Minahal kita ng hindi ko namamalayan at ngayon nasasaktan ako ng higit sa naramdaman kong sakit mula sa ibang tao.
"You should have not given me a reason to leave you, Lucas."
Iyon lamang ang nasabi ko tsaka muling nag lakad. Sumunod naman si Gail kasama si Uno.
Agad kaming umalis sakay ang yate na ginamit rin namin papunta dito.
Mahal na kita Lucas, higit pa sa pag mamahal ko kay Xavier...kaya lang ang sakit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top