Chapter 25
Chapter 25
He held out my hand and guide me to my room, he's quite and serious as I am. Nang marating ang kwarto ko ay hindi pa din ako makapag salita, mabuti na lang at hindi na din siya nag tagal. Hinalikan niya lang ako sa aking noo at iniwan na ako doon papunta sa kwarto niya. Agad naman akong pumasok sa kwarto ko at doon palang nakahinga ng maluwag.
Alam ko ang mga sinabi niya kanina, hindi man direkta ay naiintindihan ko iyon pero naguguluhan pa din ako. Mas tama atang sabihin na mas naguluhan ako. Nakakaramdam ako ng lungkot at kirot sa aking puso habang inaalala ang mga sinabi niya.
Iniwasan niya ako dahil ayaw n'yang maguluhan ako. Ayaw niyang mahirapan ako kaya pinili n'yang umalis at wag mag paramdam. Galit siya kay Xavier dahil hindi daw nito nakikita ang nakita niya sa akin at hindi ko alam kung ano iyon. Nagagalit siya dahil para sa kanya hindi ko dapat ito nararanasan, hindi ko dapat ito pinoproblema. Nagagalit siya at nalulungkot dahil kahit gusto niyang ilayo ako kay Xavier ay hindi niya kayang gawin dahil naniniwala siyang mahal ko si Xavier. Gusto niya akong itago, gusto n'yang humingi ng chance pero hindi niya ginagawa dahil ayaw n'yang mahirapan ako.
"Hindi mo ba alam na nahihirapan din ako sa ganito?" bulong ko sa sarili habang nakahiga sa kama. Nakabalot sa akin ang makapal na kumot dahil dito ako kumportable.
Humugot ako ng malalim na pag hinga at tumitig muli sa kisame. Gulong gulo na ako sa nararamdaman ko para sa problemang ginawa ni Xavier tapos ngayon ay lalo akong naguguluhan sa sitwasyon namin ni Lucas.
If he likes me then why can't he just like me? Why can't he just let me decide?
Naiinis ako pero hindi ko alam kung kanino. Kung kay Xavier ba, kay Lucas o sa sarili ko. Naiinis ako at gusto ko na lang maiyak. Hindi ako nakatulog at lalong hindi ko namalayan ang oras, alas dos na nang makaramdam ako ng uhaw kaya lumabas ako para bumaba at makainom.
Dim na ang lights sa kabubuan ng room, mukhang natutulog na si Lucas. Dumiretso ako sa kitchen at uminom roon ng tubig. Matapos ay dumiretso ako sa couch sa sala at duon nahiga, baka maya maya ay darating na sila Gail.
Hindi naman ako nag kamali dahil bago pa mag alas tres imedya ay dumating si Gail kasama ang ilan pang tauhan ni Lucas.
Agad kong sinalubong si Gail kaya nagulat ako ng makitang kasama pala nila si Lucas. Hindi ko na lang iyon pinansin at itinuon ang buong atensyon sa aking kaibigan.
"Gusto mong kumain? Mag luluto ako," sambit ko ng matapos ang aming yakapan. Gumaan ang pakiramdam ko ngayong narito na siya at kasama ko na.
"Mabuti pa nga at nangalay ang likod at pwet ko sa byahe at namiss ko ang luto mo deserve ko ang masarap na pag kain," nakangiting saad nito. Natawa na lang ako at niyaya na siya sa kitchen.
"Anong gusto mong kainin?"
"Ano bang pwedeng mailuto dyan? Kahit ano basta luto mo, masyado akong naiimbyerna nitong mga nakaraang araw kaya bumawi ka sa akin."
Napangiti naman ako sa sinabi niya dahil alam kong totoo iyon, gusto ko din talagang makabawi sa gulong nadudulot nito sa kanila.
"Sige mag luluto muna ako, kung gusto mo ay mag pahinga ka muna sa kwarto ko. Kumain na ba ang mga kasama mo?" sambit ko habang nag hahanap ng mga ingredients.
Umiling naman siya bago sumagot, "Well kumain naman kami pero puro light meal lang, ayaw ko na din kasing maabala biyahe namin kakastop sa mga pwedeng kainan. Ulam na lang ang lutuin mo, gusto ko ng Caldereta may mga ingredients ba? Ayaw ko umakyat natulog naman ako sa byahe."
Napangiti ako lalo dahil saktong mayroong ingredients para sa gusto niya.
"Sakto lang, kumpleto ang ingredients para sa Caldereta."
Nag simula akong mag luto habang nag kukwentuhan kaming dalawa, nasa sala pa din sila Lucas kasama ang mga tauhan niyang kasama ni Gail papunta dito maging ang mga kasama namin. May pinag uusapan silang hindi na namin inintindi pa.
Tanong ng tanong si Gail kung anong nangyari kaya't nag kwento ako sa kanya, mahina lang ang aming boses para kahit may pumasok dito ay hindi agad kami maririnig.
Hindi ko pa man naikukwento ang tungkol sa huling pag uusap namin ni Lucas kagabi ay natapos na akong mag luto. Tinulungan ako ni Gail sa pag ayos ng mga gamit para makakain silang lahat, mabuti na lang at condo type ang room na ito at mukhang para talaga sa maraming tao dahil kumpleto ang kagamitan. Ang mga kubyertos nga lang ay nag kulang kaya nag request pa si Gail sa hotel para sa kakulangan na agad ring natugunan.
Isinasalin ko ang ulam ng umalis si Gail para tawagin ang lahat. Alas kwatro na ng madaling araw at mukhang ito na nga ang simula ng araw na ito.
Nang bumalik siya ay kasama na niya ang walong tauhan ni Lucas. Tunog nag mamalaki ang boses niya ng sabihin niya ito, "Nag paluto ako ng Caldereta kay Vy, masarap s'yang mag luto kaya wag nyo ng palampasin."
"Magaling ka pala mag luto Vy? Sakto at mahaba ang araw na ito para sa ating lahat," sambit ni Uno. Inilahad ko sa kanila ang mahabang hapag, nasulyapan ko rin si Lucas na nakaigting pangang nakatingin sa akin.
"Kumain ka na rin," sambit ko sa kanya ng lumapit siya sa akin. Hindi naman siya kumibo kahit pa nag kanya kanya na ang lahat sa pag kain. Naupo ako sa tabi ng kabisera at duon naman pumwesto si Lucas. Tahimik pa din akong pinagmamasdan kahit na nag simula na akong mag lagay ng pag kain sa aking plato.
Ngumuso naman sa akin si Gail at isinenyas ang walang lamang plato ni Lucas na seryosong nakatitig pa din sa akin. Pinandilatan ko naman ang bestfriend ko ng mata pero gumanti lang siya at muling inginuso si Lucas. Hindi ko sila magets, napakaweird.
Abala ang iba sa pag akin at tuloy ang papuri sa pagluto ko, maging si Gail ay abala na din sa pag kain. Habang ako ay hindi makapag simula dahil sa paninitig ni Lucas. Ang akala ko ba ay mananatili siya kung nasaan siya? Ano itong itinitingin tingin niya ngayon?
Humugot ako ng malalim na pag hinga at nilagyan ng pagkain ang kanyang plato, napataas naman ang kanyang kilay ngunit hindi ko na yun pinansin pa. Hindi ko siya maintindihan, kaya mabuti pang kumain na lang siya dahil kung tititig lang siya ay pati ako hindi makakakain.
"Kumain ka na Lucas," Mahinang sambit ko tsaka inilahad sa kanya ang plato niyang nilagyan ko ng pagkain.
"Okay," agad naman siyang sumunod at kumain na.
Napairap naman ako dahil nanaman sa inaasta niya. Baliw na ata ang lalaking ito. Kumain na din ako at nakinig nalang sa kwentuhan ng ibang kasama.
Ang hotel na ito ay pag mamayari pala ng kaibigan ni Lucas kaya ganito na lang kalaki ang room namin. Hindi na din nakakagulat na isang request pa lang namin ng mga kulang na gamit ay agad din nilang dinala dahil kaibigan pala ng may ari si Lucas. Mayaman talaga siya at hanggang ngayon hindi ako makapaniwala. Naisip ko nanaman tuloy ang isang bagay na hindi ko alam kung kaya ko bang tanggapin.
Nang matapos kami ay puro papuri pa din sila sa aking pagluto, si Gail naman ang panay pakikipag biruan sa kanila, mag kaugali silang dalawa ni Uno kaya't minsan sila ang nag babangayan minsan naman ay sila ang mag kasundo sa pang aasar sa iba.
Nang mag alas singko ay nag pasya kaming maghanda na para sa biyahe patungo sa rest house nila Lucas. Nauna na akong maligo habang nag hahanda si Gail ng kanyang gamit at ng natapos ako ay siya naman ang gumamit ng banyo. Nag bihis ako ng simpleng short at isang simpleng shirt tsaka ipinares sa simpleng tsinelas na kaparehas ng tsinelas ni Gail, dala niya iyon at ibinigay n'ya sa akin kanina. Nabili daw n'ya sa daan papunta dito. Halos parehas lang din ang suot namin ni Gail, siya kasi ang halos nag impake ng gamit ko at hilig niya talaga na may mag kamukha kaming damit. Gusto niya daw kasi kapag pinag kakamalan kaming mag kapatid na dalawa at wala naman akong problema doon.
Matapos naming mag ayos ay lumabas na kami, andon na ang lahat at kami na lang ang inaantay. Papasikat na ang araw kaya hindi na kami nag aksaya pa ng oras. Bumaba kami sa ground floor at nag check out tsaka tumulak papuntang daungan.
Kasama ko si Ram at Gail sa isang sasakyan habang sila Lucas at Uno naman ay kasama ng iba pa sa van na dala nila Gail kahapon. Hindi ko alam kung bakit hindi siya sumabay sa amin pero ayaw ko ng mag tanong pa, baka lalo lang akong maguluhan.
"Vy umamin ka nga sakin," biglang nag salita si Gail sa gitna ng byahe at katahimikan. Lumingon ako sa kanya at binigyan siya ng nag tatanong na tingin.
"May problema ba kayo ni Lucas?" nakataas ang kilay na tanong niya. Napasulyap naman ako kay Ram na diretso lang ang tingin sa daan, mukhang walang pakialam sa kung anong pinag uusapan namin.
"Wala," simpleng sagot ko ngunit nanliit lamang ang mata ni Gail na nakatingin sa akin.
"Umamin ka, anong nangyari habang wala ako? At akala mo ba hindi ko napapansin na iniiwasan ka niya noong nakaraan ng sinundo n'ya tayo sa bahay," tuloy tuloy na sambit niya kahit pa sinisenyasan ko siyang tumahimik dahil nakakahiya kay Ram. Baka kung ano ang isipin niya sa mga naririnig niya.
"Wag mo kong daanin sa pasensyas senyas mo Veronica ha! Nung tinanong ko siya sa Condo sa Manila hindi lang siya sumagot. Kanina ng makausap ko siya pag salubong niya sa amin, tinanong ko kung kamusta kayo pero hindi pa din siya sumagot tapos kanina sa almusal ano iyong paninitig n'ya sayo? Mukha siyang problemado at naiinis sayo,"
Napairap na lang ako sa bestfriend ko na walang pakialam kung sino ang nakakarinig sa amin. Hindi ito titigil hangga't hindi ko siya sinasagot kaya muli akong sumulyap kay Ram na wala paring imik at abala sa pag mamaneho.
Huminga ako ng malalim at tumingin ulit sa aking kaibigan, "We're fine, hindi ko alam kung anong problema. We already talk about it Gail, hindi ko lang talaga maintindihan. Naguguluhan ako kaya hindi kita masagot."
"Alam mo minsan gaga ka," inis na sambit niya kaya napamaang ako sa kanya. Umirap lang siya sa akin at bumaling na sa bintana.
Hindi na lang ako umimik at tumingin na lang din sa bintana. Napapaisip nanaman ako sa naging pag uusap namin kagabi. Pati sa mga inaasta niya noong nakaraang araw. Naisip ko rin ang mga bagay na nalaman ko sa kanya, pati ang mga bagay na gusto kong malaman pero wala akong lakas.
Hanggang matapos ang byahe patungong daungan ay tahimik kami. Isang malaking yate ang nag aantay sa amin doon, naaout of place sa mga bangkang pampasahero dito.
Inalalayan ako ni Lucas pasakay doon habang si Ram ay inalalayan si Gail. Agad na naglakbay ang kamay ni Lucas sa aking bewang, napatingin naman ako sa kanya ngunit hindi siya nakatingin sa akin.
Pag lingon ko kay Gail ay mapanukso na siyang nakangiti sa akin. Umirap ako sa kanya at umiling. Baliw na ata ang dalawang ito.
Nanatili kaming nakatanaw sa magandang dagat. Abala si Gail sa pag kuha ng pictures habang ako ay tahimik na nakatanaw lang sa magandang tanawin. Nasa likod ko si Lucas nakahawak pa din sa aking bewang.
I missed how he act this way. He's like protecting me and ready to guard me anytime.
Hinawi niya ang buhok kong pinapalad ng hangin. Inilagay niya sa kanang balikat ko at lalong dumikit sa akin. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat, gaya noong nasa batanggas kami.
I closed my eyes and feel the fresh air, it's even more relaxing now because he's so closed to me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top