Chapter 24

Chapter 24

"Did Xavier called?" naitanong ko sa kanya matapos n'yang nag kwento.

"Of course he did, sayo. Hindi ko lang sinagot. Nag text din siya tinatanong kung nasaan ka pero hindi ako nag reply. Flood messages ang binigay n'ya sayo, nakikiusap pa na sakyan mo na lang ang plano niya para mas gumanda ang career n'ya. Baliw ata talaga yang ex mo nanggigigil nanaman ako. Nakakaimbyerna," inis na sambit nito.

"Tingin mo ba hindi ko dapat siya kausapin? I mean naisip ko kasi na baka hindi to matapos kung hindi kami mag uusap. Gusto ko din sanang makausap s'ya para maayos na ito," mahinang sambit ko.

"Paos ka Veronica, siguraduhin mo lang na pag dating ko d'yan ay hindi na mataas yang lagnat mo ha. At tigil tigilan mo ang pag iisip na kakausapin mo yung gunggong na 'yun dahil hindi 'yun papaawat. Nawawala na ata sa sarili kaya wala kang kasiguraduhan kung maaayos n'yo ba ito kapag nag usap kayo o mas palalalain n'yo pa. Tumigil ka dyan naiimbyerna din ako sayo," nasisiguro ko na kung kaharap ko siya ngayon ay panay ang irap sa akin ng babaeng ito kaya natawa na lang ako.

"Whatever, lagi ka namang naiimbyerna. Sige na mag iingat kayo, kung tulog ako pag dating mo ay gisingin mo ako ha?" pag tatapos ko sa aming pag uusap.

Humalakhak naman siya sa sinabi ko, "Buti alam mo. O siya sige bye. Gigisingin talaga kita at marami kang dapat sabihin sa akin,"

"Okay Gail. Ingat," sambit ko tsaka ibinaba ang tawag. Sakto namang dumating si Lucas na nakashort at simpleng white shirt, nakatingin sa akin.

Umiwas ako ng tingin at agad inubos ang kapeng natira tsaka nag mamadaling tumalikod sa kanya at paalis na sana kung hindi niya lang ako hinawakan.

"Hanggang kailan mo ako iiwasan Veronica?" mariing tanong niya. Gulat naman akong napaharap sa kanya, siya ay seryoso lang na nakatingin sa akin.

"Hindi ba't ikaw ang umiiwas sa akin Lucas?" pinilit kong mag tunog wala lang iyon ngunit hindi ako nag tagumpay.

He clenched his jaw and look at me like his eyes are saying something to me that I couldn't understand.

"Kailangan ka pa naging friendly at madaldal sa ibang tao?" tanong niya ulit. Naguguluhan naman akong tumingin ulit sa kanya. Ano bang problema nito? Naguguluhan na talaga ako sa kanya.

"Talagang tuwang tuwa ka habang kausap mo si Ramiel at Uno kanina. Ganoon din ba kahapon habang bumabiyahe kayo patungo sa bahay ng kapatid ko?" bakas ang inis sa kanyang boses ngunit hindi ko iyon pinansin. Naiinis rin ako at naguguluhan sa kanya.

"Anong gusto mong gawin ko? Mag mumuk sa biyahe? Nakakainip kaya at wala namang masama kung makipag usap ako sa kanila diba't mga kaibigan mo sila?" inis na sambit ko sa kanya. Hindi ko na talaga malaman kung anong problema nitong lalaking 'to. Tinatalo pa talaga ang babaeng nireregla.

"Kaibigan ko sila hindi mo kaibigan," mariing saad niya. Napamaang naman ako sa kanya at di makapaniwalang tiningnan siya. Seryoso ba sya? What the hell?

"Madamot ka pala sa kaibigan Lucas? Hindi ko naman alam na kapag kaibigan mo ay hindi ko na pwedeng maging kaibigan," mas naiinis na ako ngayon at alam kong nakikita niya iyon.

Nakapamewang siya habang tinitingnan ako at bahagyang itinagilid pa ang ulo niya habang nakakagat sa kanyang pang ibabang labi. Umirap naman ako dahil sa loob ko ay nag susumigaw kung gaano ko namiss na titigan siya ng ganito. Ang gwapo pero napakamoody, daig pa ang babae.

"Hindi ko sinabing bawal mo silang kaibiganin," mas malumanay na sambit niya. I laughed sarcastically to him. Kumunot naman ang kanyang noo dahil doon.

"Really Lucas? Ang sabi mo kanina ay kaibigan mo sila, hindi ko kaibigan. Anong ibig noon kung ganon?" taas kilay na tanong ko sa kanya. Ngumuso naman siya at nag pipigil ng ngiti. Umirap naman ako sa kanya at umiling tsaka s'ya tinalikuran ngunit pinigilan n'ya ulit akong makaalis. Iniharap niya ako sa kanya, seryoso na ulit.

"Sila ang hindi pwedeng makipag kaibigan sayo," mahina ngunit seryoso niyang sambit. Naguluhan naman ako kaya't kunot noo akong tumitig sa kanya.

"I don't want you to be friendly to anyone, not in front of me."

Pag kasabi niya noon ay binitawan niya ako at tinalikuran. Siya pa ang naunang lumabas sa kitchen habang ako ay napahawak sa aking dibdib ng maramdaman ang labis na pagkabog nito. What the hell is that? Hindi ako agad nakakilos doon at nang makagalaw na ay agad akong kumuha ng tubig para inumin. Kinakalma ang sarili kahit pa patuloy sa mabilis at malakas na pintig ang aking puso. Napapasabunot pa ako sa aking sarili dahil hindi ko magawang kumalma kahit wala namang dahilan para kabahan.

Walang emosyon akong lumabas sa kitchen at dumiretso paakyat sa kwarto nang makitang nakaupo si Lucas sa sofa at nanunuod ng TV.

Nakakainis, kalmadong kalmado habang ako dito ay hindi mapakali sa kaba!

Padabog kong isinara ang pinto ng kwarto at nilunod ang sarili sa kama. Hindi ko siya maintindihan! Ano bang ginagawa at pinag sasasabi n'ya? Bakit ka naman apektado Veronica Marchella?

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising nalang sa marahang tapik sa aking braso. Pag mulat ay si Lucas ang nakita ko kaya't agad akong umayos ng higa at umupo ng makalayo siya ng bahagya.

"Let's eat so you could drink your meds. Nilalagnat ka nanaman," seryoso pa din siya ngunit hindi na gaanong mabigat ang kanyang tingin. Huminga naman ako ng malalim at itinago ang kabang namumuo nanaman sa aking dibdib.

Inalalayan niya akong tumayo at iginaya sa baba, hindi na ako nag reklamo dahil ayaw ko ng mag salita pa. Ayaw ko siyang kausapin dahil nagugulo lang ako at ang sistema ko sa kanya. Hindi siya maintindihan at hindi din ako maintindihan kaya mas mabuti kung hindi ko na muna siya kausapin.

Marami ang pagkaing nakahain sa lamesa ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. Tahimik na lang akong kumain lalo pa at nararamdaman ko ang paninitig niya sa akin habang kumakain siya.

Nang matapos kaming kumain ay pinainom niya ako ng gamot. Nauna akong lumabas ng kitchen ngunit sumunod din agad siya. Balak ko sanang bumalik na sa kwarto ngunit hinawakan niya ang aking kamay.

"Let's talk," marahang sambit niya. Hinila niya naman ako patungo sa sofang inuupuan nya kanina. Nalungkot nanaman akong bigla, hindi ko siya maintindihan. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya. Parang galit na hindi, parang hindi nya ako gustong kasama pero parang ayos lang din naman sa kanya.

Nalulungkot ako kasi hindi ko maintindihan kung may problema ba kami o ano. Nangangapa ako at hindi ako sanay ng ganito. Hindi naman siya ganito sa akin.

Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko para malibang, ayaw kong tumingin sa kanya dahil siguradong magiging emosyonal ako.

"What's bothering you?" he asked.  I looked at him and breathe heavily.

"A lot," it is almost a whisper. I looked away and play with my fingers again. I can't stand looking at him because I'm feeling something in my heart. Something that dug deep within me.

Nabuhay ang kagustuhan kong mag tanong sa kanya ng mga bagay na nalaman ko pero natatakot ako. May mga bagay akong nalaman na ayaw kong makumpirma dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko o dapat ko bang maramdaman iyon.

"You can ask anything Vy," sambit niya nang makalapit sa akin. Marahan niyang pinakatan ng halik ang aking sintido, napapikit naman ako dahil doon at may kirot na naramdaman sa aking puso.

"Do I have to ask?" iyon lang ang kaya kong sabihin. Kahit pa sabihin niyang ayos lang na mag tanong ako ay hindi ko kayang gawin dahil nauuna ang takot sa akin.

"I want to know what's in your mind," muli niyang hinalikan ang aking sintido. Kapit na rin ng isa n'yang kamay ang aking mga kamay at ang isa naman ay inaayos ang mga takas na buhok sa gilid ng aking tenga.

"Are you mad at me?" bulong ko. Lalong kumirot ang aking puso. Is he mad at me? Why, what did I do?

"I'm not. I am not mad at you, come on look at me."

Hindi ako sumunod, hindi ko siya nilingon dahil natatakot ako sa emosyon ko.

"Why are you avoiding me then? Why do you look so mad? Why do you act like you're mad?" nakagat ko ang aking labi ng matunugan ang sarili kong frustration.

"I'm giving you space," bulong niya sa akin, halos mahalikan na ang aking tenga sa sobrang lapit.

Space? Bakit? Para saan? Nanghingi ba ako ng space? Lalo lang akong naguluhan.

Humugot siya ng malalim na pag hinga kaya bahagya akong nakiliti ngunit hindi iyon ang importante. I want to know why he gave me space? For what?

"Can you look at me now?" marahang sambit niya. Hindi ako agad kumibo ngunit lumingon rin ako sa kanya. Umayos siya ng pag kakaupo kaya't mag kaharap kaming dalawa ngayon na may tamang layo lamang sa isa't isa.

Mahina siyang nag mura sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko na iyon pinansin pa at inantay ang paliwanag niya.

"I don't want you to be confused of your feelings," he said while looking straight to my eyes.

I couldn't say anything, I didn't move either. What does that mean?

"I asked you if you still like Xavier and you said yes that's why I left. I distanced myself because if you still like him then there's a possibility that you'll get confused when I'm around. I don't want to distract you or cause any confusion in you, even if it means I won't be able to see you or talk to you. Even if I badly wanted to be with you,"

Ang pintig ng puso ko ay labis na bumilis, halos wala akong ibang marinig kundi ang tibok nitong napakalakas.

"Galit ako kaya umalis ako pero hindi sayo. Galit ako kay Xavier dahil hindi ka nya makita. Dahil hindi nya makita ang nakikita ko sayo. Lumayo ako dahil siya ang gusto mo, ayaw kitang guluhin kung siya parin ang mahal mo. Sinubukan kong lumayo, sinubukan kong hayaan ka na at wag na mangialam pa pero hindi ko pa din mapigilan. Hindi ko kayang hayaan ka, nagagalit ako dahil dinadala ka nya sa problemang hindi mo naman dapat nararanasan. Kaya kahit sabi ko sa sarili ko, lalayo na ako at hindi ka na guguluhin pa ay andito pa din ako. Gusto kitang ilayo sa kanya, gusto kitang itago sa kanya pero hindi pa din maalis sa isip ko na siya parin ang gusto mo," yumuko siya at ngumiti ng wala sa kanyang sarili bago muling bumaling sa akin na may malungkot na mga mata.

Halo halo ang aking nararamdaman, lalo akong nafufrustate sa mga sinabi niya. Lumayo siya sa akin dahil sinabi kong gusto ko si Xavier. Lumayo siya dahil ayaw niyang maguluhan ako sa nararamdaman ko pero naguguluhan na ako. Dahil kahit anong sabi kong gusto ko pa rin si Xavier ay hindi ko maialis sa akin ang nararamdaman ko para sa kanya.

"I wanted so bad to take you away from him but I can't do that if you love him," bulong niyang muli.

I bit my lower lip as I look at him. Kumikirot ang puso ko sa sinasabi nya. Gusto kong sabihin na hindi na iyon katulad noon pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag na nagugustuhan ko na siya kahit pa may nararamdaman pa ako kay Xavier.

Dahil hindi ko alam kung tama ba na ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung tama bang mag kagusto ako sa kanya gayong pakiramdam ko may nararamdaman pa ako para kay Xavier.

"I want to ask for my chance but I don't want to make it hard for you, so I'll stay where I stand. I'll be your friend, I will just take my place as your family even if I wanted to make you really mine."

He looked away and chuckled, maybe trying to lift up the mood. I didn't say anything, I just look at him while he was trying to calm himself.

I do understand what he said but I don't really get it. I wanted to tell him about my feelings but I can't, I haven't figure it out yet. I wanted so bad to let him know what's on my mind but I don't have the courage to say it. I'm still scared. I'm not sure if this is right. I don't want to confuse him just because I am, that would be mess. It might hurt us both.

"Come on, I'll bring you to your room."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top