Chapter 23

Chapter 23

He's mad and I can see it in his eyes, unlike yesterday that he only acts mad kaya ko nasasabing galit siya. Ngayon ay bakas na iyon sa kanyang mga matang nakatingin sa akin.

Nangilid ang mga luha ko dahil doon pero pumikit ako agad bago pa niya iyon mapansin. Nasasaktan akong makita siyang ganito sa akin. Nasasaktan ako sa paraan ng pakikitungo niya sa akin. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali para maging ganito siya sa akin. Nasaktan ako sa biglaan niyang hindi pag paparamdam at mas nasasaktan ako na ngayon kahit kaharap at kasama ko siya ay parang hindi parin dahil hindi ito ang Lucas na nakilala ko. Nasasaktan ako at hindi ko na maintindihan kung bakit kailangan kong masaktan dahil dito. Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko.

"Sorry," sambit ko habang nakatungo. Nakapikit parin dahil alam kong oras na imulat ko ang mga mata ko ay papatak ang mga luhang pinipigilan ko.

Hindi siya nag salita ngunit naramdaman ko ang maharang pag hila niya sa akin palapit sa kanya, niyakap niya ako. Halos mapaupo na ako sa kanyang kandungan dahil sa pag hila niya sa akin. Itinaas niya ang paa ko at ipinatong sa upuan habang yakap parin ako. Siya ay maayos na nakaupo habang nakaharap pa din sa unahan at ako naman ay patagilid na ang upo na halos kandungin na niya habang yakap yakap.

Gusto kong umalis sa yakap niya ngunit wala na akong lakas. Hindi ko gusto na ginagawa niya ito lalo pa at alam kong galit siya pero hindi ko din maipagkakaila na mas gumanda ang pakiramdam ko ng yakapin niya ako.

"Daan tayo sa convinient store para sa gamot niya pagkatapos bumili ng pagkain. Kayo na nag umorder para sa amin, mag aantay kami dito," utos niya sa dalawang kasama namin matapos ang ilang sandaling biyahe. Lunch na siguro kaya't bibili na ng pagkain. Hindi pa din ako nag sasalita o gumagalaw. Yakap pa din niya ako ngunit hindi naman ako tinitingnan. Nasa bandang dibdib niya ang aking mukha kaya doon din ako nakasandal. Naririnig ko ang tibok ng puso niya. Ngumuso ako nang matantong mabilis iyon dahil naiinis parin siya sa akin. Galit talaga siya kaya ganyan na lamang ang tibok ng puso niya dahil sa pag titimpi.

"Why are you pouting?" inis na sambit niya. Agad kong nakagat ang labi ko. Hindi ko napansin na tiningnan niya ako kaya't hindi ako nakaayos.

"Wala," paos na talaga ako ngayon kaya hirap na akong mag salita.

"Tss."

Nag pakawala ako ng malalim na pag hinga ng marinig iyon sa kanya. Hindi niya naman ito kailangang gawin kung ayaw niya. Bakit pa ba niya pinipilit ang sarili nya kung ayaw nya naman pala? Tapos pinaparamdam niya sa aking ganito, na parang kasalanan ko at namomroblema siya sa akin ng matindi.

Gusto kong mainis pero mas nangingibabaw ang lungkot sa akin. Gusto ko siyang tanungin kung anong problema pero natatakot ako na baka sabihin niyang ako ang problema. Gusto ko ring tanungin kung galit ba siya sa akin pero hindi ko kayang marinig na sabihin niyang oo. Natatakot akong marinig iyong mga hindi ko gustong marinig.

Hindi naman nag tagal sina Ram at Uno sa pag bili ng inutos niya, kumain kaming dalawa habang nag tuloy naman sa pag mamaneho si Ram.

Matapos kumain ay pinainom ako ng gamot ni Lucas, hindi na ako nag reklamo at sumunod na lang. Muli niya akong niyakap at ibinalik sa pwesto namin kanina. Aangal na sana ako dahil mukha naman talagang napipilitan siya pero hindi ko na nagawa ng makita siyang sobrang seryoso.

Tahimik na lang akong sumandal sa kanya at inantok na rin kalaunan.

I woke up feeling better. Nag angat ako ng tingin kay Lucas at nakitang nakasandal na rin ang ulo niya habang natutulog. Naging maingat tuloy ang aking pag baling sa unahan. Sinulyapan naman ako ni Ram at Uno tsaka ngumiti, ngumiti din ako sa kanila at bahagyang nahiya dahil sa pwesto kong yakap pa din ni Lucas kahit natutulog.

"When did you became friendly?" I stiffened when I felt Lucas breathe in my ears, whispering with his manly voice.

Napalunok ako at lumayo sa kanya, umayos ako ng upo at bumalik sa side na inuupuan ko kaninang umaga. Hapon na at maya maya lang ay lulubog na ang araw, puro puno at farm na lang ang aming dinadaanan. Malayong malayo sa purong building sa Manila. Binuksan ko ang bintana at ninamnam ang sariwang hangin, napangiti ako at naalala ang probinsya. Ganito din sa Bohol, pati sa shelter na kinalakihan ko.

"Malayo pa ba tayo?" tanong ko ng hindi sila binabalingan ng tingin, abala pa din ako sa pag salubong sa sariwang hangin. Inilabas ko pa ang kamay ko at dumungaw sa bintana.

"Mananatili po muna kayo sa hotel ngayon para antayin si Miss Gail at bukas ng umaga kayo tutulak papunta sa isla, doon ang rest house nina Sir Lucas."

Si Ram ang sumagot, umayos naman ako ng upo at ngumiti sa kanya. Hindi ko na isinara ang bintana.

Naalala ko naman na kanina pa s'yang nag mamaneho, "Hindi ka ba napapagod mag drive? Mula kanina ay ikaw ang nag mamaneho marunong ako, can I drive?"

I even smiled at him but then he looked at the mirror for Lucas approval, napalingon din tuloy ako dito.

"Diba nilalagnat ka?" masungit na tanong niya.

"Maayos na ang pakiramdam ko. Marunong naman ako mag maneho basta ituro ninyo sa akin ang daan. Sige na Lucas," kahit paos ay nagawa ko pang sabihin iyon. Tumitig naman siya sa akin at umiling. Bakit ba ang sungit niya? Para syang nireregla, nakakainis.

"Edi wag. Uno, ikaw ba hindi ka marunong mag maneho?" bumaling naman ako kay Uno na nakaharap na sa akin ngayon, handang kausapin ako.

"Marunong Miss," nakangiting sagot nito sa akin.

"Edi ikaw naman ang mag maneho, kawawa naman si Ram kanina pa s'ya nag mamaneho. At wag n'yo na akong tawaging Miss, Vy na lang."

Gumanti ako ng ngiti sa kausap. Tumawa naman ito bago ako muling sinagot.

"Siya talaga ang nakaatas sa pagmamaneho Vy, huwag kang mag alala sanay itong si Ramiel. Mas mahaba ang minamaneho nito sa iba naming mga lakad," kumbinsi nito sa akin. Hindi naman ako makuntento dahil kahit pa sabihing sanay si Ram sa pag mamaneho ay sigurado paring napapagod ito.

"Mag kaibigan talaga kayo? Pati din ba yung ibang kasama n'yo nung nakaraan at pati yung mga kasama ni Gail?" tanong ko ulit matapos manahimik ng ilang saglit. Naiinip ako at naiirita lang sa mga naiisip kapag naaalala ko na galit sa akin si Lucas kaya mabuti pang makipag usap nalang dito sa dalawa. At least maiiwasan ko ang mag isip ng kung ano ano tungkol sa asta ni Lucas sa akin.

"Mag kakaibigan na kami mula highschool. Sila Bon, Serio, at Yulo naman ang matatanda sa amin pero kaibigan din namin sila. Nakilala namin sila nung mag simula kaming mag trabaho sa agency nila," tumango tango naman ako sa kanya. Nag assume ako na ang tinutukoy n'yang may-ari ng agency ay sina Lucas. Dahil gaya sa kwento ni ate Harriet ay mukhang mayaman talaga sila at hindi malabong mag karoon sila ng sariling security agency lalo pa at napakayaman nila. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay bakit kailangan n'ya pang mag trabaho bilang driver. O ang namumuo sa isipan ko ang tama at hindi iyong inakala ko noon.

"Kung si Ram ay sa pag dadrive nakaatas, saan ka naman?" tanong kong muli kay Uno.

"Sa kaligtasan mo Vy," sambit niya. Natawa naman ako dahil nag pa-cute pa s'ya pero napatigil nang mag salita si Lucas.

"Uno Versola," tawag niya sa kausap ko. Iyon lang ang sinabi n'ya ngunit hindi na muling nag salita si Uno. Hindi na din tuloy ako nakapag salita. Muli na lang akong bumaling sa tanawin sa bintana at inabala ang sarili sa panunuod doon.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating kami sa hotel na sinabi kanina ni Ram. Bumaba ako at hindi na inantay pa si Lucas na pag buksan ako ng pinto. Kukunin ko na rin sana ang gamit ko ngunit dala na iyon ni Uno.

"Ako na ang mag dadala nito," sambit niya.

Ngumiti naman ako sa kanya at nag pasalamat na lang, "Salamat Uno."

Nginitian niya rin ako at sumunod na kami kay Lucas. Nang makalapit ay agad n'ya ring kinuha ang gamit ko kay Uno. Inilapit din n'ya ako sa kanya. Napairap naman ako dahil sa kaweirdohan niya ngayon.

Pumunta kami sa front desk, nakipag usap naman si Lucas kaya tahimik akong humarap ulit sa iba naming kasama.

"Dito din kayo mag stay?" tanong ko sa kanila.

"Yes Miss," si Ram ang sumagot sa akin.

"Mga anong oras kaya ang dating nila Gail?" tanong ko ulit. Hindi talaga ako mapakali dahil sa inaasta nitong si Lucas kaya panay ang baling ko sa iba naming kasama.

"Mamayang madaling araw po Miss," sagot ulit ni Ram.

Nag iisip pa sana ako ng maitatanong ng iabot ni Lucas ang gamit namin sa kanila at marahan n'yang hinawakan ang aking kamay. Napaangat ako ng tingin sa kanya, nag tataka sa biglaan n'yang kilos.

Nilalagnat ba siya? O sinasapian? Ang weird n'ya talaga ngayon at naiirita ako. Hindi ko siya ma-gets.

"Let's go, kanina ka pa madaldal ah. Hindi ko alam na naging friendly ka na pala Veronica Marchella," bulong niya sa akin tsaka ako iginaya papunta sa aming room.

Hindi na ako umimik pa at pasimpleng umirap na lang sa kawalan. Naiinis ako sa inaasta n'ya, kanina ay galit tapos ngayon ay ganito. Baliw na ata ang lalaking ito.

Sumakay kami ng elevator. Tumigil iyon sa 17th floor, hindi pa din ako umiimik at ganoon din naman si Lucas. Hawak n'ya parin ang aking kamay at marahang iginagaya ako sa suite.

Nang marating 'yon ay agad naman n'yang binuksan at pinauna akong pumasok. Maganda ito at malaki, pumasok din s'ya dala na ang aming mga gamit. Inilagay n'ya lang iyon sa malapit na sofa at muling bumalik sa pintuan kung nasan ang iba pa naming kasama.

"Call me when her friend arrived," iyon lang ang sinabi n'ya at agad namang tumugon si Uno. Umalis sila at naiwan na lang kaming dalawa. Ako na nakaupo sa mahabang sofa at si Lucas na katatapos lang isara ang pinto.

"Dalawa ang room dito, mamili ka kung saan mo gusto. Tatawag na lang ako ng pagkain para sa dinner, mag pahinga ka muna kung gusto mo."

"Okay," iyon lang ang sinabi ko at kinuha na ang gamit kong nakapatong lang rin sa sofa.

Hindi ko na s'ya inantay pang mag salita at agad na akong pumunta sa naunang kwartong nakita.

"Seryoso nanaman s'ya. Tss, hindi talaga maintindihan. Akala mo nireregla kung makapag bago ng mood," inis na bulong ko ng makapasok sa kwarto.

Gaya ng sa baba ay maganda ang kabuuan ng kwarto. Mayaman talaga siya kaya siguradong wala lang ito sa kanya. Kaya pala ganoon na lang siya kabilis mag waldas ng pera doon sa Batanggas dahil hindi naman siya mahirap. Nakakainis lang dahil hanggang ngayon hindi ko pa din magets at mahanapan ng dahilan ang pagiging driver n'ya kay Samantha.

Nainis nanaman ako dahil sa naisip kaya nag pasya akong maligo. Hindi ko naman nagawang mag babad dahil sa takot na baka tumaas nanaman ang aking lagnat. Simpleng short at t-shirt lang ang suot ko. Mabuti na lang at tinulungan akong mag ayos ng gamit ni Gail dahil kung ako siguro ay ilang piraso lang ang dadalhin ko lalo pa at hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.

Pag katapos mag bihis ay pinatuyo ko ang aking buhok tsaka nag pasyang bumaba, gusto kong uminom ng kape o di kaya ay tsaa para lalong gumanda ang aking pakiramdam. Noon kasi iyon talaga ang lagi kong iniinom tuwing masama ang pakiramdam dahil natutulungan akong guminhawa ang pakiramdam.

Wala doon si Lucas kaya dumiretso ako sa kitchen. Malaki talaga ang suite na kinuha n'ya kaya siguradong mahal 'to. Aksayado sa pera palibhasa mayaman.

Nag timpla ako ng kape dahil wala akong mahanap na tea. Doon ko na din iyon napagpasyahang inumin. Tinawagan ko naman si Gail habang inuunti unti ang kape.

"Hello Vy," bungad niya.

"Hi, andito na kami sa hotel. Kayo?" tanong ko naman.

"Hindi ko alam kung saan na 'to pero sabi nitong mga kasama ko ay mga 2:00 am or 3:00 am pa ang dating namin d'yan. Traffic palabas ng manila kaya alam mo na," tumatawang sambit niya. I think she's comfortable and that's good. At least I know she's okay.

"Okay then, take care. Kamusta pala ang mga media? Hindi ka ba nila napansin kanina? Hindi ka naman nasaktan diba?" nag aalalang tanong ko. Ngayon ko lang kasi naalala na may media na nakaabang sa condo n'ya.

"Everything is well planned Vy wag ka mag aalala. Nang dumating ang mga kaibigan ni Lucas ay dumaan sila sa parking lot, dun sa likod ng building sila dumaan para hindi mapansin ng media. Nung nasa condo na sila ay bumaba naman ang mga tauhan ni dad kasama ang dalawang babae na halos kahawig natin para sila ang sundan. And guess what bestfriend, nauto natin sila dahil walang natira kahit isang media kaya nakaalis din kami agad Ang galing!" tumatawang kwento n'ya sa akin.

Napailing naman ako sa kwento niya, halos hindi makapaniwala sa mga plano nila ni Lucas. To think na nagkakilala lang sila noong madaling araw kahapon tapos na plano nilang lahat iyon. I understand Gail, she's sometimes crazy but Lucas? I never imagined him doing that. Hindi sumagi sa isip ko na magagawa niya ito dahil puro lang naman siya kalokohan at minsan naman sobrang seryoso. Pero kung sabagay hindi ko pa naman siya talaga kilala. Kaya nga nagulat ako sa mga nalaman ko tungkol sa kanya.

Hindi pa kita kilala pero nagustuhan na kita, Lucas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top