Chapter 22
Chapter 22
I was on the verge of falling asleep when I heard the door of this room opened and then closed after a while. Then I heard someone's footsteps. Hindi ko alam kung sino ang pumasok dahil nakatalikod ako sa gawi noon.
Pinili kong huwag kumilos. Ramdam ko ang paninitig nito at base sa anino ay mukhang si Lucas ang pumasok. Halos mapairap ako at nag madaling pumikit para mag panggap na tulog ng umikot siya sa gawi ko. Umupo ata s'ya sa sofa malapit sa gilid ng sliding door papuntang veranda.
I heard him sigh, hindi na napigilan ang pag tingin sa kanya. Hindi naman s'ya nagulat ng makitang gising ako. Nanatili siyang nakatitig sa akin, madilim ang ekspresyon gaya kanina.
Bigla akong nalungkot, mukha s'yang pagod at wala sa mood. I know he's just being nice. He's helping me because it's his nature to help someone, gaya noon kahit hindi pa kami mag kasundong dalawa.
Umiwas ako ng tingin sa kanya tsaka umupo, nakasandal sa head board ng kama. Itinuon ko ang aking paningin sa aking mga daliri, ayaw kong mag tama ang mata namin dahil baka lalo lamang akong maguilty. Nahihiya ako sa gulong dinudulot ko sa kanila. Kung tutuusin ay labas naman s'ya dito pero tinutulungan n'ya pa ako kahit pa mukhang hindi kami mag kaayos na dalawa.
"Sorry," mahinang paninula ko. Hindi pa rin tumitingin sa gawi niya, "You don't have to do this Lucas. Ahmm I mean, nag papasalamat ako na tinutulungan mo ako pero hindi naman kailangan. Uuwi na ako bukas sa apartment, kakausapin ko si Gail para hindi na s'ya tumuloy dito."
Hindi siya umimik at nakita ko lang ang kanyang pag sandal sa sofa, nakatingin pa din sa akin habang ako ay nakaiwas naman sa kanya.
"Sorry for the trouble I've caused. I don't know how to repay your kindness and help but I'm really thankful for this. Pero okay na ito, salamat. Hindi na kailangang umalis pa bukas dahil uuwi na din ako. I'll face them to end this issue," mahinang sabi ko ulit. He chuckled but there's no humor in it. I looked at him to see his sharp eyes directed at me. His jaw clenched and his face are dark.
Is he mad? Why did he help me then? I don't really get him. Kaninang umaga ay hindi n'ya ako pinansin, pati sa dinner kanina ay nilampasan n'ya lang ako tapos ngayon ay nandito s'ya sa kwartong ipinahiram nila sa akin, pinag mamasdan ako tapos ngayong kinausap ko siya ay galit na s'ya sa akin? What the hell did I do to him?
"You aren't going anywhere. Matulog ka na at maagang aalis bukas papuntang Pangasinan. You are not facing anyone there Veronica Marchella," mariing sambit n'ya ng makatayo at lumapit sa akin. Hindi naman ako nakaimik at napatitig na lamang sa kanyang seryosong mukha.
He look hot but I still don't get him. Napakagulo n'ya talo n'ya pa ang babaeng mahirap tantyahin.
Umirap ako sa kanya nang subukan niyang lumapit lalo. Humiga ako at tumalikod sa kanya, ikinulong ang sarili sa makapal na kumot. Narinig ko naman ang malalim n'yang pag hinga bago ko naramdaman ang pag ayos n'ya ng kumot ko at ng makuntento ay lumabas na din s'ya ng kwarto at wala ng sinabi pa.
Lalo akong nalungkot, hindi ko alam kung ano bang nangyayari. Hindi naman s'ya ganito sa akin. Hindi ko talaga siya maintindihan. Galit ba siya sa akin? Kung oo ay bakit kailangan n'ya pa akong tulungan? Nafufrustate ako lalo dahil sa pag punta dito ni Lucas.
Nakatulog na lang ako ng hindi ko namamalayan. At nagising na lang ng may kumatok sa kwarto at pumasok ang dalawang katulong para gisingin ako at makapag handa na sa pag alis. Agad naman akong kumilos at sinabihan silang ako na ang bahala sa gamit ko. Nang makalabas sila ay inayos ko ang kama tsaka dumiretso sa banyo. Alas kwatro palang kaya inaantok pa ako ngunit ayaw ko namang mag pabagal bagal gayong mukhang handa na sila.
Naligo ako nang mabilisan dahil masama pa din ang aking pakiramdam. Nilalagnat pa din ako at lalo lang iyong lalala kung mag tatagal ako sa tubig. Pagkatapos ay nag bihis ako ng isang simpleng black jeans at white hoody na ipinares ko sa puting sneakers. Masama ang pakiramdam ko pero hindi naman naaapektohan ang pagkilos ko dahil sanay na ako sa ganito. Noon naman tuwing nag kakasakit ako ay hinahayaan ko na lang na mawala iyon dahil wala akong oras para intindihin at mag pahinga, wala paring bago ngayon.
Bumaba ako bitbit ang aking mga gamit. Sinalubong naman ako ng ilang katulong pero hindi na ako nag paalalay pa, sanay naman akong mag dala ng sarili kong gamit kaya hindi na nila ako kailangang tulungan pa.
"Good morning Vy, let's eat breakfast. Halika na," masayang bati at anyaya sa akin ni ate Harriet.
"Nasaan po si Lucas?" nag aalangang tanong ko ng makarating sa dining area nila pero wala roon si Lucas.
"Ah, nasa labas inihahanda ang lahat ng kakailanganin n'yo pati ng kaibigan mo. Don't worry he had his breakfast already, let's eat."
Muling bumalik ang mabigat na pakiramdam sa akin. Nalulungkot ako sa inaasta ni Lucas sa akin. Hindi ko maintindihan kung iniiwasan ba n'ya ako o ano. Hindi ko tuloy alam kung tama ba talagang tumuloy pa sa plano nila gayong mukhang hindi niya ako kayang makasama.
"Ate Harriet may itatanong sana ako," nahihiyang sambit ko. Agad naman s'yang tumango.
"Go ahead."
"Puwede po bang hindi na tumuloy sa plano. Uuwi na lang po ako," nabasag ang boses ko sa huling sinabi.
"What? Hindi puwede Vy, delikado. At bakit mo naman naisip yan? Don't worry okay? Everything is ready, your friend will be there too."
I bit my lower lip to hide my frustration. I need to do something para hindi kami mag kasama ni Lucas. It's obvious, he can't stand to be with me. Napipilitan lang s'ya dahil gusto n'yang makatulong.
"Puwede po bang ako nalang ang tutuloy sa rest house nyo? Kami ng kaibigan ko? Kung ayos lang po sana, babayaran ko na lang ang pananatili namin doon. Hindi na po kailangang sumama ni Lucas," kinakabahang sambit ko.
Naguguluhan namang tumingin sa akin ang ate ni Lucas. Nag tataka siguro s'ya sa sinasabi ko pero wala na akong pakialam. Ayaw kong ipilit pa ni Lucas sa sarili n'yang samahan ako kung hindi n'ya naman gusto o hindi naman s'ya kumportable. Ayaw ko ng makadagdag pa ng problema sa kanya at lalong ayaw kong maging pabigat.
"What are you thinking?"
Hindi ako agad nakakilos o nakareact ng marinig ang mariing boses ni Lucas. Narinig n'ya ata ang sinabi ko sa kanyang kapatid at hindi n'ya iyon nagustuhan. Baka iniisip n'yang nag iinarte pa ako kahit s'ya itong napupurwisyo ko. Namuo ang kaba sa aking dibdib, may kirot ding dumaan dito.
"Lucas what's going on? What did you do to her?" inis na tanong ng ate n'ya.
"Wala akong ginawa sa kanya ate. Ikaw ata ang dapat na tinatanong ko n'yan, anong ginawa mo at naisip n'yang huwag akong sumama?" iritable ding sagot nito sa kapatid.
Umiling ako at wala sa sariling tumayo para maharap siya. Ang mabilis na pagtibok ng aking puso ay lalo lang tumindi.
"Look I'm sorry for the trouble that I've caused. I'm really really sorry and thank you for the help. For letting me stay here and for wanting to keep me safe but this is too much. Ate Harriet, I'm really sorry for the hassle. And Lucas sorry for giving you burdens. You don't have to do this, really. I can deal with this on my own. Can I just go home to my apartment? I want to go home," naiiyak na sambit ko.
Hindi ko alam kung saan nag mumula ang emosyon ko ngunit nalulungkot ako ng sobra. Nalulungkot ako na maramdamang nagugulo ko s'ya at nagiging pabigat sa kanila. Ayaw ko ng makaabala pa o mag dagdag ng problema sa kanila kaya gusto ko na lang umuwi. Kung kailangang harapin ko ang media para hindi na makagulo pa ng iba ay gagawin ko na. Wala na akong pakealam kung ungkatin nila ang pagkatao ko o husgahan nila ang buhay ko basta ayaw ko ng may madamay pang iba. Not Lucas and his family. I don't wanna be a burden to him.
"Fine. I'll take you home," walang emosyong sambit ni Lucas.
"What? No! Lucas, are you out of your mind? What about her safety?" lumapit ang kapatid n'ya sa kanya at galit na sinabi iyon.
"It's her decision Ate."
"Oh my God! I can't believe you Lucas Andriene! Vy, stop this. Both of you drop your fucking fight okay? That's the least we needed right now. Come on," she said to us, a bit problematic.
Hindi ko na nasundan pa ang pinag usapan nila. Basta pag patak ng alas singko ng umaga ay tumulak na kami patungo sa Pangasinan.
Tahimik lang akong nakatanaw sa bintana habang si Lucas ay abala sa kanyang cellphone.
Nang matapos ang pag uusap nilang mag kapatid ay nag pasya silang tutuloy kami sa Pangasinan. Hindi na ako nakaangal pa dahil mukhang galit si Ate Harriet at sinisisi si Lucas sa kagustuhan kong bumalik sa apartment. Ayaw ko ng mag kagulo pa sila kaya hindi na ako nakipag talo pa.
Walang gana kong tinawagan si Gail para kamustahin. Pakiramdam ko kailangan kong marinig ang boses ng kaibigan ko. Pakiramdam ko kailangan ko siya ngayon dahil nanghihina ako, nasasaktan ako at hindi ko alam kung bakit ganito.
"Hi Vy, how are you? Nakaalis na ba kayo? I'm preparing my things now. Mamaya daw ay dadating rito ang susundo sa akin para makapunta sa rest house nila Lucas sa Pangasinan," masiglang kwento ni Gail. Napangiti naman ako kahit na nalulungkot pa rin, natutuwa lang ako na hindi na gaanong nag aalala si Gail para sa akin.
"I'm fine. Can we talk for a while," mahinang sambit ko. Ayaw kong marinig ni Lucas ang usapan namin kaya para akong bumubulong.
"Sigurado ka bang okay ka lang?" bakas na ulit ang pag alala sa boses niya. Kinagat ko ang aking pang ibabang labi, pinipigilan ko ang pag patak ng aking mga luha. Hindi ako agad sumagot at inantay munang maikalma ang sarili.
"Ayos lang ako nag aalala lang ako para sa sitwasyon," totoo naman iyon dahil bukod sa hindi ko mapangalanang dahilan ng pagkakalungkot ko ay isa pang inaalala ko ang sitwasyon. Hindi ko alam kung paanong umabot pa sa ganito ang sitwasyon namin ni Xavier.
I hear her sigh, "You're not okay Vy, I know you. Please tell me what's wrong?"
Tumulo ang mga luha ko nang marinig iyon sa kanya. Sinuot ko ang hood ko ng hindi natitingin sa side ni Lucas.
"I will, maybe later or tomorrow, sasabihin ko sayo Gail. Keep on talking," halos pakiusap iyon. Naintindihan naman iyon ni Gail kaya pinilit niyang mag kwento ng ibang bagay, nag kwento din s'ya tungkol sa mga kateam ko at sinabing ipinaalam na n'ya sa kanila na mag babakasyon muna kaming dalawa. Hindi na raw n'ya sinabing kasama si Lucas dahil baka may iba pang makaalam at matunton kami sa pupuntahan. Tuloy lang ang luha ko kahit pa masaya naman ang iba pa n'yang kinukwento.
Kahapon ay hindi ko maintindihan si Lucas pero ngayon sarili ko na ang hindi ko maintindihan. I have never been this frustrated my whole life. I have never felt this strange feeling all this years. Ni hindi ako nakaramdam ng ganitong pagkalito kahit pa noong lubos ko ng naisip na ipinaampon ako ng magulang ko at muling ipinaampon sa ampunan ng unang umampon sa akin.
Nang matapos ang tawag ay hindi ko na namalayang nakatulog ako. Nagising na lang ako ng nanginginig sa lamig. Iminulat ko ang aking mga mata at nakitang sikat na ang araw pero nanginginig ako sa lamig. Siguro ay dahil ito sa aking lagnat. Umupo ako ng maayos at niyakap ang aking sarili. Hindi ko na pinababaan ang aircon ng sasakyan dahil baka mahalata nilang may sakit ako, makakadagdag problema pa iyon sa problema kaya mabuti pang hindi na nila malaman.
Natagalan ko naman iyon ngunit ng mag tagal pa lalo ay hindi na din, lalo akong nanginig sa lamig.
"R-ram," halos wala nanaman akong boses. Napatingin naman sa salamin si Ram upang maipakitang narinig n'ya ako, mukha pa siyang nag tataka at bahagyang napabaling kay Lucas. Hindi ko na iyon pinansin at bahagyang tinap ang sandalan ng upuan niya, nanghihina ako dahil sa lamig.
"Paki h-hinaan naman ng aircon p-please," hindi ko na napigilan ang sarili na sabihin iyon. Nahihilo ako at nanghihina talaga.
Mabilis naman kumilos ang lalaking nakaupo sa unahan at s'ya na mismo ang nag hina ng aircon ngunit nagulat ako ng gumalaw si Lucas at pinatay iyon ng tuluyan. Bumalik siya sa kanyang upuan ng matapos iyon at bumaling sa akin, umayos naman ako ng upo at hindi s'ya nilingon man lang. Baka makumpirma n'yang may sakit ako kung titingin ako sa kanya kaya nag kunyari na lang akong hindi napapansin ang paninitig n'ya.
Nanginginig pa ako pero hindi na katulad kanina. Sumandal ako at muling itinuon ang pansin sa tanawin sa bintana. Tahimik parin kaming lahat kaya nagulat ako ng mag salita si Lucas.
"Kailan mo balak sabihing may sakit ka?" iritableng tanong niya, naramdaman ko ang pag lapit niya at ang pag lapat ng kamay n'ya sa aking noo sunod sa aking leeg. Tinitingnan kung may lagnat ba ako at nakumpirma n'ya nga iyon.
"Hindi mo ba alam na inaapoy ka sa lagnat Veronica Marchella o sadyang wala kang pakialam?" ang boses n'yang iritable kanina ay naging galit na ngayon. Walang lakas akong lumingon sa kanya at umiling.
"Pasensya na hindi ko naman sinasadyang makadagdag pa sa alalahanin. Ayos lang ako," mahinang sambit ko.
I saw his jaw clenched and his face hardened. He's even mad now. What now?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top