Chapter 21
Chapter 21
Hindi ako agad nakasagot. Ano bang alam ng kapatid n'ya?
She laughed again and looked at me teasingly, "Never mind. Kahit naman anong status n'yo ay wala akong pakealam. May pagkatorpe talaga ang kapatid ko kaya pag pasensyahan mo na kung mabagal."
Bahagya naman akong natawa sa sinabi ng kapatid ni Lucas. Naging magaan na din ang pakiramdam ko sa kanya kaya naging mas magaan din ang aming pag uusap.
"Are you really that quite? I mean sabi kasi ni Lucas medyo snob ka pero hindi ka naman daw tahimik. Napapaisip tuloy ako kung ikaw ba ang tinutukoy nya," saad ni ate Harriet.
Ngumiti ako sa kanya bago sumagot. Nahihiya pa rin ako ngunit mas nakakahiya naman kung pakikitaan ko siya ng hindi maganda, "Naguguluhan lang ako. Pag kagising ko kasi ay pinag handa agad ako ng best friend ko para sa pag alis. Kanina ko lang din nalaman ang plano nila kaya hindi ko alam kung ano ang irereact ko."
"Right. Kagabi naman ako sinabihan ni Lucas, kaya lang ang sabi n'ya nga ay hindi pa raw sigurado ito pero pinag handa n'ya pa din ako. Excited naman ako kaya talagang pinaghandaan ko ang pag dating mo. Tuwing nagkikita kasi kami ng kapatid ko ay nababanggit ka n'ya kaya sobra akong nacucurious sayo. My brother is not really talkative but whenever he mentions your name, he kept on talking and talking. Hindi sya nauubusan ng sasabihin," tumatawang sabi ng aking kausap.
"He never mentioned about you or any of his family. Kaya medyo nagulat ako ng sabihin ni Ram na pupunta kami sa bahay ng kapatid n'ya dahil hindi ko naman alam na may kapatid pala s'ya. Nawala rin sa isip ko ang mag tanong," nahihiyang kwento ko sa kanya.
Nahihiya man ako ay mas gusto kong marinig ang mga kwento n'ya dahil gusto ko ring makilala si Lucas. Wala s'yang nabanggit na kahit na anong tungkol sa pamilya n'ya kaya mabuti na hindi ko na kailangang mag tanong pa sa kapatid n'ya dahil ito na mismo ang nag sasabi ng mga bagay na gusto kong malaman.
"He never really mention about us. He's like that and I'm used to it. Hindi na talaga ako nagugulat o nag tataka na hindi mo kami kilala dahil ayaw n'yang pinag uusapan ang tungkol sa pamilya namin. Our parents are in abroad, kaming dalawa lang dito sa pilipinas. Bahay namin ito pero mas gusto n'yang sa condo niya s'ya tumira. Para na din daw malapit sa pinsan naming kasabay na namin lumaki, matigas kasi ang ulo non at s'ya lang ang nakakatagal. Sa kanya lang din halos nakikinig. That's why I'm alone in here with our trusted people."
Sa mga nalaman ko ay isa lang ang labis na nag pagulo sa aking isipan. Mayaman sila. Mayaman si Lucas pero bakit kailangan n'ya pang mag trabaho bilang driver kay Samantha?
Muli akong nakinig kay ate Harriet ng mag simula ulit itong mag kwento.
"My brother is really protective with our cousin. Silang dalawa kasi ang sabay talagang lumaki, kung hindi lamang umalis iyon para sa pag aaral ay baka may sarili na silang negosyo dahil hindi sila mapag hiwalay. You know what, muntik ng sundan ni Lucas iyong pinsan namin na iyon sa Australia pero hindi s'ya pinayagan ng tito and tita namin dahil hindi daw matututo si Sam na maging independent kung nandun din s'ya. Kaya ngayong bumalik na dito sa pinas ay talagang bantay sarado niya."
May kung ano sa akin ang biglang hindi mapakali. Maraming tanong ang namumuo sa isip ko ngunit ayaw kong sagutin iyon. Ayaw kong masagot ang mga tanong na iyon dahil may naiisip akong hindi ko nagugustuhan. Hindi naman siguro ganoon, hindi pwedeng tama ang naiisip ko.
"Anyways, balik tayo sa inyo. I'm really happy you came. Hindi kasi ganyan ang kapatid ko noon. Laging sa trabaho lang at sa amin umiikot ang mundo n'ya. Bilang lang ang kaibigan n'ya dahil hindi siya mahilig mamansin. He's always serious and quite. Lahat ng bagay na gagawin niya noon ay planado, walang salitang "bahala na" sa kanya kaya minsan ako ang nalulungkot para sa kanya. He's very stiff, I mean, he never done anything ng hindi man lang pinag iisipan. Sometimes I wanted to blame our parents for making him like that, pinalaki kasi s'yang dapat lahat ng kilos, hakbang at desisyon ay planado at pino. Hindi s'ya pwedeng mag kamali dahil siya ang nagiisang apong lalaki ng parents ni Dad. Sa kanya lahat inilagay ang pressure para sa pagiging tagapag mana kaya walang puwang ang mag kamali sa kanya tapos nadala n'ya na din sa buong buhay n'ya. Pero nung dumating ka biglang may nag bago sa kanya. He's more soft and carefree. Parang biglang hindi na s'ya natatakot mag kamali. He's opening up himself to the world and I'm really happy for him," ang senseridad ay kitang kita sa mata n'ya. Kitang kita rin ang labis n'yang pag mamahal kay Lucas kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pag kamangha.
"I never knew he's always serious," wala sa sariling sambit ko.
"Huh? What do you mean?" naguguluhang tanong n'ya. Napapangiti naman ako dahil sa naisip. He's always smiling at me back then.
"He's never been snob to me. I mean he's always the one approaching me."
Gulat naman akong tiningnan ng ate ni Lucas kaya bahagya akong nahiya. So he's really not like that huh? "Omg! I knew it! He really likes you then? Ah! My brother is finally growing up!"
Natawa naman ako dahil sa exaggerated na reaksyon ng ate n'ya, para siyang si Rica.
"From now on you'll call me ate Arrie, okay? Welcome to the family!" kinikilig pa s'ya ng sabihin iyon at yakapin ako. Agad ko namang naramdaman ang aking pamumula.
Is she really like this? Nakakahiya! Baka isipin ni Lucas ay pinag mumukha ko s'yang may gusto sa akin.
Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil sinabi ko pa ang tungkol doon pero hindi ko magawa. May kung anong kiliting dulot sa aking puso ang kabaitan ng kapatid n'ya. Pakiramdam ko ay napakasaya ko din pero hindi ko maintindihan kung bakit.
"Basta promise me, ako ang unang makakaalam kung ano ng status n'yo okay? Excited na ako para sa inyong dalawa. I'm sure Sam would be shock if she knew about you. Hindi iyon sanay na abala si Lucas sa iba."
Nawala ang ngiti ko ng marinig muli ang pangalang iyon. Hindi ako sigurado sa naiisip ko ngunit may kung ano na agad itong dulot sa aking sistema. Pakiramdam ko ay napakabigat, hindi ko maintindihan. Ayaw ko na lang iyong isipin at lalong ayaw kong malaman ang sagot sa namumuong tanong sa akin. Parang hindi ako handa kahit pa wala pa namang kasiguraduhan sa aking nasa isip.
Nag tuloy ang kwentuhan namin hanggang ala una. Nang matapos ay pinag pahinga n'ya ako sa isang kwarto na inihanda n'ya para sa akin. Sabi niya ay gigisingin n'ya ako pag dumating na si Lucas, hindi na lang ako umimik.
We haven't talked to each other after he left that day. Even though he planned all of this, he didn't bother to talk to me. He just looked at me for a split second and then ignore me again.
Sa totoo lang ay naguguluhan ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit s'ya biglang nag kaganoon. Noong umalis s'ya pag katapos naming mag usap ay hindi na s'ya nag paramdam. Walang text at lalong walang tawag. Kahit pa dalawang araw lang iyon ay pakiramdam ko buwan na noong huli ko s'yang makita. Nakakainis pa dahil hindi man lang niya ako kinausap. Hindi ko tuloy magets kung bakit niya pa ako tinutulungan gayong mukha siyang galit sa akin. Nagagawa niyang harapin ng matagal si Gail habang ako ay halos sulyapan n'ya lang na parang naligaw ako doon kanina. Hindi pa nakakatulong ang mga nalaman ko tungkol sa kanya.
May kapatid s'yang babae, panagay sa kanya at iyon ay si ate Arrie. Bukod doon ay hindi s'ya mahirap, mayaman siya. Mayaman na mayaman. S'ya ang nag iisang lalaking apo ng kanilang pamilya kaya siya din ang tagapag mana. Itong bahay na ito ay sa kanilang mag kapatid pero mas pinili n'yang sa condo niya tumira para malapit sa trabaho at sa pinsan niya. Sam, iyon ang pangalan ng pinsan n'ya. Ayaw ko mang isipin ngunit hindi ko maiwasan. Coincidence lang ba iyon o hindi? Driver ba talaga s'ya o tama ang naiisip ko ngayon? Naguguluhan ako pero ayaw kong malaman ang sagot. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko at lalong hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kung tama ang namumuong ideya sa aking isipan.
I don't want to know because I'm scared. I don't want to know because there's something on my mind that I can't accept.
Hindi ko pa s'ya lubos na kilala at napatunayan ko ngayong halos wala pa akong nalalaman tungkol sa kanya ngunit kung ang babasehan ay ang mga pagkakataong nakasama ko s'ya ay may tiwala ako sa kanya. After all he didn't lie to me right? Hindi lang s'ya nag kwento.
Nakatulugan ko ang pag iisip at nagising na lang nang makaramdam ng gutom. Napatingin ako sa orasang nakasabit sa wall, alas otso na ng gabi. Bumangon ako at kinuha ang aking bag. Masama nanaman ang pakiramdam ko, mukhang bumalik ang lagnat ko.
I took out my phone and dialed Gail's number.
"Vy, glad you called. Kanina pa ako nag aantay ng tawag mo e, hindi kita matawagan dahil nag alala akong baka matrace ang calls ko sayo. Kamusta, are you okay there? Everything is okay there right?" puno pa din ng pag aalala ang kanyang boses.
"I'm fine Gail. Sorry hindi ako agad nakatawag kanina. Nalibang ako sa pag uusap namin ni ate Arrie at pag katapos ay nakatulog. Kagigising ko lang. I'm fine in here, how about you? May kasama ka ba dyan?" nag aalala ring tanong ko sa kanya. Hindi ko na ipinahalata pa na masama ang aking pakiramdam dahil siguradong hindi s'ya mapapakali.
Narinig ko ang kanyang malalim na pag hinga bago siya nag salita, "Mabuti naman kung ganoon. I'm with dad's bodyguard don't worry. Anyways you should eat now, it's almost nine Vy."
Tumango ako kahit pa hindi naman n'ya iyon makikita. Napanatag ako ng malamang kasama n'ya ang bodyguards ng kanyang ama, "Okay, ikaw din. Please take care. I'll call you again later or tomorrow morning make sure to pick up or I'll freak out."
Narinig ko ang pag tawa n'ya kaya napangiti na din ako, "Okay okay I will, don't worry. Call me anytime, specially if something came up okay?"
"Okay, bye Gail."
Pag katapos ng tawag ay nag pasya akong maligo. Pakiramdam ko ay ang bigat bigat ng katawan ko at mababawasan lang iyon kung maliligo ako.
Dumiretso ako sa c.r at nag babad sa bath tub doon. Nasa katamtamang lamig lang ang tubig kaya narerelax ako. Naalala ko si Gail, napakaswerte ko parin talaga dahil kahit na ang dami dami kong problema ay hindi ako iniiwan ng bestfriend ko. Kung wala s'ya ay hindi ko alam kung paano ko ito kakayanin. Gail is my best friend, she's my family too. Kaya hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang lahat ng ito kung wala siya sa akin.
Nag tagal ako sa tubig hanggang sa gumaan ang aking pakiramdam. Nang matapos ay nag bihis ako at nag pasyang bumaba. Nakasalubong ko naman si ate Arrie na patungo sana sa kwartong ipinahiram nila sa'kin.
"Gising ka na pala. Tamang tama, tatawagin na sana kita sa para kumain," ngumiti ako sa kanya tsaka sumunod sa pag baba.
Nang marating ang mesa ay marami nanamang nakahandang pag kain. Napatingin ako sa garden at nahagip doon si Lucas na nakatalikod sa gawi ko, nakapamewang habang kausap si Ram.
Andito na pala s'ya? Anong oras naman kaya s'ya dumating?
"Sorry late na ang dinner. Pag dating kasi ni Lucas ay may mga inasikaso kami. Hindi ka na muna n'ya pinagising para daw makapag pahinga ka pa," sambit n'ya tsaka nag simula ng kumain.
Nag simula na din naman akong kumain at pasimpleng tumitingin sa binta sa gawi ng garden. Hindi pa ba sila kakain?
"Nauna na silang kumain dahil mag hahanda pa sila para bukas. Aalis raw kayo ng maaga at nag paplano sila kung paano masusundo ang kaibigan mo pag alis n'yo ni Lucas."
Para n'yang nabasa ang nasa isip ko dahil iyon mismo ang sagot doon.
"Saan po ba kami pupunta?" mahinang tanong ko. Unti unti nanaman akong nawawalan ng boses dahil sa lagnat.
"Sa rest house namin sa Pangasinan, duon muna kayo mananatili."
Tumango naman ako at hindi na nag salita. Mas sumama ang pakiramdam ko kumpara kanina ng magising. Sumasakit na din ang ulo ko, mali atang nag babad pa ako sa tubig.
Napansin naman iyon ni Harriet, "Are you okay Vy?"
Ngumiti ako sa kanya at tumango, "Opo, masama lang ang pakiramdam pero okay lang. Bukas ay mawawala na rin ito."
"Are you sure?" paninugurado pa n'ya.
"Yes po," I smiled at her even wider so I could convince her. Good thing that I did.
Pag katapos kumain ay inihatid agad ako ng ate ni Lucas sa kwarto. Nag aalala parin siya at gustong mag pahinga na ako agad, hindi na rin ako umangal dahil naiinis lang ako sa baba.
Kanina bago kami matapos kumain ay pumasok si Lucas sa dining area para kumuha ng maiinom. Hindi n'ya ako tiningnan o ni sinulyapan man lang. Basta na lang siyang kumuha ng tubig at uminom tsaka ulit umalis.
Ano bang problema n'ya? Kung galit pala siya sa akin ay bakit pa n'ya ako tinutulungan? Hindi ko siya maintindihan! Hindi ko din maintindihan kung bakit ganito ang nararamdam ko.
Inis akong nahiga sa kama. Pinipilit kong makatulog ngunit hindi ako dinadapuan ng antok. Lalo lang akong naiirita dahil nararamdaman ko ang pag taas ng lagnat ko, ngayon lang ako naging sakitin ng ganito. Parang nakikisabay pa sa dami ng isipin ko. I sighed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top