Chapter 17
Chapter 17
The next morning Gail didn't let me go to work but I pushed her to go to hers. I don't want to cause her trouble so I promised her that I won't accept any visitor today. I also told her about my plan to talk to Xavier dad today while she's not here. She was a bit hesitant but then I managed to convince her that I'll be fine.
"Make sure to call me when something happened, 'kay? I'll go ahead now. Love you." She said and hugged me.
"Sure thing. Take care, love you."
Matapos noon ay umalis na siya. Ako naman ay nag handa para sa pag punta sa daddy ni Xavier.
I don't have any clue on what will happen but I hope he'll understand me. His understanding is important to me because I owe so much to him. Tito Felipe gave me work that supported me with my studies and without his help I don't think graduating would be that easy for me. Hindi man n'ya ako binibigyan na lang basta ng pera pero walang pag dadalawang isip n'ya akong pinag katiwalaan na mag trabaho sa kanilang restaurant. Hindi man ganoon kalaki ang nakukuha ko doon ay nagawa noong alalayan ako sa pag aaral. Nakapag ipon ako at nakaupa sa apartment matapos ng dalawang taong pananatili bilang bed spacer. Hindi n'ya din ako pinakitaan ng kahit na anong kasamaan. Lagi niya akong inaalala at kinakamusta, madalas nga ay mas inuuna n'ya pa ako kumpara sa kanyang anak kaya ang opinyon at pag payag niya sa desisyon ko ngayon ay napakahalaga. I respect him so much that I need his approval, I need the assurance that he understand me.
Wearing my simple plain white v neck shirt and black jeans with a pair of white sneakers I went out of the house and go to their restaurant.
Kabado ako buong biyahe sa kahihinatnan ng aming pag uusap. Panay din ang dasal ko na sana ay maunawaan n'ya ako kahit pa alam kong gustong gusto n'ya ako para kay Xavier.
"Hi Susan, andito ba si Sir?" tanong ko sa waitress na wala pang ginagawa dahil iilan ilan pa lang ang costumer. Maaga pa kaya kakaunti palang ang tao dito.
"Oh, Veronica ngayon ka na lang ulit nakadaan ah. Oo andyan sa office niya. Puntahan mo na lang dun wala naman s'yang kausap," si Susan ay halos kaedad ko lang, natanggap siya dito noong maka-isang taon na akong nag tatrabaho dito.
"Sige salamat," ngumiti ako sa kanya at nag paalam ng pupunta sa office. Dahil nga malaki rin itong restaurant nila Xavier at dito sa branch na ito ang laging pinupuntahan ni Tito ay may sarili siyang office dito.
Kabado pa ako ng makaharap sa pinto ng opisina pero pilit kong isinantabi iyon. Mas makakabuti kung makakausap ko na si Tito para hindi na maging mas kumplekado pa ang sitwasyon. Ayaw ko na ding maging dahilan pa ito ng kahit na anong pag tatalo sa amin ni Xavier.
I knocked at the door before opening it. Napangiti naman si Tito ng makita ako at agad din akong pinapasok.
"Ija, mabuti ang nakadaan ka. Biglaan ata pero ayos lang, kumain ka na ba? Anong gusto mo ija sabihin mo lang at ipahahanda ko agad," masiglang sabi n'ya. Malayo sa huling kita naming nanghihina pa s'ya at di pa nakakarecover sa pag kakaospital.
Halos mag dadalawang buwan na din noong nangyari iyon at ngayon ay hindi na ulit aakalaing inatake nanaman siya nung nakaraan.
"Salamat po, hindi na Tito. Dumaan lang po ako kasi gusto ko kayo makausap. May sasabihin po sana ako," kabado ngunit diretso kong sabi sa kanya. Hindi naman siya mukhang nagulat, dahil nga siguro alam naman na din niya na ang ipinunta ko dito ay ang tungkol sa amin ni Xavier.
"Sige ija makikinig ako," malumanay at seryosong sambit niya.
Huminga ako ng malalim at malungkot na ngumiti sa kanya. Nakaupo siya sa swivel chair niya at ako naman ay sa upuang nakalaan sa bibisita sa kanya dito sa unahang gilid ng kanyang lamesa.
"Tito, Xavier and I broke up. We haven't told you yet because we're worried about you," panimula ko, tumango tango naman siya para ipaalam sa aking alam niya iyon at hindi na siya nagulat. "I'm sorry po but I think I couldn't fulfill my promise anymore. I respect you so much Tito that's why I came here to personally talk to you about this," tumungo ako upang maiwasan ang mga mata n'yang nalulungkot.
"Ija alam mo namang anak na ang turing ko sayo hindi ba? Alam ko na hindi ganoon kabuting nobyo ang anak ko sa'yo pero alam kong mahalaga ka sa kanya anak. Baka naguguluhan lamang siya. 'Wag mo munang sukuan ija," malumanay narin ang boses n'ya ngunit may lungkot na doon. Nakagat ko ang aking pang ibabang labi sa kirot na dumaan sa aking puso. Nalulungkot ako dahil malungkot si Tito Felipe na naging isang magulang ko na rin.
"Baka kapag binigyan mo pa s'ya ng isang pag kakataon ay matauhan na siya ija. Alam kong ikaw ang mabuti para sa anak ko. Masyado itong makasarili ngunit gusto ko pa sanang hilingin sayo na huwag mo muna siyang sukuan. Nabubulag lang ang batang iyon ng akala niyang pag mamahal niya kay Samantha. Piliin mo ulit ang anak ko ija," nangungumbinsi ang boses ni Tito Felipe.
Sa totoo lang ay may kung ano sa aking gustong mag pakumbinsi sa kanya pero hindi parin noon matalo iyong kagustuhan kong tapusin ito para sa sarili kong kapakanan.
Nag angat ako ng tingin at sinalubong ang malulungkot na mga mata ni Tito Felipe. I wonder if my father would ever look at me like that if he knows I'm in pain. Malulungkot din kaya siya sa sitwasyon ko, gaya ng pag kakalungkot ni Tito Felipe para sa anak n'ya?
"Tito Felipe, when I loved your son I did not hesitate to give him all my trust and my all. I promised myself that I will dedicate myself to him, no matter what. For years Tito, wala po akong ibang ginawa kundi ang mahalin ang anak ninyo. Ang piliin s'ya lagi kahit alam kong hindi n'ya ako pipiliin. Dahil kung may pamilian man s'ya ay hindi ako kasama doon at nasaktan po ako, iyon po ang totoo. Nasaktan ako pero ayos lang po. Mahal ko s'ya kaya tinanggap ko parin kahit nasasaktan ako. Wala po akong pag sisisihan roon dahil kung mag sisisi man po ako ay hindi iyon dahil sa nag pakamartyr ako sa anak ninyo. Ang pag sisisihan ko lang po ay yung pinilit ko ang sarili ko sa kanya kahit pa alam kong wala naman akong puwang sa puso nya. Pinili ko po siya Tito, pinipili ko siya lagi. Sa apat na taon namin ay hindi ko kailanman pinili ang sarili ko laban sa kanya. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo, mahal na mahal ko po siya kaya ko nagawa ang mga dapat hindi ko na ginawa pa. Siguro po masyadong natagalan pero ngayon ko lang po narealize na hindi na kami bata, na lumipas na rin ang mga taon pero wala namang nag bago. May mahal po ang anak n'yo Tito at hindi po ako iyon," nanginginig man ang boses ko ay nagagawa ko paring mag salita ng tuloy tuloy. Nangingilid ang aking mga luha ngunit walang gusto na kumawala.
"Hindi po ako nakipag hiwalay sa anak ninyo dahil lang sa may mahal s'yang iba dahil nakaya ko naman pong tanggapin iyon. Ang totoong dahilan ko po ay ang sarili ko. Naaawa na po kasi ako sa sarili ko dahil lagi na lang akong nag mamakaawa sa atensyon at pag mamahal. Tito nasasaktan at nasira po ako, hindi ko po alam kung maaayos ba ako kung mananatili ako sa anak ninyo. Pero parang ang hirap po kasing ayusin ang sarili ko sa tabi ng taong hindi naman ako nakikita. Hindi po ako maaayos ng taong sumira sa akin. Mahal ko pa rin po si Xavier, pero hindi na po tulad ng dati. Ngayon po unti unti ko ng natututunang mahalin ang sarili ko at alam ko pong kalaunan ay mabubuo ko ang sarili ko. Hindi ko po alam kung mag mamahal ako ng iba pag katapos nya pero ayaw ko po munang isipin iyon sa ngayon. Gusto ko pong sarili ko muna kasi masyado ko pong naubos ang sarili ko para sa anak ninyo. Hindi ko po gustong madismaya kayo dahil napakalaki ng utang na loob ko sa inyo, Tito. Sobra sobra po ang respeto at pasasalamat ko sa inyo sa pagiging magulang sa akin pero gusto ko po sana na maintindihan ninyo ako ngayon. Ayaw ko na pong makulong sa relasyong isa lang ang nag mamahal. Pagod na po ako Tito at sana po maintindihan ninyo ako. Sorry po dahil hindi ko na kayang tuparin pa ang hiling ninyo."
Parang nabawasan ang bigat sa aking dibdib ng matapos kong sabihin iyon. Hindi naman agad nag salita si Tito Felipe, tahimik lang s'yang nakatingin sa akin ng may malungkot pa ring mga mata. Nalulungkot din ako pero kailangan ko ito para sa sarili ko.
"Naiintindihan kita ija. Patawarin mo sana ako sa pag pipilit sa'yo sa anak ko. Hayaan mo rin akong humingi ng paumanhin sa lahat ng pag kukulang ng anak ko pati na rin sa mga sakit at hirap na idinulot n'ya sayo. Salamat sa pag tatyaga sa anak ko at pag iintindi. Huwag kang mag alala anak naiintindihan kita, nalulungkot ako dahil ikaw ang gusto ko para sa anak ko pero ayaw na kitang pilitin pa. Mahalaga rin sa akin ang kaligayahan mo kaya kung saan ka mapapanatag at mapapabuti ay susuportahan kita. Naiintindihan kita ija," ngumiti si Tito Felipe sa akin ng sabihin n'ya iyon. Lalo namang nagilid ang luha ko ngunit ngayon ay dahil na sa saya na dulot ng pag intindi ng kaharap.
"Salamat Tito," babasag ang tinig ko doon ngunit pilit ko paring pinigilan ang pag iyak. Lalong gumaan ang pakiramdam ko. Parang aalis ang isang pasanin ko kaya hindi pa man nauubos ay nabawasan na din naman ang bigat.
Namutawi ang katahimikan sa aming dalawa matapos iyon at ng maikalma ko na ang aking sarili ay nag pasya na akong mag paalam.
"Tito Felipe aalis na rin po ako. Maraming salamat po sa oras n'yo," inayos ko ang aking sarili at tumayo na rin. Ganoon din naman si Tito at lumapit na din sa akin para mayakap ako.
Ganito rin kaya ang pakiramdam kapag totoong tatay mo ang kayakap mo? Siguro ay hindi. Baka mas masarap sa pakiramdam kung totoong magulang, pero dahil wala ako noon ay sobra akong nag papasalamat sa mga munting yakap ni Tito Felipe. Noon pa man ay niyayakap niya ako tuwing natatapos kaming mag usap ng seryoso, iyon ang paraan n'ya ng pag papagaan ng loob ko na hindi lang ganoon ang epekto dahil ang mga yakap n'ya noon ang nag silbing basehan ko ng yakap ng isang ama sa kanyang anak.
"Sigurado ka bang ayaw mong kumain?" tanong n'ya sa akin matapos ang yakap.
Ngumiti ako sa kanya tsaka sumagot, "Hindi na po Tito sa bahay nalang po."
"Kung ganoon ay ipahahatid kita kay Roman," alok n'ya na agad ko na ring tinanggihan.
"Hindi na po Tito. Ayos lang po dahil may dadaanan pa rin po ako bago umuwi," palusot ko nalang. Ayaw ko nang mag pahatid dahil ayaw ko nang makaabala pa sa kanila.
"Are you sure ija? Puwede ka namang doon nalang ihatid ni Roman. Saan ba ang punta mo?" pangungumbinsi pa n'ya.
"Hindi na po, salamat Tito ayos lang po talaga. Alis na po ako."
"Okay then, take care ija and please visit us more often okay?" ngumiti naman ako at tumango sa kanya.
Palabas na ako ng office nang muli akong humarap kay Tito na ngayon ay nakaupo na ulit sa pwesto n'ya kanina. Naalala ko iyong tungkol sa career ni Xavier.
"Ah Tito about po pala dun sa pag rerecording ni Xavier," nahihiyang sambit ko. Tumaas naman ang kilay niya, tila naguguluhan.
"Let's just support him po. Your son is a good musician Tito. He's old enough to handle himself din po kaya 'wag mo na po siyang takutin tungkol doon. Suportado ko s'ya sa pag tugtog at alam ko na proud din kayo sa anak ninyo. He really loves music and I'm sure you see his passion on it too. Let's just support him Tito," ngumiti ako ng makita ang pag kamangha ni Tito ng sabihin ko iyon. Ginagamit niya lang na dahilan iyon para mapag ayos pa kami ni Xavier at ngayong nalinaw ko na sa kanya ang gusto ko ay naging malinaw din na masaya din s'ya sa tinatahak na career ni Xavier.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top