Chapter 10

Chapter 10

Lucas assisted me to my room before he proceed to his. Napagusapan naming pagkatapos ng ilang activity ngayon ay tsaka kami ulit mag kikita.

Nakakahiya nga at baka mainip siya pero ang sabi nya ay ayos lang.

Nag bihis ako ng damit na isusuot mamaya, isang  mustard flowy dress ang suot ko at sandals. Matapos kong mag ayos ay lumabas na ako para pumunta sa event area ng resort at duon nakita ang mga katrabaho mula sa iba't ibang department.

Wala akong gaanong kaclose sa kanila kaya tatlong araw akong walang kausap tuwing mag activity. Mabuti na lang pala at sinamahan ako ni Lucas, kahit paano ay hindi ako malulungkot o maiinip.

Opening palang ang nangyari, matapos ang discussion about sa mga activities na gagawin namin para sa sunod araw ay tapos na kami. Bukas ang pinakahectic na sched maging sa pangatlong araw, ngayon ay para ito sa pag pahinga at pag libot namin sa lugar.

I texted Lucas that we're done. Dapat ay kakain kami roon pero nag pasya akong sabay na lang kami ni Lucas.

Ako:

We're done. Where are you?

Habang nag aantay ng reply n'ya ay naupo ako sa isang sun lounger malapit sa pool sa harap ng entrance ng resort.

Nilapitan naman ako ni Miss Marisa kaya ibinaling ko ang atensyon sa kanya.

"Miss Berdin," ngumiti ako sa kanya nang tuluyan siyang makalapit.

"Miss Marisa?"

"Are you really with the," nag aalangang simula nya kaya natawa ako ng bahagya. Type nya ba si Lucas?

"Si Lucas po? Opo kasama ko sya," mas malaki ang ngiti ko sa kanya ngayon. Bigla naman syang hindi mapakali kaya't hindi ko napigilan ang pag angat ng aking kilay. She's got a crush on him that fast?

"Ah kasi Miss Berdin,"

"Hey you're here. You didn't reply on my text," lumapit sa akin si Lucas. Agad naman akong tumingin sa cellphone ko at nakita nga roon ang reply nya. Kapit niya ako sa aking bewang nang bumaling siya kay Miss Marisa kaya napatingin na rin ako.

Namumula ito at mukha nanamang di mapakali. Kunot noo naman akong napatitig sa kanya. Don't tell me she really likes Lucas? Agad?

"Sige Miss Berdin, I'll go ahead. Enjoy the place, Sir. Bye," nag mamadali siyang umalis.

What was that? Ang weird n'ya ha!

"What did she tell you?" marahang tanong ni Lucas nang makaalis na si Miss Marisa.

Ngumiti ako sa kanya at umiling, "She's got a crush on you Lucas," I grinned.

Umismid naman siya sa akin at mas inilapit ako sa kanya. Nasa likod ko siya ngayon kaya para nya akong yakap. Nakatanaw lang kami sa swimming pool na sa dulo ay dagat na rin.

"You hungry?" he asked. Doon ko pa lang naalala na nag desisyon akong sabay na kami kumain.

"Yeah, kumain ka na ba? Hindi na ako roon kumain para sana sabay na tayo," maliit ang boses ko ng sabihin iyon, bahagyang nahiya.

"Okay then let's eat," sambit niya tsaka ako iginaya sa restaurant ng hotel.

Tahimik lang ako habang pinag mamasdan siyang mag order ng aming pagkain. Kung hindi ko alam na driver siya ni Samantha ay iisipin kong mayaman siya. Sa porma niya at sa kung paano niya dalhin ang sarili niya, sa tindig at ganda ng pangangatawan hindi ko maiisip na hindi siya mayaman. Siguro masyadong malaki ang sweldo niya kay Samantha kaya, kayang kaya niya mag waldas ng pera ng ganon lang kadali.

Bumaling siya at nahuli akong nakatitig. Ngumiti ako sa kanya at hinayaan siyang tumitig pabalik.

"Why are you staring?" may tunog nang pang aasar sa kanyang boses.

I leaned on the table and give him a sweet smile, "Ang gwapo mo," humagikhik ako nang makitaan siya ng gulat sa sinabi ko. Namula rin ang kanyang tenga maging ang kanyang mukha at leeg.

"Stop that Veronica," seryosong sambit nya. Lalo naman akong natawa, hindi nya ako magawang tingnan.

Ang cute at ang gwapo naman ng lalaking ito!

Nang dumating ang pagkain ay tahimik parin siya kahit nang nilalagyan niya ang aking pinggan ng pagkain. Malaki naman ang aking ngisi dahil parin sa kanya.

"Patatabain mo ba ako Lucas? Sobrang dami naman nito!" reklamo ko nang mapabaling sa dami ng pagkaing ibinigay nya sa akin.

"You look skinny. You should eat a lot," seryosong sambit nya habang hinihimayan ako ng hipon.

"I'm not skinny! At ako na ang mag hihimay marunong naman ako," reklamo ko sa kanya.

"Yeah. Pero masyadong maraming tumitingin sayo kaya dapat ay tumaba ka," patuloy parin siya sa pag babalat ng hipon para sa akin.

"Kumain ka na Lucas marunong ako nyan. Ako ng bahala," sambit ko tsaka kinapitan ang braso niya para patigilin.

Tumingin siya sa akin at tumikhim, "Alam kong marunong ka. Gagawin ko dahil ayaw ko nang malansahan pa ang kamay mo at gusto kong asikasuhin ka," marahang paliwanag niya habang tinititigan ako. Nag iwas ako ng tingin at ako naman ang hindi makapag salita.

May dumaang kirot sa aking dibdib. Noon pa man walang ibang nag asikaso sa akin kundi sila Sister Mona sa ampunan. Walang ibang nag kusang loob na asikasuhin ako bukod sa kanila at kay Gail. Kaya ngayong may umiintindi sa akin ay parang naninibago ako. Tuwing inaalalayan at inaasikaso ako ni Lucas ay pakiramdam ko ay nagiging sobra ako. Ang pakiramdam na inaalagaan at inaasikaso ay parang naging kasalanan sa akin, tila ba hindi ako maaaring makaramdam noon kaya tuwing ganito siya ay kumikirot ang dibdib ko. Nalulungkot ako dahil wala namang may ibang gumagawa nito. Nasanay ako na sarili ko lang ang may malasakit sa akin mula nang umalis ako sa ampunan.

"Thank you," marahang sambit ko. Ngumiti siya sa akin at muling inilahad ang pagkain.

Nang matapos kami ay nag pasya kaming lumibot sa lugar. Nag lalakad siya sa may unahan ko habang ako ay nakasunod sa kanya, hinaharangan niya ang init para daw hindi ako masyadong mainitan.

Ang gwapo gwapo niya talaga, kahit habang nakatalikod ay ang lakas ng dating niya kaya hindi na ako nagugulat na ang daming napapalingon at napapatingin sa kanya.

Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhaan siya ng picture. Para iyong sillouete dahil nakaharap ako sa araw. Muli akong kumuha ng picture na nakalahad naman ang kamay sa kanya tsaka napangiti nang saktong lumingon siya kaya naka-side siya sa picture habang nakalahad ang kamay ko sa kanya.

Nakataas ang kilay niya sa akin ng itago ko ang phone ko. Tumawa naman ako at inunahan na siya sa pag lalakad. Sumilong ako sa malilim at naupo sa buhangin, nandito na kami ngayon sa dalampasigan na naghahati sa swimming pool at dagat.

Naupo siya sa tabi ko, nakataas parin ang kilay dahil sa ginawa ko kanina. I chuckled and just shrug. I don't want him to see the picture, that's only for me.

"Come here," marahan niyang tinapik ang pwestong malapit sa kanya. Hindi naman ako kumilos kaya't siya ang lumapit sa akin at naupo sa pwesto sa aking likod. Sumandal siya sa puno at hinila ako palapit sa kanya.

Ang tibok ng puso ko at unti unting lumakas, tila ba hinahabol sa karera kaya ilang saglit pa akong stiff bago nakapag relax.

Pinaglalaruan niya ang mga daliri ko sa aking kanang kamay. Kinuha ko naman ang aking phone at kinunan ng picture ang mga paa naming magkadikit, tsaka muling itinago sa aking bag.

"Can I see those?" marahang bulong niya sa akin. Bahagya akong nakiliti kaya't natawa ako ng kaonti.

"No," nakangiting sambit ko. Mas sumandal ako sa kanya para mag relax, pinulupot niya ang kaliwang kamay niya sa aking tiyan. Nakayakap na ngayon sa akin. Ang isang kamay ay patuloy na hinahaplos ang aking kanang kamay.

"Why?" marahang tanong nya ulit.

"That's only for me," nakangiting sambit ko. Naramdaman ko ang marahang tango niya kaya't lalo akong napangiti.

Tahimik lang kaming dalawa habang nakaupo roon. Noon hindi ko kailanman naramdaman ang ganito, hindi ko pa nararamdaman ang ganito kapayapang pakiramdam.

Nakakatakot dahil masyadong mabilis at marami pa akong dapat harapin lalo na ang daddy ni Xavier pero hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko. Hindi ako tanga, alam kong unti unti na akong nag kakagusto kay Lucas. Hindi ko alam kung paanong ganoon kabilis pero nasisiguro ko na kakaiba ito sa naramdaman ko kay Xavier.

Hindi ako sigurado kung wala na akong nararamdaman para kay Xavier pero hindi na iyon katulad noon.

At ngayong lagi akong inaalagaan at iniintindi ni Lucas hindi ko maiwasang mag isip o mag tanong kung nasaan na ba ang totoong pamilya ko? Asan ang mga magulang ko?

"What are you thinking?" he whispered. I sighed and shook my head.

"Something is bothering you?" marahang bulong niya muli.

"Hmm, naiisip ko lang kung nasan kaya ang pamilya ko?" bulong ko.

Nasaan kaya sila? Bakit nila ako ipinaampon? Hindi ba nila ako mahal? O hindi nila ako gusto?

"You want to find them?" he asked slightly kissing my hair.

I closed my eyes. Relaxing a bit.

Gusto ko ba silang hanapin? Gusto ba nilang hanapin ko sila?

"No," halos hindi na iyon marinig ngunit masyadong attentive si Lucas para mapalampas iyon. Marahan niyang pinisil ang kamay ko at muli akong pinatakan ng halik sa tuktok ng aking ulo.

Natatakot ako na baka kapag hinanap ko sila at natagpuan ay hindi nila ako magustuhan. Baka hindi sila matuwa na hinanap ko pa sila gayong ipinamigay na nila ako noon pa.

"There's no reason not to love you, Veronica." he whispered.

I bit my lower lip as my tears fall down to my cheeks. He hugged me from behind, putting his face between my neck and shoulder.

"There's no enough reason not to love you baby," mas humigpit ang yakap niya sa akin. Patuloy ang luha ko sa pag agos ngunit ang maliliit na bulong ni Lucas ay nag pakalma sa akin. Tila ba naiintindihan siya ng puso ko kaya't napapalitan ng pagkapanatag ang kirot na nararamdaman ko.

Nang tumahan ako ay pinamumulahan naman ako ng mukha dahil sa hiya sa biglaang pag iyak. Hindi ko talaga maintindihan minsan ang sarili ko dahil kahit naman sa harap ni Gail ay hindi ako ganito ka-emosyonal pagdating sa aking pamilya. Maging kila sister Mona sa ampunan ay hindi ako naging ganito ka-sensitive pero sa  harap ni Lucas ay talo ko pa ang batang iyakin.

Tahimik lang ako habang nilalaro ang kanyang mga daliri. He really makes me feel safe and secure. Isang bagay na hindi ko kailanman naramdaman kay Xavier.

Nakayakap parin siya sa akin, hindi nag sasalita. Siguro'y tinatantya niya kung maayos na ba ang pakiramdam ko o hindi.

Napangiti ako at muling kinuha ang aking cellphone. Iniharap ko iyon sa amin at ngumiti, nanati namang nakabaon ang mukha ni Lucas sa aking leeg. Kinunan ko iyon at tsaka siya pinatingin sa camera ng cellphone ko. Mapungay ang mata niya habang nakatingin sa camera habang nakalagay pa rin ang kanyang mukha sa aking balikat. Ngumiti ako sa camera at kinunan iyon ng picture. Matapos noon ay ibinalik kong muli sa aking bag.

"You love taking pictures?" He asked while he burried his face on my neck slightly tickling me, I didn't mind though.

"Hmm, it's good to keep. Memories are even better to remember with the pictures. It's a treasure. Lahat ng mga pictures ay hindi na mababago kahit na marami nang nag bago sa lugar, sa tao o sa kahit na ano pa," nakangiti kong paliwanag, ngayon ay pinag lalaruan ang kanyang buhok. Ang bango niya at ang lambot lambot pa ng buhok nya.

Hindi ko alam kung ilang oras kaming nag tagal roon pero nang nag pasya kaming bumalik sa taas ay nakalubog na ang araw.

Inihatid niya ako sa room ko at tsaka siya pumunta sa kanya. Hindi naman iyon ganoon kalayo ngunit may ilang pagitan.

Naligo akong muli at nang matapos ay nagsuot ng bikini at pinatungan iyon ng isang tube dress na blue. Ang top ng aking bikini ay tube rin kaya ayos lang na tube rin ang aking dress.

Mag suswimming ako pagkatapos naming mag dinner ni Lucas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top