Chapter 1
Chapter 1
Veronica Marchella
"Ver, can you give us a minute?" my boyfriend asked me.
"Do I really have to leave you two here?" I asked almost whispering.
"Why? Don't you trust me?" he asked a bit irritated.
May tiwala ako sayo. Pero sa nararamdaman mo para sa akin, hindi ko alam.
"Ah right. Of course I trust you," I faked a laugh as step back and leave them two alone.
Palihim akong ngumiti ng mapait pagkalabas ng silid. Bakit pa ba ako sumama rito na alam ko namang narito siya? Nakalimutan ko nanamang sa loob ng apat na taon naming dalawa ay hindi naman ako ang mahal niya. Napipilitan lang siyang manatili sa akin dahil ako ang gusto ng daddy nya para sa kanya.
Ang tanga ko lang dahil kahit na alam kong walang pag asang mapalitan ko ang babaeng mahal niya sa kanyang puso ay nahulog parin ako sa kanya.
Ewan ko ba, wala naman siyang ibang ginawa kundi ang pakisamahan lamang ako para sa kagustuhan ng kanyang ama pero nag padala parin ako. Nahulog parin ako kahit na alam kong handlang lamang ako sa kanila ng babaeng mahal niya.
Bumaba ako sa receiving area ng recording studio na pag aari ni Samantha Nicolas ang babaeng mahal ng boyfriend ko.
Everything feels unreal, tila ba hindi ako nakikita ng mga tao at wala silang pakealam sa akin.
Oo nga pala, lahat sila rito ay boto kay Samantha at Xavier. Ang tingin nila sa akin ay hadlang at kontrabida.
Tuluyan na akong lumabas ng building at nag pasya na lamang na umuwi. Ngunit bago pa man makasakay sa taxing lumapit sa akin ay nanlamig na ako ng makita ang iniiwasan ko sa building na ito na papalit sa akin.
"Veronica!" napasapo ako sa aking noo ng marinig ang eskandalosong tawag niya sa akin.
Peke akong ngumiti ng humarap sa kanya, "Hi," awkward na bati ko sa kanya.
"Paalis ka na? Wala ba rito si Xavier?" maganda ang kanyang ngiti. Matangkad siya kaya naman bahagya pa akong tumingala para maharap siya ng maayos.
"Andyan siya sa taas. May importante silang pag uusapan ng Samantha kaya umalis na muna ako. Uuwi na rin ako ngayon dahil may nakalimutan akong gawain," pag sisinungaling ko pa sa dahilan kung bakit ako uuwi.
"Ihahatid na kita, gusto mo?" nakangiti pa ring alok niya sa akin. Talo niya pa ang may commercial sa sobrang ganda ng ngiti niya sa akin.
Agad naman akong umiling at tumanggi sa kanya. Hangga't maaari ay ayaw kong mag karoon ng mahabang interaksyon sa kanya. Ewan ko ba kung bakit, "Nako hindi na, ayos lang. Dito na ako sa taxi sasakay. Baka bigla kang kailanganin ni Samantha at parehas pa tayong malagot kung malaman niyang umalis ka para ihatid ako," dinugtungan ko pa iyon ng pekeng tawa para itago ang pagtataboy ko sa kanya.
"Sigurado ka ba? Hindi naman mamasamain ni Samantha iyon, panigurado." malumanay na sambit niya ngunit umiling akong muli.
"Ayos lang talaga Lucas. Sige, mauna na ako may gagawin pa kasi ako. Salamat nalang sa offer."
Ngumiti ako tsaka agad na tumalikod sa kanya. Nang makasakay ay agad na kaming nag tungo pauwi. Nahagip pa sa side mirror ng taxi ang pag kaway niya sa akin.
Mabait si Lucas. Kahit noong unang beses kaming magkakilala ay naging maayos na ang tungo niya sa akin. Lagi niya akong kinakausap at minsan pa ay sinasamahan ako tuwing hindi ako maaaring sumama sa loob ng recording room nina Xavier.
Nang makauwi ay agad akong tumawag sa aking kaibigan para may makausap tungkol sa aking nararamdaman.
Nitong mga nakaraang linggo ay nagiging iba ang tungo sa akin ni Xavier. Noon ay lagi niya akong pinapakisamahan at lagi lamang siyang mabait sa akin. Siguro dahil na rin sa utos ng kanyang amang may sakit sa puso ngunit nitong mga nakaraan ay lagi siyang naaaburido. Madalas na rin kaming mag talo dahil sa pabago bago ng mood niya.
Ayaw ko mang isipin na nangyayari ito dahil kay Samantha ngunit hindi ko pa rin maiwasan. Mula ng bumalik ito galing sa Australia ay nag bago sa akin si Xavier.
Hindi rin naman ako manhid para hindi maramdaman na dahil iyon sa nariyan na ang mahal niya.
Kaya lang naman kami naging mag karelasyon dahil sa kahilingan ng kanyang ama.
I sighed when I heard my best friend's knock. Agad akong bumangon sa pag kakahiga sa sofa at pinag buksan siya ng pintuan.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa sarili mo ha Veronica? Ako nang gigigil na talaga ako sayo ha! Ilang taon na kitang sinasabihang hiwalayan mo na yang Xavier na yan pero di mo gianagawa! Ano bang meron yan ay hibang na hibang ka sa kanya?" agad na sermon sa akin ni Gail ng makapasok siya sa apartment ko.
Agad naman akong naupo sa tabi niya at sumandal sa kanyang balikat, "Ang tagal na rin pala," mahinang sambit ko. Narinig ko pa siyang naiinis na ginaya ako kaya napangiti ako ng mapait. Sa kanya ko lang kayang sabihin ito kasi siya lang naman talaga ang meron ako.
"Hibang na nga ata ako Gail. Kasi alam ko naman na di nya ako mahal pero minahal ko parin sya," naiiyak na sambit ko.
"Gaga! Hindi ka lang hibang, martyr ka din. Naiimbyerna talaga ko sa desisyon mo sa buhay Veronica Marchella! Nanggigigil ako sayo!" Inalis niya pa ang ulo ko sa balikat nya dahil sa inis niya sa akin.
Tumawa naman ako ng bahagya kaya tinitigan niya ako ng masama. Humugot ako ng malalim na hininga bago tumingin sa kanya at ngumiti ng malungkot.
"4 years. Apat na taon ko ng pinipilit yung sarili ko sa kanya. Wala na nga akong laban sa babaeng mahal nya nung halos apat na taon na wala nasa malayo sya tapos ngayon bumalik sya, lalo akong nawalan ng laban," tumawa ako ng mapait bago itinuloy habang umiiyak, "Ang haba ng taon na wala si Samantha pero di natutunan ni Xavier na mahalin ako."
Tuloy tuloy ang mga luha ko sa pag agos. Naramdman ko nalang ang yakap sa akin ng best friend kong si Gail.
4 years ago I met Xavier when I tried to apply for a part time job on their family restaurant. 2nd year college na ako noon at kailangan ko ng extrang pera para maituloy ang aking pag aaral.
Namumuhay na ako noon mag isa at kumakayod para sa sariling pangangailangan dahil hindi ako kayang alagaan at itaguyod ng aking mga magulang.
10 years old ako noong nag pasya silang ipaampon ako sa di nila kakilala. At kahit na iyak ako ng iyak noon ay wala parin akong nagawa para hindi nila ako ipamigay. Mabait ang umampon sa akin ngunit hindi rin nila nakayanan ang pag papalaki sa akin ng magkasakit ng malubha ang kanilang anak kaya't ipinaampon rin nila ako sa bahay ampunan.
Nanatili na ako sa ampunan mula noon. Nakapag aral na rin at natuto ng mga gawaing bahay, pati na rin ilang paraan para magka-pera. Nang makapag tapos ako ng high school ay nag pasya akong mag apply ng scholarship sa unibersidad na gusto kong pasukan at sa awa ng Dyos ay nakapasa ako. Kaya lang ay hindi parin sapat na wala akong tuition fee na aalalahanin dahil maraming projects at activity na kailangan kong pag laanan ng pera. At dahil nga nasa ampunan pa rin ako, ay sinikap ko na lang mag hanap ng mapag-tatrabahuhan para makabawas sa gastusin.
Naging bantay ako ng karindirya, nag tinda ng mga miryenda, nag pabayad sa pag gawa ng project at assignment para may maipong pera na magagamit ko para sa mga projects at activities. Hanggang sa noong mag second year ako at mas malaki na ang gastusin. Nag pasya akong mag hanap ng part time job na mas malaki ang sasahurin ko. At doon ako natanggap sa restaurant na pag-aari ng pamilya ni Xavier.
Naging madali ang pagkakatanggap ko roon dahil nawalan sila ng isang waitress kaya mas naging madali rin sa akin na makaipon ng pera. Noon ay wala lamang sa akin si Xavier ngunit nag simula kaming mag karoon ng interaksyon ng ipakilala ako ng kanyang ama sa kanya para maging tutor niya sa subject na mahina siya.
Mabait siya at lagi lamang nakangiti kaya naman naging magaan ang loob ko sa kanya. Gentleman siya at sweet rin kaya sa loob lamang ng isang taon naming mag tutor at mag kaibigan ay nag kagusto na ako sa kanya.
Pero ang tanga ko dahil akala ko iyong mga kabaitan at ka-sweetan niya ay may kahulugan. Akala ko ay parehas kaming may gusto sa isa't isa pero nagulat na lang ako ng ipakilala niya ang kanyang girlfriend noon sa kanyang ama sa restaurant nila kung saan ako nag tatrabaho.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig at sinampal ng makita siyang halos kuminang ang mga mata habang nakatingin sa babaeng ipinakilala niya biglang nobya.
Ngumiti pa siya noon sa akin at proud din na ipinakilala si Samantha. Ngumiti rin ako at nag panggap na masaya para sa kanila kahit na sa loob loob ko'y nasasaktan ako at labis na napapahiya.
Ako lang pala yung nahulog sa simpleng interaksyon namin sa loob ng ilang buwan na iyon.
Naging madalas ang punta nila sa restaurant at doon nag papalipas ng oras. Kung titingnan sila ay para silang may sariling mundo kung mag usap at mag titigan habang ako ay napupuno lamang ng inggit at panghihinayang.
Akala ko gusto niya rin ako.
Hanggang sa tumigil na ako sa pag tututor sa kanya dahil si Samantha na lang raw ang mag tuturo sa kanya na hindi sinang ayunan ng kanyang ama. Noong una pa man ay ramdam na naming lahat na hindi nagustuhan ng ama niya si Samantha para sa kanya. Minsan pa ay kinausap niya ako at kinumpronta na akala niya ay may namamagitan sa amin ng anak niya. At syempre nag panggap lang akong tawang tawa kahit na ang totoo ay labis muli akong napapahiya sa aking sarili. Masyado kasi akong nag assume at nangarap na posible akong magustuhan ng katulad ni Xavier.
Naging magulo ang relasyon nila matapos ang pag bagsak ni Xavier sa Calculus na sinabi niyang si Samantha ang mag tuturo sa kanya dahil na rin sa mas napagtuunan nila ng oras ang kanilang relasyon kasya roon. Labis na pagkadismaya ang naramdaman ng kanyang ama kaya naman lalo lamang naging tutol ito sa kanilang dalawa.
At dahil doon naging dahilan iyon ng sunod sunod na pag aaway nilang mag ama. Hanggang sa atakihin ito sa puso at nalagay sa kritikal na kalagayan.
Noon hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot na nakarecover ang kanyang ama pero alam ko sa loob ko na ginusto ko rin ang gusto ng ama niya.
Matapos niyang makarecover ay hiniling niya kay Xavier na hiwalayan si Samantha at ligawan ako. Noong una ay hindi pumapayag si Xavier ngunit ng makita na halos atakihin ulit ang kanyang ama ay agad siyang nakipag hiwalay kay Samantha at niligawan ako.
Aaminin ko, naging makasarili ako noon. Dahil kahit puwede akong tumanggi ay hindi ko ginawa. Hinayaan ko siyang ligawan ako dahil ang totoo ay gusto ko siya. Gustong gusto ko siya kaya kahit alam kong hindi niya ako mahal, nag panggap ako. Nag bulag bulagan ako at piniling kumbinsihin ang aking sarili na walang mali roon.
Hindi ko namalayan na masyado akong nahulog sa kanya kaya nang magkaroon ako ng pagkakataon na angkinin siya ay naging makasarili ako. Hindi ko na inisip pa ang nararamdaman at mararamdaman niya.
"I wish I wasn't selfish. Edi sana hindi ko nararamdaman ito ngayon," tahimik na sambit ko matapos umiyak dahil sa mga alaalang iyon.
"I just wish I could turn back the time and I'll choose to not know him at all. Para hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon. Para hindi ako nasakit noon," muling bumuhos ang aking mga luha dahil sa sakit na namamayani sa aking puso.
Hindi ko alam kung ganito ba ang pag mamahal. Ang alam ko lang, sana hindi nalang ako nasasaktan ng ganito.
Sana hindi nalang ganito kasakit kasi pakiramdam ko wala akong karapatan mag mahal. Pakiramdam ko, hindi ako kamahal mahal.
Muli kong pinilit na ikalma ang aking sarili. At nang magawa iyon ay tsaka ako muling humarap kay Gail at ngumiti kahit na alam kong mukha akong tanga.
"Pwede ba Veronica, ikaw na ang makipag hiwalay dyan sa boyfriend mong gago. Wag mong antayin na sugurin ko yan!"
Natawa na lamang ako sa matinis na boses nya. Kahit kailan talaga ay hindi siya naging kalmado pagdating kay Xavier.
"Kung makapag banta ka naman ay akala mo napakahaba ng biyas mo friend," biro ko sa kanya kaya naman nakatanggap na pa ako ng batok mula sa kanya.
"Hindi rin talaga maganda ang lumalabas sa bibig mo Marchella Veronica ano? Bwiset! Akala mo kung sinong maganda, tse! Ano bang pag kain mo rito at naiimbyerna ako sa kadramahan mo!" ang tinis ng boses nya ay nangingibabaw sa aking apartment.
"Kung makasigaw ka naman Gail Penelope talo mo pa ang nakatira sa malacañang!" birong sita ko sa kanya na ikinatawa naming parehas.
At least I have her, and I can still manage to laugh after the heartaches right?
I just can't drop everything easily. Not now.
I sighed. Please, let me know what to do.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top